Share

Kabanata 11

Author: Maejin
last update Last Updated: 2022-09-10 22:47:44

Walang sinayang na oras si Giovanni pagkaalis ng naghatid sa kaniya sa lugar kung saan inaakala nina Lucca siya nakatira. Iyon ang peke o front niya kina Lucca.

"Aalis na rin po ako kaagad. Hanggang bukas lang ako nang gabi kaya importanteng makausap ko kaagad sina Luigi," aniya sa kunwari niyang mga magulang. Ang mga ito ay miyembro rin ng Rosso at napagkakatiwalaan niya rin. Parte na sa plano nila ang sitwasyong iyon. Ang identity nila ay hindi pagdududahan dahil talagang matagal na ang mga ito roon sa Italy. Habang nasa Pilipinas siya at sina Luigi ay narito na talaga sa Italy ang mga kunwari niyang magulang. Ang tungkol naman sa pagiging truck driver niya ng ilang taon ay kasama na sa inasikaso noong nasa Pilipinas pa siya.

"Naroon na si Harold, naghihintay," tumayo sa pagkakaupo sa wheelchair si Carlo, ang kunwaring ama niya. Kasama sa pagpapanggap ang pagkakawheelchair nito upang mas kapani-paniwalang wala talaga silang pera o yaman.

"Maraming salamat po. Ako na ang bahala. Tawa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 21

    Nakangiting sinalubong ni Giovanni si Lucca. Umaga noon at sinabihan siya ni David gabi pa lamang na darating na nga si Lucca at kailangan niya umanong maghanda dahil isasama siyang muli sa casino. Tingin niya ay iyon na ang simula ng sinasabi sa kaniyang sasanayin na siya sa casino."Welcome back, boss," ang salubong ni Giovanni.Tinapik lang naman ni Lucca sa balikat si Giovanni bago ito nagtuloy sa silid nila ni Daria. Napasunod naman ng tingin si Giovanni at nakita niya ang paghalik at pagyakap ni Lucca sa babae nang bumukas ang pinto sa silid ng mga ito."Ayos ka na ba?"Kaagad na napalingon si Giovanni sa pagpasok naman ni David sa mansiyon kasama si Carlo.Tumango si Giovanni habang nakatitig kay Carlo. Bakas pa ang mantsa ng pagkakabugbog ni Lucca rito."Maghanda-handa ka na at mukhang malapit ka ng tuluyang pagkatiwalaan ni Lucca," wika ni David.Napakunot-noo si Giovanni."Come on, don't tell me... Ang alam mo ay pinagkakatiwalaan ka na nga talaga ni kuya?" taas naman ang ki

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 20

    Napabalikwas ng bangon si Giovanni nang mayroong kumatok sa pinto ng kaniyang kuwarto. Kinakabahan siya sa isiping si Daria iyon. Mula kasi nang malaman niya kaninang umaga na wala si Lucca ay nagkulong na siya sa kaniyang kuwarto. Nais niyang iwasan muna si Daria. Hindi niya naman kasi kailangang bantayan si Daria dahil nasa loob sila ng Baldini Mansion. Tiyak na ligtas ang babae sa dami pa lang ng mga bantay.Dahan-dahang binuksan ni Giovanni ang pintuan at napalunok siya nang makumpirmang si Daria nga ang kumakatok."Are you avoiding me?" Iyon ang ibinungad ni Daria kay Giovanni."H-ha?" Alam man ni Giovanni ang ibig sabihin ni Daria ay nagtataka naman ito kung bakit nagawa ng huli na itanong iyon nang deretsahan sa kaniya."Nakakulong ka lang dito sa kuwarto mo mula pa kaninang umaga," blangkong wika ni Daria.Hindi alam ni Giovanni kung tama ba ang nakikita niya sa mga mata ng babae. Her eyes are burning and he can see sadness at the same time. Para bang may magkasalungat na pani

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 19

    Tahimik na nakamasid si Giovanni kina Lucca at Daria. Gabi na noon at kagagaling lang nila sa pinagpagawaan ng isusuot ni Daria para sa event ng casino."I told you, baby, ako ang bahala sa isusuot mo at hindi ako papayag na hindi ka magawan," nakangiting hinagkan ni Lucca sa labi si Daria habang nandoong nakamasid si Giovanni."Akyat na muna ako, boss," pagtikhim ni Giovanni dahil sa awkwardness na nararamdaman nito idagdag pa ang biglaang selos na sumigid sa kaniyang puso."Oh, yes, Gio! Nakalimutan ko ng andiyan ka!" Palatak ni Lucca habang napapatawa. "Thank you for accompanying Daria," anito pa."Walang anuman, boss. Ginagawa ko lang naman ang kung anong mga magagawa ko para sa inyo," sagot ni Giovanni.Tuluyan na ngang umakyat si Giovanni ngunit nagawa pa nitong tapunan ng tingin si Daria."Sa susunod ay huwag mo ng gagawin iyon, please. Natakot kaya ako kanina," dinig pa ni Giovanni ang malambing na boses na iyon ni Daria.Ang tungkol sa pinagpagawaan nila ng isusuot ni Daria a

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 18

    Iwas na iwas si Giovanni na mapatingin kay Daria habang nasa hapagkainan sila. Bihirang-bihira mangyari na magkasabay-sabay silang kumain at kanina pa niya gustong matapos."Siyangapala, Gio, magkakaroon tayo ng special event sa casino. Part of it is a car raffle and many more. Just to thank our loyal customers and newcomers as well. It will happen on your day-off. So, okay lang ba na huwag ka munang magday-off?" tanong ni Lucca sa kabila ng pagnguya.Hindi naman kaagad nakasagot si Giovanni. Bukod sa gusto niya sana munang makauwi at makapag-isip isip ay kailangang nakakausap niya sina Luigi linggo-linggo. Bilang pag-iingat kasi ay hindi niya tinatawagan sa cellphone sina Luigi. Sa lungga ni Lucca ay alam niyang doble dapat ang kanilang pag-iingat."We'll be needing you there, Gio. Sana ay huwag mong ipagkait ang isang day-off," bigla namang sabi ni David nang mapansin nitong hindi sumasagot si Giovanni.Pasimple namang tinapunan ng tingin ni Daria si Giovanni. Magkaharapan lang kasi

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 17

    Bahagyang natapon ang kapeng tinitimpla ni Giovanni sa kaniyang kamay nang marinig ang boses ni Daria mula sa kaniyang likuran."Good morning, Gio..." ang malamyos at malamig na boses ni Daria.Bahagya siyang napalunok. Tuwing dumarating sila ni Lucca galing casino ay dumederetso kaagad siya sa kaniyang kuwarto upang magpahinga. Sadya niya ng iniiwasan si Daria. Tuwing umaga naman ay maaga na siya kung magkape upang hindi rin makasabay si Daria sa kusina kaya naman hindi niya inaasahan ang paglitaw ng babae ngayon doon."D-Daria... I-ikaw pala," tangi niyang nasambit."I've never got the chance to see you again since you and Lucca stays at the casino everyday..." Wika ni Daria."U-uhm... Y-yes... N-nagpapahinga na kasi kaagad ako. M-medyo pagod ang k-katawan at lagi ng inaantok pagkauwi rito," mabilis naman niyang paliwanag."Oh, I see..." pagtango-tango ni Daria bago ito naglakad papunta sa kinatatayuan ni Giovanni upang kumuha ng baso.Halos pigil naman ni Giovanni ang paghinga. Amo

  • The Masked Mafia Boss   Kabanata 16

    Pinagmamasdan ni Giovanni ang ilan sa mga babaeng padaan-daan sa kaniyang harapan. Ang mga babaeng kung tawagin doon ay Angels. Ngunit mayroon siyang isang napansin na nagbago sa mga Angels. Hindi na maiigsi o nakakaakit sa ibang mga lalaki ang kasuotan ng mga ito. Pare-pareho na rin ang uniforms ng mga nandoon magmula sa waitress, cashier, slot attendant at iba pang employees na babae. Nakasuot na lamang ang lahat ng dilaw na turtle neck at may maliit na logo ang nakaburda sa bandang dibdib. Naka black wrap skirt na lang din sila na disenteng tingnan."Gio."Napatingin siya sa tumawag ng pangalan niya. He doesn't know the man but he remembers him. Isa ito sa mga tinatawag na casinos host doon na ipinakilala sa kaniya ni Carlo noong unang punta niya roon."Boss wants you to have these," malaki ang boses ng lalaki.Chips ang iniaabot ng lalaki sa kaniya."For what?" tanong niya pa rin kahit alam na niya kung para saan ang mga iyon."Magtatagal kasi si boss sa private office niya kaya p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status