Share

The Marriage Interview 8

Hindi niya alam ang isasagot sa tanong ng dalaga.

Paano ko nga ba nalaman ang second name niya? tanong niya sa sarili.

Ang sunod-sunod na tanong nito ang naging dahilan nang paghigpit niya ng hawak sa manubela ng kotse nito.

Shit. His mind cursed.

Hindi niya alam ang isasagot dito.

“Khal?” Pagtawag nito sa kanya.

“Uhh. Well, about that ahm,” Shit! Shit! Ano'ng idadahilan niya sa dalaga?

Alangan namang sabihin niya rito na nakita niya itong kinakausap ang lasing na babae noon at nang sabihin nito ang pangalan ay naroon siya?

“Hey, ayos ka--” agad niyang pinutol ang sasabihin nito ng makaisip ng idadahilan.

“I'll tell you some other time. Uhh, maybe at my condo?” aniya rito at nakita naman niya agad ang mabilis na pag tango nito sa sinabi niya.

Nakahinga siya nang maluwag.

Shit! Buti na lang hindi mahirap kausap ang Abigail ko! sigaw nang isip niya.

Here I am. Claiming someone whose not even officially mine. anang isip niya.

“Okay ka lang?” Tanong nito sa kanya, “Malapit na tayo sa bahay--paano mo nalaman saan ang bahay namin?” Tanong muli nito dahilan para mabaliw na naman ang isipan niya.

Shit! Bakit ba kasi hindi muna niya tinanong dito ang address? Baka ano'ng isipin nito sa kanya at pagkamalan pa siya nitong stalker!

Hell! I'm not a stalker! saway niya sa sariling naisip.

Inikot niya ang tingin sa mga gamit na naroon sa kotse at laking pasalamat niya ng makita ang nakasabit na keychain sa key holder ng car key nito.

Sa keychain, naroon ang address ng bahay ng mga magulang nito, kung saan ito nakatira.

Itinuro niya ang key holder dito, ang mismong keychain na nakasabit.

“It's says on this keychain,” Simpleng sagot niya sa dalaga pero ang kabang nararamdaman niya ay hindi pa rin mawala-wala.

Nang maiparada niya ang kotse sa harap ng bahay ng mga magulang nito, nilingon niya ito at nakita niyang nakatingin ito sa key holder na kakatanggal lang habang tumatango-tango.

“Buti na lang pala nakita mo 'yan. Nakalimutan ko rin kasing sabihin ang address namin.” Baling nito sa kanya at ngumiti ito habang tinatanggal ang seatbelt.

Gano'n din ang ginawa niya at ngumiti. Ligtas siya ro'n, hayy.

“Tara na. Baka nasa loob na ang parents ko.” anito at saka agad na lumabas ng kotse pero hinintay naman siya nito nang makalabas ito.

Binalik niya ang susi nito sa bag na nasa leeg niya pa rin nakasabit saka siya lumabas ng driver seat at lumapit dito.

Nang makalapit siya rito ay agad nitong pinindot ang doorbell.

Hindi man niya aminin, kinakabahan siya.

Oo nga at MI lang ang dahilan ng pagkikita nila ngayon ng dalaga, pero ang pagpunta sa bahay ng mga magulang nito ay ibang level na ng usapan.

It was like, legally asking his woman's parents for her hand in marriage, officially.

First day, first meet up and now, meet the parents.

Shit.

“Let's go. Pasok ka,” anito nang bumukas ang gate.

Nauna itong pumasok pero inantay muna siya nitong makapasok din at sabay sila muling naglakad palapit sa front door.

After 3 times of knocking the door, isang maganda ngunit may edad na babae na hawig ng dalagang kasama niya ang nagbukas ng pinto.

Agad siyang yumuko rito bilang pag-galang, “Good afternoon po, Tita. I'm Khalid,” Magalang na pakilala niya rito.

Ngumiti naman ito sa kanya, “Nice to see you here, Khalid. By the way, I'm Alelie's Mom, Ara.” anang Ginang.

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.

“Mom, let's go inside, first. Shall we?” his Abigail said.

He chuckled and his woman's mother saw it. Napaiwas siya rito ng tingin.

Fuck! Shit! Mura niya sa kanyang isipan. Ngumiti siya pagkatapos.

Niluwagan ng ina ng dalaga ang bukas ng pintuan para mas makapasok pa sila.

Sa sala, naabutan nila ang isang may edad na lalaki. He knew that this man is Abigail's Father.

Yumuko rin siya rito bilang pagbati.

“Good afternoon, Sir.” bati niya rito.

Kita niyang gustong sumimangot nito ngunit hindi nito ginawa.

Iniisip niya na siguro, iniisip ng Ginoo na kailangan nitong ngumiti sa kanya dahil sa tulong na ibinigay ng ama niya rito.

Hindi niya maiwasan ang hindi isipin iyon.

“You called me 'Sir' while you called my wife, Tita? Where's the justice in that, young man?” anito saka inilahad sa harap niya ang kamay.

Tinanggap niya ito at nakipag-kamay at napakamot siya sa batok nang matapos.

Naiilang siya sa titig ng mag-asawa.

May mali ba sa suot ko? tanong niya sa sarili dahil sa tingin ng mga ito.

Kahit na gusto niyang tingnan ang sarili ay hindi niya magawa. Nakakahiya naman kasi sa mga ito kung titingnan niya ang sarili sa harap ng mga ito.

Nakatitig kasi ang mga ito sa kanya, sa damit niya ba? Saan ba?

Hindi niya magawang ibaba ang tingin sa katawan.

Nakita niya ang mga itong bumaling nang tingin sa dalaga bago muling tumingin sa kanya.

At dahil hindi na siya makatiis, sinundan niya ang tingin ng mga ito at nakita niyang sa sling bag ng dalaga sila nakatingin na nakasabit sa leeg niya.

Kunot ang noo ng mga ito na parang nagtataka.

“Mom, Dad, Bakit ba ganyan kayo makatingin kay--shit!” Napalingon siya sa dalaga nang mag-mura ito bigla at nagulat siya nang nasa harapan na niya ito.

Bumaba ang tingin niya sa labi nitong kinakagat na naman ng dalaga.

He froze when he saw both of her hands reaching for his face--no. Her hands is reaching for his nape, no, the bag on his nape.

“Nakatingin sila sa'yo kasi bitbit mo ang bag ko, Khal.” Bulong nito sapat na silang dalawa lang ang makarinig.

Fuck. She's too close. I might kiss her. Move away, My baby. Please. Pag-kausap niya sa sarili.

Mabuti na lang at agad itong lumayo nang makuha ang bag sa leeg niya.

Shit! That was close! his mind cursed.

“Mom.” his baby.

She's mine. aniya sa sarili.

“Oh, Daughter. Don't worry wala akong iniisip.” Depensa ng ina nito kahit wala namang nagsasabing may iniisip ito saka ito ngumiti sa dalaga.

“Ang defensive mo, Mom.” ani ng dalaga bago ito bumaling sa ama, “Dad, umayos ka nga.” Saway nito sa ama at nang tingnan din niya ang ama nito, nasa kanya pa rin pala ang mga mata nito.

“Jerome Garcia!” his woman hissed.

Napatingin siya sa dalaga dahil sa pagtawag nito sa ama sa mismong pangalan nito.

Mukha namang natauhan ang Ginoo at umayos ito ng pagkakaupo at inalis ang tingin sa kanya.

He's amazed by that. His woman calling her own Dad by just a name. He chuckled to himself.

Naramdaman niyang may humawak sa kamay niya at nang tingnan niya iyon, His Abigail is holding his hand.

Hinila siya nito paupo, kaharap ng upuan ng mga magulang nito.

“Mr. Jerome Garcia?” anang dalaga.

Napatingin siyang muli rito.

Is that how she addressed her own Dad? tanong ng isipan niya. Cool. Hindi niya maiwasan ang pagkahanga.

“Yes, Princess?” anang ama ng dalaga.

So, her Dad allowed her to call him that way? By just a name? Komento muli ng isipan niya.

“You said I should bring him here with me. And so, here we are.” anang dalaga. Nakikinig lang siya.

“Right. We did. Right, My Ara? We really did.” Napatingin siya sa ama ng dalaga.

Parang kahit ito ay hindi makapaniwalang dadalhin talaga siya ng dalaga rito.

Tumango lang ang ina ng dalaga.

“And, I'm also here to say that, starting today, I'm going to live with him in his condo.” anito na ikinalingon niya rito sa gulat.

Hindi man lang ito nag-alinlangang sabihin ang mga iyon sa magulang nito.

“Hindi naman kayo kokontra, right?” tanong pa nitong muli sa ina at ama na parang wala lang ang binalita nito rito.

Tumingin siya sa mga magulang ng dalaga at nakatingin na ito sa kanya.

Huminga siya ng malalim saka sinalubong ang tingin ng mga ito.

“If it's okay with the two of you, I want her to live with me. I promise I'll take care of her.” he confessed kahit alam niyang hindi ito pansin ng mga ito.

Napatanga ang mga ito sa kanya.

“Walang kokontra, okay?” his woman interrupted and he looked at her.

What's with my woman? Tanong niya sa sarili. I'm starting to like her even more! Fuck! Mura niya sa sarili.

And, when his woman felt his gaze, nilingon siya nito.

Hindi niya inaasahang mamumula agad ang pisngi nito nang magtama ang mata nila.

Fuck. That was a pretty red cheeks of yours, my baby. Aniya sa sarili.

He wants to say it out loud. But, he couldn't.

Hinawakan niya ang pisngi nito. Nawala sa isipan niyang kasama nila ang magulang ng dalaga.

“You're blushing again, Abigail.” Komento niya.

Napakurap-kurap ito sa narinig mula sa kanya.

“Abigail?” Naibaba niya ang kamay niyang nasa pisngi ng dalaga saka lumingon sa mga magulang nito ng sabay nitong binanggit ang pangalan ng anak ng patanong.

“You called my daughter, Abigail?” tanong ng ina nito sa kanya.

Ito na naman ang tanong na ito. Bakit ba gustung-gusto niya ang ikalawa nitong pangalan?

“Uhh, yes.” sagot niya rito.

Hindi ito sumagot at tumango lang. Tumingin siya sa ama ng dalaga, nakatingin lang ito sa kanya. At napansin niyang ikinagulat ng katabi niyang dalaga ng biglang nagtanong ang ama nito.

“So, Bakit gusto mong makasama sa isang bahay anak ako? Hindi pa naman kayo kasal.” tanong nito.

Gaya ng sagot niya sa dalaga ng tanungin siya nito, ganoon din ang sagot niya sa ama nito.

“I just want to see her everyday. When I wake up, when I leave for work and when I get home. I want to be with her,” sagot niya sa ama nito, “Right here, in front of you,” tumingin siya sa dalaga, “And, with the both of you,” aniya at tumingin sa mga magulang nito.

Nakita niya kung paano naguluhan ang mga ito sa sinabi niya.

Umalis siya sa kinauupuan niya at walang sabi-sabing lumuhod siya paharap sa nakaupong dalaga.

Today, earlier in the morning before his meeting with his friends, he bought an engagement necklace. Hindi niya alam kung bakit gano'n ang ginawa niya.

Matapos ibalita ng ina niya sa kanya na pumayag ang dalaga, tinawagan niya agad ang kaibigan niyang si Austin, may-ari ng isang jewelry store ang ina nito.

Tinanong niya kung mayroon bang engagement necklace ang store ng ina nito, at mayroon daw.

Why, necklace? Dahil hindi pa naman niya alam ang size ng daliri ng dalagang pakakasalan niya.

He wanted to give her something for assurance. That's why he bought a necklace for her.

Kinuha niya sa bulsa ang isang black rectangular shape box. He opened it in front of his woman, and there it is, a diamond pendant necklace.

Inangat niya ang tingin sa dalaga na nakaawang ang bibig habang nakatingin sa kuwintas na nasa box na hawak niya.

Narinig niya ang pagsinghap ng mga magulang nito sa likod niya.

“I bought this necklace instead of a ring. Hindi ko pa kasi alam ang ring size mo. But, I promise I'll give you a ring. For now, itong necklace muna.” Paliwanag niya rito kahit hindi naman ito nagtatanong.

Bigla lang iyong lumabas sa bibig niya. Kinakabahan siya kaya kung ano-anong lumalabas sa bibig niya, alam niya iyon.

“Khal,” Salubong ang kilay nito pero namumula ang magkabilang pisngi.

Tumingin siya sa mga magulang nito at saka nagsalita, “In front of your parents Abigail, be my fiancée. I'll wait until you graduate. I promise.” Pakiusap niya rito.

“Hijo.” anang ama nito. Nilingon niya ito.

“Sir, kung iniisip niyong ginagawa ko ito dahil tinutulungan kayo ng ama ko, well, my answer is no,” aniya, “So please, let me be her fiance and her husband, soon. Kaya kong mag-antay hanggang sa maka-graduate siya,” Pakiusap naman niya sa ama nito, “Wala po akong pakialam kung ano'ng usapan mayroon kayo ng ama ko, labas po ako r'on.” dugtong niya pa.

Nagkatinginan ang mga magulang ng dalaga.

“Do you really want to live with my daughter, hijo?” tanong naman ng ina ng dalaga.

Ngumiti siya rito, “That's one of my reasons. Yes, I wanna live with her and,” Nilingon niya ang dalaga, “I have plenty of reasons why. And, I'm keeping those for now.” he smiled at her. She blushed.

“Oh, okay.” Tanging sagot ng Ginang.

Ngumiti siya sa dalaga, “So, My baby. Abigail,” aniya rito.

Ngumuso ito at sobrang pula pa rin ng pisngi.

“Tumayo ka r'yan,” anito. Hindi siya tumayo, “Tumayo ka sabi r'yan. Sisipain kita,” anito na ikinatawa niya.

Tumayo siya at umupo sa tabi nito. Saka niya sinuot ang kuwintas sa leeg nito.

The necklace suits her. It looks so perfect with her wearing it.

“I'll give you your ring, I promise.” Pangako niya rito at ngayon pati ang tainga na nito ay namumula na rin.

He chuckled.

“Princess, you're blushing too much.” Komento ng ama nito ngunit nakasimangot na nakatingin sa dalaga.

“I know, Dad.” anang dalaga saka tumayo at lumapit sa mga magulang nito, “Kailangan na naming umalis. Kukuha pa ako ng iilang gamit ko sa condo ko,” anito at h*****k sa pisngi ng mga ito. Bumaling ito sa kanya, “And, yes, Khal. I'll be your fiancée.” then she bit her lower lip again.

Sasagot na sana siya ng mabilis itong nagtungo sa pintuan at lumabas.

He blinked. Lagi na lang siyang iniiwan nito sa loob. Una sa cafe, kanina sa kotse, ngayon sa loob ng bahay ng mga magulang nito.

He chuckled then shrugged. Nilingon niya ang mga magulang nito.

“I'll take care of her. I promise. Nice to meet you both.” aniya rito t'saka yumuko.

Tumango naman ang mga ito at nagpaalam na rin sa kanya.

“Pasensya ka na sa anak namin, iniwan ka rito.” Paumanhin ng Ginang.

Ngumiti siya rito, “It's okay. This isn't the first time, Tita. Pangatlong beses na po ito,” aniya. “I'll better go now.” Paalam niya sa mga ito saka mabilisang tinungo ang labas.

Napailing siya ng makita ang dalagang nakaupo na sa loob ng kotse nito.

He smiled at her nang magsalubong ang mga mata nila. Namula na naman ito.

Pretty. Komento ng isip niya.

Agad siyang lumapit at pumasok sa driver seat. Inabot nito sa kanya ang susi ng hindi siya nililingon.

“I already saw you blushed many times already, Abigail. Bakit ba tinatago mo pa?” tanong niya rito.

Agad siyang nilingon ng dalaga saka ngumuso, “Nakakahiya, e.” anito na ikinailing na lang niya.

“Don't be. You looked so pretty when you're blushing. I like it.” aniya saka ito nginitian.

Umirap ito at nakita niya ang kamay nitong humawak sa kuwintas na sinuot niya rito kanina. Hindi niya mapigilan ang ngumiti.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status