Share

The Millionaire's Son (Montallejo #1)
The Millionaire's Son (Montallejo #1)
Penulis: WhiteGelPen

Chapter Five

Penulis: WhiteGelPen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-16 20:01:57

KASABAY ng pagbukas ng elevator ay lumabas ako agad. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng magsalita ang ginang na nasa likuran ko na pala.

“By the way, hija... I think this is yours. You dropped it awhile ago...” malumanay na sabi nito sabay abot ng brown envelope na nakalimutan kong nahulog pala kanina.

“S-Salamat po...” nahihiyang tugon ko sa ginang. Kinuha ko mula sa kanya ang envelope at muling nagpasalamat. Tatalikod na ulit sana siya ng muli itong magsalita. “By the way, hija... Saan ka pupunta? Are you an employee here?” tanong pa nito.

Mabilis akong umiling. “Hindi po, ma'am. May kailangan lang po akong kausapin...” sagot ko pa.

“Sino?”

Akmang sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto sa may bandang kanan ko. Medyo nagulat pa ako at bahagyang napaatras ng lumabas mula doon ang isang umiiyak na babae. May bitbit itong white folder. Dire-diretso itong lumabas hanggang sa makasakay sa isang elevator.

Anong nangyari?

Naguguluhan na napatingin ako sa ginang na nakatingin rin pala sa akin. Bumuntong-hininga ito ng malalim saka pinihit ang doorknob ng pinto at pumasok sa loob. Nagtaka ulit ako bago tumingala upang tingnan kung anong klaseng silid ba ang nasa harapan ko ngayon.

CEO Office.

“CEO? Ito na!” Napangiti ako bigla. Sa wakas ay nakita ko rin ang opisina ng poncio pilatong iyon! Nakita ko naman na pumasok ang ginang sa loob.

Pero teka? Ano kayang nangyari sa babaeng iyon kanina? Bakit ito umiiyak?

Kung ano-anong scenario ang naiisip ko na lalo lamang nagpadagdag ng inis ko sa poncio pilatong iyon. Hindi ko pa man ito nakikita pero naaalingasaw ko na kung gaano kasama ang ugali nito. Hanggang sa di ko namalayan na pinihit ko na pala pabukas ang doorknob at huli na para mapagtanto ko ang ginawa ko.

O my gosh!

Pero naisip ko, ngayon pa ba ako aatras? Narito na ako at sayang naman kung palalagpasin ko ang pagkakataon na ito upang makausap ang poncio pilatong Montallejo na iyon.

Inilibot ko ang tingin sa buong silid ng opisina at isa lang ang masasabi ko. Puro mamahalin ang lahat ng gamit na nasa opisina nito. Ngunit natigil lamang ako sa aking ginagawa ng marinig ang usapan ng dalawang tao.

“Ion! How many times do I have to remind you to show some respect to your employees or even an applicant?!” sigaw ng isang pamilyar na boses. Kilala ko ang boses na iyon. Kaya naman hindi na ako nakatiis at pasimple akong humakbang papasok upang silipin ang mga ito.

Hindi ako chismosa, gusto ko lang makalanghap ng aircon.

And there I saw them standing near the glass wall. Nakatayo ang ginang habang nakapameywang samantala nakatalikod naman rito ang kausap nito.

Hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin ang kabuoan ng taong iyon. He stood maybe 6'4" at matikas ang tindig nito. Isang katangian ng ideal ma— Teka! My goodness. Kung ano-anong pinagsasabi ko! Erase!

Wala naman sana akong balak na ipagpatuloy ang pakikinig ko kung di lang nagsalita ang lalaking kausap nito.

“I don't f***in' care, mom” matigas na sagot nito. Hindi ko alam pero biglang nanayo ang mga balahibo ko matapos kong marinig ang boses nito.

Hindi ko maipagkakailang napaka-sexy pero intimidating ang boses nito. At hindi lang iyon. Pakiramdam ko kasi...narinig ko na ang boses nito. Hindi ko lang alam kung kailan, saan, o paano.

“Zionn Montallejo! Don't use that intimidating tone to me, young man. I'm your mother!” malakas na sigaw no'ng ginang sa anak nito base pa sa pagkakarinig ko. Pero hindi iyon ang nakaagaw ng pansin ko, kundi ang pangalang itinawag rito ng ina nito.

Zionn? Zionn Montallejo?

Ibig sabihin ito ang poncio pilatong iyon. Bigla kong naalala kung kaninong opisina nga ba itong napasukan ko at gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa kagagahan ko. Obvious naman na opisina ito ni poncio pilato dahil siya lang naman ang CEO ng MontaVier Company.

Napakagaga mo, Paz!

Biglang naningkit ang mga mata ko ng dumapo sa poncio pilatong iyon ang tingin ko. Pagkuwan ay pilit kong ikinalma ang sarili ko. Hindi ito ang oras para kainisan ang lalaking iyon. Kailangan ko itong kausapin at kumbinsihin para hindi kami mapaalis sa sitio.

Wala naman akong balak na istorbuhin ang mga ito kung di lang biglang bumukas ang pinto. Sakto namang nasa likuran ko lamang pinto kaya tumama iyon sa akin.

“Aray!” daing ko at napangiwi dahil sa sakit.

“Sorry, Miss! Are you okay? Are you hurt?” tanong ng taong pumasok saka ako inalalayan na makatayo ng tuwid.

Sobrang sakit kasi ng likod ko. Nakangiwi akong tumango at ngumiti ng pilit sa lalaki. At doon ko lang din napagtanto na may dalawang pares ng mata na palang nakamasid sa amin. Gulantang napalingon ako sa ginang na nakasabay ko kanina at sa lalaking nasa likuran nito.

Pakiramdam ko ay bigla akong kinapos ng hininga ng salubungin ko ang kulay abong mga mata nito. Napaka-perpekto ng pagkakalilok ng mukha nito. Mapupugay ang mga mata subalit nababakasan iyon ng lungkot at kalamigan. Bigla akong kinilabutan.

“Zaiden, hijo, what are you doing here?” Pagkuwan ay tanong ng ginang sa lalaking nasa likuran ko. So, Zaiden pala ang pangalan no'ng lalaking pumasok.

Doon lamang ako nag-iwas ng tingin at humakbang ng ilang beses paatras. Bigla kasi akong nanliit sa sarili ko. At naging hudyat lamang iyon para mabaling sa akin ang atensiyon ng ginang.

“Hello, hija... Dito pala ang punta mo sa opisina ni Ion...” nakangiting baling nito sa akin.

Kinabahan man ay di ko nalang ipinahalata at ngumiti ng tipid sa ginang. Muli kong binalingan ang lalaking nasa likuran nito at sinalubong ang napakalamig na tingin nito.

Nahigit ko ang aking hininga at napalunok ng sunod-sunod. He's so intimidating. Subalit ng maalala ko bigla ang kailangan ko kaya ako narito ngayon ay nabuhayan ako ng loob.

Nandito ako hindi para maduwag at magpaapekto sa kakaibang pakiramdam na naramdaman ko bigla dahil sa mga titig nito kundi para ipaglaban ang pag-aari na talagang amin.

Inayos ko muna ang mga hibla ng buhok na medyo tumatabing sa mukha ko at pormal na hinarap ang mga ito.

This is it! Kaya ko ito...kakayanin.

“Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, ma'am, sir... Nandito po ako para linawin kung bakit kailangan naming umalis sa tirahan namin sa Sitio Yakal.” Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para lamang di mautal sa pagsasalita.

“Kung di niyo po mamasamain, pag-aari naman po namin ang lupang iyon. Alam kong maliit lamang ang lupang iyon pero dugo at pawis mismo ng aking ama ang sinayang niya bago maipundar ang lupang iyon...” seryosong depensa ko sa karapatan ng aking pamilya.

At habang sinasabi ko iyon, nakipagtagisan ako ng tingin kay poncio pilato. Wala ni isang emosyon ang mga mata niya habang nakatitig ito sa akin. Pero gayon pa man, hindi ako nagpatinag.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Sobrang unfair naman po yata kung papaalisin nalang kami bigla sa lugar na iyon. Kung totoo ngang binili niyo na ang buong sit—”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita ito bigla.

“Magkano ba ang gusto mo?” walang kagatol-gatol na tanong nito sa akin.

Nagpantig naman ang tainga ko. “Anong sabi mo?”

“I know what you're doing, woman. You just came here for the money right? Now tell me, how much do you want for you to leave that place?” seryosong dagdag pa nito.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi nito. Para bang gusto nitong ipamukha sa akin na nagpunta ako dito sa kompanya niya dahil lamang sa pera.

Napailing ako saka mapait na natawa. Pakiramdam ko ay binuhusan ako bigla ng isang  napakalamig na timba ng tubig sa mukha dahil sa walang pakundangan na sinabi nito.

“Hindi kami mukhang pera...” mahina pero mariin kong sagot rito sabay tungo sa sahig. Nakita ko pa kung paano ito suwayin ng ginang pero para bang wala itong naririnig. “Karapatan namin ang ipinaglalaban ko rito, Mr. Montallejo. Hindi namin kailangan ang pera mo.”

Napatiim-bagang ito dahil sa sinabi ko. Akala ko hindi na ito magsasalita pero nagkamali ako. At pakiramdam ko ay naapakan nalang bigla nito ang pagkatao ko dahil sa sinabi nito.

“Stop pretending, woman. A beggar like you are nothing but a gold digger. So, now I'm asking you, how much do you need?”

“Zionn!” sabay na sigaw ng ginang at no'ng lalaking nagngangalang Zaiden.

Samantala wala naman akong nagawa kundi ang tumitig na lamang sa walang kaemo-emosyon nitong mukha habang paulit-ulit na nagre-replay sa aking isipan ang lahat ng mga sinabi nito.

Ako? Beggar? Gold digger?

Nag-init bigla ang magkabilang sulok ng mga mata ko kaya naman lihim kong pinagalitan ang aking sarili.

Hold back your tears, Paz. Ang mga katulad niyang tao ay di nararapat pag-aksayahan ng luha.

Kaya naman pinilit ko na lamang ngumiti at iniiwas ang tingin dito. Nanghihina na ibinaling ko ang atensiyon ko sa ginang. She looks so very apologetic to me.

Umiling ako. “Pasensiya na po kayo. Malinis po ang loob ko at mabuti ang intensiyon ko kaya ako naparito. Gusto ko lang naman talagang linawin na hindi niyo kami pwedeng paalisin sa lupang pagmamay-ari naman namin. Aminado naman akong mahirap lang kami, pero hindi kami pulubi at hindi kami gold digger. Kahit mahirap lang ako, alam ko kung paano rumespito sa kapwa ko...” mariin kong sabi sa kanila at muling sinalubong ang napakalamig na mata ng isang Zionn Montallejo.

“Hindi ko rin kailangan ng pangungutya mo, Mr. Montallejo. At mas lalong hindi ko rin kailangan ang pera mo. Gago!” dagdag ko saka walang lingon-likod  na lumabas ng opisina nito.

Kailan man ay hindi ko pa naranasan na makutya ng gano'n kasakit, siya palang ang nakagawa no'n. Nilait at napagsalitaan na ako noon ng ibang tao pero hindi dumating sa point na gano'n.

At hindi ako nagsisisi sa pagtawag sa kanya ng gago. Dapat lang sa kanya iyon.

       

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Epilogue

    His POV—"ARE YOU NERVOUS?" I smirked at Ziann when he asked me that question. Damn! He's right. I'm very nervous right now.I still can't believe that I finally got her, my honey and soon to be wife, Pazneah Marien Zamora-Montallejo. The one and only mother of Pioneer and our future babies."Congratulations, kuya. You finally got her..." nakangiting saad pa nito sa akin as he tapped my shoulder. I smiled back at him. "Thank you, Ian... I hope you find yours too." Napailing lamang si Ziann at nagpaalam sandali. Naiwan naman akong nakatayo sa harap ng altar habang kinakabahan pa rin.Hindi ko maiwasang ilibot ang tingin sa bawat sulok ng simbahan. Everything looks perfect and elegant. Every column in the church was full of white roses. Many petals of white roses were scattered along the aisles. I keep my expression calm but deep inside, I'm very excited yet nervous. "Papa!" I smiled automatically as I heard my son calling me. Agad ko itong hinanap. My smile widened even more when

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Final Chapter

    TWO YEARS LATER..."NASAAN si Pio, 'nay?" Natigil naman sa pagdidilig ng halaman si inay at lumingon sa direksiyon ko. Nakangiti ito dahilan kung bakit kumunot ang noo ko."Teka- Bakit ka nakangiti, 'nay?" nagtataka ko pang tanong sa kanya. Napaismid naman ito sa tanong ko kapagkuwan ay mahinang natawa. "Bawal na bang ngumiti ngayon, Paz? May karapatan pa naman akong ngumiti kung gugustuhin ko di ba?" natatawang saad nito.Napaarko naman ang kilay ko. "Alam ko naman iyon, 'nay. Pero kakaiba ang ngiti mo ngayon eh. Parang..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil natawa na ito ng tuluyan."Wala ka ba talagang naaalala, Paz?" tanong ulit nito. Nagtaka naman ako. Naaalala? Ano naman ang dapat kong alalahanin?"Kung sabagay, halos dalawang taon na rin ang nakalipas simula no'ng mak- Oh, siya! Tama na ang chikahan, anak. Maligo ka nalang dahil may pupuntahan tayo ngayon..." saad pa nito. Nagtaka naman ako ng hindi nito ituloy ang dapat na sasabihin niya.Ano bang nangyayari kay inay

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Thirty-three

    “MAMA, saan po tayo pupunta?” inaantok pa rin na tanong ni Pio habang tinatahak namin ang pasilyo palabas ng bahay ni Poncio Pilato.Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko kaya hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong ng anak ko sa akin. Isa lang ang mas malinaw sa akin no'ng mga sandaling iyon, ang makaalis kami sa bahay ni Poncio Pilato.Alam kong mali ang gagawin ko pero ito na lamang ang tanging paraan upang maitama namin ang lahat. Hindi ko alam kung anong mangyayari kinabukasan pero umaasa ako na maiintindihan niya ang ginawa ko.Well, hindi ko ito gagawin para lamang sa sarili ko o sa kapakanan ng anak ko. I'm also doing this for him, for Zionn. I want him to free his own self. I want him to forgive himself and learn to forget all those past memories that keeps affecting the present and the future. I want him to move forward.“Si papa po, mama?” muling tanong sa akin ni Pioneer pero agad ko itong sinenyasan na huwag maingay.Hanggang makalabas kami ng gate ay sobrang lakas

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Thirty-two

    GABI na nang ihatid kami ni Ziann sa bahay. Ipinasyal pa kasi kami nito para raw kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam naming mag-ina. Siguro nga ay tama rin siya dahil hindi yata kinaya ng utak ko ang lahat ng aking nalaman kani-kanina lang.Gulong-gulo pa rin ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala pa yata akong lakas ng loob na magdesisyon sa ngayon dahil sobrang drained na nang utak ko.“Salamat, Ziann. Ako na ang magbubuhat sa anak ko para makauwi kana rin... Maraming salamat” sinserong wika ko sa kanya bago dahan-dahang binuhat si Pio. Hindi naman ito umangal pa at pinagbuksan nalang kami ng pinto.Nakita ko pang napailing ito habang nakatingin sa anak kong mahimbing na natutulog sa mga braso ko. “I don't really know if being a twin of my brother is a good thing. Mukhang pati sa akin ay galit na galit rin si Pioneer. Dahil ba magkamukha kami ni kuya?” amused na tanong nito.Tipid lamang akong ngumiti sa kanya bago haplusin ang ulo ni Pio at isiksik iyon sa leeg ko. “You

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Thirty-one

    "BAD KA!" Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Pio habang tinuturo si Poncio Pilato. "Bad ka! Hindi na ikaw ang papa ko. Ang bad mo!" umiiyak na sigaw nito sa kanyang ama.Hindi ko alam pero naiiyak ako. Nadadala ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng anak ko. Nang mahimig ko ang sarili ko ay tsaka ko lamang nilapitan si Pio. "Pio, anak-""Sobrang bad niya, mama! Pinapaiyak ka niya, mama ko..." humihikbing sabi pa nito habang nakatingin sa mukha ko. Mariing nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko upang pigilin ang pag-iyak ko."Aalis na tayo dito, okay? Aalis na tayo..." mahinang bulong ko kay Pio habang hinahaplos ang pisngi nito.Wala pa ring imik ang mga ito at tila pinagmamasdan lamang kami ng anak ko. Nang mag-angat ako ng ulo ay iniwasan ko talagang mapatingin sa mukha ni Poncio Pilato."Paz-" "I'm sorry, Vienna, pero kailangan na talaga naming umalis... By the way, nice to meet you again." Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago bumaba ang tingin ko sa bata

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Thirty

    "AALIS na po kami, 'nay. Mag-iingat ka po lagi dito..." bilin ko kay inay kapagkuwan ay naglakad na kami palabas ng gate ng subdivision. Napansin ko rin na medyo bata ang guard na naka-duty ngayon sa Villa Verdict. Nalaman ko rin na halos mag-iisang buwan nang retired sa pagiging security guard si Mang Kiko. "Sige, Paz. Mag-iingat din kayo..." sabi naman nito bago balingan si Pio at muling hinalikan sa ulo. "Huwag kang magpapasaway sa mama at papa mo ah? Dapat good boy ka lang, apo ko..."Tumango-tango naman si Pio. "Yes po, lola! I'll miss you po!" sagot naman ng anak ko at yumakap din kay inay.Bago kami tuluyang umalis at sumakay sa taxi ay muli pa akong tinawag ni inay. "Tatandaan mo ang mga sinabi ko sayo, Paz...""Opo, 'nay. Salamat po."Buong byahe ay masayang-masaya si Pio habang nagku-kuwento ng kung ano-ano. Kahit papaano ay nakalimutan nito ang ama.Kanina habang magkausap kami ni inay, hindi ko maiwasang isipin na tama siya. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala sa is

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status