Tatlong putok ang sunod-sunod na tumama sa katawan ng driver nina Lucca. Dinig na dinig ang malakas na tili ni Daria na nasa loob pa rin ng kotse kasama sina Lucca at David.
"We need to get out of here!" malakas na sabi ni Lucca bago dinukot ang baril sa tagiliran nito.Maging si David ay dinukot na rin ang baril at nauna ito sa paglabas."Stay here. Huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi," mariing utos ni Lucca kay Daria."L-Lucca huwag mo 'kong i-iwan," garalgal ang boses na sagot naman ni Daria. Bakas sa mukha nito ang takot at basa na rin ang magkabilaang pisngi nito."I'm just here. Nothing will happen to you, I promise," Lucca cupped her face, assuring her that she'll be safe.Muli silang nakarinig ng putok at naisip ni Lucca si David na nauna ng lumabas sa kotse. Dahil doon ay mabilis na rin itong bumaba, alam niyang hindi siya maaaring manatili sa loob ng kotse nang hindi lumalaban. Hindi niya maaaring pabayaan si Daria nang ganoon na lamang.Naiwang nanginginig pa rin sa takot si Daria. Hindi siya sanay sa nangyayari at ngayon niya lang iyon naranasan. Sa anim na buwan niyang kasama si Lucca ay payapa naman ang naging pagsasama nila. Wala ni isa siyang nakitang barilan katulad ng nangyayari ng mga sandaling iyon. Alam niyang may mga naipapapatay ang grupo ni Lucca ngunit ngayon lamang talaga niya naranasan ang ma-ambush. Muli siyang napaigtad at napayakap sa sarili nang makarinig muli ng putok ng mga baril.Sa labas ng kotse ay nakikipagpalitan na nga ng putok ng baril si Lucca kasama si David. Laking pasasalamat ni Lucca na buhay pa si David kaya naman may tiwala pa rin siyang makakaligtas sila roon kasama ang babaeng minamahal. Nang mga sandali ring iyon ay kapakanan o kaligtasan ni Daria ang nagsusumiksik sa kaniyang isipan. Hindi siya papayag na may mangyaring masama kay Daria."Who are they, David!" gigil na sambit ni Lucca. Nakatago silang dalawa sa gilid ng kotse at iyon ang nagsisilbing harang nila sa ipinauulan sa kanilang bala. Hindi niya kailangang ipag-alala na baka tamaan si Daria dahil alam niyang mas safe ang babae sa loob ng kotse sapagkat bullet proof iyon."Hindi ko sila makilala! May panyong nakabalot sa mga ulo nila," pagsagot naman ni David.Lucca gritted his teeth. Pagkatapos ay humugot siya nang malalim na hininga bago tumayo at nagpaputok sa direksiyon kung saan nanggagaling ang mga bala."Lucca!" sigaw naman ni David dahil sa ginawa ni Lucca. Subalit hindi naman ito pinansin ni Lucca kaya wala na itong nagawa kundi ang lumitaw na lamang din at tulungan sa pagbaril si Lucca sa direksiyon ng mga kalaban."The fu*k! Hindi sila ganoon karami kaya paanong nangyaring naubos ang mga tao natin! Dalawang sasakyan ang kasama natin at lahat ganoon lang nila napatay?!" pagngingitngit ni Lucca nang muli itong umupo sa lupa at sumandal sa kotse."Because no one expected this. Ilang taon na, Lucca... Wala ni isang nagtangka sa King of Knives dahil alam nilang may kalalagyan sila. I must say, these people are new enemies who doesn't know who they're dealing with," mahaba namang pahayag ni David."And I'm gonna kill them," bakas pa rin ang galit sa mukhang sabi ni Lucca at walang sabi-sabing lumabas na ito nang tuluyan mula sa pagkubli at buong tapang na pinagbabaril ang direksiyon kung nasaan ang mga kalaban.Tila slow-motion ang paglalakad niya habang patuloy sa pagpapaputok ng baril. Mayroon na rin siyang mga tinamaan at nang makitang may isang babaril sa kaniya ay tumalon siya upang magkubli sa isang punong nakita niya roon. Habang naroong nakakubli sa likod ng puno ay nagpalit na rin siya ng magazine ng kaniyang baril. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang umikot sa punong iyon upang ma-corner ang lalaking babaril sa kaniya kanina. Napangiti na lamang siya nang makita ang nakatalikod na lalaki at wala siyang sinayang na oras. Kaagad niyang itinaas ang kaniyang baril upang barilin na ang ulo ng lalaki."Kung ako sa 'yo, bago ko kalabitin 'yan ay kukumustahin ko muna iyong kaibigan ko at iyong napakagandang babaeng kasama ko," malamig ang boses na saad ng lalaking nakatalikod na may balot ang ulo.Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Lucca at nang tanawin niya nga ang kinaroroonan nina David at Daria ay para nilukuban siya ng takot. Kita niyang lupaypay si David habang hawak ng isang armadong lalaki at si Daria naman ay nasa labas na rin ng kotse at may nakatutok na baril sa ulo nito."Daria!" malakas na sigaw ni Lucca at tumakbo siya para makalapit dito.Ngunit pagkalampas ni Lucca sa lalaking babarilin niya na dapat kanina ay bigla naman siya nitong hinampas sa likod dahilan para matumba siya."Lucca!" umiiyak namang sigaw ni Daria.Kaagad na dinampot ng lalaki si Lucca upang itayo. "Alam naming hindi ka mahinang lalaki, Mr. Baldini," anito na bahagyang tumawa bago siya ipagtulakan papunta sa kinaroroonan nina Daria."Anong utos ni boss?" tanong naman kaagad ng lalaking may hawak kay David."Bitbitin daw itong si Baldini saka patayin lahat ng kasama niya rito," mabilis namang sagot ng lalaking may hawak kay Lucca."N-no! No! Don't touch my girl or I swear to God, I'm—"Isang suntok sa mukha ng nagpatigil sa pagsasalita ni Lucca. Sargo ang dugo sa bibig nito."Ampon ka lamang ngunit kung makaasta ka ay tila ba naipamana sa 'yo ni Don Rocco ang kaitiman ng budhi niya," matigas na sabi ng lalaking may hawak kay David, ang lalaking siya ring sumuntok kay Lucca."S-sino ba kayo? A-anong kailangan niyo? Just let my girl go and you can have me all you want..." sinubukan ni Lucca na kausapin nang maayos ang mga lalaki."Kailangan na nating umalis. May mga parating na raw na sasakyan dito at dapat ay wala na tayo rito," mayamaya'y wika naman ng lalaking nakahawak kay Daria."Kill those two," pag-utos na kaagad ng lalaking may hawak kay Lucca, tila ito ang namumuno sa kanila roon."N-no... No!" malakas na sigaw ni Lucca na pilit nagpumiglas. Nagawa pa nitong suntukin ang lalaki ngunit may naramdaman siyang kung ano sa kaniyang tagiliran. Taser gun.Wala namang magawa si Daria kundi ang umiyak. Nakaramdam ng panghihina si Lucca at tila nanlalabo na rin ang paningin niya kay Daria. Kita niya ang pag-angat ng baril ng lalaking may hawak sa babae. Nagsusumigaw ang isipan niya ngunit wala naman siyang magawa para matulungan ang nag-iisang importanteng babae sa buhay niya.Ngunit tila nabuhayan ng loob si Lucca nang makarinig sila ng malalakas na busina. Kita niyang may rumaragasang truck papunta sa kanila kaya naman napatakbo ang mga lalaking nakapalibot sa kaniya at kina Daria."Lucca!" kita ni Lucca ang paglapit ni David sa kaniya kasama si Daria at tinulungan siya ng mga ito upang maitayo.Hindi na alam ni Lucca ang mga sumunod na nangyari dahil tuluyan ng nandilim ang paningin niya dahil sa paggamit ng taser gun sa kaniya. Ngunit bago siya tuluyang mawalan ng malay ay nagawa pa niyang yakapin si Daria...Nakangiting sinalubong ni Giovanni si Lucca. Umaga noon at sinabihan siya ni David gabi pa lamang na darating na nga si Lucca at kailangan niya umanong maghanda dahil isasama siyang muli sa casino. Tingin niya ay iyon na ang simula ng sinasabi sa kaniyang sasanayin na siya sa casino."Welcome back, boss," ang salubong ni Giovanni.Tinapik lang naman ni Lucca sa balikat si Giovanni bago ito nagtuloy sa silid nila ni Daria. Napasunod naman ng tingin si Giovanni at nakita niya ang paghalik at pagyakap ni Lucca sa babae nang bumukas ang pinto sa silid ng mga ito."Ayos ka na ba?"Kaagad na napalingon si Giovanni sa pagpasok naman ni David sa mansiyon kasama si Carlo.Tumango si Giovanni habang nakatitig kay Carlo. Bakas pa ang mantsa ng pagkakabugbog ni Lucca rito."Maghanda-handa ka na at mukhang malapit ka ng tuluyang pagkatiwalaan ni Lucca," wika ni David.Napakunot-noo si Giovanni."Come on, don't tell me... Ang alam mo ay pinagkakatiwalaan ka na nga talaga ni kuya?" taas naman ang ki
Napabalikwas ng bangon si Giovanni nang mayroong kumatok sa pinto ng kaniyang kuwarto. Kinakabahan siya sa isiping si Daria iyon. Mula kasi nang malaman niya kaninang umaga na wala si Lucca ay nagkulong na siya sa kaniyang kuwarto. Nais niyang iwasan muna si Daria. Hindi niya naman kasi kailangang bantayan si Daria dahil nasa loob sila ng Baldini Mansion. Tiyak na ligtas ang babae sa dami pa lang ng mga bantay.Dahan-dahang binuksan ni Giovanni ang pintuan at napalunok siya nang makumpirmang si Daria nga ang kumakatok."Are you avoiding me?" Iyon ang ibinungad ni Daria kay Giovanni."H-ha?" Alam man ni Giovanni ang ibig sabihin ni Daria ay nagtataka naman ito kung bakit nagawa ng huli na itanong iyon nang deretsahan sa kaniya."Nakakulong ka lang dito sa kuwarto mo mula pa kaninang umaga," blangkong wika ni Daria.Hindi alam ni Giovanni kung tama ba ang nakikita niya sa mga mata ng babae. Her eyes are burning and he can see sadness at the same time. Para bang may magkasalungat na pani
Tahimik na nakamasid si Giovanni kina Lucca at Daria. Gabi na noon at kagagaling lang nila sa pinagpagawaan ng isusuot ni Daria para sa event ng casino."I told you, baby, ako ang bahala sa isusuot mo at hindi ako papayag na hindi ka magawan," nakangiting hinagkan ni Lucca sa labi si Daria habang nandoong nakamasid si Giovanni."Akyat na muna ako, boss," pagtikhim ni Giovanni dahil sa awkwardness na nararamdaman nito idagdag pa ang biglaang selos na sumigid sa kaniyang puso."Oh, yes, Gio! Nakalimutan ko ng andiyan ka!" Palatak ni Lucca habang napapatawa. "Thank you for accompanying Daria," anito pa."Walang anuman, boss. Ginagawa ko lang naman ang kung anong mga magagawa ko para sa inyo," sagot ni Giovanni.Tuluyan na ngang umakyat si Giovanni ngunit nagawa pa nitong tapunan ng tingin si Daria."Sa susunod ay huwag mo ng gagawin iyon, please. Natakot kaya ako kanina," dinig pa ni Giovanni ang malambing na boses na iyon ni Daria.Ang tungkol sa pinagpagawaan nila ng isusuot ni Daria a
Iwas na iwas si Giovanni na mapatingin kay Daria habang nasa hapagkainan sila. Bihirang-bihira mangyari na magkasabay-sabay silang kumain at kanina pa niya gustong matapos."Siyangapala, Gio, magkakaroon tayo ng special event sa casino. Part of it is a car raffle and many more. Just to thank our loyal customers and newcomers as well. It will happen on your day-off. So, okay lang ba na huwag ka munang magday-off?" tanong ni Lucca sa kabila ng pagnguya.Hindi naman kaagad nakasagot si Giovanni. Bukod sa gusto niya sana munang makauwi at makapag-isip isip ay kailangang nakakausap niya sina Luigi linggo-linggo. Bilang pag-iingat kasi ay hindi niya tinatawagan sa cellphone sina Luigi. Sa lungga ni Lucca ay alam niyang doble dapat ang kanilang pag-iingat."We'll be needing you there, Gio. Sana ay huwag mong ipagkait ang isang day-off," bigla namang sabi ni David nang mapansin nitong hindi sumasagot si Giovanni.Pasimple namang tinapunan ng tingin ni Daria si Giovanni. Magkaharapan lang kasi
Bahagyang natapon ang kapeng tinitimpla ni Giovanni sa kaniyang kamay nang marinig ang boses ni Daria mula sa kaniyang likuran."Good morning, Gio..." ang malamyos at malamig na boses ni Daria.Bahagya siyang napalunok. Tuwing dumarating sila ni Lucca galing casino ay dumederetso kaagad siya sa kaniyang kuwarto upang magpahinga. Sadya niya ng iniiwasan si Daria. Tuwing umaga naman ay maaga na siya kung magkape upang hindi rin makasabay si Daria sa kusina kaya naman hindi niya inaasahan ang paglitaw ng babae ngayon doon."D-Daria... I-ikaw pala," tangi niyang nasambit."I've never got the chance to see you again since you and Lucca stays at the casino everyday..." Wika ni Daria."U-uhm... Y-yes... N-nagpapahinga na kasi kaagad ako. M-medyo pagod ang k-katawan at lagi ng inaantok pagkauwi rito," mabilis naman niyang paliwanag."Oh, I see..." pagtango-tango ni Daria bago ito naglakad papunta sa kinatatayuan ni Giovanni upang kumuha ng baso.Halos pigil naman ni Giovanni ang paghinga. Amo
Pinagmamasdan ni Giovanni ang ilan sa mga babaeng padaan-daan sa kaniyang harapan. Ang mga babaeng kung tawagin doon ay Angels. Ngunit mayroon siyang isang napansin na nagbago sa mga Angels. Hindi na maiigsi o nakakaakit sa ibang mga lalaki ang kasuotan ng mga ito. Pare-pareho na rin ang uniforms ng mga nandoon magmula sa waitress, cashier, slot attendant at iba pang employees na babae. Nakasuot na lamang ang lahat ng dilaw na turtle neck at may maliit na logo ang nakaburda sa bandang dibdib. Naka black wrap skirt na lang din sila na disenteng tingnan."Gio."Napatingin siya sa tumawag ng pangalan niya. He doesn't know the man but he remembers him. Isa ito sa mga tinatawag na casinos host doon na ipinakilala sa kaniya ni Carlo noong unang punta niya roon."Boss wants you to have these," malaki ang boses ng lalaki.Chips ang iniaabot ng lalaki sa kaniya."For what?" tanong niya pa rin kahit alam na niya kung para saan ang mga iyon."Magtatagal kasi si boss sa private office niya kaya p