"Ayaw ko na! Busog na busog na ako ih," angal ko kay Rexier dahil pinipilit niya pa rin na ipasubo sa'kin ang pagkain. Busog na ako, full na full na ang tyan ko. Sa dinami-dami ba naman na pinakain niya sa'kin, parang puputok na ang tiyan ko sa kabusugan. "No, kailangan mong kumain ng madami, paano na lang kung gutom pa pala si baby? Paano kung gusto niya pa palang kumain? Kawawa naman siya," seryoso niyang sabi saka tinaliman ako ng tingin. "Ang oa mo naman! Fetus pa lang 'to, Rexier. Ayaw ko ng kumain, busog na ako. Kung gusto mo, ikaw na lang kumain diyan, bigay mo na sa'kin ang vitamins ko, manonood pa'ko ng k-drama mamaya," inis na utos ko sa kanya. Wala na talaga akong pake kahit na boss ko pa siya, naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya minsan, minsan naman ay gusto ko na lang siya yakapin at sakalin. "Ok, fine!" Malakas siyang napabuntong-hininga na parang sumusuko na saka inilapag ang tray sa mesa. Kinuha niya ang vitamins na iniwan ng nurse saka binigay
Terakhir Diperbarui : 2025-06-20 Baca selengkapnya