Share

The Marriage Interview
The Marriage Interview
Author: JSecrets11

The Marriage Interview 1

Here they go again. Wala na yata itong katapusan. Khalid told himself. This is the 20th times he's been called to come over to their house, and his Mother asking him about coming to this MI thing. AGAIN.

Ika-20 beses na siyang nakipag-meet sa iba’t-ibang babae, ngunit lahat nang babaeng iyon ay wala siyang magustuhan, or kahit katiting na paghanga para sa mga babaeng iyon ay wala.

He knew himself, he's not a gay or something. He likes someone before but she left him. Not for the other man, but because of some incident happened.

Let's stop thinking about her, You're a brave one, mahal. Umiling-iling siya.

“So, son? You'll meet her, right?” Maingat na tanong sa kanya ng ina na nag-pawala sa kung anong iniisip niya.

Binalingan niya ito saka tumingin din sa tatay niyang nag-aabang din ng isasagot niya sa tanong ng ina.

He sighed, “Mom, I know her.” Napatigil siya sa pagsasalita ng makitang tila kinikilig ang ina sa sinabi niyang kilala niya ang babae. Napailing siya. Kita niya ang ningning sa mga mata nang kanyang Ina.

“Iba na naman ang naiisip mo, Mom. It's not like I've known her romantically, okay? Basta kilala ko siya,” he sighed again, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha ng ina niya.

“Oh! Shut it, Mom.” he tsked, “ Yes, I know her. I'm fine doing this marrrige interview with her. Wala akong problema sa idea niyong iyon, Mom, Dad. ” he sighed, “ But atleast, ask the woman, first. Hindi puwedeng mapilitan lang siyang kilalanin ako, just because of their sinking company. ” aniya.

Nangingiti namang tumango ang ina niya.

“Mom! Stop smiling! You're creeping the fucking hell out off of me,” aniya at bumaling sa ama, “Please, Dad. Nakakatakot ang nakangiting mukha ni Mom. Pigilan mo naman.” Pagsumamo niya sa ama.

Agad siyang napangiwi nang batuhin siya ng kanyang ina ng unan mula sa sofa.

“Shut up, Young man. I have a pretty smile that makes me look more beautiful!” singhal agad ng ina niya.

Tanging tawa nalang ang naisagot ng kanyang ama. Napailing siya.

“Hindi ko naman sinasabi na pangit ka kapag nakangiti, Mom. Ang sabi ko, nakakatakot. Okay?” aniya at isang unan na naman ang tumama sa mukha niya.

Sinimangutan siya ng ina.

His mother still look gorgeous with her age. Kahit na may edad na ito, kita pa din ang ganda nito. Hindi naman niya iyon ipagkakaila. And, his mom is a God gift.

“Ask the woman, first, Mom. Make sure na gusto niya talaga. Hindi 'yong pilit,” Tumayo siya mula sa upuan sa harap ng mesa ng ama.

“Now, I'm curious. Bakit kailangan niyang makasal sa akin? I mean, you are so much free to help them with their company,” saglit siyang tumigil at pinakatitigan ang ama, “Ito ba ang hiniling mong kapalit, Dad? I hope you didn't.” Napabuntung-hininga hininga siya.

“No. I did not. I'm not that low, Young man.” sagot ng ama niya.

Kunot-noong tumingin siya sa ina bago ibinalik ang tingin sa kanyang ama.

“Then, what's this?” Tanong niya sa ama saka siya bumaling sa ina. “Don't tell me, Mom?” Tanong niya rito ng may pagpaparatang.

“No! What the hell, Son? Bakit ko naman gagawin iyon? Babae ako baka nakakalimutan mo!” Gulat na paliwanag nito.

Napatango siya. Then, why? Tanong niya sa sarili.

“Akala ko ba kilala mo?” Napalingon siya sa ama ng magsalita ito.

Tumango siya. Yes, he knows her. Well, the face and the name. Nakita na niya ito dati. At mula nang marinig niyang muli ang pangalan nito nang una itong banggitin ng kanyang ina, hindi niya alam ngunit bumilis ang tibok ng puso niya na para bang nakikipag-karera.

“And?” Kyuryoso niyang tanong sa ama.

Napabuntung-hininga ang ama niya bago ito umalis sa pagkakaupo sa swivel chair nito at umupo sa sofa kung nasaan ang ina niya.

“Do you know her name?” His father asked.

Her name? Yes, I know. Anang isip niya. What is it again? Shit, I know her name! That's for sure! Sigaw ng isip niya.

“Son?” His mother called.

“She's--damn.” Mura niya nang hindi mabanggit ang pangalan.

“Son! She is not a damn for Pete's sake!” His mom hissed.

Napa-kamot siya batok niya.

“No, hindi iyon ang ibig kong sabihin, Mom. Of course, she's not a damn. Nakalimu---” naputol ang sasabihin niya ng may eksenang pumasok sa isip niya.

---

“Miss, are you okay? Sheez! Ano'ng ginagawa mo?”

Agad niyang nilapitan ang lugar kung saan niya narinig ang boses ng babae. Tila may kausap ito at parang gulat na gulat.

Then, he saw her. A woman who's leaning down her face just to see the other woman’s face.

Nakasalampak ang mukha ng kausap nito sa basurahan sa gilid ng parke.

“Hala! Ahm, Miss?” Inalog ng babae ang balikat ng babaeng naka-subsob pa rin ang mukha sa basurahan.

Ano'ng ginagawa niya? Tanong ni Khalid sa sarili habang pinagmamasdan ang babaeng pilit tinitingnan ang mukha ng babaeng nakasubsob. Hindi ba ito nababahala na baka masamang tao ang babaeng nakasubsob? Tanong muli ng isip niya.

“Feeling mo ba mare-relax ang face mo sa loob ng basurahan?” Rinig niyang tanong nito.

Baliw. That's the only thing popped on his head. Hindi rin niya napansin na nakangiti na pala siya habang pinanunuod ito.

“But, that's kind'a weird,” The woman said. He felt nervous for some reason that maybe the woman knew that he's watching her. But, no, “Tell me you're not something scary, you know? I swear, takot ako sa mumu or something like that. Please tell me you're not.” she said making him gasped.

What the hell? Mumu? As in ghost? Ilang taon na ba 'to? He shrugged to his thoughts.

“Miss, here. Take this.” Nakita niya itong nag-abot ng isang libo at isiniksik ito sa loob ng pantalon ng babae bago nito hinubad ang sariling jacket at ipinalibot sa balikat ng babaeng lasing.

Yes, he already assumed na lasing ang babaeng nakasalampak sa basurahan. Halata naman kasi sa puwesto nito na hindi nito kayang igalaw ang katawan.

“Mukhang ayaw mo naman akong kausap, e.” Napatingin siya sa mukha ng babae.

Wow, she's a freaking beauty. Komento ng isip niya. Napailing siya.

“Sige, ikaw bahala.” Pinagmasdan niya ang babae. Hindi ba nito napapansin na lasing ang kausap? “By the way, My name is Alelie Abigail Garcia. Nice to meet you. Hope to see you around. Hmm, take care of yourself, Miss. I have to leave.” Paalam nito saka iniwan ang lasing na babae.

Nakita niya pang may sumalubong na dalawang babae rito at parang alalang-alala ang mga ito sa dalaga.

Hindi niya mapigilan ang matawa. Talagang pinakilala nito ang sarili sa lasing na babae. Haha.

---

“Son!” Napabalikwas siya dahil sa sigaw na iyon.

“Fuck! Shit! I know her. Alelie Abigail Garcia!” Sigaw din n'ya.

Silence.

At ang katahimikan na iyon ang naging dahilan para balingan niya ang mga magulang.

Nakatingin ito sa kanyang pareho. Ang ama niyang nakangiti na may bahid pa rin ng pagka-gulat mula sa pagsigaw niya. At ang ina niya na tahimik lang at hindi makapaniwalang nakatulala sa kanya.

“You. You really do know her, I see. ” ani ng kanyang ina.

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito.

How can't I not? E, baliw 'yon. Sagot niya sa isip.

“Go! Umalis ka na rito,” Pagtaboy sa kanya ng kanyang ina.

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa ina.

“Mom, may I remind you? Kayo ang nagpapunta sa akin dito,” Simangot niya.

Ngumiti lang ang ina niya. Napailing siya.

“Just go, okay? And, bukas na ang MI niyo anak. Don't forget and be on time, okay?” Paalala nito sa kanya na para bang hindi siya nito tinaboy.

Pabiro siyang umirap dito na ikinatawa naman nito.

“This time, saan naman ang meeting place, Mom? Siguro naman hindi na puro steak, stew at wine ang mayroon do'n. Please.” He tsked.

Nasanay na kasi siya na kapag ganitong may MI e, puro sa mamahaling restaurant ang meeting place nila ng ka MI niya. Wala s'yang choice kasi 'yon ang gusto ng babae.

Samantalang simpleng pagkain lang naman ang gusto niya.

Siguro dahil, nasanay na siya sa ganoon dahil matagal-tagal na rin mula nang humiwalay siya ng bahay sa mga magulang niya.

“Bakit ba ayaw mo sa restaurant, hijo? Paano kung 'yon ang gusto ng babaeng makakasama mo?” Tanong ng sa kanya ng ama.

No, Dad. I bet my life for that. Abigail is not like those girls from my past MI. Anang isip niya.

“Not all women, Dad. Hindi lahat kagaya ng mga binigay niyong ka-MI ko,” aniya. “And, I want it to be simple. Masyadong mahal ang restaurant baka akala niyo riyan,” Giit niya.

Napailing ang ama, “We can afford a restaurant, Young man.” anito.

He sighed, “Of course, we can, Dad. But, No. Hindi maarte si Abigail katulad ng mga pinang-MI niyo sa akin.” Paliwanag niya na para bang kilalang-kilala na niya ang babaeng katatagpuin niya bukas.

“Abigail, huh?” His father's words slapped him.

“What?” Tanong niya rito na ang ina naman ang sumagot.

“Second name basis, son? Close kayo?” Ngisi ng ina niya habang nakatingin sa kanya.

Oh, shit! Mura ng isip niya.

And his mom’s words slapped him for the second time. That’s a double kill of course, hindi naman kasi sila close ng babae.

Napailing siya, “Nevermind. So, saan ba?” Naiinip niyang tanong.

Ngumiti na naman ng pagkalawak-lawak ang ina niya.

“Sa Cafe Innamorata, Son. Nasabi ko na rin naman kay Kailey, so, no worries. 4:30 PM sharp, okay? May klase kasi ang batang iyon hanggang 2 PM.” Ngiting sagot ng ina niya.

Hindi niya pinansin ang mga ngiti nitong nanunudyo at tumango nalang siya. “I should go now, then. Kanina pa text ng text ang gagong Centino at Pascuelo na iyon,” Paalam niya sa mga ito.

At nang makitang sabay ng tumango ang dalawa saka siya lumabas ng study room ng ama at tumungo sa garahe ng bahay at nagmaneho paalis.

“Abigail,” Bulong niya nang wala sa oras.

He sighed. Makikita ko na naman pala ang magandang baliw na iyon.

He laughed to himself.

See you soon, My Abigail.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
jexo2012
I wanna read this...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status