Share

Chapter Four

Author: WhiteGelPen
last update Last Updated: 2025-08-16 20:01:42

PAGBABA ko ng taxi ay inabot ko sa driver ang bayad saka ako lumabas. Di naman pwede na doon na ako tumira sa loob ng taxi di ba? Ano 'yon, Paz? Tenge leng?

Napailing nalang ako sa kalokohang nasa isip ko. Dumaan na rin muna ako sa isang maliit na bakery para bumili ng paboritong hopia ni Pio. Pang-bente pesos ang hopiang binili ko. Baka kasi magtampo na naman iyon kung umuwi akong di dala ang hopiang pinapabili niya. Siguro nakasanayan ko nalang din na bilihan siya ng hopia bago ako umuwi ng bahay.

Habang naglalakad papasok sa Sitio Yakal, hindi ko maiwasang ilibot ang tingin ko sa paligid. Marami-rami na rin ang mga bahay na abandonado na. Kung di naman abandonado, bakante naman. Patunay lamang iyon na nabili na talaga ang buong sitio pero hindi ang lupa namin dahil hinding-hindi ako papayag.

Bahala na si Batman pero hindi talaga nila kami mapapaalis dito. Magkamatayan na.

Nakasalubong ko pa si Aling Maryaka na isang dakilang marites dito sa Sitio Yakal. Akala ko magpapatuloy lamang ito sa paglalakad pero nagtaka ako ng huminto ito sa aking harapan.

Agad ko namang pinigilan ang sarili ko na mapairap.

"Uy, Paz! Ano iyang dala mo?" nakangiting tanong nito sabay turo sa binili kong hopia. "Ah, ito? Hopia. Nagpabili kasi sa akin ang anak ko..." totoong sabi ko kay Aling Maryaka.

Hindi ko naman nakaligtaan ang tila nang-iinsultong tingin nito pagkabanggit ko sa salitang 'anak' na agad ring naglaho at napalitan ng isang ngiti na punong-puno ng kaplastikan. "Ah...si Pio?" natatawang komento nito.

Tumango lamang ako.

"Alam mo, Paz, sobrang sayang mo! Kung di ka lang sana maagang nabuntis no-"

"Kung ano man po ang nais mong sabihin, Aling Maryaka, wala po akong pakialam. Masaya ako sa anak ko at wala kayong magagawa do'n..." agad kong putol sa dapat na sasabihin nito.

Nginitian ko pa ito ng isa ring pekeng ngiti na ba-bagay sa kaplastikan niya. Hindi ko na ito pinansin at agad na tinalikuran. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Kailan man ay hindi ko itinuring na isang kahihiyan ang anak kong si Pio. Wala akong pakialam kung maaga akong nagbuntis noon.

Isa pa, ano pa bang bago doon? Sa araw-araw na makikita ako ng mga taong nakatira dito sa Sitio Yakal, iisa lamang ang iniisip nila patungkol sa akin.

Isa akong disgrasyadang babae. Walang delikadesa sa sarili. Masakit pero pilit ko na lamang binabalewala ang lahat ng mga deskripsyon nila sa akin. Ang mahalaga ay pinanindigan ko ang kilos na nagawa ko. Ginampanan ko ang mga responsibilidad bilang isang ina.

Mga tao nga naman ngayon. Hindi na nakuntento sa buhay nila at pati buhay ng ibang tao ay gusto ring pakialaman. Sa loob ng nakalipas na limang taon, tiniis ko ang mga pangungutya nila sa akin. Mas mabuti na rin iyon kaysa naman ang anak ko ang nakakaranas ng lahat ng iyon.

Wala akong dapat na ipaliwanag sa kanila kasi buhay ko ito, buhay naming mag-ina ito. Ano mang mangyari ay wala na silang paki at labas na sila doon.

Napangiti nalang ako ng matanaw na ang bahay namin. Nasa pinakadulo ito ng buong Sitio Yakal. Maliit man ang bahay at lupa naming iyon, atleast punong-puno naman iyon ng mga masasayang alaala namin noong nabubuhay pa si Itay.

"Mama!" sigaw ni Pio nang makita ako nito. Nakangiti itong tumakbo sa akin sabay yakap sa mga hita ko. Kasunod naman nito si Inay na may bitbit na walis tingting at dustpan.

Nginitian ko ito at muling binalingan si Pio. "Mama, namiss kita! Super!" dagdag pa nito kaya natawa nalang ako.

"Weh? Namiss mo ba talaga si Mama?" ulit kong taong sa kanya na parang di naniniwala.

Tumango-tango naman ito. "Opo! At tsaka sabi mo po bibilhan mo ako ng hopia? 'Asan na po ang hopia ko, Mama?" tanong nito sa akin.

"Okay. Close your eyes muna kasi magma-magic si Mama!" Mabilis naman nitong ipinikit ang mga mata at hinintay ang magic na gagawin ko. "One, two, three!"

Ipinakita ko sa kanya ang isang paper bag na may lamang hopia. Masayang kinuha naman nito ang paper bag at tumalon-talon pa. Nagkatinginan naman kami ni Inay at parehong natawa.

"Yehey! Hopia! Hopia!" nagtatalong sigaw nito. Naiiling na napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang masayang mukha nito.

Hindi ko rin maiwasang pangilidan ng luha dahil sa nakikita ko. Napakababaw ng kaligayahan ng anak ko. Maski ilang pirasong hopia ay masayang-masaya na ito. Wala naman sanang problema kung gano'n. Pero alam ko na hindi isang materyal na bagay ang mas lalong magpapasaya sa kanya, kundi ang isang buo at kompletong pamilya.

Subalit malabo. Napakalabo na maibigay ko sa kanya ang pagkakaroon ng isang buong pamilya.

Pagkatapos ng kaganapan kanina ay agad akong dumiretso sa silid namin upang magbihis. Paglabas ko ay nakita ko naman ang nag-aalalang mukha ni Inay. Binasa ko ang pang-ibabang labi ko at sinimulang sabihin sa kanya ang nangyari kanina sa pagpunta ko sa MontaVier.

"Sabi ko naman sayo na hayaan mo nalang sila eh! Ikaw talaga! Ang tigas ng ulo mo. Ilang beses ka na bang nagpunta roon pero wala ka namang napala?" sermon nito sa akin pagkatapos kong mag-kwento.

Ngumuso naman ako. "Apat na beses na, 'nay... Eh naiinis kasi talaga ako sa Zionn Montallejo na iyon eh! Akala mo naman kung sino. Baka nga sobrang panget no'n at hindi magawang humarap sa akin!" naiinis na saad ko pa.

"Panget? Paano mo naman nasabi, anak? Sa pagkakaalam ko, walang panget sa angkan ng mga Montallejo. Mga magaganda sila at gwapo kaya masyadong imposible 'yang sinasabi mo..." sagot naman ni Inay.

Nilingon ko ito at tinaasan ng isang kilay. "Bakit feeling ko, pinagtatanggol mo pa ang mga Montallejo na iyon, 'nay? Oo nga't sabihin na nating magaganda ang lahi nila pero wala naman silang puso! Kung meron man, siguro ang mga mag-asawang Montallejo lamang iyon. Pero ang mga anak? Asus!"

Totoo naman kasi eh. Dahil kung talagang may puso ang Zionn Montallejo na iyon, hindi niya bibilihin ang isang lugar na alam niya namang may mga taong nakatira. Hindi naman kasi lahat ng tao pare-pareho. May ibang masisilaw nila ng pera pero mayroon rin namang hindi.

At isa na kami roon.

"Anong balak mo, anak? Kung magkataong matuloy ang pag-alis natin dito, saan naman tayo titira?" nag-aalalang tanong ni Inay sa akin.

Bumuntong-hininga ako saka nakangising muling binalingan si Inay. Naningkit naman ang mata nito. "Ano na namang binabalak mo?"

Napapitik ako sa hangin saka ngumiti ng ngiting aso kay Inay. "Babalik ako sa MontaVier bukas. At kapag hindi pa rin nagpakita ang poncio pilatong iyon, lintik lang ang walang latay! Hindi basta-basta sumusuko ang isang Pazneah Marien Zamora."

FOR the nth times, nandito na naman ako at nakatingala sa MontaVier Company. Siguro makulit nga ako dahil hindi pa rin ako nadadala at nakikinig sa mga guard at ibang staff na nasa loob.

Pero hahayaan ko nalang ba na mapaalis kami sa lugar na tinitirahan namin gayong pagmamay-ari naman namin ang lupang iyon? Saan naman kami titira?

Sa panahon ngayon, mahirap maghanap ng matitirahan. Kung meron man, ginto naman ang pangrenta. Hindi rin kami pwedeng makisiksik sa gilid ng kalsada. Sa dami na nilang naninirahan doon, dadagdag pa kami? Amp!

Muli kong tinitigan ang brown envelope na kipkip ko sa aking dibdib. Kapag hindi pa talaga pumayag ang Zionn Montallejo na iyon at pilitin pa rin kaming paalisin sa Sitio Yakal, itatapal ko na talaga ang envelope na ito sa pagmumukha ng poncio pilatong iyon!

Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga pangungurakot at kasamaang ginagawa nila sa kanilang mga kapwa. Mga buraot ng lipunan!

Kinalma ko ang sarili ko at pinasadahan ng daliri ang aking buhok. Nakalimutan ko kasing magdala ng suklay. Nakakahiya rin naman kung dadalhin ko pa iyon kasi iilan nalang ang ngipin no'n. Mas marami pa nga ang daliri ng mga kamay ko.

Bumuntong-hininga ako ng malalim pagkatapos ay taas-noo akong naglakad papasok ng kompanya. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay may humarang na namang isang malamig na bakal sa aking katawan.

Dahan-dahan kong nilingon ang may pakana no'n at nakita ko naman ang naiiling na guwardiya na laging pumipigil sa dapat na gawin ko.

"Kayo na naman, Ma'am?!" di makapaniwalang tanong nito habang nakatingin sa akin. Kahit gaano ko siya kagustong tirisin ng pinong-pino, hindi ko pa rin ginawa.

Sa halip ay sinuklian ko ito ng isang napakatamis na ngiti. "Ako nga po, kuya... You missed me?" pang-aasar ko rito.

Napailing-iling ito saka humugot ng isang malalim na buntong-hininga. Napanguso naman ako. "Hindi ka talaga nadadala, Miss. Kung ako sayo, umuwi ka nalang at huwag na huwag ka nang babalik di-"

"Hep! Hep!" Agad kong pigil sa sasabihin nito sabay senyas ng kamay ko para patahimikin ito. "For your information, hindi ko kukulitin ang boss niyo. And for another information, wala akong panahon para makinig sa mga drama mo, kuya... In fact, nandito ako kasi nag-aaply ako ng traba-"

"Wala ng bakan-"

Natawa naman ako. "Owss? Boss ka, manong?" pang-aasar ko pa. Napakamot naman ito sa ulo niya.

"Huwag ka na kasing sinungaling, kuya! Ayon oh! Nabasa ko... Hiring new employee..." muling banat ko. Napairap naman ito.

Tinaas-taasan ko lang ito ng kilay at pumasok na sa pinaka-lobby ng MontaVier. Wala ring nagawa si kuyang guard kundi papasukin ako kasi nga nabuko ko siya. Thankful rin ako dahil nagkataon na hiring sila ng bagong empleyado ng MontaVier. Gusto ko sana kaso, baka hindi ako compatible sa mga gawaing pang-opisina.

Pero naisip ko, hindi naman iyon ang sinadya ko dito. Nandito ako para ipaglaban ang karapatan namin sa lupa.

Agad akong dumiretso sa isang elevator. Akala ko solo lamang akong sasakay sa elevator na iyon pero bago pa ito tuluyang sumara, may isang napakagandang babae na sumakay rin kasama ko. Medyo may edad na ito pero halata pa rin ang kagandahan nitong taglay.

Hindi ko maiwasang mag-isip. Isa rin ba siyang Montallejo?

To be honest, I don't have any idea about them. Naging matunog lamang ang pangalan nila sa akin pagkatapos kong malaman mula kay Inay ang balak ng mga ito sa Sitio Yakal.

Umusog ako ng kaunti at tumitig lamang sa pinto ng elevator hanggang sa tuluyan itong magsara. Pasimple ko namang tinititigan ang babae dahil may kausap ito sa cellphone at para bang inis na inis ito.

"No... Yes... What are you talking about?! Don't you dare me, Ion!" sunod-sunod na sabi nito sa katawagan. Iniwas ko na lamang ang tingin ko at inabala ang sarili sa ibang bagay.

Hirap talaga maging mayaman, mga fluent mag- English. Buti di dumudugo ilong nila, hays.

Wala sa sariling napailing ako at lihim na inilibot ang tingin sa buong elevator. Halata talaga ang pagiging elegante ng mga ito.

Napasigaw ako bigla at muntikan nang matumba ng biglang gumalaw ang elevator. Akala ko tuluyan na akong babagsak pero may dalawang braso ang umalalay sa akin.

Gulat na napatingin ako sa may edad na babae na ngayon ay nakaalalay sa magkabilang braso ko para di ako tuluyang bumagsak sa sahig ng elevator.

Hindi ko maiwasang mahiya kaya naman agad akong tumayo ng tuwid at naiilang na nginitian ang ginang. Ngumiti naman ito pabalik kaya napaiwas ako ng tingin.

"Are you okay, hija?" tanong pa nito sa akin. Mabilis lamang akong tumango at yumuko na lamang.

Nang mga sandaling iyon, hindi ko maiwasang ma-curious sa sarili ko. Kumpara sa kasuotan ng ginang, walang laban ang suot kong kupas na pencil cut na skirt at kulay puting blouse. Sa pananamit palang, maikukumpara na kung gaano ito kataas sa buhay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Epilogue

    His POV—"ARE YOU NERVOUS?" I smirked at Ziann when he asked me that question. Damn! He's right. I'm very nervous right now.I still can't believe that I finally got her, my honey and soon to be wife, Pazneah Marien Zamora-Montallejo. The one and only mother of Pioneer and our future babies."Congratulations, kuya. You finally got her..." nakangiting saad pa nito sa akin as he tapped my shoulder. I smiled back at him. "Thank you, Ian... I hope you find yours too." Napailing lamang si Ziann at nagpaalam sandali. Naiwan naman akong nakatayo sa harap ng altar habang kinakabahan pa rin.Hindi ko maiwasang ilibot ang tingin sa bawat sulok ng simbahan. Everything looks perfect and elegant. Every column in the church was full of white roses. Many petals of white roses were scattered along the aisles. I keep my expression calm but deep inside, I'm very excited yet nervous. "Papa!" I smiled automatically as I heard my son calling me. Agad ko itong hinanap. My smile widened even more when

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Final Chapter

    TWO YEARS LATER..."NASAAN si Pio, 'nay?" Natigil naman sa pagdidilig ng halaman si inay at lumingon sa direksiyon ko. Nakangiti ito dahilan kung bakit kumunot ang noo ko."Teka- Bakit ka nakangiti, 'nay?" nagtataka ko pang tanong sa kanya. Napaismid naman ito sa tanong ko kapagkuwan ay mahinang natawa. "Bawal na bang ngumiti ngayon, Paz? May karapatan pa naman akong ngumiti kung gugustuhin ko di ba?" natatawang saad nito.Napaarko naman ang kilay ko. "Alam ko naman iyon, 'nay. Pero kakaiba ang ngiti mo ngayon eh. Parang..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil natawa na ito ng tuluyan."Wala ka ba talagang naaalala, Paz?" tanong ulit nito. Nagtaka naman ako. Naaalala? Ano naman ang dapat kong alalahanin?"Kung sabagay, halos dalawang taon na rin ang nakalipas simula no'ng mak- Oh, siya! Tama na ang chikahan, anak. Maligo ka nalang dahil may pupuntahan tayo ngayon..." saad pa nito. Nagtaka naman ako ng hindi nito ituloy ang dapat na sasabihin niya.Ano bang nangyayari kay inay

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Thirty-three

    “MAMA, saan po tayo pupunta?” inaantok pa rin na tanong ni Pio habang tinatahak namin ang pasilyo palabas ng bahay ni Poncio Pilato.Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko kaya hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong ng anak ko sa akin. Isa lang ang mas malinaw sa akin no'ng mga sandaling iyon, ang makaalis kami sa bahay ni Poncio Pilato.Alam kong mali ang gagawin ko pero ito na lamang ang tanging paraan upang maitama namin ang lahat. Hindi ko alam kung anong mangyayari kinabukasan pero umaasa ako na maiintindihan niya ang ginawa ko.Well, hindi ko ito gagawin para lamang sa sarili ko o sa kapakanan ng anak ko. I'm also doing this for him, for Zionn. I want him to free his own self. I want him to forgive himself and learn to forget all those past memories that keeps affecting the present and the future. I want him to move forward.“Si papa po, mama?” muling tanong sa akin ni Pioneer pero agad ko itong sinenyasan na huwag maingay.Hanggang makalabas kami ng gate ay sobrang lakas

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Thirty-two

    GABI na nang ihatid kami ni Ziann sa bahay. Ipinasyal pa kasi kami nito para raw kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam naming mag-ina. Siguro nga ay tama rin siya dahil hindi yata kinaya ng utak ko ang lahat ng aking nalaman kani-kanina lang.Gulong-gulo pa rin ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala pa yata akong lakas ng loob na magdesisyon sa ngayon dahil sobrang drained na nang utak ko.“Salamat, Ziann. Ako na ang magbubuhat sa anak ko para makauwi kana rin... Maraming salamat” sinserong wika ko sa kanya bago dahan-dahang binuhat si Pio. Hindi naman ito umangal pa at pinagbuksan nalang kami ng pinto.Nakita ko pang napailing ito habang nakatingin sa anak kong mahimbing na natutulog sa mga braso ko. “I don't really know if being a twin of my brother is a good thing. Mukhang pati sa akin ay galit na galit rin si Pioneer. Dahil ba magkamukha kami ni kuya?” amused na tanong nito.Tipid lamang akong ngumiti sa kanya bago haplusin ang ulo ni Pio at isiksik iyon sa leeg ko. “You

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Thirty-one

    "BAD KA!" Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Pio habang tinuturo si Poncio Pilato. "Bad ka! Hindi na ikaw ang papa ko. Ang bad mo!" umiiyak na sigaw nito sa kanyang ama.Hindi ko alam pero naiiyak ako. Nadadala ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng anak ko. Nang mahimig ko ang sarili ko ay tsaka ko lamang nilapitan si Pio. "Pio, anak-""Sobrang bad niya, mama! Pinapaiyak ka niya, mama ko..." humihikbing sabi pa nito habang nakatingin sa mukha ko. Mariing nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko upang pigilin ang pag-iyak ko."Aalis na tayo dito, okay? Aalis na tayo..." mahinang bulong ko kay Pio habang hinahaplos ang pisngi nito.Wala pa ring imik ang mga ito at tila pinagmamasdan lamang kami ng anak ko. Nang mag-angat ako ng ulo ay iniwasan ko talagang mapatingin sa mukha ni Poncio Pilato."Paz-" "I'm sorry, Vienna, pero kailangan na talaga naming umalis... By the way, nice to meet you again." Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago bumaba ang tingin ko sa bata

  • The Millionaire's Son (Montallejo #1)   Chapter Thirty

    "AALIS na po kami, 'nay. Mag-iingat ka po lagi dito..." bilin ko kay inay kapagkuwan ay naglakad na kami palabas ng gate ng subdivision. Napansin ko rin na medyo bata ang guard na naka-duty ngayon sa Villa Verdict. Nalaman ko rin na halos mag-iisang buwan nang retired sa pagiging security guard si Mang Kiko. "Sige, Paz. Mag-iingat din kayo..." sabi naman nito bago balingan si Pio at muling hinalikan sa ulo. "Huwag kang magpapasaway sa mama at papa mo ah? Dapat good boy ka lang, apo ko..."Tumango-tango naman si Pio. "Yes po, lola! I'll miss you po!" sagot naman ng anak ko at yumakap din kay inay.Bago kami tuluyang umalis at sumakay sa taxi ay muli pa akong tinawag ni inay. "Tatandaan mo ang mga sinabi ko sayo, Paz...""Opo, 'nay. Salamat po."Buong byahe ay masayang-masaya si Pio habang nagku-kuwento ng kung ano-ano. Kahit papaano ay nakalimutan nito ang ama.Kanina habang magkausap kami ni inay, hindi ko maiwasang isipin na tama siya. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala sa is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status