YSABELLE POINT OF VIEW
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang titig niya sa akin—kung kailan ang mga scripted na ngiti ay naging totoo, kung kailan ang mga haplos ay may kahulugan na. Pero habang nakatingin ako kay Alaric ngayon, ramdam ko… may nababago rin sa akin. At ‘yon ang mas kinatatakutan ko. Pagbalik namin sa mansyon galing sa municipal outreach event, naroon agad ang tensyon. Naghihintay si Celeste sa salas—matikas ang tindig, bihis na bihis, at may hawak na isang folder. Wala siyang ngiti. Wala ring pasakalye. “May kopya ako ng annulment papers,” bungad niya, diretso, malamig. “Just in case kailangan mo ng exit plan, Ysabelle.” Napatigil ako sa paghinga. Hindi dahil sa takot… kundi dahil sa gulat. Ang babaeng ito, dating minahal ni Alaric, ngayon ay lantaran nang ipinapakita kung gaano niya gustong maibalik ang lugar sa tabi ng lalaking minsa’y kanya. Tumingin ako kay Alaric. Wala siyang sinabi. Pero ang mata niya—mahigpit na nakatuon kay Celeste. “Wala kang karapatang manghimasok,” mariin niyang sabi. Ngunit ngumiti lang si Celeste. “Ako? Wala? Alaric, mas kilala kita kaysa sa iniisip mo. At kung sa tingin mo’y makakatagal ka sa ganyang kasal, hindi mo pa ako kilala nang buo. Umalis si Celeste pagkatapos no’n. Pero iniwan niya ang folder sa mesa—tila isang paalala na kahit anong tibok ng puso, may mga papel pa ring pwedeng magpawalang-saysay sa lahat. Pag-akyat ko sa kwarto, dala ko ang folder. Nakatitig lang ako sa mga pahina ng kasunduang kailanma’y hindi ko sinadyang pasukin. Pero sa gitna ng lahat ng ito, may isa lang akong tanong: Kung totoo na ang nararamdaman ko para kay Alaric… sapat ba ‘yon para labanan ang isang mundong ayaw kaming magsama? Tahimik ang gabi, pero sa loob ng dibdib ko’y parang may sigaw na gustong kumawala. Nasa kandungan ko pa rin ang folder, bukas na, at ang mga mata ko'y paulit-ulit na binabasa ang bawat salitang nakasulat doon. “Kasunduan ng Annulment.” Ang mga katagang puwedeng magpalaya… o tuluyang magwasak. Hindi ko alam kung bakit ang bigat-bigat nito sa kamay ko. Hindi ba’t ito naman ang gusto ko noon? Ang makatakas? Ang mawala sa buhay ni Alaric? Pero ngayong nasa harap ko na ito—bakit parang ayokong bumitaw? Naalimpungatan ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Si Alaric. Nakatayo siya sa may pintuan, tahimik, tila pinagmamasdan lang ako mula sa malayo. “Binasa mo na?” tanong niya. Tumango ako. “Binasa… pero hindi pa napagdesisyunan.” Lumapit siya, marahang umupo sa tabi ko. Hindi siya nagsalita agad, pero damang-dama ko ang bigat ng presensya niya. “Alam kong hindi madali ‘to,” sabi niya sa wakas. “At hindi kita pipilitin kung pipirma ka man o hindi. Pero gusto kong malaman mo—wala ni isang araw na itinuring kitang bahagi lang ng plano. Kung may mali man ako, ‘yon ay ang pagsisimula natin sa kasinungalingan.” Napatingin ako sa kanya. Sa wakas, nakita ko sa mga mata niya ang hindi ko matagal nang hanap—ang sinseridad. “Bakit mo pa ako pinaglaban?” tanong ko, mahina. “Kung madali ka namang palitan ni Celeste sa mata ng mundo?” Napangiti siya, mapait pero totoo. “Dahil ikaw ang mundo ko ngayon, Ysabelle. At kahit buong bayan pa ang pumili sa kanya, pipiliin pa rin kita.” At doon, unti-unting bumigat ang luha sa mata ko. Hindi ko pa rin alam ang desisyon ko. Pero isa lang ang malinaw: Ang puso ko… hindi na kayang tumanggi sa kanya. Tahimik akong sumandal sa balikat niya, pilit inaayos ang gulo sa dibdib ko. Sa dami ng tanong, isa lang ang malinaw—hindi ko na siya kayang mawala. At kung laban ang kakaharapin namin, handa akong lumaban… kasama siya.YSABELLE POINT OF VIEW Pagkatapos ng almusal, niyaya ako ni Alaric na maglakad-lakad sa hardin ng mansyon. Kasabay ng ihip ng hangin ang unti-unting pagtanggal ng bigat sa dibdib ko—para bang sa bawat hakbang, may mga tanikala akong napuputol, mga pangambang nawawala. Tahimik kami sa una. Magkahawak lang ng kamay. Hindi kailangan ng salita. Tila ba sapat na ang presensya ng isa’t isa para mapuno ang katahimikan ng damdamin. Huminto siya sa gitna ng hardin, sa harap ng isang lumang puno ng mangga. “Naaalala mo ba noong una kitang dinala rito?” tanong niya, habang tinitingnan ang mga dahon sa itaas. Tumango ako. “Oo. Ang sabi mo, dito ka madalas tumambay kapag hindi mo na kayang huminga.” Ngumiti siya. “Tama. At ngayon, gusto ko lang sabihin sa'yo… hindi mo na kailangang hanapin ang mga lugar na pagtutaguan. Gusto ko, ako na ‘yon para sa’yo. Ako na ang pupuno sa mga kulang. Ako ang magsisilbing tahanan mo.” Napalunok ako. “At kung sakaling mawalan ka rin ng lakas… pwede ba ako na
YSABELLE POINT OF VIEW Kinuha ko ang tasa mula sa kanya, at sandaling nagkatinginan lang kami—walang salita, pero punung-puno ng damdamin. Saka ako tumabi sa pinto, binuksan pa ito nang mas maluwang."Pasok ka muna," mahina kong sabi. "Ayoko munang mag-isa ngayon."Pumasok si Alaric at marahang isinara ang pinto. Naupo siya sa kabilang gilid ng kama, malapit sa akin pero may respeto pa rin sa pagitan naming dalawa. Tahimik niyang pinagmamasdan ang mukha ko habang sinisipsip ko ang mainit na gatas."Ano'ng iniisip mo?" tanong niya pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan.Tumitig ako sa tasa, saka ko siya tiningnan. "Na baka sa unang pagkakataon sa buhay ko… hindi na ako kailangang lumaban mag-isa."Hindi siya sumagot agad. Inabot niya lang ang kamay ko at hinawakan iyon, marahan at may pag-aalaga. "Hindi mo na kailangan, Ysabelle. Hindi na ngayon. Hindi na habang nandito ako."Napapikit ako at saglit na ibinaba ang tasa sa bedside table. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya, at
YSABELLE POINT OF VIEW Habang hawak ni Alaric ang kamay ko at tahimik naming tinatapos ang meryenda, biglang sumilip sa pintuan si Sir Renato—ang daddy ni Alaric. Bitbit niya ang kanyang baso ng wine at isang banayad na ngiti. “Aba, dito pala kayo nagkukulong,” aniya, sabay lakad papasok sa kusina. “Ang bango naman ng ginagawa ninyo. Paborito ko ‘yang sandwich na may keso at ham.” Ngumiti ako at dali-daling nilagay sa tray ang mga sandwich at juice. “Nag-prepare lang po ako ng meryenda, Sir Renato.” “Wala nang 'Sir'. Daddy na lang,” sabi niya, may halong biro pero seryoso ang titig. “At dahil ikaw ang nag-abala pa para maghanda, gusto ko sanang imbitahan kayong dalawa—dito na kayo matulog sa mansyon.” Napatingin ako kay Alaric, na bahagyang natawa. “Daddy, baka nabigla si Ysabella sa imbitasyon mo.” “Mas mabuti na ‘yon. Para bukas, makakasabay pa kayo sa almusal. At mas makakapagkuwentuhan pa tayo ngayong gabi. Nami-miss na rin kita, iho. At siyempre, gusto ko pang makilal
YSABELLE POINT OF VIEW Matapos ang ilang minuto ng tahimik na pag-upo at pakikipagkuwentuhan sa hardin, bigla akong tumayo at ngumiti. “Maghahanda po ako ng sandwich at juice para sa meryenda natin. Mukhang medyo gutom na rin ako ulit,” sabi ko, pilit na pinapagana ang sarili kong kumpiyansa.Napatingin sa akin ang mommy ni Alaric at bahagyang napataas ang kilay. “Ay, ikaw pa talaga, Ysabelle? Dapat nagpapahinga ka lang.”“Gusto ko rin po kasing makatulong. Simpleng meryenda lang naman. Total, madali lang naman ‘yon,” sagot ko, sabay kindat kay Alaric.Tumango ang mommy niya. “Sige, kung gusto mo. Nasa kusina ang mga sangkap. Sabihin mo lang kay Manang Letty kung may kailangan ka.”Ngunit si Alaric, na kanina pa tahimik, ay agad na nagreklamo. “Bakit ikaw pa ang gagawa? Hindi mo naman gawain ‘yan. Hayaan mo na si Manang—”“Relax,” sabay ngiti ko. “Hindi ako marupok, Alaric. Marunong din akong gumawa ng sandwich, promise.”Umiling siya, halatang hindi pabor sa ideya, pero hindi na rin
YSABELLE POINT OF VIEW Matapos ang tanghali na puno ng tanong at ngiting may halong pagdududa, tumayo na ang mommy ni Alaric at nagsabing, "Tara, doon tayo sa garden. Mas presko roon. Mainit masyado dito sa loob."Hindi ko alam kung dahil ba sa init ng panahon o sa init ng mga matang tila hindi mapakali sa aming dalawa ni Alaric, pero agad akong napatayo rin. Sumunod kami, at sa bawat hakbang papunta sa hardin, ramdam ko ang bigat ng katahimikan sa pagitan naming lahat. Si Alaric, tahimik lang sa tabi ko habang hawak ang kaliwang kamay ko—parang sinasadya niyang ipakita sa lahat na kami ay totoong mag-asawa. Napatingin ako sa kanya, at kahit walang salita, sapat ang hawak niyang iyon para iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa sa gitna ng mga mapanuring tingin at tanong.Pagdating sa hardin, sinalubong kami ng liwanag mula sa mga puting parol na nakasabit sa mga sanga ng puno. Maaliwalas ang paligid at may amoy ng bagong dilig na damo. May mesa sa gitna na may mga baso at pitsel ng
YSABELLE POINT OF VIEW Pagkaupo namin sa mahabang dining table, agad na inihain ng mga kasambahay ang pagkain. Puno ang mesa ng masasarap na putahe—roast beef, buttered vegetables, garlic shrimp, at sinangag na kanin. Sa unang tingin, parang normal lang na salu-salo ito, pero ramdam ko ang tensyon sa paligid. Parang bawat kutsarang isusubo ay may kasamang katanungan o komentaryong kay bigat.Umupo si Alaric sa tabi ko, habang si Celeste naman ay nasa harap namin, sa tabi ng mommy niya. Tahimik si Governor Dario, tila nagmamasid lang sa mga kilos naming lahat.“Ysabella, tama ba? Anong trabaho mo noon?” tanong bigla ni Francesca, ang kapatid ni Alaric na halatang hindi sigurado kung gusto niya ako o hindi. Nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.“Ah… dati po akong event coordinator sa isang hotel sa Maynila,” sagot ko nang magalang, pilit pinapakalma ang kabang bumabalot sa dibdib ko.“Hmm, interesting,” sabat ni Madam Leticia, habang nagpapahid ng tissue sa labi. “So ibig sabih