Share

Kabanata 3

Isang soft music ang pumapailanlang nang lumabas sa banyo ang isang babaeng walang kahit anong saplot sa katawan. Bilugan ang katawan at kitang-kita ang kurba sa balakang nito. Napakaputi at kinis din nito lalo na ang mga malulusog nitong dibdib.

"You're already wet, baby..." tila naman tutulo na ang laway ng lalaking nagsalita habang titig na titig sa babaeng kalalabas lang sa banyo.

"What about you?" may landi namang tanong ng babae habang unti-unting lumalapit sa lalaki. "Are you ready to get wet?" at kumindat pa ito.

"Always ready, my baby!" mabilis namang sagot ng lalaki at mapusok na nitong hinalikan ang mga labi ng babae. Hindi nito alintana ang basang katawan ng babae na bumabasa rin sa kasuotan niya. Ang kaniyang mga kamay ay unti-unting umangat upang haplusin sana ang dibdib ng babae ngunit nahinto sa ere ang kaniyang mga kamay dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto.

"Sh*t!" angil ng lalaki.

Napangisi naman ng nakakaloko ang babae at itinulak nito ang lalaki palayo sa kaniya.

"No matter what it is, I swear, I will not get out of this room without us in bed first," pabulong namang wika ng lalaki na mahahalata ang panggigigil sa mukha.

Natawa na lang naman ang babae.

"What?!" pagalit namang tanong ng lalaki sa napagbuksan nito ng pinto.

"Angels are here," matikas namang sagot ng lalaking nasa mid-30's.

Napabuntonghininga naman ang tinawag na boss. "Give me five minutes," anito na isinara na kaagad ang pinto.

"Come on, Lucca, baby, you know that five minutes is not enough."

Paglingon ng lalaking tinawag na Lucca ay napailing na lamang ito. Paano ay nakaupo sa isang round bar stool ang babae habang nakabuka ang mga hita ngunit may suot na itong kulay pulang underwear hindi tulad kanina.

"Wanna bet, Ms. Daria Hermosa, the soon to be Mrs. Baldini?" nakangisi namang lapit ni Lucca sa babae

Bago pa nakasagot ang babaeng si Daria ay buhat-buhat na siya ni Lucca. Muling nagsanib ang kanilang mga labi habang salo ng mga kamay ni Lucca ang bandang puwetan ni Daria at nakapulupot sa balakang niya ang mga paa nito. Habang ginagawa iyon ay unti-unti namang humahakbang ang mga paa ni Lucca hanggang sa maisandal na nga niya sa pader si Daria. Bumaba ang uhaw na mga labi ni Lucca sa tayo-tayong dibdib ni Daria habang ang isa niyang kamay ay ibinababa na ang kaniyang shorts.

"Uhmm..." ungol ni Daria na mas lalong nagpasabik kay Lucca.

Nang bumagsak na sa sahig ang shorts ni Lucca ay nagwika pa ito kay Daria, "Ready for a five-minute trip to heaven?"

"I'm your heaven, Lucca. Not unless you open it, you will never get there," may panunudyo sa mga matang sagot ni Daria.

Alam naman ni Lucca ang sinasabi ni Daria. Kaya naman walang sabi-sabing hinawi niya ang kulay pulang tela na tumatakip sa sinasabi ni Daria'ng heaven. Nanatili sila sa posisyon nila kanina at dahil wala na rin ngang pang-ibabang saplot si Lucca, tila kusang hinanap ng kaniyang alaga ang papasukan nitong kuweba na nahawian na ng pulang tela.

"Ohh..." napapikit na lamang si Daria nang maramdaman na ang pagpasok ng alaga ni Lucca sa kaniya.

"We need to make it fast. Kanina pa tayo hinihintay sa labas," pagbulong ni Lucca sa tainga ni Daria.

Lalo namang nadagdagan ang sensasyong nararamdaman ni Daria dahil sa hininga ni Lucca malapit sa kaniyang leeg. Ang kaninang dahan-dahang paglabas pasok ni Lucca ay bumilis nang bumilis. Kung hindi lang sementado ang pader na kinasasandalan ni Daria malamang sa malamang ay bumigay ito dahil malalakas na pagbangga ng likod doon ni Daria.

Ilang sandali pa ay kapwa sila pawisan at parehong habol ang hininga. Dahan-dahang ibinaba ni Daria ang mga paa mula sa balakang ni Lucca.

"Every moment with you is getting sweeter and sweeter," anas ni Lucca bago binigyan nang masuyong halik sa labi si Daria.

       ***

Bahagyang tumikhim si Carlo nang makita na si Lucca na palabas ng Baldini Mansion. Kilala kasi sa tawag na Baldini Mansion ang tahanan ng mga Baldini. Ngunit ang tanging nakatira na lamang doon ay si Lucca, ang boss o Godfather ng King of Knives. Kasama niya roon ang kaniyang mga tauhan at ang itinuturing niyang girlfriend na si Daria Hermosa. Noong una ay parang babae lamang ito ni Lucca, ngunit napansin ng mga tauhan niya na tila naging overprotective na siya kay Daria. Nasanay din ang mga tauhan niya na madalas ay one-night stand niya lamang ang mga babaeng nakakasama nito lalo na ang kanang kamay niyang si David na siya niya ring advisor, at si Carlo na nakahanay bilang susunod o magmamana sa kaniyang puwesto. Ngunit aminado siya na tila tinamaan siya ni kupido nang makilala niya si Daria kaya pinatira niya na rin ito sa Baldini Mansion.

"Ano't patikhim-tikhim ka riyan, Carlo?" bahagyang umarko ang isang kilay ni Lucca nang tapunan nito ng tingin si Carlo.

"Wala naman, Kuya Lucca..." agad na nag-iwas ng tingin si Carlo.

"I think he needs someone to cuddle with," pilya namang sagot ni Daria.

"No one's talking to you, woman," asik bigla ni Carlo dahil hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Daria.

Ngunit kapwa nagulat sina Carlo at Daria nang biglang iuntog ni Lucca ang kaniyang noo sa noo ni Carlo bago ito nagwika, "Don't you fuc*ing treat her like that or you will never be the heir of my throne."

"L-Lucca, come on, i-it's okay... It's not a big deal," tila naman nahintakutang pigil ni Daria kay Carlo.

"No man, nor you, will disrespect my girl... Nagkakaintindihan ba tayo, Carlo?" tila mangangain ng buhay ang mga mata ni Lucca ng mga sandaling iyon.

"Tara na, Lucca, please," hinatak naman ni Daria ang braso ni Lucca.

"Answer me!" ngunit sa halip na magpapigil si Lucca kay Daria ay binulyawan pa nito si Carlo.

"I understand, Kuya Lucca..." may takot namang sagot ni Carlo at tinapunan ng tingin si Daria, "I'm sorry, Daria..." paghingi niya pa ng tawad kay Daria.

"Stay here. Ayaw kong makita ang pagmumukha mo ngayong araw," pagkuwa'y wika ni Lucca bago nito talikuran si Carlo.

"But Kuya Lucca!" pagprotesta naman ni Lucca ngunit nilapitan siya ni David upang pigilan sa paghabol kay Lucca.

"Hayaan mo muna siya. Kasama naman ako sa pagpunta sa casino at wala namang panganib na dapat iwasan," ani David kay Carlo.

"You're not so sure! Hindi lang natin alam pero baka humahanap lang ng tiyempo ang mga kalaban!" mariing pagtutol ni Carlo.

"You messed up again this time, Carlo. At ilang beses ko naman na kasing sinabi sa 'yo, just leave Daria alone. So for now, just trust me on this," pagtapik ni David sa kaliwang balikat ni Carlo.

Sa huli ay wala na ngang nagawa si Carlo kundi ang magngitngit na lamang sa sulok habang nakasunod ng tingin sa paalis ng sasakyan kung saan nakasakay sina Lucca, Daria, at David.

"What the fu*k!" malakas na sigaw ni Carlo pagpasok niyang muli sa loob ng mansiyon. Gigil na gigil niyang inihagis ang nadampot niyang babasaging baso na naroon sa center table.

"I am a real Baldini, Kuya Lucca. You're just a fake. Matututunan mo rin iyon pagdating ng tamang panahon..." nanlilisik ang mga matang sambit ni Carlo.

***

"I think it's not necessary to—"

"I am not asking for your advice, David," putol ni Lucca sa pagsasalita ni David. Nakalabas na sila sa pangalawang gate o ang pinaka-main gate ng Baldini Mansion ng mga sandaling iyon.

"Carlo is your brother, maybe he's just jealous," mahinahon na lamang na saad ni David.

"Jealous? Don't give me that shi*! Hindi na siya bata at mas lalong hindi siya bakla para magselos sa isang babae!" Asik ni Lucca rito.

Tila kumalma lang si Lucca nang haplusin ni Daria ang kamay niyang akapatong sa sarili niyang hita. Nasa backseat silang dalawa ni Daria habang si David naman ang nasa shotgut seat katabi ng driver nilang matikas din ang pangangatawan at mayroong revolver sa tagiliran nito. Nasulyapan naman ni David ang ginawa ni Daria at hindi na rin ito nagsalita. Alam kasi ni David na kadalasan ay si Daria ang nagpapababa ng init ng ulo ni Lucca.

Napangiti naman si Daria nang makita niyang umamo na muli ang mukha ni Lucca. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat ni Lucca at marahang ipinikit ang mga mata. Kapag ganoon kasing kalmado na si Lucca ay gumagaan din ang kaniyang pakiramdam.

Ilang minuto pa ang nagdaan nang biglang mapadilat ng mga mata si Daria dahil sa tila pagsabog ng gulong na naramdaman niya.

"A-anong nangyayari?" napakapit nang mahigpit si Daria kay Lucca.

"What is this, David?!" malakas namang saad ni Lucca na hawak din nang mahigpit si Daria habang nagpapaikot-ikot ang kanilang sasakyan.

"Watch out!" nanlalaki naman ang mga matang hiyaw ni David nang makitang sasalpok sa kanila ang kasama nilang sasakyan na nagpapagewang-gewang din.

Makikita ang limang sasakyan na nagsasalpukan habang ang kinalululanan naman nina Lucca ay nakahinto na dahil nagawa itong ibangga ng driver nila sa isang puno kaysa makipagsalpukan sa ibang sasakyan.

"Argh..." ungol ni David dahil humampas ang kaniyang noo sa dashboard. Kinapa niya ang mainit na likidong umagos doon.

"Boss, huwag kayong lalabas!" matigas namang lingon ng driver kina Lucca at Daria bago nito hinugot ang revolver sa kaniyang tagiliran.

Pagkababa ng driver ay nagpalinga-linga kaagad ito habang nakataas ang kaniyang baril bilang paghahanda sa pagkalabit nito sa sandaling may makitang hindi pamilyar na mukha o kalaban.

Samantala, sa loob naman ng sasakyan ay mahilo-hilo pa si Lucca dahil malakas din ang pagkakahampas ng kanang tainga niya sa bintana ng pintuan sa kaniyang gilid. Kita ang bahagyang crack sa bintana dulot ng pagkakahampas niya roon.

"L-Lucca," nag-alala naman si Daria nang makita ang sitwasyon ni Lucca. Yakap-yakap siya ni Lucca at nagmistula talaga siyang parte ng katawan ng lalaki dahil sa pagyakap nito sa kaniya upang hindi siya humampas sa kahit saang parte ng sasakyan.

"Lucca, kailangan nating makaalis—"

Hindi natapos ni David ang sasabihin dahil nagulat sila sa sunod-sunod na putok ng baril na narinig nila mula sa labas. Kasunod niyon ay ang malakas na paghiyaw ni Daria dahil biglang bumangga mula sa labas ng kotse ang malaking katawan ng driver nila sa bintana ng sasakyan kung saan siya nakaupo. Dumausdos ang katawan ng driver at alam nilang patay na ito...

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status