Share

Kabanata 18

Iwas na iwas si Giovanni na mapatingin kay Daria habang nasa hapagkainan sila. Bihirang-bihira mangyari na magkasabay-sabay silang kumain at kanina pa niya gustong matapos.

"Siyangapala, Gio, magkakaroon tayo ng special event sa casino. Part of it is a car raffle and many more. Just to thank our loyal customers and newcomers as well. It will happen on your day-off. So, okay lang ba na huwag ka munang magday-off?" tanong ni Lucca sa kabila ng pagnguya.

Hindi naman kaagad nakasagot si Giovanni. Bukod sa gusto niya sana munang makauwi at makapag-isip isip ay kailangang nakakausap niya sina Luigi linggo-linggo. Bilang pag-iingat kasi ay hindi niya tinatawagan sa cellphone sina Luigi. Sa lungga ni Lucca ay alam niyang doble dapat ang kanilang pag-iingat.

"We'll be needing you there, Gio. Sana ay huwag mong ipagkait ang isang day-off," bigla namang sabi ni David nang mapansin nitong hindi sumasagot si Giovanni.

Pasimple namang tinapunan ng tingin ni Daria si Giovanni. Magkaharapan lang kasi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status