Share

chapter 4

AN: Isang mainit na panahon po sa mga nag-aabang ng update ko. Sana'y may comment rin kayo para naman ganahan si author. ❤😘

----------

VROSS

"Damien!"

Hindi ako agad nakapagsalita dahil sa biglang dating ni Veronica at mahigpit na yakap.

"Kausap lang kita kanina." Tanging nasabi ko lang habang nakahawak ang kamay ko sa likod niya.

"Yeah, but i want to surprise you." Nakangiting sabi niya at lumayo na sa pagkakayakap sa akin.

Bigla ko naman naalala si Danica at hinanap agad siya ng mga mata ko, nakita kong medyo malayo na siya dahil sa mabilis na lakad niya.

"Danica!"

Tawag ko ngunit hindi ito lumingon nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

What the?

"Anything problem? So, where's you're fianceè?"

Nabalik ang atensyon ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Kailangan ko siyang puntahan hindi siya puwedeng umuwing mag-isa." Seryoso na sabi ko sa kanya.

"Ha? I-It's ok, go on." Nakangiting sagot niya.

"I'm so sorry." Marahan na pinisil ko ang kamay niya at binitawan na. Tumalikod na ako para habulin si Danica.

"Damien."

Natigil ako sa balak na paglakad dahil sa pagtawag ulit ni, Veronica. Lumapit siya sa akin at mabilis na h******n ako sa labi.

Nakangiti ako sa kanya matapos ang halik na 'yon, muli kong hinawakan ang kamay niya upang iparamdam na wala siyang dapat ikabahala. Iniwan ko na siya at mabilis na naglalakad, lumilingon ako sa bawat madaraanan ko dahil baka makita ko Danica at inaalala ko ito dahil sa suot niya.

Simula ng mamatay ang aking ama, tatlong buwan lang ang lumipas nang mamatay ang ama rin ni Danica. Nalaman ko sa abogado ng aking ama na may iniwan siyang sulat para sa akin, hindi ako interesado noong una pero noong nalaman ko na para iyon sa mananahin ko ay naging interesado akong malaman. Nakalagay sa sulat na kung hindi ako papayag sa gusto niya ay mapupunta ang ang lahat sa bastardo niyang anak at 'yon ang hindi ko mapapayagan na mangyari.

Noong una ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa kalokohan na kagustuhan niya ang ipakasal ako sa babaeng hindi ko pa nakikilala. Ang anak sa labas ni Mr. Del Fiero, dahil hindi sila nagkaanak ng asawa nito kaya pinahanap nila ang anak sa labas nito. Para sa mana ko ay gagawin ko ang gusto nila kahit pa alam kong masakit ito para sa babaeng balak ko na sanang pakasalan, dahil ayoko rin mapunta ito kay, Rigor.

Ngayong nakilala ko na ang anak ni Mr. Del Fiero, hindi ko alam kung paano ko iisipin kung anong klase ang kanyang pagkatao. Dahil laki siya sa hindi magandang lugar kaya siguro ganon ang ugali niya at kilos.

Tssk!

Napailing na lang ako ng huminto na ako sa paglalakad dahil nakalabas na ako ng building. Paglingon ko sa kaliwa ko nakita ko si Danica na nag-aabang masasakyan agad na nilipatan ko siya at hinawakan. Gulat na napatingin siya sa pagkakahawak ko sa braso niya.

"Alisin mo nga 'yang kamay mo, walang dahilan para hawakan mo ako." Seryoso na ani niya na may halong galit.

"Ok," inalis ko ang kamay ko at dinala sa loob ng bulsa nang pantalon ko. "Come on, ihahatid na kita." Wika ko pang ulit.

"Ayoko." Sagot lang niya at tumingin sa ibang direksyon.

"Come on, mahihirapan kang makasakay dito at isa pa bihira lang may dumadaan na taxi dito." Paliawanag ko sa kanya at nilingon niya ako.

"Sinabi ko naman hindi ba ayoko? Makulit ka rin talagang gago ka e, noh?" Inis na sabi niya.

Salubong ang kilay na tiningnan ko siya dahil sa sinabi niya. "What did you say? Gago ako?" Tanong ko sa kanya dahil ngayon ko lang may nagsabi sa akin ng ganun.

"Hindi ka lang pala makulit bingi ka pa," sabi pa niyang ulit sabay talikod.

Pakiramdam ko kumirot ang sintido ko sa dahil sa babae na yun at sa boses niya ang sakit sa tenga.

Damn! What kind of a woman she is?

Napahugot ako ng isang malalim na buntong hininga, hindi ko na siya hinabol pa dahil mukhang ayaw niya talagang ihatid ko siya. Nagbalik ako sa parking area para kunin ang kotse, pagkasakay ko sa loob ay tinawagan ko si Veronica.

"Where are you?" Tanong ko agad ng sagutin nito ang phone.

"Going home honey, why?"

"Nothing, I just want to know if you are okay." Sagot ko.

"Hmm, yeah. Thank you, by the way kasama mo na ba si... What she's name again?"

"Danica, she went home alone. But now I'm going to my office, see you tomorrow." Paalam ko na dito.

"Ok, i love you."

"I love you too." Sagot ko at binaba ko na ang phone ko.

Pagdating ko sa Deogracia Corporation, bumati ang mga staff sa akin doon sa may lobby dahil kilala na nila ako bilang CEO nang company ng aking ama. Pumasok na ako agad sa elevator, ilang sandali lang ang hinintay ko ng bumukas nito. Malalaki ang hakbang at tinungo ko na ang opisina ko.

Pagpasok ko sa loob ay sumalubong at yumuko agad ang secretary ko, umupo ako at nagdala agad ng kape ito sa akin.

"Sir, my meeting po kayo kay, Mr. De Vera ng 2:00pm."

"Ok thank you." Sagot ko na nakayuko dahil inuumpisahan ko ng basahin ang mga folder na nakapatong dito sa lamesa.

"Mabuti at nandito ka na,"

Napaangat ang mukha ko ng pumasok bigla si Rusty ang buddy ko dito sa loob ng kompanya.

"What do you want?" Salubong ang kilay na tanong ko habang patuloy na nagbabasa para sa mga proposal.

"Wala naman, gusto ko lang naman makibalita kung tuloy ba ang pagiging bestman ko?"

Dito napahinto ako at malakas na sinara ang folder at binalik ito sa ibang kasamang folder.

"Nandito ka para lang itanong 'yan? Are you teasing me?" Sumandal ako at seryoso ko siyang tiningnan. But he smiled foolishly at me.

"You know what? Masiyado kang seryoso, hindi naman nalalayo ang edad natin. Bente siete ka at bente otso naman ako, kailangan mo i-share sa akin ang mga dapat kong malaman. Sabihin mo nga, maganda ba ang babae na pakakasalan mo?" Nakangiting sabi niya.

"Iyan lang ang pinunta mo dito?"Napailing ako sa kanya at napahalukipkip.

"Come on, just tell me dude." Asar na sabi nito niya pa ulit.

"She's good," Walang ganang sagot ko.

"Good lang?" Naaasar na wika nito at napasandal.

Bigla akong natigilan at naalala ng makita ko na pababa si Danica sa hagdan. Titig na titig ako sa kanya ng mga oras na 'yon at hindi ko maikakaila na ang lakas ng dating niya sa akin, lalo na sa suot nito na labas ang pusod.

"Wala ka namang ka amor-amor kausapin mukhang lutang ka pa."

Paalam nito at biglang tumayo na patungo sa pinto.

Napabuntong hininga na lang ako ng malalim at napailing na lang, nawala ako sa mood para basahin ang mga nandito sa table ko.

------------

DANICA

Bakit ba ako naiinis sa lalaki na 'yon? Ayan tuloy umuwi akong mag-isa. Buti na lang talaga may dala akong pera para pambayad sa taxi.

"Diyosa!? Uuwi na kami."

Napalingon ako bigla sa dalawang kaibigan ko dahil nawala bigla sila sa isip ko. Kakauwi ko lang at kasalukuyang narito kami sa labas kung saan naroon ang swimming pool nakaupo kami ditong tatlo.

"Oo nga pala, may iniisip lang ako." Sagot ko sa kanila na mga nakatingin sa akin na nakakaloko.

"Aminin mo friend? Diba ang hot at ang gwapo niya? Grabe, 'di kami maka-move on ni Keth ng makita namin siya kanina." Kinikilig na sabi ni, Mean.

Napatingin ako sa kanilang dalawa at tinaasan ko sila ng kilay.

"So, nakita niyo na pala siya?" Mataray na sabi ko at nakangiting tumango sila.

"Dani, gusto kasi namin siya makita kaya sinilip namin siya ng patago. Gosh, akin na lang siya after nang tatlong buwan." Napapapikit na wika ni, Keth.

"Buti patulan ka." Mapang-asar na sabi ko at inirapan niya ako. "Oo nga pala salamat sa pagbantay niyo kay mama. Ito nga pala tanggapin niyo 'to tulong ko 'yan at huwag niyo tatanggihan." Seryoso na sabi ko ng i-abot ko sa kanilang dalawa ang tag-isang sobre na may laman na pera.

"Uy girl, madami 'tong datung na binigay mo." Hindi makapaniwalang sabi ni Keth ng silipin ang nasa loob ng sobre ganon rin si, Mean.

"Ayos lang 'yan saka marami pa ako niyan. Para naman makabili kayo ng gusto niyo at makatulong sa magulang niyo." Nakangiting wika ko at sabay na tumayo silang dalawa at niyakap ako.

"Ikaw na talaga." Nagtatawanan na sabi nila at ganon rin ako.

"Sige na umuwi na kayo mga bruha gusto ko ng magpahinga, silipin ko pa si mama." Sabi ko sa kanila at tumayo na kami, hinatid ko sila labas at nagpaalam na sila.

Papasok na muli ako sa loob at nakita ko na pababa si Clarita. Huminto ako sa paglakad at hinintay na makababa siya.

"Mabuti at umalis na sila masiyadong maingay dito." Wika nito agad.

"Mga kaibigan ko sila." Sagot ko na biglang nainis, humakbang na ako para iwan siya.

"By the way, kunin mo ito."

Natigilan ako at napaharap, nakita ko ang isang paper bag na maliit. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Ano naman 'to?" Tanong ko ng pahablot na kinuha ko sa kamay niya ang paper bag.

"Wala akong contact sa'yo, kaya binili kita ng cellphone. Nakalagay na diyan ang number ko ganon rin kay Mr. Dellara. Nandiyan rin ang number ni Mr. Deogracia." Sabi nito na wala man lang kangiti-ngiti.

"Ok, salamat." Walang ganang sagot ko at tinalikuran ko na siya.

"Next time, ayusin mo ang pananamit mo. Marami akong binili na damit na dapat mo isuot."

Napapikit ako dahil sa pagpipigil na huwag siyang sagutin nagpatuloy na lang ako sa pag-akyat dahil baka lalo pang madagdagan masira ang mood ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status