Nanlaki ang mga mata niya sa biglaang pagsigaw ko. Gulat na gulat ang kanyang expresyong nakatingin sa akin."Gusto ko lang mag-sorry dahil-" Hindi niya naituloy ang kanyang sabihin nang sabuyan ko siya ng pera sa mukha. Sumugod ako sa kanyang harapan at sinampal ang libo-libong pera sa pisngi niya.Galit na galit ako sa kanya. Malamin ang paghinga ko matapos kong gawin 'yun sa kanya. Kulang pa. Sa palagay ko'y kulang pa. Hindi sapat sa akin ang simpleng sampal lang."Hindi ko kailangan ng sorry mo, gag*. Kainin mo 'yang bayad ko sa utang ko sayo, alam kong binayaran mo ang bills ng anak ko. At gusto ko itong bayaran dahil ayaw kong isipin mo nanaman na pera ang habol ko sayo!" Sigaw ko sa kanya. Kinuyom ko ang kamao ko, kulang na lang ay dumugo ito sa sobrang higpit ng pagkakuyom ko. Dinuro ko siya at pinanliksikan ng tingin. "Hayop ka! Kasal ka sa akin noon! Asawa kita, siguro naman ay naaalala mo na kung paano mo 'ko lokohin. Alam ko, Xier! Alam na alam kong nakipagsiping ka sa
“You’re the woman that slept with my daddy.” Singhal niya at tinuro ako. Napa ‘o’ rin ang bibig niya animo’y gulat na gulat.Kumunot ang noo ko sa kanyang tinuran. Hindi ko puwedeng sabihin rito na hindi totoo ang sinasbai niya dahil alam ko mismo sa aking sarili na totoo ang kanyang sinasabi. Kahit mali man, hindi pa rin maibabaliktad na pawang katotohanan ang sinasabi ng bata. “Sino ang nagsabi sa’yo niyan?” Nagtatakang tanong ko.“Mommy said it to me. She said that the lady who was here when we arrived is daddy’s kabit. Kabit means sleeping with my dad, right?” Inosente niyang saad.Bakas sa kanyang expression at sinasabi na wala siyang kalam-alam sa nangyayari sa kanyang paligid, na para bang normal lang ‘yun na gawain, ni hindi niya man lang ako inaway. Nagtagis ang bagang ko, galit na galit ako sa ina niya.Ang bata-bata niya pa pero kung ano-ano na ang pinagsasabi niya sa bata. Hindi ba siya nag-iisip? Alam niyang wala pang muwang ang anak niya sa nangyayari sa paligid pero ku
Pinaalis ko na ito dahil maggagabi na at kailangan niyang bantayan ang anak kong si Pyxier. Nung una ay ayaw niya pang pumayag dahil siya na raw kuno ang magbabantay sa akin pero pinilit ko siyang bumalik kila nanay. Hindi puwede mapuyat si nanay, iyun ang kabilin-bilinan sa kanya ng doctor nang isinugod namin siya sa hospital noong bigla na lamang ito nahimatay, huwag na raw siya ipapapuyat ulit. Masama sa matanda ang kulang sa tulog at pahinga. "Sige ate. Babalik na lang ako rito bukas ng tanghali, daldalhan kita ng pagkain, napapansin ko kasing namamayat ka ate." Aniya, bago tumalikod at umalis. Tinignan ko ang sarili ko. Tama nga siya, medyo namamayat ako, dahil din siguro sa puyat, walang kain at walang pahinga ko. ..... Hindi ko na muling nakita pa sila Azul, Cy at Zulan. Simula nang marinig ko silang nag-uusap noon, hindi ko na muling nakita ang kanilang bulto. Ngayon ako madi-discharge. Hiniram ko muna ang cellphone ng kapatid ko at tinawagan si sir Lue upang ma
Dinidibdib ko pa rin ang sinabi niya sa akin. Na ang tanging habol ko lamang sa kanya ay ang kanyang pera. Hindi ko aakalaing ganoon pala ang iniisip nila sa akin. Oo, mahirap lamang ako pero kahit kalian hindi ako na silaw sa pera, kontento na ako kung ano mang meron ako, hindi na ako humahangad ng mas malaki pa. Napapaisip ako. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Nagpapakasarap lang ba siya sa kanyang yaman kasama ang kanyang pamilya habang ako halos mabaliw na kakahanap sa anak naming nawawala at ang isang anak ko rin ay wala pa ring malay sa hospital. Isa rin sa pinoproblema ko ay ang gastusin, wala akong trabaho, hindi rin sapat ang ipon ko para mabayaran ang bills ni Pyxier sa hospital, tapos dumagdag pa ako, kagaya ng anak ko ay nasa hospital din ako. Patong-patong na ang problemang pinapasan ko ngayon. Hindi ko na alam kung ano pa ang uunahin. “Ate!” Sigaw ng kapatid kong lalaki nang bumungad siya mula sa pinto. Para siyang pusang bigla na lamang tumalon patungo sa aki
“Wala akong pakealam sa babaeng ‘yan,” tila walang damdamin niyang sabi. Napakasakit marinig galing sa bibig mismo ni Cy ang mga katagang binangit niya. Pasalamat ako nang marinig muli ang pagbukas ng pinto at mga yapak nilang papaalis sa silid. Nang masigurong wala na sila at nag-iisa na lamang ako sa silid, unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Ang kanina’y pinipigilan kong luha ay umagos na ngayon. Nakatingin ako sa pinto kong saan lumabas ang mga ito. Tama nga ang sabi nila, “Truth hurts.” Ang sakit malaman ang totoo, iniisip ko na baka tulog pa ako at nananagginip lamang pero ilang beses ko ng kinurot ang aking sarili pero ganoon pa rin, gising ako at hindi panaginip ang lahat ng ito. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang nurse na babae na may dalang pagkain. Pinakain niya ako, ngayon ay hindi na ako umayaw pa. Kumain ako hanggang sa mabusog ako, ramdam ko ang matinding gutom ko habang kumakain, naalala kong dalawang araw na pala akong walang ka
"Bitaw mo si Py,” an echo voice came from the person who just entered the room. Nagpupuyos sa galit ang expression niya habang nakatingin sa amin. Na bitin sa ere ang kamay ni Xyle, gulat na gulat din sa lalaking sumulpot. Lihim akong nagpapasalamat sa nang dumating siya. Naglakad siya papalapit sa aming kinaroroonan at hinablot ang kamay ni Xyle sa buhok ko. Nagulat ako ng itulak niya ang babae ng buong lakas kung kaya’t napasubsob si Xyle sa sahig. “Ahh! How dare you! Isusumbong kita kay Rexier!” Sigaw niya kay Zulan. Binalewala lamang ni Zulan ang babaeng nasa sahig. Bumaling siya sa akin, ang kanyang matalim at malamig na tingin ay biglang napalitan ng pag-aalala nang dumako ang tingin niya sa akin. “Sorry kung ngayon lang,” aniya. Iyak lamang na naitugon ko sa kanya. Tumalikod siya matapos sabihin sa akin ang mga katagang ‘yun. Lumuhod siya upang magpantay sila ni Xyle. Sa ika lawing pagkakataon ay nagulat nanaman ako sa biglaan niyang kilos. Hinablot niya ang braso ni