Share

Chapter 5

I am swaying my hips following the rhythm of the music as I cook my breakfast. Ganito ako everyday bago pumasok sa work. Gusto ko kasi na good vibes ako palagi at para na rin maging maayos ang araw ko. 

Fortunately, I don't have much paperworks to do today. May babasahin lang akong mga papeles na ipapasa rin naman sa CEO. 

I always play energetic music in the morning. Today, I chose groovy music to hype myself up. The beat of the song makes me feel happy and all, that's why I can't help myself but dance with it. This feels nice. I am not a morning person that's why I do this everyday. 

I decided to fry some bacon, eggs and hotdog. My leftover rice from yesterday is now a fried rice with crispy garlic bits that I love. If you're wondering why I cook this much in the morning, it's because of-

"Good morning! Nagugutom na ako," biglang sigaw niya pagpasok sa condo ko. I rolled my eyes in my mind and yeah, it's because of Raziel. 

He was still wearing his shirt and boxer shorts. Kakagising lang niya pero dito na naman siya dumiretso. I wonder kung nakapag-toothbrush na ba 'to bago pumunta dito. 

Since we graduated from college, nagbabalak na talaga kami bumili ng condo pero hinintay niya muna ako dahil ang gusto ko kasi sariling pera at ipon ko na ang ipambibili ko. It took us a year before we finally bought a condo at sumama na naman siya sa akin. Our units are facing each other so kapag nagugutom ako minsan, pumupunta na lang ako sa condo niya. Pero most of the time, nandito siya sa condo ko kasi tinatamad daw siya magluto. 

"Ang aga-aga nandito ka na naman," sabi ko sa kaniya at naramdaman ko naman siyang tumabi sa akin. Kumuha siya ng isang bacon at kinain iyon, akmang kukuha pa siya ng isa pero tinampal ko na ang kamay niya. 

"Wala na tayong makakain na bacon mamaya kapag pinapak mo pa 'yan. At saka! Maghugas ka nga muna ng kamay!" paalala ko sa kaniya. 

"Sungit! Meron ka ngayon 'no?" pang-aasar niya habang naghuhugas ng kamay sa sink. 

"Mukhang magkakaroon na dahil binubwisit mo na naman ako," sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Ginulo naman niya ang buhok ko. 

"Akala ko ba ayaw mo ng bad vibes sa umaga? Bakit ganito ang mukha mo?" sabi niya. Bigla naman niyang kinunot ang noo niya na akala mo galit sa mundo. Hindi naman ganiyan mukha ko ah! 

"Ewan ko sa'yo," sabi ko at tinalikuran ko na siya para ihanda ang mga plato, kubyertos at tubig. 

He prefers water over coffee or juice in the morning. He drinks coffee kapag nasa office lang siya and he wants it sweet. Ako naman, gatas ang gusto ko palagi. I rarely drink soft drinks or juice. Kapag nagco-coffee pa ako, gustong-gusto ko pa na nilalagyan ng gatas iyon. 

"Ako na, maupo ka na," sabi niya. Umupo naman na ako sa mesa at inilabas ang cellphone ko. I always check my emails in the morning para alam ko rin ang schedule ko at ano ang mga updates sa mga kumpanya namin. 

"Hoy, Raze! Na-issue ka na naman pala?" natatawang sabi ko at nakita ko siyang bumusangot. 

"Yes and it's so fucking irritating," yamot na sabi niya habang nilalagay ang mga kubyertos sa mesa. 

"Well, you can't help it. You are the heir of the most successful company in Asia and now, it's CEO. Kaya lahat ng mata nakatingin sa'yo," sabi ko. Nagsandok na ako ng kanin at kumuha na rin ng ulam. 

"It's fine now, I've controlled the news last night and I already released my statement about it. Besides, hindi naman iyan ang headline kagabi talaga," he said and smirked at me. 

"Huh? Good for you," sabi ko habang ngumunguya. 

"Good for you, too," sabi niya at kinindatan pa ako. Bigla akong kinabahan kaya dinampot ko ang cellphone ko at nag-iscroll kaagad sa mga news at napanganga ako sa nakita ko. 

"Fuck! Kailan pa naging tayo?!" gulat na sigaw ko at si Raze naman ay tumawa nang malakas.

"Don't cuss in front of the food and your reaction is priceless," he said in between his laughs. Pinindot ko ang article at binasa ito. 

Finally, the merging of companies and families? 

That was the main title of the article and I want to slap whoever wrote this freaking article! 

They were seen together last night at the party of Morint Corporation for the promotion of Cassiea Dail Morint as the new Chief Operating Officer of the company. 

A guest in the party saw that Ms. Cassiea is already on good terms with Mr. Raziel's family and this is a good sign, right? Many guests from the party witnessed it and all are excited for the confirmation of both parties. How about you? 

Iyon ang nakasulat sa article. Ang picture na nandoon pa ay noong niyakap ako ni Tita Marizel at ang picture namin apat na nagtatawanan habang ang kamay ni Raziel ay nasa baywang ko. 

"Nagsalita ka na ba tungkol dito?" tanong ko sa kaniya at nagpatuloy na ulit sa pagkain. 

"Nope, hindi pa," sagot ni Raziel na ikinatango ko. Magre-release na lang ako siguro ng statement mamaya regarding this issue. Sabi ko good vibes dapat eh! It's my first day as the COO, kaya gusto ko maganda ang araw ko ngayon. Hindi ko naman inexpect na kakagising ko pa lang, masisira na kaagad ang mood ko. 

Pagkatapos namin kumain, nagprisinta siyang maghugas ng mga pinagkainan namin. Hinayaan ko na lang siya kasi minsan lang din naman 'yan at saka, maaga pa naman. Parehas kasi kaming early bird masiyado niyan, ayaw namin ng nali-late. 

Pumasok na ako sa kwarto at kinuha na ang susuotin ko. Pinasadahan ko muna ito ng isa pang tingin para siguraduhing ito na ang susuotin ko, bago nilapag sa kama. Mamaya na lang ako pipili ng sapatos at ang usual bag na ginagamit ko na lang ang dadalhin ko. 

Pumasok na ako sa banyo para maligo. It still feels like a dream. Parang dati lang, isa pa akong bata na nasa ampunan na inaapi-api lang ng ibang bata at walang may gustong umampon. Ngayon, ito na ako, malayo na ang narating sa buhay. Hindi 'man para sa akin ang buhay na ito pero alam ko sa sarili ko na pinaghirapan ko ang lahat para matamasa ang nararanasan ko ngayon na karangyaan sa buhay. 

I studied and worked hard for all of these things. The path that I walked through is not easy, it was difficult, but my experiences, will and my dream drove me to become this better version of myself. Isang hakbang na lang at masasabi ko ng masaya na ako at kuntento na ako. Mahanap ko lang ang pamilya ko. 

Lumabas na ako ng banyo pagkatapos kong maligo at makapag-toothbrush ulit. I wore my outfit for today, casual office attire lang naman. It is a knee length leopard skirt and a black fitted long-sleeves. I partnered it with a black stiletto and a pair of pearl earrings. 

I also wore a simple gold necklace and my hair was in a neat mid ponytail. Simple makeup lang ang ginawa ko. I applied some concealer and contour my cheekbones to define it, and since I don't want to wear any eyeshadow today, I also contoured my crease to make it more awake and curled my eyelashes then, I applied a generous coat of mascara. I like my brows to look natural as much as possible and applied a bold red lipstick to top it all off. 

I sprayed one of my favorite Jo Malone perfume and grabbed my favorite Balenciaga Mini City in black. Nandoon na ang mga importanteng bagay na kailangan ko katulad ng phone, wallet, mini kit and my lipstick. 

Ang alam ko nasa bagong office ko na ang mga gamit ko so, hindi na ako mamomroblema dalhin iyon mamaya. Pinatay ko na lahat ng ilaw sa condo and I unplugged the appliances for safety purposes na rin and I went out. Kumatok ako sa unit ni Raziel to check if nandun pa siya. 

No response. 

Tumalikod na ako at sumakay sa elevator papunta sa parking lot. I always check his unit if nandoon pa siya kasi may mga pagkakataon na hindi niya namamalayan ang oras sa pagp-prepare at mababadtrip siya buong araw kapag late siya. Ang OA pero nasasayang daw kasi ang oras kaya simula noon, palagi ko ng chinecheck ang condo niya kung nakaalis na ba siya o hindi pa. Kapag pinagbuksan niya ako ng pinto, ibig sabihin no'n, of course, nandoon pa siya. 

Agad kong pinatunog ang sasakyan ko nang makababa sa parking lot at sumakay na. Nilapag ko muna ang bag ko sa passenger seat at pinaandar na ang sasakyan papunta sa Morint Corp. 

Maaga pa naman sa totoo lang. My work starts at 7 am and it's still 6:45 am. Too early but I prefer to work now and besides, nasa headline ako, for sure maraming reporters sa labas ng kompanya. 

Nang malapit na ako, balak ko sana bumaba sa entrance na lang ng makita ko ang nagkukumpulang reporters, kaya napagpasyahan ko na dumiretso na lang sa parking lot at doon sumakay ng elevator. 

Agad naman akong binati ng mga empleyado na sumakay rin sa elevator at nginitian ko lang sila. Ako ang huling nakababa dahil nasa taas ang bagong opisina ko. Si Mommy ang dating COO pero nag-decide siya na magpahinga na kaya naging bakante ito at pinagbotohan kung sino ang papalit and luckily, they picked me. 

"Good morning, Ms. Cassiea," Lily, my secretary greeted me. Sinamaan ko naman ito ng tingin. 

"I told you, huwag mo na akong tawaging miss," sabi ko at napahawak sa sentido ko. "Lalong-lalo na ng Cassiea kapag tayo lang ang magkasama."

Yes, she knows my secret and she is my friend. Alam niya na maaga ako pumapasok kaya minsan maaga rin siya dumadating. Hindi ko naman siya pinipilit na pumasok ng maaga at okay lang naman sa akin kung five minutes before seven pa siya pumasok, basta huwag lang late, except na lang siguro kung may emergency siya. 

Nakababata siyang kapatid ni Kuya Steve. Kasama ko siya halos lumaki sa mansyon dahil pinatira rin siya nila Mommy doon habang pinag-aaral siya ni Kuya Steve dito sa Maynila. Tiwala ako na hindi niya sasabihin iyon at hanggang ngayon, hindi naman niya ipinagkakalat. 

"Inaasar lang kita sa Miss! Pero ang hirap na hindi ka tawaging Cassiea, paano kung madulas ako at Abby bigla ang matawag ko sa'yo?" tanong niya na may bakas ng pag-aalala. 

"I trust you," iyon lang ang sinabi ko at nginitian ko siya. 

"Hay nako, Abegail!" sabi niya habang sinusundan ako papasok sa opisina ko. This office is bigger than my previous one. Well, what do you expect? This is the COO's office.

"I've already arranged your schedule and you don't have any meetings for today. Mr. Morint will not be around until 12 pm and he instructed me to give these proposals for you to read and review, so that he will just sign it when he comes back," paalala ni Lily. Good, kailangan ko rin umuwi saglit ng eleven o'clock to cook lunch. 

"Okay, thank you. You may go," I said and she went out of my office. 

I scanned the papers and I think this will be done in two hours or less. 

Two hours have passed and I'm done reading it. I already forwarded it to the CEO's secretary. I checked the time and it is still early, kaya napagpasyahan ko na maglibot muna sa kompanya. 

Our company has 26 floors in total. What's good about our company is that we provide free food for the employees and sleeping lounges if they are too tired, feeling sick or if they just want to rest, but of course, they need a permission before doing so. 

Most of our employees are not from the prestigious universities in the country because they are not that hard-working compared to people who graduated from small universities and state universities. 

I checked every department to see how they're all doing. Binabati nila ako kaagad makita pa lang ako na nasa pinto. I know most of them kasi kasama nila ako dito dati and namanage ko na sila. After roaming around the company, I decided to go back to my office. 

"Lily," sabi ko. 

"Yes, Abby?" sagot niya at nag-angat ng tingin. 

"I'll be going out for a while. I'll be back at one o'clock," sabi ko. Agad ko naman nakita ang mapangasar niyang tingin. 

"Yie, pupuntahan mo si Raze 'no?" tumataas-taas pa ang kilay na sabi nito. Tumango naman ako. 

"Alam mo, kung hindi ko lang alam at kilala kayong dalawa, iisipin ko na mag-jowa kayo or mag-asawa na," sambit niya. 

"Gaga," iyon lamang ang nasabi ko. Si Raze? Magkakagusto sa akin? Malabo 'yon. 

"Hay nako, Abegail. Alam mo sa sarili mo na hindi imposible mangyari 'yon," sabi niya at umiling na lang ako. 

Kinuha ko lang ang bag ko at ang susi ng sasakyan ko para makabalik na sa condo at makaluto na. 

Bumaba na ako at sumakay na sa sasakyan. Mabilis lang naman akong nakarating sa condo dahil medyo malapit lang naman. Hinanda ko na kaagad ang mga ingredients na kakailanganin ko at sinimulan na ang pagluluto. I am going to cook beef steak, which is his favorite. Saglit ko lang pinalambot ang baka dahil maganda ang nabili ko na uri ng beef. 

Lumipas ang isang oras at sa wakas, tapos na ang niluluto ko. Hinugasan ko muna ang mga pinag-gamitan ko. Kinuha ko na ang mga tupperware at nilagyan na ng kanin ang dalawa dito. Kaya niya 'yan ubusin jusko, and besides, ihahatid ko lang naman itong food sa kaniya. Nilagay ko na rin ang ulam sa lalagyanan at tinanggal na ang apron ko. 

Nilagay ko na sa isang tote bag ang mga lalagyan at lumabas na ng condo. Bumaba na ako ulit sa parking lot para pumunta na sa kompanya ni Raze. 

Pagdating ko doon ay buti walang reporters na naghihintay kaya sa entrance na lang ako dumaan. Binati ako ng guard kaya nginitian ko siya. Kilala na ako dito dahil alam nila ang pagkakaibigan namin ni Raze at halos lagi kaming magkasama. 

Dumiretso na ako sa elevator at pinindot ang top floor, ang opisina niya. Hindi pa naman nagi-start ang meeting niya dahil maaga akong nakarating dito. Naabutan ko kaagad ang secretary niya si Mawi. 

"Good morning, Mawi. Nandiyan ba si Raze?" bati ko sa kaniya. Tumayo naman ito. 

"Good morning, Ms. Cassiea. Uhm, pinastart na po kasi kaagad 'yung meeting kanina kaya nasa conference room po siya ngayon," sabi nito at napakamot sa ulo. 

"Oh, okay. Maghihintay na lang ako sa opisina niya," sabi ko at iginiya naman niya ako sa loob. Umupo na ako muna sa sofa doon at ipinatong ang bag sa mesa. 

If our company is already extravagant. Raze's company is way more than that. This company screams, power, wealth and dominance. Maraming nangangarap dito dahil bukod sa mga benepisyo ay malaki magpasweldo at ito ang nangungunang kompanya sa buong Asya. 

Naramdaman ko naman na nag-vibrate ang cellphone ko. 

From: Razey

Where the hell are you? It's already 12:02 at wala ka pa rin! I'm hungryyy

Napailing na lang ako at nagtipa ako ng mensahe. 

To: Razey

Nandito na ako but I heard your meeting started early that's why hindi na muna ako tumuloy. 

Hindi rin naman nagtagal ay nakatanggap na agad ako ng reply sa kaniya. 

From: Razey

Come here. 

Bumuntong-hininga ako at tumayo na habang bitbit ang tote bag na naglalaman ng pagkain. 

"Ms. Cassiea, ihahatid ko pa po ba kayo sa conference room?" tanong ni Mawi.

"No, okay lang. Kaya ko na," nakangiting sabi ko at agad naman itong tumango bago bumalik sa trabaho. Babatukan ko talaga 'to si Raze, masiyadong demanding. 

Bumaba na ako sa conference room, dalawang floor sa baba ng office ni Raze. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok, sana patapos na sila, piping dasal ko pero hindi yata ako pinagbigyan ngayon dahil pagbukas ko ng pinto ay napatigil sa pagsasalita ang nagpe-present sa harap at ang mga mata ng mga tao doon ay nasa akin. 

Tumayo naman si Raze at naglagay ng upuan sa tabi niya bago lumapit sa akin. 

"Finally! What took you so long?" he said and grabbed the bag from me. 

Remind me to kill Raze, later.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status