Share

Chapter 6.1

Hindi ko magawang i-angat ang tingin ko ng makaupo sa upuan na inilagay niya para sa akin. Seriously, gusto ko siyang sapakin ngayon. Alam na nga niyang may issue na kumakalat tungkol sa amin tapos ganito pa ang ginagawa niya. 

He is still holding the tote bag and he placed it on the table. He sat right next to me and rested his arm at the back of my chair. I lifted my gaze to look at his arm and then his face. Ang seryoso ha, akala mo naman talaga. 

Tumingin ako sa harapan namin at nakinig na lang din sa sinasabi nang nagsasalita sa harap. They are talking about the expansion of Alfonze Corporation in Europe. I am amazed at their plan but my thoughts vanished when Raze leaned to me and whispered something. 

"You look so flustered right now, what's the matter?" his husky voice filled my ears. Me? Flustered? 

"Nothing. I don't know what you're talking about," I replied and faked a cough. 

"If you say so," he said and leaned back to his chair. Phew, I didn't know why but I feel suffocated with our closeness earlier.

Actually, hindi na bago 'to. Palagi naman ganito ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya at malapit siya sa akin. Siguro kasi kinakabahan ako na malaman niya ang totoo sa akin? O alam na niya ang tungkol sa akin? The latter seems scary. 

Hindi ko namalayan na tapos na pala magsalita ang nasa harap and Raze is already giving his opinions about it. He really did a great job since he handled their corporation and I know he deserves all the recognition and good things he has right now. 

"Let's continue this later. I've prepared a lunch for you," Raze said and some of his staffs entered the room with packed lunches from a famous restaurant. 

"Nag-prepare ka pala ng lunch, bakit pinagdala mo pa ako?" gulat na sabi ko sa kaniya. Hindi naman niya ako pinansin at binuksan na ang dinala ko para sa kaniya. 

"Your cooking skills are better than any restaurant," he replied. Mawi entered and gave Raze two plates. Binigay niya sa akin 'yung isa at nilapag naman ang isa para sa kaniya. 

"Bola, sus," sagot ko at umismid. Narinig ko naman ang mahina niyang tawa. 

"Mas gusto ko talaga ang luto mo. Ilang beses ko na sinasabi 'yan, hanggang ngayon hindi ka pa rin nawawala," silence filled the room after he said that. I awkwardly smiled to the people inside the conference room. 

Napansin ko naman na nagpipigil nang ngiti ang karamihan. Wait, don't tell me, akala talaga nila nasa relationship kami? 

Sinamaan ko naman ng tingin si Raze na abalang-abala sa paglalagay ng pagkain sa plato ko. I've already released my statement, naglabas na rin ba siya? Nako, Raziel Dylan, pinapalala mo ang sitwasyon. 

"Mr. Alfonze, I can perfectly take care of my own food," I sarcastically said and snatched the spoon and fork from him. I just heard his laugh as I rolled my eyes. 

Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nila habang pinapakinggan yata kami. Kitang-kita sa mga mukha nila na may gusto silang itanong at mukhang alam ko na iyon. 

"So, Mr. Alfonze, when will be the official merging of Morint and Alfonze Corporation?" tanong ng isang matanda. Sinasabi ko na nga ba eh. Ibubuka ko na ang bibig ko para sumagot ng maunahan ako ni Raze. 

"In due time," maikling sagot niya. Siniko ko siya ng malakas sa tagiliran dahilan para maubo siya bigla habang kumakain. Hala! Nabulunan pa yata! 

Nagmamadali akong kumuha ng tubig at inabot ito. Ubo siya nang ubo at namula na rin ang mukha niya. Nahirapan yata huminga. 

"Fuck!" mura niya nang makahinga na siya ng maluwag. Sinamaan niya ako ng tingin at napa-iwas naman ako ng tingin sa kaniya. 

"Damn, woman. You almost killed me," he said in a hoarse voice. 

"It's your fault! Bakit kasi ganon ang isinagot mo sa kanila?" may halong diin na bulong ko sa kaniya. 

"But is it necessary to kill me?" nanlalaking mata na sagot niya. Natawa naman ako sa itsura niya. 

"Fine, ako na ang may kasalanan. Sorry," sinserong paghingi ko ng tawad. 

"Muntik ka na mawalan ng hot and yummy, future husband," bulong nito sa tenga ko. Nag-init naman ang pisngi ko at agad ko siyang tinulak at hinampas. 

"Bwisit ka!" gigil na sabi ko at narinig ko naman bigla ang mahihinang pagtawa ng mga board members. Shit, nawala ang poise ko doon ah. 

"Ehem," pagtikhim pa ng isa. Nahihiyang ngumiti naman ako sa kanilang lahat at sinulyapan si Raze na komportableng-komportable na kumakain doon. Kumain na lang din ako para makapagpatuloy na sila sa meeting nila. 

They just continued talking about the estimation of the expansion, the target market and the assets involved. I'm not supposed to be in here that's why I kept my mouth shut. Ang pakialamera ko naman kung ganoon. 

The meeting went on for about 45 minutes more before he finally adjourned the meeting. He shook hands with the board members before we left the room. 

"Raze, mauuna na ako, I still have something to do in my office," I said and waved my hand. 

"Wait, sasama ako," sabi niya pero agad ko naman hinawakan ang kamay niya. 

"No, huwag na. Alam ko gagawin mo sa office ko! Madi-distract lang ako eh," nagmamakaawang sabi ko. Napangiti naman ako ng tumango siya. Yehey, buti na lang madali 'tong kausap. 

"Sa condo mo na lang mamaya, see you later!" mabilis na sabi nito na nakapagpawala sa ngiti ko at nagmamadali siyang sumakay sa elevator. 

Bahala siya diyan! Uunahan ko siya makauwi. Pumasok naman na ako sa isa pang elevator at bumaba na sa parking lot. Pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse ko ay nagmaneho na ako pabalik sa company. May babasahin lang ako na ilan pang documents at uuwi na rin. 

Pagdating ko ay tinanong ko kaagad si Lily. 

"Lily, wala naman na akong gagawin 'di ba?" tanong ko. 

"Wala na po ngayon and kakapasa lang ng marketing department 'yung report nila. Narevise na raw po 'yon and approval mo na lang ang need," pagpapaliwanag niya. Tumango naman ako at akma ng bubuksan ang pinto nang magsalita siya.

"By the way, Abby. May outreach program daw kayo bukas sa may Bulacan. Hindi makaka-attend si Mr. Morint dahil may meeting sila kaya, ikaw na lang daw ang pupunta," Outreach? I'm in. 

"What time?" I asked her. I don't want to be late. 

"7 am po dapat nandoon na kayo sa place. So, mga 5:30 or 6 am po, dapat makaalis na kayo dito," tugon niya. Ugh! Ang aga masiyado! Mahihirapan ako magising niyan! 

"Okay, thank you," sabi ko. 

Pagkapasok ko sa opisina, binasa ko na ang report na nakapatong sa mesa ko. Wala naman na ako gaanong nakitang mal and correct naman ang data na nakalagay doon kaya wala na akong problema pa. Inilagay ko na iyon sa right side ng table ko. Nandoon kasi ang mga report at proposals na tapos ko ng basahin. 

Nilagay ko na sa bag ko ang mga gamit ko at nagplano nang umuwi. Baka maunahan pa ako ng bwiset na iyon sa condo ko. Ubos na naman ang stocks ko. 

"Lily, out na ako. You can go home na," sabi ko at naglakad na dire-diretso papuntang elevator.

I want to prepare some gifts to the people on the area. Baka mag-order na lang ako mamaya and ipa-deliver na lang sa location bukas. 

Pagkababa ko sa lobby, nagpaalam na ako sa mga guard at nakitang nandoon na ang sasakyan ko sa harap. Sumakay na ako doon at nagmaneho na pauwi. Buti na lang, wala gaanong traffic ngayon at hindi na ako natagalan pa makauwi. 

Pagka-park ko, sumakay na ako sa elevator at pagdating sa floor ko, nagmamadali akong pumasok sa condo at nilock ito. 

"Sinong tinataguan mo?" 

"AHHH!" tili ko nang biglang may nagsalita sa likod ko. Isang malakas na tawa ang sumakop sa tenga ko at sinamaan ko ng tingin si Raze na hindi na halos makahinga ngayon kakatawa. 

"Bwisit ka! Anong ginagawa mo dito sa condo ko?!" sigaw ko. Hindi naman ito makasagot sa akin at tumatawa pa rin kaya nilapitan ko na. 

"Tawang-tawa ka pa ha!" sabi ko habang hinahampas siya. 

"Your face is priceless!" sambit niya at nagpatuloy sa pagtawa. Sinamaan ko siya lalo ng tingin at tinikom na niya ang bibig niya at halatang pigil na pigil ang tawa. 

"So, care to tell me, why the hell are you here?" may halong diin na sabi ko. Tumikhim naman ito at itinuro ang television ko. Nakita ko naman na nanonood na naman siya ng series. 

"Bakit dito?" sabi ko. 

"Why? Am I not welcome here anymore? Ayaw mo kasi sa office mo kanina eh," pagpapaliwanag ni Raze. 

"Marupok ako sa ganiyan kaya, ayoko manood doon. Baka wala akong matapos na trabaho," sabi ko at nakinood na rin pero naagaw ng atensyon ko ang baso niya na puno ng milo. Oo, may baso siya dito, may mga damit din kahit na magkatapat lang condo namin. 

"Sinasabi ko na nga ba eh! Kaya dito mo gusto eh!" puna ko sa kaniya. 

"I'll buy you three packs," he replied while his eyes are still focused on what he is watching. I rolled my eyes. 

"Talaga! Bibilhan mo ako!" sabi ko sa kaniya at tumayo na ako para kumain. May tira pa sa niluto kong beef steak kanina kaya, iyon na lang ang uulamin ko. 

"Raziel Dylan, kumain ka na ba bago manood niyan?" tanong ko habang iniinit na ang pagkain. 

"Not yet, I'm waiting for you," I smiled at his answer. He is still waiting for me, even though he's already hungry. There are only two reasons why he is eating milo kasi. First, for his dessert and second, if he is hungry. 

"Iniinit ko na 'tong beef steak, pakicheck, magpapalit lang ako ng damit," sabi ko at nakita ko naman ang pagtango niya habang nanonood pa rin. 

Dumiretso na ako sa kwarto ko at naligo saglit at nagpalit ng damit. Inalis ko na rin ang makeup ko kasi, ayokong pinapatagal pa ang mga iyon sa mukha ko. Naghugas na ako ng mukha para sure na wala ng natira at pinunasan na rin ito. Magkahiwalay ang tuwalya ko sa katawan at sa mukha. 

Paglabas ko ng kwarto, naghahanda na si Raze ng mga plato at kubyertos. Nakahanda na rin ang ulam at kanin sa mesa. Hindi na ako nagsaing dahil sinosobrahan ko na iyon kapag nagsasaing ako sa tanghali minsan. Kumuha na ako ng tubig sa refrigerator at umupo na. Nag-pray lang kami saglit at kumuha na ng kanin at ulam. 

"Let's eat!" masayang sabi ni Raze at sumubo na. 

"Ganang-gana ah, hoy, 'di mainit 'yang kanin ha," paalala ko pero winagayway lang niya ang kamay niya. 

"It's okay, bawi naman sa ulam eh," he said. 

"By the way, can I ask for a favor?" sabi ko at napansin ko naman na napatigil siya sa pagkain saglit. 

"Ah, yes. I'll wake you up at 4 in the morning tomorrow," he said. My forehead creased. How did he know? 

"We are going with you on that outreach program," he announced. My mouth formed an 'o' with what he said. 

"Okay, that's great!" sabi ko. 

"Matutulog ako sa condo mo ha!" sabi ko at napansin ko naman na naubo siya habang umiinom ng tubig.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status