Partager

QUATRO

Auteur: Hopeyurgurl
last update Date de publication: 2026-07-09 18:09:17

DALAWANG araw na ang lumipas mula noong dumating sila dito sa isla. At sa dalawang araw na 'yon nakalimutan niya ang dahilan kung bakit siya pumayag na sumama sa kanyang amo.

Sa haba ng bakasyon na meron siya wala siyang ibang ginawa kundi mag saya. Matapos ang nag daang gabi na bangayan nila, kinabukasan dinala siya nito sa isang boutique dito sa resort at binilhan siya ng mga damit.

Kahit sa kunting oras na pagsasama nila ng binata, may napansin siya sa ugali nito na hindi niya nakikita sa loob ng malaking bahay na 'yon. Mahilig itong gumawa ng mga simpleng bagay—gaya ng pag-lalaro sa mga pambatang laruan. Tulad ng seesaws, tumbang lata at iba pa. Lapitin din ito ng matanda dahil sa laging nakangiti nitong mukha.

Gaya ngayon nag renta ito ng bangka dahil gusto nitong mangisda sa kabilang panig ng resort. Wala siyang hilig sa ganoon pero gusto niyang ma experience—kaya agad na'rin siyang nag handa para masamahan ito.

Nakaharap siya sa salamin habang inaayos ang balabal na suot. "You need anything?"

Agad siyang napabaling sa binata ng magsalita ito. Napatingin naman siya sa basket na dala na pinahatid niya kanina para sa kakainin nila Mamaya.

"Wala na senyorito, ito na lahat." Aniya.

Tumango naman ito at sinenyasan siyang sumunod. Pag dating nila sa dalampasigan may nag hihintay na na bangka papalaot sa Lugar na pupuntahan nila. Agad itong inasikaso ni senyorito Gabriel at may binigay na papel sa lalaki na sa tingin niya ang sasama sa kanila.

Naunang sumakay ito bago siya inalalayan pasakay sa bangka. Dahan dahan naman siyang umupo sa silya na hula niya ay gawa sa kahoy.

"Gaano katagal bago tayo makarating sa pantalan tiyo?" Malakas na tanong ni senyorito para marinig nito dahil sa lakas ng buga ng hangin.

"Isang oras at kalahati sir, medyo malayo kasi dito ang pantalan." Malakas na tugon ng matanda.

Tumango naman ang binata at ibinaling ang tingin sa kanya.

"You okay?" Tanong nito.

Agad naman siyang tumango habang mahigpit na nakakapit para hindi mahulog.

Nang makarating sila naunang bumaba ang binata para alalayan siya. Medyo nanginingig pa ang mga binti niya  dahil sa tagal ng byahe.

"Salamat po." Kinuha nito ang bitbit niyang basket at ito na mismo ang nag dala.

Ilang minuto silang naglakad papunta sa cottage na nakikita nila sa di-kalayuan. Nang makarating sila doon, agad itong naghanda at inayos ang mga gamit na dala nila para sa pangingisda.

Tahimik niya naman itong pinagmamasdan dahil wala naman siyang ibang gagawin. Matapos ito sapag hahanda inaya siya nitong sumama.

Gamit ang foldable camping chair, doon sila umupo habang hinihintay na may kumagat sa pain nito. Tahimik ang namagitan sa kanilang dalawa kaya agad niyang binasag ang katahimikan.

“Mahilig ka bang mangisda, Senyorito?” tanong niya habang nakatuon pa rin ang tingin sa tubig.

“No, this is my first time actually.”

Sarkastiko niya itong tiningnan. “Para sa isang baguhan, masyado kang confident na makakahuli ka.”

Ngumisi naman ito sa sinabi niya. “Of course. Ako pa ba.”

Napailing na lang siya sa sagot nito.

“But actually, I've been fishing lately—No... more like.... negotiations.”

Nagdikwatro siya ng upo at ibinaling dito ang buong atensyon. “What do you mean?”

“Marami akong alam na sports. Not to enjoy but to negotiate to another businesses." Nakangiti itong bumaling sa kanya.

"Ang boring ng buhay ko hindi ba?"

Nakatitig lang siya sa ngiting nakapaskil sa labi nito…hindi niya matukoy kung ano ba talaga ang nasa likod ng ngiting ‘yon.

"Oo nga. Ano ngayon kung maraming pera, kung hindi ka naman masaya."

"Right?!" Malalim itong napa buntong hininga.

“Ohhh!” sigaw niya nang mabilis, nang mapansing gumalaw ang floater sa tubig.

Agad itong hinila ng binata, at napatayo siya bigla nang makita kung gaano kalaki ang nahuli nila. Mga dalawang kilo siguro ‘yon kung tantsahin niya.

“May ulam na tayo!” masiglang sabi niya sabay palakpak, tapos tumalon-talon pa siya na parang bata sa tuwa.

Malakas na natawa ang binata habang nakatingin lang sa kanya. Inilapag nito ang isda sa buhanginan at dahan-dahang tinanggal ang kawil na nakasabit sa bibig nito.

“Anong gusto mong gawin dito?” tanong nito habang hawak pa rin ang isda.

Nakangiti naman siyang nag-isip. "Grilled fish. Tapos mag budol fight tayo habang nag b-bonfire sa gilid!" Excited niyang sagot.

Napailing nalang ang binata pero may ngiting nakapaskil sa labi niya. "Okay, okay. I'll clean the fish."

Tumango siya at mabilis na tumakbo papuntang cottage para i ready ang mga gagamitin nila. Dahil alam niyang mangingisda ang binata, naka ready na ang mga sangkap na gagamitin nila kung sakali man na anong klase ng luto ang gagawin niya.

Kinuha niya ang kutselyo sa basket kasama na ang chopping board. Nag hiwa siya ng mga sangkap para sa sawsawan nila para mamaya. Matapos agad siyang lumabas sa cottage dala ang mga gamit.

Nakita niya ang binata na nag hahanda na ng sagapa, at nakalagay naman ang isda sa malaking kahoy.

Nilapag niya ang dalang gamit bago lumapit dito para tulongan. Kumuha siya ng kahoy na nasa gilid at nilagay sa apoy.

"Pwede na po 'yan," Aniya.

Kinuha naman nito ang isda at inayos sa ibabaw ng kahoy na nagsilbing saklay sa magkabilang gilid ng apoy. Sabay silang umupo habang binabantayan ang niluluto.

Patuloy nitong pinapahiran ng pampalasa ang bawat hiwa ng isda, habang siya naman ang taga-lagay ng kahoy para hindi mamatay ang apoy. Nang malapit nang maluto, minabuti niyang ihanda na ang kanin at 'yung ibang baon nilang ulam.

Naglagay siya ng dahon ng saging sa foldable table at doon nilagay ang kanin at nag lagay nadin siya ng dalawang mineral bottle. Nakangiti naman siyang bumalik sa upoan.

Ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa balat niya, sinasabayan pa ng masarap na init na nagmumula sa apoy ng iniihaw nila.

Unti-unti ng bumaba ang araw sa kalangitan—nag halo na ang dilim saka Liwanag. "Ang ganda..." Bulong niya.

Nakatuon lang ang tingin niya sa araw na nasa harap niya, Hindi napapansin ang dalawang pares ng mata na nakatitig sa kanya.

Nabalik sila pareho sa sarili ng may naamoy na parang nasusunog. Nagkatitigan silang dalawa at mabilis na napatingin sa iniihaw.

"Shit," Agad na mura ng binata at agad na kinuha ito sa apoy.

Pareho silang natawa ng makita na nasunog ang kabila, pero pwede pa naman kainin—i think?!

"Pwede pa 'yan," Natatawa niyang ani habang inaalis ito ng binata sa kahoy.

Tumawa ito. "Yes, half of it." Anito na agad nilang kinatawa.

"Eh,-"

"Don't blame me." Agaran nitong sabi ng titigan niya ito.

Napailing nalang siya at nilagay ang isda sa dahon ng saging para makakain na sila. Napangiti naman ang binata at pinagdikit ang upoan nilang dalawa.

Kinuhanan siya nito sa hindi masyadong sunog at nilagay 'yon sa kanya. Nakangiti niya Naman itong binalingan ng tingin at kinain ang binigay nito. —At nag tapos ang haponan nila sa tawanan habang kumakain. Gaano man kalaki ang agwat ng estado nila sa buhay, nawala 'yon pag dating sa hapagkainan.

NAGHALO ang lamig ng simoy ng hangin at ang init ng apoy na nanggagaling sa bonfire. Matapos ang kanilang hapunan, nagdesisyon ang binata na dito na sila magpalipas ng gabi—walang problema rin naman iyon sa kanya, dahil komportable naman siyang kasama ito.

Napayakap siya bigla sa sarili nang malakas na dumampi ang malamig na hangin sa kanyang balat. Nakita naman iyon ng binata at agad na ibinigay ang jacket nito sa kanya.

“Okay lang po, senyorito,” mabilis niyang tanggi nang ilagay nito iyon sa kanyang balikat.

“It’s okay, naiinitan kasi ako,” sagot nito.

Umiwas siya ng tingin at lihim na napangiti.

“Ang ganda ng mga bituin, senyorito, hindi po ba?” aniya.

Napatingin naman ito sa kalangitan at ngumiti. “Yeah. I wish it would last....”

“Ha?” taka niyang tanong, dahil hindi niya narinig ang buong sinabi nito.

Tumawa lang ito at hinarap sa kanya ang sariling upuan.

“Tell me, Lira, ano ang pangarap mo?”

Napuno ng pagtataka ang mukha niya dahil sa biglang pag-iiba nito ng tanong.

“Makapagtapos at makahanap ng trabaho,” sagot niya.

Gulat ang gumuhit na ekspresyon sa mukha nito. “That’s it?”

Masaya siyang tumango. “Hm, wala na akong ibang pangarap bukod doon. Makahanap ng trabaho, matulungan ang mama ko. Iyon lang.”

Bigla itong umiwas ng tingin at pabulong na nagtanong.

“Is there anything else that you wish for?”

Napaisip naman siya sa tanong nito. Kahit siya kasi, hindi rin niya alam—hindi nga niya alam kung ano pa ang gusto niya. Basta ang alam lang niya ngayon ay ang matulungan ang mama niya. Iyon lang... wala nang iba.

“Wala na... kasi... si mama ang pangarap ko.”

Biglang tumahimik ang paligid, tanging ang kaluskos ng mga dahon at ang mahinang lagaslas ng hangin ang naririnig. Nanatiling nakatuon ang tingin ng binata sa kanya, tila ba may gustong sabihin ngunit pinipigilan lang nito. Sa bawat salitang binitawan ni Lira, parang may bagay na dumuduro sa puso niya—ang kaalamang para sa kanya lang umiikot ang mundo ni Lira, at wala siyang puwang sa mga pangarap nito.

Ngumiti ito, ngunit tila may halong lungkot ang ngiting iyon. Dahan-dahan itong umusog palapit sa kanya, sapat lang upang maramdaman niya ang init ng katawan nito na siyang nagtaboy sa lamig ng gabi.

"Napaka-swerte naman ng mama mo," mahina nitong ani, habang nakatingin sa mga mata niya. "May anak na handang ibigay ang lahat para lang sa kanya."

Yumuko siya, bahagyang namula ang pisngi dahil sa tindi ng titig nito. "Kailangan ko po siyang suklian sa lahat ng sakripisyo niya. Kung wala siya, wala rin ako."

Tumango ang binata at tumingin ulit sa langit na puno ng bituin. "You know what Lira... minsan, ang mga pangarap ay hindi laging tungkol sa kung ano ang kailangan natin. Sometimes, it’s about who or what makes us happy. The things we want to hold on to, no matter how long it takes."

Lumingon ito ulit sa kanya, at sa ilalim ng liwanag ng buwan at apoy, kitang-kita niya ang sinseridad sa mga mata nito.

"If you were given the chance to wish for one thing — something just for yourself... what would it be?"

Natigilan siya sa naging tanong nito at Napaisip siya nang malalim. Wala siyang matandaan na humiling siya ng kahit ano para sa sarili niya. Sanay siyang magbigay, sanay siyang magsakripisyo. Pero habang nakatingin siya sa binata, habang nararamdaman niya ang pag-aalaga nito at ang kapayapaang dulot ng presensya nito, may isang kaisipang biglang pumasok sa isip niya—isang bagay na ayaw niyang aminin kahit sa sarili niya.

Dahan-dahan siyang umiwas ng tingin at ibinaling ang paningin sa mga bituin.

"Siguro..." simula niya, mahina at parang bumubulong lang sa hangin. "Sana... sana ganito na lang palagi. Tahimik. Payapa. At kasama kita."

Nanlaki ang mga mata niya sa sariling sinabi. Mabilis siyang lumingon sa binata, takot na baka narinig nito ang mga huling salitang iyon.

Nakita niya itong nakangiti—ngiting mas malawak, mas masaya, at punong-puno ng kakaibang kislap.

"Talaga ba?" tanong nito, na parang nabigyan ng pinakamalaking kayamanan sa mundo.

Namula lalo ang pisngi niya at nagkunwaring nag hahablot ng mga damo sa tabi niya, kahit puro buhangin ang nasa paligid nila. "Wala po akong sinasabi, Senyorito. Baka po namali lang kayo ng rinig."

Tumawa ito nang mahina, isang tawang tila musika sa pandinig niya. Umusog pa ito nang kaunti palapit hanggang sa maramdaman niya ang braso nito na dumampi sa kanya.

"Fine. Hindi ko narinig," sabi nito, ngunit alam niya na alam nito ang totoo. "But remember... if you make a wish, and if the stars truly have the power... I will do everything to make it come true. No matter what you wish for."

Nakatingin lang siya dito, hindi alam kung Anong isasagot sa sinabi nito. Napaiwas siya ng tingin at pinili nalang na tumahimik.

Napangiti naman ang binata at tinuon ang atensyon sa dagat at sa dalagang na sa tabi niya—magkatabi sa ilalim ng liwanag ng langit.

TANGING simoy ng hangin at agos ng tubig ang nag silbing musika sa kanilang pandinig. Hindi nila alam kung ilang oras naba ang lumipas habang nakaupo sila kaharap ng alon.

"Lira?"

Lumingon siya sa senyorito ng marinig ang malambing na pag tawag nito sa pangalan niya—o baka naman pandinig niya lang 'yon.

"Po?"

"I didn't hear you talk about your father! Is it okay if I ask, why?"

Natahimik siya sa naging tanong tanong nito. Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin sa dagat na tila sumasabay sa biglang pagkabigat ng kanyang dibdib. Ilang sandali siyang hindi sumagot, tila binubuo muna ang lakas ng loob bago magsalita.

"Matagal niya na kaming iniwan at sumama sa ibang babae," mahina niyang simula, halos ibulong na lang sa hangin. "Siguro, mahigit siyam na taong gulang ako noon, iniwan niya kami ni mama—h-hindi ko na nga matandaan ang hitsura niya." Mahigpit siyang napakapit sa silya, tila doon kumukuha ng lakas.

"Simula noon, si Mama na lang ang lahat sa akin. Siya na ang naging ama at ina ko. Siya na ang nagtaguyod, nagtrabaho, at nagtiis ng hirap para lang mapalaki ako nang maayos. Kaya... wala po akong ibang pangarap kundi siya lang. Wala na po akong pakialam sa kanya—sa papa ko—dahil noong mga panahong kailangan namin siya, wala siya."

Lumingon siya ulit sa binata, at sa ilalim ng liwanag ng buwan, kitang-kita nito ang lungkot na matagal nang nakaukit sa kanyang mga mata.

"Kaya pasensya na po, Senyorito... wala po akong masyadong masabi tungkol sa kanya. Dahil sa buhay ko, hindi naman siya naging bahagi nito."

Ramdam ng binata ang sakit sa kanyang mga salita. Hindi ito nagsalita agad tila tinatansya ang dapat na sabihin. Sa halip, dahan-dahan nitong inilapit ang sarili sa dalaga at sa paraang puno ng pag-iingat, inilapag ang kamay sa ibabaw ng nanginginig na palad ni lira—parang sinasabing nandito siya ngayon, at hinding-hindi siya aalis katulad ng iba.

"I'm sorry," malambing na ani nito. "I never meant to hurt you. I just wanted... to get to know you better. And if there are parts of your past that are too painful to look back on, I understand. I won't bring it up again."

Ngumiti siya, isang ngiting may halong lungkot ngunit puno ng kaginhawaan.

"Salamat po, Senyorito."

Hinawakan nito ang ulo niya at dahan-dahang isinandal sa balikat nito.  

Tumikhim ito habang marahan siyang hinahaplos.

"Your father made a huge mistake," aniya. Bakas ang galit sa boses nito. "Leaving his family for another woman was one thing—one stupid thing—but missing out on watching his baby girl grow up? That’s unforgivable."

Mahina siyang natawa at tumingala dito. "Okay lang po 'yon. I'm not mad at him...."

Mabilis na bumaba ang tingin nito sa kanya. "You're not? Why?"

"Disappointed... maybe."

Huminga siya nang malalim at ibinalik ang tingin sa malawak na dagat na tila walang katapusan. Dahan-dahan niyang pinaglaruan ang mga daliri niyang nakapatong sa kanyang kandungan.

"Kasi po... Ang galit, Ibig sabihin may pakiramdam ka pa sa isang tao. Ibig sabihin, may halaga pa rin siya sa'yo. Pero si papa... matagal na po siyang wala sa buhay namin. Matagal ko na pong tinanggap na hindi niya kami pinili, at hindi niya ako gusto."

Napahinto siya sandali bago muling nagsalita, ang boses ay puno ng katotohanan.

"Kaya sa halip na magalit, nadismaya na lang ako. Nadismaya na hindi niya nakita kung gaano kabuti at kakaibang tao si Mama. Nadismaya na hindi niya naranasan ang mahalin ng isang tulad namin. At higit sa lahat... nadismaya po ako para sa kanya. Kasi siya po ang nawalan. Siya po ang nawalan ng anak na sana ay nagmamahal sa kanya nang buong puso."

Lumingon siya ulit sa binata at ngumiti nang mapait ngunit payapa.

"Pero wala po 'yon. Kahit wala siya, lumaki naman po akong puno ng pagmamahal. Si Mama ang nagbigay sa akin ng lahat, kaya wala na akong hinihintay pa mula sa kanya. Wala na po siyang halaga sa akin para pag-aksayahan ko pa ng galit."

Nanatiling nakatitig sa kanya ang binata. Habang pinakikinggan ang bawat salita ng dalaga, lalo lamang lumalim ang paghanga niya para rito. Sa kabila ng sakit at kawalan, natutunan nitong magpatawad at maging matatag—bagay na alam niyang hindi kayang gawin ng karamihan.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito, parang sinasabing pupunan niya ang lahat ng kakulangan at pagkukulang ng ibang tao.

"Then he really is the biggest fool I know," mariing anito, habang dahan-dahang hinaplos ang pisngi niya. "Because he threw away a treasure that he didn't even know he had. But Lira..."

Mas lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya na ikinalaki ng mata niya.

"Don't you ever think you were lacking, or that you weren't enough. The problem was never you. It was him. He was the one who wasn't enough... not worthy of you, or your mother."

Napuno ng luha ang mga mata niya, pero ngayon at sa pagkakataong ito, hindi ito luha ng lungkot. Ito ay luha ng ginhawa at pagkaunawa—dahil sa unang pagkakataon, may ibang tao na nakakita ng halaga niya, at handang ipaalala 'yon sa kanya araw-araw.

"Salamat po, Senyorito..." bulong niya.

Ngumiti ito at mas lalong inilapit ang mukha sa kanya, sapat lang para marinig ito sa gitna ng hampas ng alon at ihip ng hangin.

"Gabriel. Call me Gabriel, Lira. Here… in this place, and at this moment… I have no name, no title. I am just a person… and you're the only one I allow to call me that."

Natigilan siya. Pakiramdam niya ay huminto ang mundo sa paligid nila—tanging ang boses lang nito at ang malakas na kabog ng puso niya ang naririnig niya. Mainit na rumagasang dugo sa kanyang mga pisngi— mabilis siyang umiwas ng tingin, nahihiya sa tindi ng titig nito at sa bigat ng sinabi nito.

Sa unang pagkakataon, isang totoong ngiti ang sumilay sa labi ng isang GABRIEL LUIS DELOS SANTOS— ginulo nito ang buhok niya at pinag dikit ang noo nilang dalawa.

"You know, I think that someday, whether he realizes it or not, your father is going to regret the day he walked out on his family. Especially when he realizes what an incredible woman his daughter turned out to be."

Malapad siyang napangiti at sumandal muli sa balikat nito, ninanamnam ang natitirang sandali bago ito kunin sa kanya pag balik nila sa pamamahay nito.

At sa gabing iyon, sa gitna ng lamig at init, naintindihan ni lira na marahil... ang pangarap na hinahanap niya, ay naroon na sa tabi niya noon pa man.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (2)
goodnovel comment avatar
BalingasaEmelita
parang base sa kuwinto
goodnovel comment avatar
Mary Maximo
bakit feeling ko stepfather ni Gabriel papa ni Lira...
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Dernier chapitre

  • The Maid Who Stole the Señorito's Heart    SPECIAL CHAPTER 3

    Lirielle Amara DeLos Santos Mireille Alarih Delos Santos Salubong ang kilay niya habang pinapanood na bumaba ang kapatid niya mula sa kotse nito. Nakahanda na ang kamay niya para batukan ito pagkalapit na pagkalapit pa lang nito—dahil sa totoo lang, hindi na naman ito pumasok sa klase. The moment her younger sister caught sight of her standing there, instantly recognizing the deadly glare on her face, bigla itong nag-alinlangan na pumasok sa loob ng bahay. "A-Ate... hi?" Mireille offered a weak, nervous smile, taking a cautious step backward toward her car. "Mireille, sumunod ka sa akin," malamig niyang utos bago tumalikod para pumasok sa loob ng mansyon. "Gusto mo bang i-cut off ko naman ang allowance mo, ha?!" inis na banta ng dalaga pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa malawak na sala. She turned around, crossing her arms as she stared down her younger sister. "Mireille, pang-ilang beses mo na ba itong hindi pagpasok? You’re wasting your tuition, and Dad will absolutely l

  • The Maid Who Stole the Señorito's Heart    SPECIAL CHAPTER 2

    Lirielle Amara DeLos Santos Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa kusina, nakita na niya agad ang mga magulang niya na naglalambingan. Hindi niya mapigilang mapangiwi. As their daughter, she was genuinely happy for them, but sometimes, their extreme sweetness just makes her cringe."Ang aga-aga naman para sa teleserye niyo, Ami, Dad," She cleared her throat loudly as she walked toward the refrigerator.Natawa si Gabriel at dahan-dahang binitawan ang baywang ng asawa. He leaned back against the kitchen counter, casually folding his arms across his chest. Kayang-kaya niyang patakbuhin ang isang dambuhalang business empire nang walang takot, pero pagdating sa anak niya, he always had this soft, teasing smile."Good morning to you too, Doc," Gabriel said, looking incredibly handsome for a father of a grown-up daughter. "Inggit ka lang. Bakit hindi mo kasi ipakilala sa amin 'yang sinasabi ng mga nurse mo na misteryosong pasyente mo?"She nearly choked on her glass of water. Misteryosong pa

  • The Maid Who Stole the Señorito's Heart    SPECIAL CHAPTER

    Lirielle Amara DeLos SantosPagod siyang naglalakad sa hallway ng hospital nang tawagin ulit siya ng isang nurse. Gusto na niyang magmura sa sobrang inis, pero pilit pa rin siyang ngumiti bago ito hinarap."Yes?""Doc, 'yong isang patient mo kasi nagwawala naman," sumbong nito.Napahilot siya sa kanyang sintido sa narinig. "Alam mo, dapat sa mental hospital nila dinala 'yon, hindi dito," inis niyang ani habang naglalakad na sila pabalik.Ito 'yong pasyente niya na ayaw na ayaw na hinahawakan siya. Tingin niya nga ay may sakit talaga ito sa utak. Nag-suggest na siya sa pamilya nito na ilipat na lang ang lalaki sa psychiatric facility, pero natatakot ang mga ito na baka mas lalong mabaliw ang anak nila.Hello? Pero kami naman ang nababaliw dito ngayon.Isinuot niya ang kanyang doctor’s coat bago tuluyang pumasok sa kwarto nito. Bukas ang pinto at agad niyang nakita ang lalaking nakatayo sa tapat ng malaking bintana. Sobrang gulo ng kwarto—nagkalat ang mga bedsheet sa sahig at literal na

  • The Maid Who Stole the Señorito's Heart    EPÍLOGO

    Bago naging tahanan ni Gabriel ang mga bisig ni Lira, ang buhay niya ay isang malaking silid na gawa sa yelo. Growing up, he was the definition of cold and emotionless. Sa labas, he was the envy of everyone—the perfect, handsome heir to a multi-billion empire. Pero sa loob ng mansyon nila, he was nothing but an empty shell. Ang bawat kilos niya, bawat salita, at maging ang mga taong kakaibiganin niya ay kailangang dumaan sa approval ng kanyang ina. "You are a Delos Santos. You don't show weakness. You don't show emotions. Emotions make you pathetic," his mother's cold, sharp voice would always echo in his mind. He was trained to be a robot. Bata pa lang siya, bawal na siyang umiyak kapag nadadapa. Bawal siyang magreklamo kahit pagod na siya sa sandamakmak na lessons at business meetings na ipinipilit sa kanya. High school and college passed like a blur—he had no real friends, only connections that would benefit the family business. He didn't know what happiness felt like because he

  • The Maid Who Stole the Señorito's Heart    TREINTA y SEIS

    The next day, the backyard of Allan’s house was transformed into a small, intimate celebration. Allan and Arianna insisted on hosting a welcome-home dinner for them. The smell of grilled food, the soft fairy lights strung across the trees, and the sound of Lirielle’s giggles completely erased the five years of cold silence they had all endured. Gabriel hadn't let go of Lirielle all afternoon. He carried her on his shoulders, ran around the grass with her, and listened intently to every single story his daughter had to tell. It was as if he was trying to make up for every birthday, Christmas, and milestone he had missed in a single day. Lira stood by the patio, holding a glass of juice, just watching them. Her heart felt so full it almost ached. "See? I told you everything would be fine," Arianna said, walking up beside her with a gentle smile. She patted her pregnant belly. "Gabriel looks so alive today. Years of looking dead inside, and now he can't even stop smiling." Lira let o

  • The Maid Who Stole the Señorito's Heart    TREINTA y CINCO

    Magkasabay na lumabas sina Allan at Arianna sa kusina, habang ang anak niya ay nanatiling nakatayo sa hagdan. Her cute eyes were looking at Gabriel curiously. Gabriel couldn't breathe. Napapakurap-kurap siya, looking back and forth between the little girl and the woman beside him. The resemblance was uncanny, but it was the little girl's eyes—intense, deep, and identical to his own—that completely stripped away any doubt. "A-Ami...?" Gabriel stammered, his voice barely a whisper. He looked at her, his eyes wild with a mix of shock and dawning realization. "Is she... is she ours?" Lirielle took a step down the stairs, her tiny hands clutching her plush toy tighter. She looked up at Gabriel with pure innocence. "Mommy, who is he? Bakit po siya umiiyak?" Umiyak na rin siya nang tuluyan at dahan-dahang hinawakan ang braso ni Gabriel. "Gab, meet Lirielle. Our daughter. Buhay siya... hindi siya nawala sa atin." It felt like a bomb exploded in Gabriel's chest. All those years of grievin

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status