Share

chapter 6

VROSS DAMIEN

"Congrats sir at sa mapapangasawa mo ang ganda po ni ma'am,"

"Oo nga sir bagay na bagay kayong dalawa,"

Ngumiti lang ako sa bawat papuri ng mga employee at ilang malalapit sa akin sa kompaniya ngunit nawala ang ngiti ko dahil nakatingin sa akin si, Veronica.

Umiwas agad siya ng tingin at tumalikod narito kami sa isang bakante na dating opisina dito sila naghanda nang konting salo-salo at si Rusty ang may pakana nito para makilala niya ang mapapangasawa ko. Si Danica ay naroon nakaupo sa sofa habang kausap ang iba. Iniisip ko ang mga sinasabi niya baka may masabi siyang pagmulan ng pag-uusapan.

"Bro, hindi na masama ang mapapangasawa mo bukod sa maganda 'ay ang ganda ng katawan,"

"Pagdating sa babae talaga lahat sa'yo maganda at sexy," sagot ko lang at ininom ang wine na hawak ko.

Tumawa naman si Rusty, sinalinan niya muli ng wine ang baso ko.

"Kamusta naman si Veronica?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya at napatingin kay Veronica na may kausap rin. Sekrito lang ang relasyon namin dahil balak mag-resign ni Veronica dito bago ko siya ipakilala sa lahat ngunit naudlot 'yun dahil sa sinabi ni papa sa akin at noong araw pagkamatay niya. Naintindihan naman niya ngunit alam kong masakit 'yon  sa kaniya na makitang sa ibang babae ako magpapakasal.

"Pero sa nakikita ko mukhang nag-usap naman kayo ng maayos kaya, goodluck sa'yo brod."

Tapik lang ako ni Rusty sa balikat at iniwan ako nagpunta sa mga ibang empleyado. Bumuntong hininga ako at nilipitan ko si Danica dahil panay ang salin niya nang wine maaari siyang mahilo lalo na sa biyahe. Mabilis na inagaw ko sa kaniya ang bote.

"Hoy!"

Napatingin ako sa kaniya dahil sa malakas na boses niya at ganun rin itong tatlong babae na kausap niya.

"Akina na nga 'yan bakit mo kinuha? Iinom pa ako!"

"Marami ka ng nainom baka mahilo ka sa biyahe mamaya," sagot ko lang.

"T-tama si sir ma'am,"

Tiningnan ko lang 'yung isa na alanganing ngumiti at nagkatinginan pa silang tatlo.

"Ano ka ba akina nga 'yan dinala mo ako dito tapos pipigilan mo akong uminom e, wine lang naman 'yan."

Umiwas ako sa kaniya dahil pilit niyang inaagaw sa akin ang bote ng wine.

"Tama na sa susunod na lang ulit." Sabi ko pa at inabot sa isang empleyado ang bote, sumenyas ako na itabi na.

"Nakakainis ka naman,"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at hinawakan ko na siya.

"Ihahatid na kita," mahinang sabi ko.

"Ha? Teka nga bitiwan mo muna ako!"

Pagpupumiglas niya pero hindi ko siya pinansin hanggang sa makalabas na kami ng pinto. Doon ko siya binitawan dahil wala ng tao dito, nakatalikod ako at napatingala sa itaas.

"Ano bang problema mo? Dadalhim mo ako dito tapos pauuwiin mo na agad? May party pala tapos ganyan ka, hinanda pa naman nila 'yon para sa'yo,"

Humarap ako sa kaniya at pinipigilan ko ang sarili ko upang hindi magalit o tumaas ang boses.

"Hindi ko planong magtagal dito dahil hindi naman 'yon importante at isa pa baka mag-"

"Mag-ano?" Nakapameywang niyang sabi at lumapit sa harap ko.

"Nothing, come on." Aya ko na sa kaniya at balak ko siyang hawakan muli pero nagulat ako dahil malakas niyang tinabig ang kamay ko.

Salubong ang kilay na tiningnan ko siya dahil sa ginawa niya.

"Uuwi akong mag-isa!  Kaya umuwi ka rin mag-isa mo!"

Hindi ako nakasagot agad dahil mabilis na umalis siya at tuloy-tuloy na nagtungo sa elevator. Sumara na ang pinto at doon pa lang nagawang humakbang ng paa ko dahil sa nangyari.

Shi* ano bang problema niya?

--------

DANICA

ANG KAPAL NG MUKHA AT AKALA MO KUNG SINO? SO, IBIG SABIHIN NIYA MA BAKA MAGKALAT AKO DOON OR GUMAWA NG HINDI MAGANDA? YUN BA ANG IBIG NIYANG SABIHIN!

"TANG*NA NIYA!"

Gigil kong sabi pagbukas ng pinto nang elevator, mga gulat na gulat naman 'yung mga tao pagkalabas ko.

Wala akong pakialam kahit pagchismisan niyo pa ako o ang gagong si Vross Damien! Dahil gago siya! Simula ulo hanggang paa!

Lahat ng nasasalubong ko ay napatabi at mga habol tingin sa akin hanggang sa makalabas na ako ng building.  Naghanap agad ang mata ko sa paligid ng masasakyan ko dahil gusto ko nang makaalis dito at ayoko na munang makita ang mukha niya.

Agad na pinara ko ang taxi na nakita ko at sumakay, napapikit ako pagkasakay ko sa loob. Ang saya-saya ko na kanina dahil ang sarap ng wine na ininom ko pero itong Vross na 'to panira ng moment ko at pinag-isipan niya pa ako ng hindi maganda.

Mabilis na nakarating ako sa mansyon at dire-diretso ako sa hagdan dahil gusto ko ng magtungo agad sa kuwarto ko.

"Bakit mag-isa ka lang umuwi?"

Napalingon ako sa nagsalita si Clarita, kasama niya si attorney Dellara.

"Saka na tayo mag-usap," sagot ko lang at dali-dali akong humakbang at halos takbuhin ko na ang pinto ng kuwarto ko.

Pagpasok sa loob ay agad na humilata ako sa malaking kama at tulalang nakatingin sa kisame.

Kung hindi lang sa mamanahin ko hindi talaga ako magpapakasal sa'yo Vross, kaya magtitiis talaga ako hanggang sa matapos na ang kasunduan natin.

Hindi ko na namalayan ang oras habang nakatitig ako sa kisame at pagpikit ng mata ko.

Nakaramdam ako na parang may nakatingin sa akin kaya napamulat ako ng mata at may nakita akong gwapong mukha.

Panaginip ka ba? Bakit ka nandito sa kuwarto ko?

"Bakit nandito ka?" Nasambit ko habang nakahiga pa rin.

"Gusto ko lang malaman kung maayos kang nakauwi,"

Natigilan ako dahil sumagot siya at bigla akong napabangon at nandito nga siya sa loob.

"Ano bang ginagawa mo dito? Bakit pumapasok ka agad rito?" Inis kong sabi sa kaniya at umusog ako ng konti dahil masiyado akong malapit sa kaniya.

"Ikakasal na tayo kaya walang masama kung pumasok ako sa kuwarto mo," sagot niya lang.

Walang kangiti-ngiti at piling ko napakayabang talaga ng dating niya.

"Kahit na!  Paano na lang kung wala akong damit matulog a?" Singhal kong sagot ko.

"Hindi ko kasalanan kung makita kita na ganun ang ayos mo," muling sagot niya.

Nakaramdam ako ng inis dahil para bang sinabi niya na wala talaga akong kadating-dating kung sakali man na makita niya akong walang suot dahil hindi siya magnanasa.

"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo sige lumabas ka na nakita mo na ako  kaya umalis ka na. Isa pa ayoko muna makita 'yang mukha mo." Inis kong sabi sabay talikod.

"Ayaw mong makita ako? Bakit?"

"Ano bang pakialam mo? Umalis ka na ang dami mong tanong sinisira mo ang pagpapahinga ko." Inis ko ulit na sabi pero nakakainis ang itsura niya kahit gulong-gulo ay ang gwapo pa rin.

Layas na! Sigaw ng isipan ko.

"Aalis na ako kung 'yan ang gusto mo,"

Hindi na ako nakapagsalita pagkasabi niya at tuloy-tuloy na siyang nagtungo sa may pinto.

"Ikaw ba ang mapapangasawa ng anak ko?"

Napalakad ako bigla dahil sa nagsalita at si mama ang nasa pinto.

"Ako nga pala ang mama ni, Danica."

Pakilala ni mama mabilis na lumapit ako sa kanila.

"Ma? Bakit nandito kayo?" Tanong ko at naghanap ako ng kasama niya pero siya lang mag-isa.

"Good evening po sa inyo, tama ho kayo ako ang mapapangasawa ng anak niyo. Vross Damien Deogracia."

Napatingin ako kay Vross sa pagpapakilala niya kay mama at nakangiti pa siya kay mama.

"Masaya akong makilala ka at napakagwapo mo pala,"

"Ma, sure ka ba sinabi mo?" Inis kong tanong at gago nakangiti na pakiramdam ko proud na proud siya.

"Oo naman anak siya nga pala aalis ka na ba?"

Napatingin ako kay Vross dahil sa tanong ni mama at nakaramdam ako ng mukhang hindi pa makakaalis itong si, Vross.

"Tama ho kayo aalis na ako," sagot ni Vross.

"Oo ma aalis siya kaya bye." Kaway ko sa kaniya na pilit ang ngiti.

"Ganun ba siya sige sa ibang araw na lang sana'y samahan mo ako minsan magkape."

"Next time, pupunta ako dito para samahan ko kayong magkape."

Tss. Piling close naman kay mama isa rin ba ito sa paraan mo o pagpapangap hays!

"Siya sige na, umuwi ka na gabi na oy!" Singit kong sabi at napalingon si Vross sa akin.

"Pagpasensiyahan mo na ang anak ko ganyan lang siya talaga magsalita pero mabait ang anak ko," paliwanag pa ni mama.

"I know, maiwan ko na kayo."

Walang buhay na sabi ni Vross at bigla na lang umalis walk out king ang peg lang.

"anak pakisamahan mo siya ng maayos kahit hindi naman kayo magtatagal na magkasama mukha naman siyang mabait," nakangiting sabi ni mama.

Pilit na tumango lang ako dahil ayoko na makipagtalo sa kaniya.

"Matulog na kayo ma at huwag kayo lalabas na walang kasama," sermon ko sa kaniya habang tinutulak ang wheel chair papunta sa kuwarto niya.

"Gusto lang kita makita at nalaman ko na nandito ang mapapangasawa mo,"

Hindi na ako sumagot hanggang sa makarating na kami sa silid niya at iniwan ko na siya. Imbes na bumalik sa kuwarto ay bumaba ako dahil parang gusto ko uminom ng kape ngayon dahil mukhang mahihirapan akong makatulog ngayon. Alas otso pa lang ng gabi pero tahimik na dito sa ibaba ganun rin sa kitchen mukhang maaga natutulog ang mga kasambahay dito sabagay ang linis dito sobra sa kusina.

Matapos kong magtimpla ng kape ay naisapan ko magtungo doon sa labas banda sa swimming pool at doon ako uupo habang hawak ko ang tasa ng kape pero ganun na lang gulat ko paglabas ko dahil sa taong nakasalubong ko.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status