Share

The Marriage Interview 7

“For me, marriage means not to hide anything from the person you're marrying with, Abigail. Don't worry,” Napatingin siya sa binata.

“I owned a house near my parents house. I bought it with the idea of marrying the first woman whom I believed to stay with me for as long as we can. But, sadly, she left me.” Pag-kuwento nito. 

She was shocked because of what he said. Paano nito nagagawang i-kuwento sa kanya ang nakaraan nito ng gano'n kadali? 

Alam niyang masakit para ritong sariwain ang nangyari. 

She left him? Who? His soon-to-be bride? Alelie’s mind was messing with her. 

Guilt, worry and pain for him is what she's feeling right now. 

Dapat ay hindi na lang siya nagtanong pa rito kung pang-ilan na siya! 

“I'm sorry. Dapat hindi na ako nagtanong.” She said, still guilty. 

Umiling ito, “I won't mind telling you this, anyway. It's all in the past.” anito. 

Tumango siya. Napakaraming tanong ang pumasok sa isipan niya. 

Bakit iniwan ng babae ang binata? May iba ba itong mahal? Nag-cheat? Namatay or what? 

“If you were wondering how she left me, she died. She was stabbed and on her way to the hospital, the Doctor declared that she's dead on arrival.” anito na ikinatingin niya rito. 

Ik-kuwento ba talaga nito sa kanya? 

“Look, Khal. No need to tell me your story. I understand. Kalimutan mo na ang tanong ko kanina, please?” She plead. 

Ayaw niyang sariwain pa ng binata ang nangyari noon lalo pa at nasaksak pala ang babaeng mahal nito. 

Tumayo siya at napatingala ang binata sa kanya dahil d'on. She smiled genuinely. 

“I actually got a text from, Dad. After here, I should take you to my parents house with me,” She bit her lower lip. Nahihiya siya rito. 

Tumayo ito. Ngumiti siyang muli rito. 

“Okay lang ba? Uhm, paalam na rin tayo sa uhh sa parents ko about us living together,” aniya at umiwas ng tingin sa binata. 

Alam niyang nag-u-umpisa na namang mamula ng pisngi niya! 

Pero bago niya mailayo ang paningin niya rito, nakita niya ang bahagyang gulat na bumalatay sa mukha nito dahil sa sinabi niya. 

Narinig niyang naglakad ito at alam niyang papunta ito sa kanya. 

At hindi nga siya nagkamali. Nasa tabi na niya ito at kinuha mula sa kamay niya ang sling bag na nasa balikat niya. 

Tumingin siya sa binata at nginitian siya nito. 

“Let me carry this for you, Abigail.” anito saka ngumiti lalo. 

Hindi niya maiwasan na hindi pag-initan ng pisngi. 

Ang marinig lang mula rito ang ikalawa niyang pangalan, parang may kung ano sa tiyan niya na hindi niya mawari at kasabay 'nun ay ang pamumula ng pisngi niya. 

“You're so cute when you're blushing. Fuck.” He said then she heard him chuckled after. 

Tinalikuran niya ito at dumiretso sa counter kung saan naroon naman ang magandang babaeng nag-serve sa kanila kanina. 

Nakangiti agad ito sa kanya ng makita silang papalapit. 

She's creeping me out. What's with her and her smile? aniya sa sarili. 

Ngumiti siya rito at bubuksan sana ang sling bag niya nang maalalang kinuha nga pala ito ng binata sa kanya. 

Lilingunin na sana itong muli ng may isang braso ng lalaki ang sumulpot sa harapan niya at nag-abot ng card nito sa magandang babae. Alam niyang ang lalaking iyon ay si Khalid dahil sa amoy nito. 

“Here. I'll pay for our food.” rinig niyang sabi ng binata sa babae. 

Pipigilan sana niya ang gustong mangyari ng binata ng bigla namang nagsalita ang magandang babae habang nakatingin ito sa binata. 

“I thought you're going to let your girl pay for your food.” The pretty woman smirked while looking at the man beside her. 

Do they know each other? Anang isip niya. 

“That's bullshit, Kailey Ellena. That's plain bullshit.” Rinig niyang sagot ng binata. 

Nilingon niya ito saka tinampal ang bibig nito. Gulat itong binaba ang tingin sa kanya. Kahit man siya ay nagulat din, hindi niya pinansin iyon at sinaway ang binata. 

“You're talking to a woman, Khal. You don't say bullshit or anything like that in front of them.” Saway niya rito. 

Napakurap-kurap ito habang nakatingin pa rin sa kanya na hindi pa rin makapaniwala. 

Narinig niyang tumawa ang magandang babae kaya bumaling siya rito. 

Ngunit nakita niya itong nakalahad na ang kamay na may hawak na resibo at card ng binata. 

Bakit sa akin niya inaabot? Naguguluhang tanong ng isip niya. 

“Gosh! I love you na.” Nakangiti nitong sabi sa kanya saka ipinagsiksikan ang resibo at card sa kamay niya. 

“Sorry. Hindi ako tomboy.” sagot niya rito. 

Bakit ba ito nag-a-iloveyou sa akin? Anang isip niya. 

Ngumiti ito ng mas malapad na ikina-kunot ng noo niya. 

“Ohh, don't worry. Hindi rin ako tomboy,” the pretty woman smiled, “Hmmm, can you please accept my twinny and marry him? Gosh. This is my first time seeing his shocked face. And, that was epic!” Tila excited nitong sabi habang nakatingin sa kanya. 

Wait, what? Twinny? Mag-kapatid sila? Kambal? tanong ng isip niya na ikinatingin niya sa binata. 

Ganoon pa rin ang ayos nito. Nakatingin pa rin ito sa kanya. 

Saka lang niya naalalang pinitik nga pala niya ang bibig nito! 

Sapilitan niyang isiniksik ang resibo at card sa kamay ng binata bago tumingin siyang muli sa babaeng kausap saka tumango rito bilang paalam at saka nagmamadaling lumabas ng Cafe. 

Nang makalabas, papasok na sana siya sa kotse niya ng maalalang nasa binata ang sling bag niya kung nasaan ang susi ng kotse. 

Without a choice, hinintay niya ang binata hanggang sa makita niya itong lumabas ng Cafe. Nakita niya ang bag niyang nakasabit sa leeg nito. 

Lumapit ito sa kanya, “After what you did to my lips, you left me.” Iyon agad ang bungad nito nang makalapit ito sa kanya habang nakasimangot. 

Puno ng hiya ang kalooban niya dahil sa ginawa. 

Unang beses palang nilang nagkita, pinitikan niya ang bibig nito na para bang close sila. 

Nakakahiya. Ani ng isip niya. 

Agaran siyang napayuko, “I'm sorry,” aniya rito at muling inangat ang kanyang tingin dito, “Galit ka ba?” tanong niya rito. 

He sighed then shrugged, “I'm not mad, Abigail. Nagulat lang ako kanina.” sagot nito dahilan para mamulang muli ang pisngi niya. 

“Sorry na,” aniya rito at nilahad ang kamay sa harap nito, “Give me back my bag. Nariyan ang susi ni Abigail ko.” aniya at nakita niya ang agad na pag-kunot ng noo nito sa narinig. 

“Your what?” Naguguluhan nitong tanong. 

Nilingon niya saglit ang sariling kotse saka binalik ang tingin sa binata. 

Itinuro niya ang kotse niya mula sa likod habang nakatingin pa rin sa binata bago sumagot. 

“My Abigail,” aniya habang nakaturo sa kotse niya. 

Bumaling ito sa kotse niya bago sa kanya, “Oh. Your car,” anito ngunit hindi ito gumalaw para i-abot sa kanya ang bag. Nakatingin lang ito sa kanya. 

She bit her lowerlip, “Khal, my bag.” Siya pa ang nahiya habang sinasabi iyon. 

He didn't move an inch. Nakatingin lang ito sa kanya. 

Argh! Ano ba'ng problema niya? Tanong niya sa sarili. 

“Khal.” Pag-tawag niya rito. 

Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito. Dumukot ito sa sariling bulsa at kinuha ang sariling telepono. 

Napa-kunot siya ng noo. 

“Kailey Ellena. Come outside for a second. No, I'm still outside. Yes, No. What the hell, Kailey Ellena? No, just come outside please?” Rinig niyang pakiusap ng binata sa kausap nito sa kabilang linya. 

Wait, Kailey Ellena? His twin sister? tanong niya sa sarili saka siya napalingon sa pinto ng Cafe ng bumukas ito. 

Lumabas do'n ang magandang babae na kapatid pala ng lalaking kasama niya. 

The owner of Cafe Innamorata, her favorite Cafe in town. Nice. 

Simangot itong lumapit sa kanila pero ng makita siya ay agad itong ngumiti sa kanya. Nginitian na lang din niya ito pabalik saka niya nilingon ang binata. 

Ganoon din ang ginawa ng bagong dating, pero sumimangot itong muli pagkaharap sa binata. 

Natawa ang kanyang isipan. 

“Ano ba 'yon? Importante ba 'yan?” Simangot na tanong nito sa kakambal. 

Nakita niyang may dinukot na namang muli ang binata sa bulsa nito at inabot iyon sa kapatid. 

Pilit niyang tiningnan kung ano 'yon. 

A key? Don't tell me his car key? Gulat na tanong ng isipan niya. 

Hindi niya maiwasan ang hindi magtanong sa isipan. Bakit? Bakit nito binigay sa kapatid ang sariling susi? 

“Really? Ito ang itinawag mo sa akin?” Ngiwing tanong ni Kailey Ellena sa binata. 

Kita niyang tumango ang binata sa kakambal nito. 

“Pahatid ng kotse ko sa condo, Kailey Ellena.” anito. 

Kahit siya ay napairap nang mapairap ang kapatid nitong babae. 

Hindi niya alam kung nanghihingi ba ito ng pabor or nag-uutos. 

“I don't know if you were asking for a favor or what.” Kailey Ellena rolled her eyes on her twin brother. 

Right! Parehas sila ng iniisip! 

Wait. So, ano'ng sasakyan nito kung gano'n? anang isip niya. 

“Why?” Singit niya sa usapan ng mga ito. 

Nilingon siya ng mga ito. Tumingin siya sa binata, tiningala niya ito. Hanggang balikat lang naman kasi siya nito. 

“What?” Tanong ng binata sa kanya. 

“Ano'ng gagamitin mo kung gano'n?” tanong niya rito. 

He then smiled, “I'll drive your car. Iisa lang naman ang pupuntahan natin.” anito ng nakangiti. 

Hindi niya pinansin ang ngiti nito at tumingin kay Kailey Ellena. The woman just smiled then wave her hands as she turned her back to them. 

Okay? 

Binalik niya ang tingin sa binata. 

“Paano ka uuwi? Ihahatid kita sa condo mo, gano'n ba?” tanong niya rito. 

Hindi ito sumagot at ngumiti lang sa kanya. 

Hinila siya nito paikot sa kabilang pinto ng kotse paupo sa passenger seat saka ito umikot pabalik sa driver seat. 

Agad itong nagseatbelt at ganoon na lang din ang ginawa niya. 

Bakit parang wala man lang akong say? This is my car, right? Are you fine being drove by him, my Abigail? Tanong ng isipan niya sa kotse. 

“Later, we'll see. We'll see if you're gonna drive me back to my condo, alone. Or I, driving your baby Abigail to my condo with you living with me.” he then chuckled. 

Agad niyang naiwas ang mukha niya at tumingin sa labas. 

She's blushing. She can feel it. 

Paano nagagawa ng isang ito ang papulahin ang pisngi ko ng ganito? Bakit ba ako kinikilig? Naiiling niyang tanong sa sarili. 

Heart, calm down, please. Baka marinig ka niya. Pagkausap niya sa sariling puso. 

“Abigail.” anito. 

Nang marinig niyang muli ang pagtawag nito sa pangalan niyang iyon ay agad niyang nilingon ang binata. 

He called her ‘Abigail’ kanina kahit hindi pa siya nakapagpapakilala! 

“You.” aniya rito. 

Saglit siya nitong tiningnan ngunit tumuon din naman agad ang tingin nito sa kalsada, “Hmmm?” 

“Tinawag mo akong ‘Abigail’ kanina kahit hindi pa ako nagpapakilala sa’yo. How did you know me? Lalo na ang second name ko? Walang tumatawag sa akin sa pangalan na iyan dahil ‘Alelie’ lang ang alam nila. So, paano mo nalaman ang Abigail? Alelie Garcia lang ang pakilala ko sa’yo kanina, a?” Sunod-sunod na tanong niya rito saka niya napansin na tila napatigil ito at napahawak ng mahigpit sa manubela dahil sa tanong niya. 

Imposibleng kilala niya ako. Anang isip niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status