Se connecter“Exactly. Hunger waits for no one.” Tumingin siya kay Vincent. “Also, huwag mo siyang takutin.”“Who?”“Kleo. Halata namang gusto mo na siyang paalisin at papasukin nang sabay.”Gavin clutched his chest dramatically. “Poetic.”Tinitigan sila ni Vincent nang malamig. “You’ve known her for less than fifteen minutes.”“And I already like her. That means may problema ka, at wala sa kanya.”“Amazing logic, Kianna.”“Thank you!”Pagkapasok muli ni Kianna sa villa, napatingin si Gavin kay Vincent na para bang may final verdict na siya sa Korte Suprema.“Everyone saw that, by the way.”“What?”“The thing.”“There is no thing.”“The thing where she says one simple sentence and biglang tumitigas ang panga mo.”Vincent exhaled slowly. “If you’re done with your analysis...”“Never,” sabi ni Gavin, pero sumunod pa rin pabalik sa loob.Unfiltered ConversationsSa kabilang villa sa Guest Sector B, wala pang limang minuto mula nang makapasok sila ay binuksan na agad ni Kleo ang lahat ng malalaking bi
Nagkatinginan ang dalawa sa loob ng ilang segundo. Then both of them smiled wider.“Gusto kita,” deklarasyon ni Kianna.“Ang bilis mo naman,” sagot ni Kleo.“Hindi ako mahilig sa slow burn.”“Mukha nga.”Napailing na lamang si Vincent sa dalawa.Gavin leaned close to Khalid and whispered, “We’re doomed.”“Matagal na,” malamig na sagot ni Khalid.Mula sa terrace ng main villa sa itaas, may sumilip na maliit na ulo sa railings.“Tito!”Napatingin si Vincent pataas. Naroon ang kanyang pamangkin, nakadikit ang mukha sa bakal. Sa tabi nito ay si Vivian, maingat na nakahawak sa balikat ng bata upang hindi ito masyadong mag-lean.“Ay naku,” sabi ni Kianna. “Nakita na kayo.”“Can we come down?” sigaw ng bata mula sa itaas.“No running!” sigaw ng boses ni Lucien mula sa loob ng silid bago pa man makababa ang dalawa.“Too late!” sigaw pabalik ng kanyang anak.Mabilis ngang bumaba ang bata sa hagdan, walang katakot-takot. Napamura nang mahina si Lucien habang mabilis na sumusunod sa likod nito.
Pag-uwi ni KhalidHindi agad gumalaw si Vincent.Nakatayo lamang siya sa mataas na pavilion, malamig ang aura, habang pormal na bumababa si Khalid mula sa itim na SUV—at kasunod nito ang babae sa kabilang pinto.Si Kleo.Parang walang nagbago sa mga nakalipas na taon, subalit sa kabilang banda, parang lahat ay tuluyan nang nagbago. Mas matangkad siya ngayon, mas matigas at sharp ang tindig, at mas halata ang hindi magagapi na pagiging pasaway. Subalit naroon pa rin ang pamilyar niyang lakad—ang lakad na parang wala siyang pakialam kung sino man ang nakatingin sa kanya sa buong mundo.“Wow,” pabulong na komento ni Gavin mula sa likuran ni Vincent. “Mukhang hindi na pambata ang childhood problem mo.”Hindi siya pinansin ni Vincent. Nanatiling nakatutok ang kanyang mga mata sa ibaba.Sa dulo ng stone path, sumilip muna si Khalid sa paligid bago dahan-dahang tumingala sa pavilion. Nagtama ang mga mata nila ni Vincent sa hangin.Isang maikling tango ang ibinigay ni Khalid. “Vincent.”“Late
Huminto ang aking daliri sa ibabaw ng papel na hawak ko. Hindi malaking galaw. Hindi halata sa ordinaryong tumitingin. Subalit sapat para maramdaman ko ang biglaang pagbabago sa hangin.“Kailan?”“This afternoon.”“Alone?”Huminto si Steven. Ibinaba niya nang kaunti ang tablet at tumingin sa akin nang tuwid.“No.”Isang matinding katahimikan ang bumalot sa opisina—iyong uri ng katahimikang hindi hihingi ng permiso bago sumakop sa buong silid.“Who is with him?” tanong ko sa mababang tono.Tinapik ni Steven ang screen, saka binasa ang detalye. “His sister.”Wala akong sinabi agad. Hindi dahil sa hindi ko narinig ang kanyang sinabi, kundi dahil may mga pangalang kahit hindi pa tuluyang binabanggit ay nauuna nang sumuntok sa iyong mga alaala.“Name,” utos ko.Steven looked at the screen again. “Kleo.”Parang may kung anong lumang pinto na biglang ibinukas sa aking dibdib. Hindi malakas, hindi dramatikong pagbagsak—mas masama. Yung klaseng tama na tahimik, subalit diretso sa kaibuturan ng
Vincent Thor VanderbiltMaaga akong nagigising.Hindi dahil kailangan. Kundi dahil sanay na ang katawan ko na mauna sa lahat—sa araw, sa ingay, at sa bawat problemang posibleng dumating.Sa Sanctuary Florest, bihira ang tunay na katahimikan. Hindi dahil maingay ang paligid, kundi dahil humihinga at buhay ang buong lugar. May pantay na lagaslas ng talon sa malayo, may malamig na hanging dumadaan sa hanay ng matataas na puno, at may mga ibong hindi ko man kabisado ang pangalan ay kabisado ko naman ang bawat tunog. May gintong liwanag ng umaga na dahan-dahang gumagapang sa malalaking salamin ng villa na parang may sariling isip.At sa gitna ng lahat ng ganda at kaayusang ito—ako pa rin ang sentro.Hindi bilang isang hari, kundi mas tama sigurong sabihing… tagapagbantay.Ako ang unang gumigising sa buong estate. Ako ang huling natutulog. Ako ang taong sinisiguradong walang guguho kahit isang haligi habang abala ang iba sa kanilang pamumuhay.Ganoon ako. Ganoon na ako katagal.Nakatayo ako
Itinaas ni Kianna ang kanyang kamay. “Agreed din ako. Pero kung magtatangka pa rin ng anumang manipulasyon ang panig ni Mia o ni Diamond, hihingi ako ng clearance para pormal silang harapin.”“Kianna,” sabay naming paalala sa kanya.Subalit napa-iti ako nang mahina, at sa kabila ng matinding bigat, naramdaman ko ang bahagyang pagluwag ng aking dibdib.Tinitigan ako ni Lucien, na para bang ang munti kong ngiti ay isang pambihirang milagrong kinakailangan niyang ingatan. At doon ko napagtanto—kahit gaano man nawasak ang buhay ko sa nakaraan, may bahagi pa rin sa akin ang handang lumaban at mabuhay nang buo.Paglabas namin ng pribadong lounge, hindi na kami muling bumalik sa pangunahing bulwagan.Mabilis na nagbigay ng utos si Victor sa security detail upang gamitin ang secure back exit ng pasilidad.Habang naglalakad kami sa kahabaan ng koridor, dahan-dahang lumapit si Gavin sa aking tabi, pinapanatili ang isang magalang at sapat na distansya.“Ysa,” mahinahon niyang bilin, “kung may an


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




