Share

The Marriage We Never Meant
The Marriage We Never Meant
Penulis: Auroravillez

SIMULA

Penulis: Auroravillez
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-01 06:22:07

“So in this type of tools, we can ensure that the flour that we used in a pastry was smooth enough. Baking is not a hobby. It's a passion. We simply said that baked is just for our tummy needed or to satisfy our cravings. But baking is also a dream, a job, and a passion. That's all. Thank you.” I reportedly smoothly and confidently.

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko at natigil na lang sila ng ibang grupo naman ang magrereport.

Ako kasi ang nagreport, dahil ika nga nila, magaling daw ako at ang ganda ng accent ko. Well thank you.

Natuwa naman ako kapag kino-complement nila ang English skills ko. Lalo tuloy akong ginaganahang magreport. They always said those words. They said that maybe I had a American side. But no, I'm just a simple and poor girl, living in a poor village.

Ngumiti ako habang papunta sa upuan ko kung saan katabi ko ang isang mokong.

“Ano'ng gusto mong kunin na course pagtungtong mo ng college, Luna?” tanong ni Zyrus—boybestfriend ko mula elementary. We'd meet randomly, and our friendship remain stronger year by year.

Umupo na ako sa tabi niya at kinuha ang ballpen sa buhok ko upang paglaruan ito paikot sa kamay ko.

“Hmm” I tipped the lower part of my chin as I looked at the other group who was reportedly nicely. “Parang gusto ko yung bread and pastry arts. ”

“Hilig mo talagang mag-bake ano?—ARAY!” napasigaw pa ito dahil sa hinampas ko siya dahil sa pinisil niya ng tudo ang pisngi ko, sanhi para tingnan ko siya ng masama.

Ang impakto, hilig niya talaga ang ganoon!

“Ikaw?” balik na tanong ko sa kaniya matapos niyang lubayan ang pisngi ko. Sunod niya namang pinaglaruan ang buhok ko at ngumuso pa para iipit ang buhok ko don. Sinamaan ko lang siya ng tingin, pero ang mokong ay tumawa lang at dinilatan pa ako.

“Ang laway mo ha!” diin na saway ko sa kanya. Parang tanga kasi, iisipin ko na lang na kulang siya ng buwan nung ipinanganak siya. Parang may mental disorder, kulang na lang ipadala ko na siya sa mental hospital.

“Hmm, siguro…sindikato” sabi niya na ikinahampas ko lalo sa braso niya. Ang loko ang hilig talagang magbiro. Inirapan ko lang ito at nakinig na lang sa kasunod na grupo na nag-report.

Di ko na pinansin ang parang timang sa tabi ko na nilalagay ang buhok ko sa ilong niya. Maganda raw ang buhok ko kamo. Parating sinasabi ni Zyrus iyan. Mas maganda kaya sa kanya. Malambot at kulay itim, samantalang iba naman ang kulay sa akin. Ibang-iba.

Hanggang bewang ang buhok ko na kulay itim na may pagka-kahel kapag naaarawan. Maraming nagagandahan sa buhok ko, lalong-lalo na kapag nasa field kami tuwing PE na namin. Ika nga nila, kaya raw ako lapitin ng mga boys dahil sa nakaka-akit kong buhok. Okay?

Iniisip ko pa lang na nakapasok ako sa kolehiyo at mapasukan ko ang kurso na gusto ko, sobrang excited na ako at sobrang saya.

Pero sana nga…

Kasi hindi lahat ng anak ay pinagpala, gaya ko. Kung may kapangyarihan lang akong pumili ng magulang pagkapanganak sa akin, sana hindi magiging miserable ang buhay na meron ako.

Bukod sa ako na nga ang gumagawa ng lahat sa bahay. Parang tutol rin ang ina ko na mag-aral ako. Kung hindi pa ako nakiusap sa ama ko na gusto kong mag-aral, no read, no write sana ako ngayon.

Sa tanang buhay ko, kahit isang letra, hindi ako tinuruan ng ina ko. Ina ko na dapat ang unang guro ko.

Hindi ko masasabi na siya, o sila ang una kong naging guro. Sa pagkakaalam ko, ang sarili ko lang ang unang naging guro ko. SARILI ko lang, wala ng iba pa.

TUMAYO na ako upang umuwi na. Nagring na kasi ang bell.

Si Zyrus naman ay ganon pa rin. Pwede ng dalhin sa mental hospital sa sobrang baliw kumilos. Parang walang magulang!

Speaking of magulang ni Zyrus. May kaya sila. Lahat kaya nilang bilhin. Kita ko naman mismo kung paano di nahihirapan sa buhay si Zyrus. Parang wala na nga itong problema eh. Ang nanay at tatay niya ay sikat na bussinessman at businesswoman sa bansa. Kabilang na rin siya dahil sa parati rin itong makikita sa billboard kasama ang magulang niya.

Parating silang tatlo ang makikita sa bawat kalsada lalong-lalo na sa EDSA. May kapatid ito, di ko lang alam kung nasaan na. Nakalimutan ko na kasi.

Nagpaalam pa ito sa akin. Mamimiss niya raw ako. Parang tanga, magkikita pa nga kami sa graduation e. Nagpaalam na rin ako sa mga classmates ko. Panigurado ko lang.

Sumakay na ako ng jeep para makauwi na sa amin. Buti na lang at di punuan ngayon, paniguradong mahihirapan na naman akong sumakay kung nagkataon.

Ang saya-saya ko sa school kanina. Pero parang nawala lang ito na parang bula ng matanaw ko na ang bahay namin sa di kalayuan.

Kitang-kita ang maliit naming bahay sa kalayuan dito sa kalsada. Malapit lang kasi sa taniman ng tubo ang bahay namin. Kaka-arado lang din ng lupa doon kaya tanaw ko na ito kahit pa na nasa kalsada ako.

Napabuntong-hininga na lang ako habang tinatahak ang masikip na daan papunta sa maliit naming bahay.

Kailangan ko na namang magtiis nito panigurado. Hawak ang bag, dahan-dahan lang ang hakbang ko hanggang sa nakarating na ako sa harap ng bahay namin.

Bulyaw. Galit. Sumbat. Ganon lang naman ang parating madadatnan ko sa loob ng kabahayan namin.

“Ano ba namang bayarin ‘to!” maririnig na naman sa bawat sulok ng bahay ang matinis na boses ni mama. Nadatnan ko itong may hawak na bill na dalawang piraso. Bill sa kuryente at tubig ang isa, at bill naman sa gamot ni papa panigurado.

“Magandang hapon Pa, Ma” bungad ko naman sa kanila at yumuko na. Mahina ang pagkakabigkas ko, halatang iniingatan ang boses na wa'g lakasan.

Tumigil na si mama kakabunganga ng makita ako. Yun ang akala ko. Pero di pala.

Dahil nasundan pa ito ng ilang beses na mura at bulyaw galing sa bibig niya. Marahil kakatapos lang nitong manglabada galing sa kapit-bahay namin o karatig bayan. Nasa kamay pa rin nito ang bill na kanina niya pa binubulyawan na para bang may kasalanan sa kanya. Si papa na tahimik lang habang pinapaypayan ang sarili na parang wala na ring gana na sawayin si Mama.

May sakit ang ama ko. Hindi na ito nagtatrabaho dahil baka mapano pa sa bato ang sakit niya. Kaka-opera niya pa lang noong nakaraang buwan sa bato. Lumubo na nga ang bill bago pa siya makalabas sa hospital. Kailangan pang mangutang sa kung kani-kanino para lang ipangbayad sa bill ni papa.

Nagkanda-lubog na nga kami sa utang. Kahit pa nagpa-part time ako sa isang fastfood restaurant tuwing wala akong pasok. Wala pa rin namang silbi. Lubog na lubog na kami hanggang sa ngayon.

Yumuko lang ako habang tinatahak ang daan papuntang kusina upang hugasan ang lunch box ko. Kinuha ko ito sa loob ng maliit na bag ko na noon pa may sira na. Mabuti na lang at itinahi ko na lang ang butas. Tinitiis ko ito palagi kapag nasa school ako. Di ko masyadong nilalagyan ng mga mabibigat na bagay para di na ito mawasak pa dahil sa bulok na talaga ito. Galing pa ‘to sa kapit-bahay namin na si Jane. Siya lang naman ang medyo ka-close ko na kapit-bahay namin. Pinaglumaan niya ito at di na magamit kaya ibinigay niya na sa akin.

“Patigilin mo na kasi yang si Luna sa pag-aaral. Lumalaki na ang bayarin e.” mahina na ang boses nito, pero halatang stress na stress na siya dahil sa malakas na pagbuntong-hininga niya na parang pasan ang mundo.

Du'n pa lang na sinabi niya na patitigilin ako sa pag-aaral. Napatigil ako sa aking paghuhugas ng plastic ware na bina-baonan ko.

Hindi pwede. Hindi nila alam kung gaano ka importante ang pag-aaral. Paano na lang kaya ang pangarap ko?

“Ma, gusto ko pa pong magkolehiyo—”

“Kolehiyo? Highschool ka pa lang malaki na ang gastusin. Magko-kolehiyo ka pa?” pagputol niya sa sinabi ko na parang sasabog na sa galit. Yung tipong punong-puno na siya sa buhay namin. Pero nagawa niya pang magminaldita.

“Pagtatrabahuhan ko naman e” mahina, ngunit sigurado ang sinabi ko. Kapag gusto ko, pagtiya-tiyagaan ko talaga kahit gaano pa kahirap ang buhay.

“Hindi na. Tapos ano? Ako ang sasalo? Ano ka ba naman, Luna. Wa'g ka naman sanang dumagdag pa sa gastusin natin. Sayang lang ang pera. ” sulsol naman niya at pinaypayan ang sarili. Ang galit niya, yung tipong takore na pinapakuluan. Parang nag-aapoy na nga ito kung i-imagine mo lang.

“Para satin din naman ang pag-aaral ko—”

“Sa atin? Hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang gastusin sa kolehiyo?” pagputol niya ulit sa sinabi ko. Mahina, ngunit may diin ang bawat letrang sinusumbat niya.

Kapag siya na ang nagdesisyon, wala na akong magagawa. Napayuko na lang ako dahil may mga luhang nagbabadyang mahulog galing sa mga mata ko.

“Maghanap ka na lang ng trabaho para kahit papaano, hindi ka na maging palamunin sa bahay na ‘to” huling sinabi niya bago namayani ang kaunting katahimikan sa sulok ng bahay.

Doon pa lang, nawasak na ang puso ko. Lahat ng pangarap na gusto kong tuparin, lahat ng iyon ay naglaho na parang bula lang din. Kapag sila ang mag-desisyon, wala na akong magagawa, hinding-hindi na sila maniniwala sa kahit ano pang pagpaliwanag ko.

Tinapos ko na lang ang paghuhugas at pumasok na sa loob ng maliit kong kwarto.

Doon na nga tuluyang kumawala ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Napahiga ako sa kama ko at doon inilabas ang sama ng loob. Napsubsob ako sa maliit kong unan. Iniinda ko na naman ang matigas na kama kong ‘to.

Napahikbi ako. Wala na akong magagawa. Pati si Papa ay wala na ring magagawa sa desisyon ni Mama. Si Mama ang parating nasusunod sa bahay. Dahil siya lang din naman ang bumubuhay sa pamilyang ‘to sa pamamagitan ng pagtanggap ng labada araw at gabi.

Tuluyan na lang ako sigurong mamasukan sa isang simpleng trabaho lang. Walang galanteng trabaho na maihaharap sa mga tao sa paaralan namin. Sila yung umaasa na may mararating ako sa buhay. Kahit pa na top 5 lang ako sa klase. Alam nilang may makakamit daw ako sa buhay.

Matalino raw ako pagdating sa pagbi-baked. May patutunguhan daw iyon at magiging successful daw ako balang araw.

Pero di ko alam kung matutupad ko pa ang mga yun. Ang alam ko lang ay wala ng paraan pa para tuparin ang pangarap ko. Lalong-lalo na pabilibin ang mga tao sa paligid ko na umaasa na may makamtan ako sa buhay.

Akala ko ba lahat ng magulang ay may hangaring makapagtapos ang mga anak nila. Pero bakit iba yung sa akin. Bakit tutol naman yung sa akin.

Kung saan may kakayahan ako. Dun naman ako papahintuin, papatrabahuhin para sa magulang pamilya na ‘to.

Mas lalo lang ako naiyak dahil sa naisip ko na ang paparating graduation namin. Alam kong magiging malungkot iyon. Di na dapat ako mag-expect pa na maging masaya na makatapos ako. Kung ang huli, magta-trabaho lang din pala ako.

NATAPOS ang graduation ko ng malungkot. Ni di kami nakapag-celebrate ni Zyrus para dun. Sabi niya kasi ililibre niya raw ako. Tumanggi na lang ako at sinabing sa susunod na lang dahil marami pa akong gagawin sa bahay. Sa buhay pala. Naintindihan naman nito kahit pa na parang nagtatampo na nga ang mokong na iyon. Dinaan ko na lang ito sa biro para di siya maging malungkot.

May graduation picture pa kami. Ibinigay niya na ito sa akin matapos niyang ipa-print. Tinanggap ko naman ito. Kumbaga memory na ‘to namin. Will keep this memory na lang.

Ang sinabi kong may gagawin ako, meron naman talaga.

Noong nakaraang araw pa ako pinilit ng ina ko na maghanap ng trabaho. Wala naman akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya, ayaw ko lang na mapalayas ako.

Tudo reklamo pa ito dahil sa pinilit ko pa ito ng ilang beses na gusto ko pang mag-aral. Nagalit ito at muntikan pa na di dumalo sa graduation ko. Kung di pa ako nag-insist na magtatrabaho na lang ako, tiyak na di ito dadating sa graduation ko.

Ilang araw na akong pabalik-balik sa kung saan sa bayan para lang makahanap ng trabaho. Pero wala pa ring hiring sa kahit saan. Gusto ko sana sa opisina na lang ako o kahit maliit lang na kompanya, pero wala talaga. Kahit pa na katulong lang, wala rin naman.

Wala akong dala pauwi sa bahay namin. Wala kahit balitang may trabaho na ako. Ang ending, bulyaw at galit na naman. Ganon rin naman ang palaging iniinda ng tenga ko—ang matulis na boses ng Mama ko.

“May hiring ng maid daw sa Velasquez Mansion? Na'ko papa-aplayin ko ang anak ko. Tutal di rin naman siya nag-aaral. Ayaw niya na raw kasi.” rinig kong sabi ng kapitbahay namin na may edad na. Hindi ko siya kilala dahil madalang lang akong lumabas ng bahay.

Kahit nga katabi namin ng bahay ay di ko kilala kung sino. Bukod kay Jane—ang kapit-bahay ko na dati ko ring kababata.

Pauwi na kasi ako ng marinig ko ang usapan nila. Nag-text rin ang kapatid ko na bilhan ko raw ng sangkap si Mama para sa bangus na lulutuin nito.

Hindi naman sa chismosa. Pero narinig ko na ang mga chismis tungkol sa Velasquez na pamilya na yan. Taga kabilang bayan raw ang ito at may mansyon sa subdivision. Mga mayayaman raw.

Madalang lang sila nagpapa-hire ng kasambahay. Sigurado naman akong malaki ang sweldo ng kung sino man ang makapagtrabaho sa mansyon na yun.

Nasa tapat ako ng tindahan ngayon. Bumili na ako ng sangkap sabay langhap ng chismis.

Aksidente ko lang na narinig ang pinag-uusapan ng mga chismosa naming kapitbahay tungkol sa pamilyang Velasquez.

Matapos ay umalis na ako at tinahak ang daan papunta sa bahay namin.

Napatigil ako ng marealize ang sinabi ng ginang kanina.

Kailangan ko ng trabaho kahit na labag sa kalooban ko. Malaki rin magpasahod ang mga Velasquez.

What if subukan ko? Baka sakaling matanggap pa ako.

Di ko alam kung ano ang naghihintay sa akin. Pero bahala na. Kailangan ko to e. Kailangang-kailangan…

Siguro tama nga ang ina ko. Palaki na ng palaki ang bayarin. Hindi na dapat ako dumagdag. Lumulubog na rin kami sa utang. Kailangan na rin na mabawasan iyon kahit na kaunti lang. Isa pa, parati lang din naman ako pinapagalitan at binubulyawan sa bahay. Sana matanggap ako. Gusto ko talaga yung stay-in, para kahit papaano di ko na maririnig ang matinis na boses ng ina ko.

Kahit na parati ako nitong pinapagalitan, tama siya. Kahit pangarap ko, kailangan ko pang isakripisyo, para sa ama kong may sakit, sa bayarin.

Bahala na. Susubukan ko lang.

Nakakapagod na kasi si Mama. Napapagod rin ang tenga ko sa kaka-bulyaw niya.

Kung sakali mang tatanggapin ako. Magpapasalamat pa ako.

Pero sana…

Dali-dali akong umuwi. Patakbo na nga ang lakad ko hanggang sa nakarating na ako sa harap ng bahay.

Nasa gilid lang ng pinto si Liliana—ang nakababatang babaeng kapatid ko habang may Lolipop sa bunganga niya. May hawak itong cellphone sa kamay niya na tila walang planong kumilos sa bahay. Tamad.

Agara ko nang ibinigay sa kanya ang mga sangkap. Di na ako nag-abala pang sagutin ang tanong niya kung saan raw ako pupunta. Basta agad na akong umalis sa harapan niya at sumakay nang makitang may papadaan na trycicle.

“Dito na ata yun, ija.” saad ni Manong driver habang tinatanggap ang pamasahe ko.

“Ah sige po manong.” magalang na saad ko naman sa matandang driver na ikinatango niya naman.

Ito na ba yun? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa isang napakalaking mansyon. Totoo ba ‘to? Pinagsasampal ko pa ang sarili ko sa kadahilanang di ako makapaniwala na may nag-e-exist pa palang yayamaning mansyon sa Pilipinas. Akala ko sa ibang bansa ko lang ito makikita. Meron rin pala sa Pilipinas, at nasa harapan ko pa.

Jackpot! Paniguradong ang laki ng sahod ko kapag dito ako nagta-trabaho. Sana matanggap ako Lord. Napa-krus pa ako ng dibdib ng wala sa oras.

Ikaw na bahala Lord sa akin…

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Marriage We Never Meant   KABANATA 57: harassed

    Masaya kong sinalubong sa bahay si Celestia. Kaagad ko naman siyang hinalikan sa pisngi na ikinagulat niya.“Dahan-dahan po. The baby might hurt.” Inakay niya akong maupo sa sofa kaya sumunod ako.Tumawa ako. “Sobrang saya ko lang kasi ngayon. Yung butter tarts na ginawa ko kasi, napalpak,” bumungisngis ako.Kumunot ang noo niya. “Ha? Wala naman pong nakakatawa,” she said slowly.“Ganto kasi. Imbis na cream ang gagawin ko para sa base, ibang ingredients ang nagawa ko which is yung chocolate drip. I thought I might cause big trouble. Pero akalain mo, sa palpak na yun dinumog ng mga customer ang weird na butter tarts na yun,” tuwang-tuwang ani ko.“Oh my God! That's awesome po!” she clapped her hand like a child one, but cute. “Dadaan ako bukas para matikman yun.”Umiling ako. “Wag na.”“Bakit naman po?”Ngumiti ako ng malapad. “Dahil dinalhan kita!”Tuwang-tuwa naman siya nang matikman ang dala

  • The Marriage We Never Meant   KABANATA 56: complement

    “Mag-ingat ka po.”“Ikaw rin,” I said and then waved my hand as I bid a goodbye to Celestia.Mas nauna akong pumasok kesa sa kanya. Five am ang pasok ko habang six am naman sa kanya. She even give me a penny for my commute. I was shy but I need to accept because I don't have a choice.Tumutulong na lang ako sa kanya sa paglilinis ng bahay para may ambag naman ako. Maayos naman na kasi ang pakiramdam ko. Pinapahiram niya pa ako ng damit kaya ang ending ako na lang ang naglalaba. She's really kind and generous.May sign pa na ‘closed’ ang pintuan na crystal kaya need ko pa talagang kumatok. The American girl in her mid 30s opened the door and welcomed me with her warm smile.Tumango lang ako bilang tugon at sinundan siya. Ang ganda niya grabe, parang model sa Victoria secret. Matangkad rin siya at walang bakas na kahit na anong peklat sa binti niya.“Good morning,” panimula ko. “What should I need to do, or did I have my

  • The Marriage We Never Meant   KABANATA 55: job

    “I was trapped.” I look at her. “How?” “It all started by the trust,” she smiled at me. “Nagtiwala po kasi ako sa kapitbahay ko, so, yeah,” she nodded. “I was involved in a trouble and went here,” she laughed like it was a ridiculous things happened to her. But beneath her eyes—there’s a hint of pain and sorrow. We're currently seating at her small couch. Hindi naman kasi kalakihan ang bahay niya, hindi rin naman kasi kalakihan ang bahay na tinutulayan niya at at kung saan ako namamalagi ngayon. It wasn't her house—not from her family either. It's a rented cheap apartment near to the forest by its backyard. “It's okay, I won't force you to tell everything. All I know is—you've been decieved and I am too,” I said while tapping her back. She nodded and smile to ease the pain she'd been endure in almost 1 year ago. “What's your hobby po, ate?” “Mahilig akong magluto,

  • The Marriage We Never Meant   KABANATA 53: Celestia

    They say, a best friend is the best ally in this life—the one you trusted, the one you should deal with all your problems, and the one who gives you hope to live.But also, they say, the one who was closer to you—the one who will be the first who betrayed you.And now, I wasn't just betrayed—but attempted to be killed for their own good and their selfishness. He's my best friend back then. We didn't spend too much time with each other because he was too busy with his own life, as well as me sometimes.I carefully open my eyes. The white ceiling welcomed me. My vision is still blurry, but I can manage to see things. My head is also spinning. I abruptly stood and went to the white door as I opened, the bathroom welcomed me. I didn't hesitate to enter. I keep vomiting at the small sink. Naghilamus lang ako pagkatapos.I felt dizzy, but just a little bit since I vomited too much. Agad na bumungad sa akin ang isang babaeng

  • The Marriage We Never Meant   KABANATA 53: nowhere to go

    Hawak-hawak ang tiyan habang tumatakbo palayo sa bahay ni Zyrus. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha sa pisngi ko.All I can think was His name. Oh God. Almighty God please save me this time. I had nowhere to go, but only You.Rowan… please help me. How I wish would be there, but isn't it impossible? Is it maybe. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Para akong pinaka dukha dahil sa itsura ko ngayon. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa pisngi ko para hindi ako nakakahiyang tingnan.I don't know where path should I take. I'm just being relieved when I realized I'm far away from him. From their who had a bad intention on my life.“Hey ms. Are you okay?” said the old woman who was wearing scarf in her neck and cotton cup in her head. She was holding a stick—maybe supporting her strength. She's in her mid 60’s I think.“Y-yes,” I gulped and wipe my tears away using the back of my hand.

  • The Marriage We Never Meant   KABANATA 52: takas

    “Luna? Nasaan ka?”Agad akong kumaripas ng takbo nang bumaba si Zyrus. Mabuti na lang at hindi niya ako nakita nang lumampas siya sa akin kanina.“N-nandito ako sa kwarto,” kanda utal-utal na sigaw ko para malaman niyang nasa loob ako.Napakapit ako sa dibdib ko habang may luhang lumandas sa pisngi ko. Hindi pwede. Hindi ako pwedeng mamatay dahil may bata pa sa loob ng sinapupunan ko. Ayokong may mamatay.“Luna, ano ang ginagawa mo?” tanong ni Zyrus mula sa likod ng pintuan.“H-ha? Wala. Nagbawas lang ako,” rason ko. Shit ang boses ko!“Umiiyak ka ba?” Lumayo ako mula sa pintuan at pumasok ng banyo para maghilamos.“Luna, sabi ko umiiyak ka ba?”Nag inhale-exhale muna ako. “Hindi, ha. Bakit naman ako iiyak?”“Yung boses mo halata.”Mukhang wala naman siyang masamang balak na gawin sa akin base sa boses niya. Mag-iisip na lang ako ng rason.Tumawa ako. “Oo na nga. Na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status