LOGINGiovanni Lucchese is back for vengeance as the masked Mafia boss. Handang-handa na siyang pagbayarin ang taong umubos sa mga taong parte ng buhay niya. He succeeded getting close to the King of Knives boss, Lucca. Naging personal bodyguard siya ni Lucca at iyon ang unang hakbang upang mahanap niya ang ama ng lalaki na siyang sumira sa buhay niya. Ito ang gagamitin niya upang mapabagsak ang grupong walang awang pumaslang sa mga magulang niya, sa pangalawang pamilyang natagpuan niya, at sa babaeng unang minahal na hindi niya nagawang iligtas. But she's there, Daria, Lucca's woman. All of a sudden, they both fell in love to each other. Isa sa naging sagabal ang dalaga sa pagkakaroon niya sana nang malinis at matagumpay na plano. Will he let Daria soften his heart? And if so, how can he be his girl if it is Lucca's girl? Will their secret affair lead to another tragic story of his life? And what if Daria is not Daria? Is he ready to unmask his face and accept another defeat? WARNING! READ AT YOUR OWN RISK. CONTAINS DISTURBING SCENES AS THE STORY CONTINUES. SEX. DRUGS. SLAVERY. MURDER. PLEASE CONSIDER FIRST YOUR MENTAL HEALTH IF YOU THINK IT WILL NOT FIT YOUR TASTE/LIKINGS.
View MoreNakangiting sinalubong ni Giovanni si Lucca. Umaga noon at sinabihan siya ni David gabi pa lamang na darating na nga si Lucca at kailangan niya umanong maghanda dahil isasama siyang muli sa casino. Tingin niya ay iyon na ang simula ng sinasabi sa kaniyang sasanayin na siya sa casino."Welcome back, boss," ang salubong ni Giovanni.Tinapik lang naman ni Lucca sa balikat si Giovanni bago ito nagtuloy sa silid nila ni Daria. Napasunod naman ng tingin si Giovanni at nakita niya ang paghalik at pagyakap ni Lucca sa babae nang bumukas ang pinto sa silid ng mga ito."Ayos ka na ba?"Kaagad na napalingon si Giovanni sa pagpasok naman ni David sa mansiyon kasama si Carlo.Tumango si Giovanni habang nakatitig kay Carlo. Bakas pa ang mantsa ng pagkakabugbog ni Lucca rito."Maghanda-handa ka na at mukhang malapit ka ng tuluyang pagkatiwalaan ni Lucca," wika ni David.Napakunot-noo si Giovanni."Come on, don't tell me... Ang alam mo ay pinagkakatiwalaan ka na nga talaga ni kuya?" taas naman ang ki
Napabalikwas ng bangon si Giovanni nang mayroong kumatok sa pinto ng kaniyang kuwarto. Kinakabahan siya sa isiping si Daria iyon. Mula kasi nang malaman niya kaninang umaga na wala si Lucca ay nagkulong na siya sa kaniyang kuwarto. Nais niyang iwasan muna si Daria. Hindi niya naman kasi kailangang bantayan si Daria dahil nasa loob sila ng Baldini Mansion. Tiyak na ligtas ang babae sa dami pa lang ng mga bantay.Dahan-dahang binuksan ni Giovanni ang pintuan at napalunok siya nang makumpirmang si Daria nga ang kumakatok."Are you avoiding me?" Iyon ang ibinungad ni Daria kay Giovanni."H-ha?" Alam man ni Giovanni ang ibig sabihin ni Daria ay nagtataka naman ito kung bakit nagawa ng huli na itanong iyon nang deretsahan sa kaniya."Nakakulong ka lang dito sa kuwarto mo mula pa kaninang umaga," blangkong wika ni Daria.Hindi alam ni Giovanni kung tama ba ang nakikita niya sa mga mata ng babae. Her eyes are burning and he can see sadness at the same time. Para bang may magkasalungat na pani
Tahimik na nakamasid si Giovanni kina Lucca at Daria. Gabi na noon at kagagaling lang nila sa pinagpagawaan ng isusuot ni Daria para sa event ng casino."I told you, baby, ako ang bahala sa isusuot mo at hindi ako papayag na hindi ka magawan," nakangiting hinagkan ni Lucca sa labi si Daria habang nandoong nakamasid si Giovanni."Akyat na muna ako, boss," pagtikhim ni Giovanni dahil sa awkwardness na nararamdaman nito idagdag pa ang biglaang selos na sumigid sa kaniyang puso."Oh, yes, Gio! Nakalimutan ko ng andiyan ka!" Palatak ni Lucca habang napapatawa. "Thank you for accompanying Daria," anito pa."Walang anuman, boss. Ginagawa ko lang naman ang kung anong mga magagawa ko para sa inyo," sagot ni Giovanni.Tuluyan na ngang umakyat si Giovanni ngunit nagawa pa nitong tapunan ng tingin si Daria."Sa susunod ay huwag mo ng gagawin iyon, please. Natakot kaya ako kanina," dinig pa ni Giovanni ang malambing na boses na iyon ni Daria.Ang tungkol sa pinagpagawaan nila ng isusuot ni Daria a
Iwas na iwas si Giovanni na mapatingin kay Daria habang nasa hapagkainan sila. Bihirang-bihira mangyari na magkasabay-sabay silang kumain at kanina pa niya gustong matapos."Siyangapala, Gio, magkakaroon tayo ng special event sa casino. Part of it is a car raffle and many more. Just to thank our loyal customers and newcomers as well. It will happen on your day-off. So, okay lang ba na huwag ka munang magday-off?" tanong ni Lucca sa kabila ng pagnguya.Hindi naman kaagad nakasagot si Giovanni. Bukod sa gusto niya sana munang makauwi at makapag-isip isip ay kailangang nakakausap niya sina Luigi linggo-linggo. Bilang pag-iingat kasi ay hindi niya tinatawagan sa cellphone sina Luigi. Sa lungga ni Lucca ay alam niyang doble dapat ang kanilang pag-iingat."We'll be needing you there, Gio. Sana ay huwag mong ipagkait ang isang day-off," bigla namang sabi ni David nang mapansin nitong hindi sumasagot si Giovanni.Pasimple namang tinapunan ng tingin ni Daria si Giovanni. Magkaharapan lang kasi
Habang pababa sa hagdanan si Giovanni ay nagliikot din ang kaniyang mga mata. Kailangan niyang kabisaduhin ang bawat sulok ng kabahayan. Isa sa mga gusto niyang madiskubre ay ang mga secret passage at mga emergency exit para kay Lucca. Kailangang alam niya iyon para kapag dumating na ang araw na lu
Tahimik lang na nakasunod si Giovanni kay Lucca. Nasa Baldini Mansion siya ngunit dadalhin pa lamang talaga siya ni Lucca sa loob ng mansiyon. Kahapon lang nang kausapin siya ni Lucca sa library upang kunin siyang personal bodyguard. Walang patumpik-tumpik niya iyong tinanggap, hindi niya kailangan
Tahimik lang na nakaupo si Giovanni sa sedan na kinalululanan habang patingin-tingin naman sa kaniya sa salamin ang nagmamaneho niyon."Stop looking at him. Huwag mong takutin," natatawa namang wika ng katabi ng driver."Don't worry, I fear nothing. Kung ipapa-salvage niyo man ako ngayon, walang pr
Nakangiting sumisimsim ng alak si Giovanni habang nakaupo sa kaniyang swivel chair. Nasa harapan niyang nakaupo rin sina Luigi at Arturo na kapwa rin may ngiti sa mga labi."You had them ambushed, but you're not that lucky because someone actually helped them," basag ni Arturo sa tanging mga ngitin


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews