ALARIC POINT OF VIEW
Ang gabi'y tahimik, pero sa loob ko'y may unos. Hindi na ako sigurado kung alin ang mas malakas—ang tibok ng puso kong pilit kong kinukubli, o ang bigat ng mga salitang hindi ko maibulalas. At ngayong magkaharap kami ni Ysabelle sa gitna ng mansyon na kami mismo ang ginawang entablado ng kasinungalingan, hindi ko na kayang magpigil pa. "Huwag mong lokohin ang sarili mo, Ysabella!" sigaw ko, boses kong nilamon ng emosyon, hindi ng galit, kundi ng takot—na baka mawala siya, na baka hindi na ako umabot pa. Napatigil siya, nanlaki ang mga mata, pero hindi siya umiwas. Kaya lumapit ako. Hinawakan ko ang kanyang mukha, pinagmasdan ang mga matang dati'y walang pake sa akin. Ngayon, punô ng tanong, punô ng takot—pero may ningning na hindi niya maitatanggi. At hinalikan ko siya. Hindi para sa camera. Hindi para sa mga boto. Hinalikan ko siya dahil kailangan ko. Dahil sa bawat araw na lumilipas, mas lalo kong naiintindihan—hindi siya parte ng plano lang. Siya na ang plano ko. Ngunit sa likod ng halik na iyon, sa anino ng bawat sandaling patago naming pinagsaluhan, alam kong may isang matang laging nakamasid—si Celeste. Ang anak ng gobernador. Ang babae ng aking nakaraan, at marahil, ang babalang di pa tapos ang lahat. Dahil habang palapit na nang palapit ang araw ng annulment signing, mas lalong lumalalim ang sugat na dati'y wala naman. Noon, sigurado ako—pirma lang ang kailangan para matapos ang palabas. Ngayon? Ngayon hindi ko na alam kung kaya ko pa bang pumirma. At sa tahimik na gabi, habang natutulog si Ysabelle sa kabilang kwarto, ako’y nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang papeles. At sa sarili ko lang ibinulong ang tanong: Paano kung ang babae sa palabas… ay siya na rin palang gusto kong makasama sa tunay na buhay? Nagtagal ang katahimikan. Pero hindi ito nakakailang—sa halip, para itong pahinga sa lahat ng gulo. Sa politika, sa kasinungalingan, sa mga inaasahan ng iba. Sa harap ko si Ysabelle, tahimik pero matatag. Hindi siya umaatras, hindi rin siya nagtatanong. Tila hinihintay lang niya kung hanggang saan ako magiging totoo. “Alaric…” mahinang sambit niya, “huwag mo akong lituhin kung hindi mo rin ako kayang panindigan.” Ang sakit ng totoo—tumatagos. Pero kailangan kong marinig ‘yon. Dahil sa lahat ng dinadala ko, siya lang ang hindi takot magsabi ng totoo sa akin. Walang kaplastikan, walang pakitang-tao. Lumapit ako. Inabot ko ang kamay niya, dahan-dahan. Nang hindi siya umatras, naglakas-loob akong ipatong ang kamay niya sa dibdib ko. “Natatakot din ako, Ysabelle,” amin ko. “Sa nararamdaman ko. Dahil ngayon lang ako nagmahal na hindi kasama sa plano.” Namasa ang mga mata niya. Pero hindi siya umiwas. Hindi rin siya umiyak. Tinapik lang niya ang dibdib ko, sabay sabing, “Baka huli na tayo para sa totoo.” “Hindi pa,” sagot ko agad. “Hindi habang hindi pa ako pumipirma sa annulment papers.” At sa sandaling iyon, hindi na ako politiko. Hindi ako konsehal. Hindi ako kandidato. Isa lang akong lalaking natutong matakot sa dalawang bagay: mawala ang tiwala ng taong minahal ko… at mawala siya sa buhay ko. Bukas, kailangan naming magpakitang-tao na naman. Kamera, salita, press release. Pero ngayong gabi—tahimik, totoo, at ako… handang lumaban hindi para sa boto, kundi para sa babae sa harap ko. Yumuko siya, bahagyang tumalikod, parang gusto nang umalis. Pero bago siya makalayo, hinawakan ko ang braso niya. Mahina lang, ngunit sapat para mapahinto siya. “Bakit, Alaric?” tanong niya, halos pabulong. “Bakit ngayon mo lang sinasabi ang lahat ng ‘to?” Huminga ako nang malalim. Wala na akong balak magsinungaling pa. “Dahil sa simula, akala ko kaya ko itong laruin. Akala ko sapat na ang papel na ginagampanan mo sa buhay ko para lang sa kampanya. Pero mali ako. Dahil habang tumatagal, mas natatakot akong mawala ka kaysa matalo sa eleksyon.” Lumingon siya. Sa wakas, nagtagpo ulit ang mga mata namin. “Natatakot ka?” may ngiting mapait sa labi niya. “Eh ako? Ako na hindi man lang sigurado kung kailan ka nagsasabi ng totoo. Ako na hindi alam kung ako ba talaga o bahagi lang ng plano mong makamit ang boto ng masa?” Hinayaan kong sabihin niya lahat, dahil alam kong karapatan niya. Wala akong depensa. Ang tanging armas ko lang ay ang katotohanang pilit kong kinubli. “Kaya nga ngayon, gusto ko na ng totoong laban,” sagot ko. “Hindi sa politika. Kundi sa’yo. Sa atin. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, Ysabelle. Kahit isa lang.” Tahimik siya. Wala ni isang salita. Pero ang kamay niyang hindi ko binitiwan ay hindi na rin bumitiw sa akin. At sa sandaling iyon, alam kong hindi pa tapos ang laban. Hindi pa kami tapos. At kung may pipirma man sa annulment papers—hindi iyon ako. Dahil sa mundong puno ng kasinungalingan, ikaw lang ang gusto kong panindigan. Tahimik pa rin si Ysabelle. Hindi ko alam kung bibigyan niya ako ng isa pang pagkakataon o iiwan niya akong nakabitin sa sarili kong emosyon. Sa totoo lang, hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam—hindi sigurado, hindi kontrolado. Pero ngayon, sa bawat segundo ng pananahimik niya, para akong nilalamon ng kaba. Naglakad siya papunta sa bukas na bintana, tinanaw ang madilim na langit. “Alaric,” mahina niyang sambit, “hindi ako laruan. Hindi ako trophy wife na ipapakita mo kapag kailangan ng boto. At hindi rin ako babae na tatakbuhan mo kapag hindi na ako ‘convenient’.” Lumapit ako sa kanya, marahan. Tumayo ako sa tabi niya, sabay sabing, “Alam ko. At hindi mo kailangang ulitin pa ‘yan para lang maintindihan ko. Kasi ngayon lang ako natutong makinig. Sa’yo. Sa sarili ko. Sa kung ano’ng nararamdaman ko kapag wala ka sa paligid.” Napatingin siya sa akin. Sa wakas, wala na ang galit sa mga mata niya—puro pagod na lang, at sakit na tila matagal na niyang kinikimkim. “Alaric…” muling bulong niya, “paano kung mali tayo?” Hinawakan ko ang kamay niya. Mahigpit. “Mas pipiliin ko nang magkamali kasama ka kaysa tama sa piling ng iba. Wala na akong ibang dapat patunayan sa mundo, Ysabelle. Ang kailangan ko lang ay ikaw na maniwalang totoo ‘to.” At sa gabing iyon, hindi kailangan ng halik o yakap para mapatibay ang damdamin. Ang kailangan lang ay paninindigan—at ang tahimik na pangakong kahit anong mangyari, pipiliin ko siya. Sa likod ng kamera, sa likod ng kampanya, sa likod ng bawat lihim na itinatago sa publiko… nagsimula na ang tunay na laban. At ito na ang laban na hindi ko na kayang talikuran.YSABELLE POINT OF VIEW Pagkatapos ng almusal, niyaya ako ni Alaric na maglakad-lakad sa hardin ng mansyon. Kasabay ng ihip ng hangin ang unti-unting pagtanggal ng bigat sa dibdib ko—para bang sa bawat hakbang, may mga tanikala akong napuputol, mga pangambang nawawala. Tahimik kami sa una. Magkahawak lang ng kamay. Hindi kailangan ng salita. Tila ba sapat na ang presensya ng isa’t isa para mapuno ang katahimikan ng damdamin. Huminto siya sa gitna ng hardin, sa harap ng isang lumang puno ng mangga. “Naaalala mo ba noong una kitang dinala rito?” tanong niya, habang tinitingnan ang mga dahon sa itaas. Tumango ako. “Oo. Ang sabi mo, dito ka madalas tumambay kapag hindi mo na kayang huminga.” Ngumiti siya. “Tama. At ngayon, gusto ko lang sabihin sa'yo… hindi mo na kailangang hanapin ang mga lugar na pagtutaguan. Gusto ko, ako na ‘yon para sa’yo. Ako na ang pupuno sa mga kulang. Ako ang magsisilbing tahanan mo.” Napalunok ako. “At kung sakaling mawalan ka rin ng lakas… pwede ba ako na
YSABELLE POINT OF VIEW Kinuha ko ang tasa mula sa kanya, at sandaling nagkatinginan lang kami—walang salita, pero punung-puno ng damdamin. Saka ako tumabi sa pinto, binuksan pa ito nang mas maluwang."Pasok ka muna," mahina kong sabi. "Ayoko munang mag-isa ngayon."Pumasok si Alaric at marahang isinara ang pinto. Naupo siya sa kabilang gilid ng kama, malapit sa akin pero may respeto pa rin sa pagitan naming dalawa. Tahimik niyang pinagmamasdan ang mukha ko habang sinisipsip ko ang mainit na gatas."Ano'ng iniisip mo?" tanong niya pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan.Tumitig ako sa tasa, saka ko siya tiningnan. "Na baka sa unang pagkakataon sa buhay ko… hindi na ako kailangang lumaban mag-isa."Hindi siya sumagot agad. Inabot niya lang ang kamay ko at hinawakan iyon, marahan at may pag-aalaga. "Hindi mo na kailangan, Ysabelle. Hindi na ngayon. Hindi na habang nandito ako."Napapikit ako at saglit na ibinaba ang tasa sa bedside table. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya, at
YSABELLE POINT OF VIEW Habang hawak ni Alaric ang kamay ko at tahimik naming tinatapos ang meryenda, biglang sumilip sa pintuan si Sir Renato—ang daddy ni Alaric. Bitbit niya ang kanyang baso ng wine at isang banayad na ngiti. “Aba, dito pala kayo nagkukulong,” aniya, sabay lakad papasok sa kusina. “Ang bango naman ng ginagawa ninyo. Paborito ko ‘yang sandwich na may keso at ham.” Ngumiti ako at dali-daling nilagay sa tray ang mga sandwich at juice. “Nag-prepare lang po ako ng meryenda, Sir Renato.” “Wala nang 'Sir'. Daddy na lang,” sabi niya, may halong biro pero seryoso ang titig. “At dahil ikaw ang nag-abala pa para maghanda, gusto ko sanang imbitahan kayong dalawa—dito na kayo matulog sa mansyon.” Napatingin ako kay Alaric, na bahagyang natawa. “Daddy, baka nabigla si Ysabella sa imbitasyon mo.” “Mas mabuti na ‘yon. Para bukas, makakasabay pa kayo sa almusal. At mas makakapagkuwentuhan pa tayo ngayong gabi. Nami-miss na rin kita, iho. At siyempre, gusto ko pang makilal
YSABELLE POINT OF VIEW Matapos ang ilang minuto ng tahimik na pag-upo at pakikipagkuwentuhan sa hardin, bigla akong tumayo at ngumiti. “Maghahanda po ako ng sandwich at juice para sa meryenda natin. Mukhang medyo gutom na rin ako ulit,” sabi ko, pilit na pinapagana ang sarili kong kumpiyansa.Napatingin sa akin ang mommy ni Alaric at bahagyang napataas ang kilay. “Ay, ikaw pa talaga, Ysabelle? Dapat nagpapahinga ka lang.”“Gusto ko rin po kasing makatulong. Simpleng meryenda lang naman. Total, madali lang naman ‘yon,” sagot ko, sabay kindat kay Alaric.Tumango ang mommy niya. “Sige, kung gusto mo. Nasa kusina ang mga sangkap. Sabihin mo lang kay Manang Letty kung may kailangan ka.”Ngunit si Alaric, na kanina pa tahimik, ay agad na nagreklamo. “Bakit ikaw pa ang gagawa? Hindi mo naman gawain ‘yan. Hayaan mo na si Manang—”“Relax,” sabay ngiti ko. “Hindi ako marupok, Alaric. Marunong din akong gumawa ng sandwich, promise.”Umiling siya, halatang hindi pabor sa ideya, pero hindi na rin
YSABELLE POINT OF VIEW Matapos ang tanghali na puno ng tanong at ngiting may halong pagdududa, tumayo na ang mommy ni Alaric at nagsabing, "Tara, doon tayo sa garden. Mas presko roon. Mainit masyado dito sa loob."Hindi ko alam kung dahil ba sa init ng panahon o sa init ng mga matang tila hindi mapakali sa aming dalawa ni Alaric, pero agad akong napatayo rin. Sumunod kami, at sa bawat hakbang papunta sa hardin, ramdam ko ang bigat ng katahimikan sa pagitan naming lahat. Si Alaric, tahimik lang sa tabi ko habang hawak ang kaliwang kamay ko—parang sinasadya niyang ipakita sa lahat na kami ay totoong mag-asawa. Napatingin ako sa kanya, at kahit walang salita, sapat ang hawak niyang iyon para iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa sa gitna ng mga mapanuring tingin at tanong.Pagdating sa hardin, sinalubong kami ng liwanag mula sa mga puting parol na nakasabit sa mga sanga ng puno. Maaliwalas ang paligid at may amoy ng bagong dilig na damo. May mesa sa gitna na may mga baso at pitsel ng
YSABELLE POINT OF VIEW Pagkaupo namin sa mahabang dining table, agad na inihain ng mga kasambahay ang pagkain. Puno ang mesa ng masasarap na putahe—roast beef, buttered vegetables, garlic shrimp, at sinangag na kanin. Sa unang tingin, parang normal lang na salu-salo ito, pero ramdam ko ang tensyon sa paligid. Parang bawat kutsarang isusubo ay may kasamang katanungan o komentaryong kay bigat.Umupo si Alaric sa tabi ko, habang si Celeste naman ay nasa harap namin, sa tabi ng mommy niya. Tahimik si Governor Dario, tila nagmamasid lang sa mga kilos naming lahat.“Ysabella, tama ba? Anong trabaho mo noon?” tanong bigla ni Francesca, ang kapatid ni Alaric na halatang hindi sigurado kung gusto niya ako o hindi. Nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.“Ah… dati po akong event coordinator sa isang hotel sa Maynila,” sagot ko nang magalang, pilit pinapakalma ang kabang bumabalot sa dibdib ko.“Hmm, interesting,” sabat ni Madam Leticia, habang nagpapahid ng tissue sa labi. “So ibig sabih