SUNOD-SUNOD ang pagtulo ng luha ko pagkauwi ko pa lamang sa bahay. Tila ba ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na ibuhos lahat ng emosyon at sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina.
Siguro nga tama si Inay na dapat hindi na ako nagpursige na pumunta pa sa lugar na iyon at pakiusapan ang walanghiyang iyon. Hindi sana ako makukutya at mapagsasalitaan ng gano'ng kasakit na mga salita. Kung hindi na rin sana ako nagpumilit na pumasok sa kompanya nito at nakinig na lamang kay Manong guard, edi sana hindi ako parang tanga na iyak ng iyak ngayon. Minsan kasi di ko rin makontrol ang katigasan ng ulo ko. 'Yon naman ang nararapat di ba? Ginawa ko lang din naman kung ano ang sa tingin ko ay tama. At iyon ang ipaglaban kung anong dapat naming ipaglaban. Nang marinig kong bumukas ang pinto ay mabilis pa sa alas onse akong napaupo sabay pahid ng mga luha ko. Akala ko pa naman si Inay ang pumasok pero ng makitang si Pio iyon ay napangiti nalang ako. “Pio, anak...” tawag ko sa anak ko at sinenyasan itong lumapit sa akin. Naglakad naman siya palapit sa akin saka umupo sa tabi ko. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa mukha ko. “Bakit ka umiiyak, mama?” takang tanong nito. Nginitian ko lang si Pio at umiling. “Wala, 'nak... Napuwing lang si Mama...” pagdadahilan ko pa. Hindi naman ito nag-usisa pa at niyakap lang ako. Gumanti rin ako ng yakap sa kanya pabalik sabay pikit ng mariin. Nagbabadya na naman kasi ang pagtulo ng mga luha ko. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa anak ko. Sa mga nangyayari ngayon, hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisisihan na ipinanganak akong isang mahirap. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako dahil hindi ko kayang ibigay kay Pio ang buhay na pinapangarap ko para sa kanya. At sa mga nangyayari ngayon, mas lalo ko lamang naramdaman kung gaano kami kababa. Siguro nga tama si Inay. Kailan man ay wala kaming kalaban-laban sa mga Montallejo, sa Zionn Montallejo na iyon. Mayaman ito, sobrang yaman. At posibleng mapalayas kami sa tinitirhan namin ngayon. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Sa ngayon, ang tangi ko na lamang magagawa ay ang manalangin at ipasa na lamang ang lahat sa Panginoon. ISANG buwan na ang lumipas mula noong nagpunta ako sa MontaVier at ipamukha sa akin ni Zionn Montallejo kung gaano ako kababang tao. Aminin ko man o hindi pero masyado talaga akong naapektuhan at nasaktan ng mga salitang binitawan nito. Pinamukha niya sa akin na ang mga taong kagaya ko ay mukhang pera. Dahil ba sa mahirap lang kami? Ni minsan ay hindi ko pa nagawang magmakaawa sa harapan ng isang tao dahil lamang sa pera. Ni minsan ay hindi ako nanghingi sa ibang tao para buhayin ang pamilya ko. Dahil alam ko sa sarili ko na wala ng libre sa panahon ngayon. Lahat ng pagkakautang ay may kaakibat na kabayaran. Napatigil ako sa pagkusot ng damit ni Inay ng biglang sumagi sa isipan ko ang napakagwapong mukha ng walanghiyang Zionn Montallejo na iyon. Gwapo sana pero masama naman ang ugali. No doubt kung bakit maraming tao ang kinatatakutan ito. Halata naman sa mukha nito. Kahit gwapo ito, hindi pa rin maitatago ang kadelikaduhang nakaukit sa mukha nito. He's so intimidating and looks so dangerous yet so sexy. Sexy? Wala sa sarili na napaingos ako saka nagpatuloy sa pagkusot ng damit. Ang mga katulad nitong tao ay dapat na iniiwasan. Nakakatakot naman talaga ito. Sa sobrang gaspang ng ugali nito ay pwede itong ipatapon sa kaharian ni Hades doon sa underworld. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalaba. Kailangan ko ng madaliin ang trabaho. Papaliguan ko pa si Pio at magsasaing pa ako. Wala kasi ngayon ang Inay kasi naglako ito ng isda sa bayan. Ang anak ko namang si Pio ay nasa bahay na naman nina Karolin at nakikipaglaro kay Kiro. Malaki ang pasasalamat ko dahil hindi pa rin umaalis sina Mang Kanor dito sa Sitio Yakal. Kung nagkataon, tanging kami nalang talaga nila Inay ang nasa sitio. Nagsilipat na kasi ang iba matapos bayaran. Pero sa mga sinasabi ni Karolin sa akin, posible raw na lumipat na rin sila sa bayan at umalis na rin sa sitio. Minsan raw kasi naaabutan niyang nagtatalo sina Mang Kanor at Aling Hilda tungkol sa pag-alis nila at paglipat sa bayan. Kung gano'n lang sana kadali ang lahat para sa amin, hindi naman kami magsasayang ng oras at lilipat rin kami. Pero hindi eh. Buong buhay ko ay dito ko iginugol. Nasa sitio na ito rin nakalibing ang Itay at ang mga alaala noong nabubuhay pa ito. Tahimik ko lamang tinapos ang ilang damit saka tumayo na. Naghugas muna ako ng kamay para simulan na rin ang pagbabanlaw. Magsasalin na sana ako ng tubig sa palanggana pero napatigil ako ng marinig ang pagtawag ni Pio sa akin. “Mama! Mama!” malakas na tawag nito. Nagtaka naman ako at nilapitan ito. “Pio?” “Mama, halika dali! Sama ka sa akin, mama!” hinihingal na sabi nito saka ako pilit na hinihila palabas ng bakod namin. Nagpahila na lamang ako sa anak ko hanggang sa dalhin ako nito sa likuran ng lumang barangay hall. “Pio—” “Mama, duguan 'yong guy! Patay na ba siya mama? Di ba po maraming ganyan sa tv? Katulad po ba siya ng mga nandoon?” sunod-sunod na tanong ng anak ko habang tinuturo ang duguang lalaki na nakahandusay sa lupa. Nakadapa ito kaya mahirap makita ang hitsura nito. Napaawang ang bibig ko habang nakatitig sa taong iyon. Duguan ito at walang malay. Mabilis ko itong nilapitan at agad na kinapa ang pulso nito. Pumipintig pa iyon pero sadyang mahina na. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid pero wala akong nakita ni isa na maaring tumulong sa amin. Binalingan ko si Pio at sinenyasan itong lumapit sa akin. “Bakit po?” inosenteng tanong nito. “Tulungan mo si Mama na patihayain siya okay? Baka kasi maubusan siya ng blood kapag nakadapa siya...” mahinahong sabi ko kay Pio. Agad naman itong tumango. “Opo, mama...” Dahil sadyang maliit si Pio, ako pa rin ang gumawa ng paraan para mapatihaya ang taong ito. Hinawakan ko ito sa magkabilang braso at buong lakas na pinatihaya ito. At gano'n nalamang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang mukha nito. Napatakip pa ako sa bibig ko at sunod-sunod na napailing. This can't be... “Z-Zionn Montallejo...” di makapaniwalang usal ko sa pangalan nito. Mula sa namumutla nitong labi ay bumaba ang tingin ko sa tagiliran nito kung saan naroon ang sugat nito. Anong nangyari? Bakit nandito ang taong ito? Nasaksak ba siya? Nabaril? “Mama, kilala mo po ba siya? Artista ba siya, Mama?” muling tanong ni Pio sa akin. Umiling lang ako habang nakatitig pa rin sa mukha nito. Hindi pa rin ako makapaniwala. “Mama, look oh! Pareho kaming sharp ang nose, mama! At gwapo rin siya gaya ko, mama!” sunod-sunod na sabi pa nito. Agad ko siyang sinuway at inutusang puntahan ang Tito Karolin niya. Alam kong bakla ang isang iyon pero siya lang talaga ang alam kong makakatulong sa akin. Pagkaalis ni Pio ay muli ko na namang pinagmasdan ang napakagwapong mukha nito. Galit ako sa lalaking ito. Pero hindi ko maiwasang mag-alala. Kahit naman masama ang ugali nito, hindi pa rin nito deserve kung ano ang nangyari rito ngayon. Sa ngayon, kakalimutan ko muna ang pagkainis ko sa walanghiyang ito. 'Asan na ba si Pio at Karolin? Sa ikalimang pagkakataon ay muli ko na namang tinitigan ang mukha nito. Hindi ko maiwasang mapaingos. “Hmp! Gwapo sana pero magaspang naman ang ugali...” tanging nasabi ko na lamang sa sarili. “SIGURADO ka ba?” pangungulit pa ni Inay sa akin kaya naman napairap nalang ako. Bwesit naman oh! Kanina pa talaga ito tanong ng tanong kung totoo bang Montallejo ang isang iyon pagkauwi nito mula sa paglalako. Tango naman ako ng tango pero mukhang di pa rin ito naniniwala. Edi 'wag! Di ko naman siya inutusan na paniwalaan niya ako eh! “Kaya pala ang gwapong bata!” Napahagikhik pa ito na mas lalong nagpainis sa akin. Hindi ko rin maiwasang mapaingos sa sinabi nito. Gwapong bata? Aba! Parang noon si Pio lang ang sinasabihan niya ng gano'n ah? Tapos ngayon nakakita lang ng gwapo, parang teenager kung makaasta. Naiinis pa rin ako na napaupo sa upuang papag at pasiring na binalingan ang natutulog na walanghiya. Nagamot na ito at nalinisan na rin ang sugat nito sa tagiliran. Gusto ko mang isipin na karma na yata sa kanya iyon pero di ko magawa. Oo, inis ako sa kanya pero hindi naman aabot sa point na iisipin kong karmahin siya. At ang pagkakasaksak pa ang karma niya. Hindi ako kagaya nito na masama ang ugali. Kahit naman galit ako sa taong ito, may puwang pa naman ang puso ko para makaramdam ng awa. Kapagkuwan ay napapitlag ako ng biglang punasan ni Inay ang gilid ng labi ko. Nagtatakang tiningnan ko ito pero humagikhik lang siya sabay pakita ng towel sa akin. “Laway mo kasi, 'nak, natulo.” Hindi ko alam kung nang-aasar ba si Inay o ano pero hindi ko mapigilang mapangiti. Masaya ako dahil maayos na siya ngayon. Nanumbalik na rin ang lakas niya kaya naman medyo nabawasan na rin ang pag-aalala ko sa kanya. “'Nay, naman eh!” reklamo ko pa saka muling tiningnan ang natutulog na lalaki. Hindi ko rin maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Ano kayang ginagawa niya rito sa sitio? Hindi ba talaga ito titigil hangga't hindi kami napapaalis dito? Mapait akong napangiti saka bumuntong-hininga. Masyado naman yata siyang di patas maglaro. Ginagamitan niya ng kapangyarihan o pera ang mga tao para lamang masunod ang mga gusto niya. “Sino naman kayang gunggong ang mananakit sa kanya at sasaksakin siya? Wala ba siyang bodyguard o ibang kasama man lang nang magpunta siya rito?” Kapagkuwan ay tanong naman ni Inay sa akin. Nakangiwing binalingan ko ng tingin si Inay. “Luh! Eh bakit ako ang tinatanong mo, 'nay? Aba, malay ko ba? Kasama ko ba siya?” naiiritang tanong ko naman pabalik kay Inay. Napasimangot naman ako ng kurutin nito ang tagiliran ko. Amp! “Kahit kailan napaka-reasonable mo talagang bata ka! Oh siya, bantayan mo siya at mamamalengke naman ako. Isasama ko si Pi—” “Huwag na, 'nay! Iwanan mo lang ang anak ko dito. Baka kung saan-saan na naman magpunta iyon... ” agarang sabi ko kay Inay. Last time no'ng isinama niya si Pio ay natagalan siyang makauwi dahil kung saan-saan raw nagsusuot ang anak ko. Nakita nalang niya na nakatayo ito sa labas ng isang restaurant. Tumango naman si Inay saka lumabas na ng silid namin. Binalingan ko naman ang natutulog na poncio pilato sa higaan namin ni Pio saka napangisi. Napansin ko kasi na medyo gumalaw ito dahil sa pagdapo ng lamok sa tuktok ng ilong nito. Mahina naman akong napabungisngis. “Namnamin mo ngayon kung paano mapapak ng mga lamok. Tingnan lang natin kung u-ubra iyang kagaspangan ng ugali mo, Zionn Montallejo.”His POV—"ARE YOU NERVOUS?" I smirked at Ziann when he asked me that question. Damn! He's right. I'm very nervous right now.I still can't believe that I finally got her, my honey and soon to be wife, Pazneah Marien Zamora-Montallejo. The one and only mother of Pioneer and our future babies."Congratulations, kuya. You finally got her..." nakangiting saad pa nito sa akin as he tapped my shoulder. I smiled back at him. "Thank you, Ian... I hope you find yours too." Napailing lamang si Ziann at nagpaalam sandali. Naiwan naman akong nakatayo sa harap ng altar habang kinakabahan pa rin.Hindi ko maiwasang ilibot ang tingin sa bawat sulok ng simbahan. Everything looks perfect and elegant. Every column in the church was full of white roses. Many petals of white roses were scattered along the aisles. I keep my expression calm but deep inside, I'm very excited yet nervous. "Papa!" I smiled automatically as I heard my son calling me. Agad ko itong hinanap. My smile widened even more when
TWO YEARS LATER..."NASAAN si Pio, 'nay?" Natigil naman sa pagdidilig ng halaman si inay at lumingon sa direksiyon ko. Nakangiti ito dahilan kung bakit kumunot ang noo ko."Teka- Bakit ka nakangiti, 'nay?" nagtataka ko pang tanong sa kanya. Napaismid naman ito sa tanong ko kapagkuwan ay mahinang natawa. "Bawal na bang ngumiti ngayon, Paz? May karapatan pa naman akong ngumiti kung gugustuhin ko di ba?" natatawang saad nito.Napaarko naman ang kilay ko. "Alam ko naman iyon, 'nay. Pero kakaiba ang ngiti mo ngayon eh. Parang..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil natawa na ito ng tuluyan."Wala ka ba talagang naaalala, Paz?" tanong ulit nito. Nagtaka naman ako. Naaalala? Ano naman ang dapat kong alalahanin?"Kung sabagay, halos dalawang taon na rin ang nakalipas simula no'ng mak- Oh, siya! Tama na ang chikahan, anak. Maligo ka nalang dahil may pupuntahan tayo ngayon..." saad pa nito. Nagtaka naman ako ng hindi nito ituloy ang dapat na sasabihin niya.Ano bang nangyayari kay inay
“MAMA, saan po tayo pupunta?” inaantok pa rin na tanong ni Pio habang tinatahak namin ang pasilyo palabas ng bahay ni Poncio Pilato.Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko kaya hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong ng anak ko sa akin. Isa lang ang mas malinaw sa akin no'ng mga sandaling iyon, ang makaalis kami sa bahay ni Poncio Pilato.Alam kong mali ang gagawin ko pero ito na lamang ang tanging paraan upang maitama namin ang lahat. Hindi ko alam kung anong mangyayari kinabukasan pero umaasa ako na maiintindihan niya ang ginawa ko.Well, hindi ko ito gagawin para lamang sa sarili ko o sa kapakanan ng anak ko. I'm also doing this for him, for Zionn. I want him to free his own self. I want him to forgive himself and learn to forget all those past memories that keeps affecting the present and the future. I want him to move forward.“Si papa po, mama?” muling tanong sa akin ni Pioneer pero agad ko itong sinenyasan na huwag maingay.Hanggang makalabas kami ng gate ay sobrang lakas
GABI na nang ihatid kami ni Ziann sa bahay. Ipinasyal pa kasi kami nito para raw kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam naming mag-ina. Siguro nga ay tama rin siya dahil hindi yata kinaya ng utak ko ang lahat ng aking nalaman kani-kanina lang.Gulong-gulo pa rin ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala pa yata akong lakas ng loob na magdesisyon sa ngayon dahil sobrang drained na nang utak ko.“Salamat, Ziann. Ako na ang magbubuhat sa anak ko para makauwi kana rin... Maraming salamat” sinserong wika ko sa kanya bago dahan-dahang binuhat si Pio. Hindi naman ito umangal pa at pinagbuksan nalang kami ng pinto.Nakita ko pang napailing ito habang nakatingin sa anak kong mahimbing na natutulog sa mga braso ko. “I don't really know if being a twin of my brother is a good thing. Mukhang pati sa akin ay galit na galit rin si Pioneer. Dahil ba magkamukha kami ni kuya?” amused na tanong nito.Tipid lamang akong ngumiti sa kanya bago haplusin ang ulo ni Pio at isiksik iyon sa leeg ko. “You
"BAD KA!" Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Pio habang tinuturo si Poncio Pilato. "Bad ka! Hindi na ikaw ang papa ko. Ang bad mo!" umiiyak na sigaw nito sa kanyang ama.Hindi ko alam pero naiiyak ako. Nadadala ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng anak ko. Nang mahimig ko ang sarili ko ay tsaka ko lamang nilapitan si Pio. "Pio, anak-""Sobrang bad niya, mama! Pinapaiyak ka niya, mama ko..." humihikbing sabi pa nito habang nakatingin sa mukha ko. Mariing nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko upang pigilin ang pag-iyak ko."Aalis na tayo dito, okay? Aalis na tayo..." mahinang bulong ko kay Pio habang hinahaplos ang pisngi nito.Wala pa ring imik ang mga ito at tila pinagmamasdan lamang kami ng anak ko. Nang mag-angat ako ng ulo ay iniwasan ko talagang mapatingin sa mukha ni Poncio Pilato."Paz-" "I'm sorry, Vienna, pero kailangan na talaga naming umalis... By the way, nice to meet you again." Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago bumaba ang tingin ko sa bata
"AALIS na po kami, 'nay. Mag-iingat ka po lagi dito..." bilin ko kay inay kapagkuwan ay naglakad na kami palabas ng gate ng subdivision. Napansin ko rin na medyo bata ang guard na naka-duty ngayon sa Villa Verdict. Nalaman ko rin na halos mag-iisang buwan nang retired sa pagiging security guard si Mang Kiko. "Sige, Paz. Mag-iingat din kayo..." sabi naman nito bago balingan si Pio at muling hinalikan sa ulo. "Huwag kang magpapasaway sa mama at papa mo ah? Dapat good boy ka lang, apo ko..."Tumango-tango naman si Pio. "Yes po, lola! I'll miss you po!" sagot naman ng anak ko at yumakap din kay inay.Bago kami tuluyang umalis at sumakay sa taxi ay muli pa akong tinawag ni inay. "Tatandaan mo ang mga sinabi ko sayo, Paz...""Opo, 'nay. Salamat po."Buong byahe ay masayang-masaya si Pio habang nagku-kuwento ng kung ano-ano. Kahit papaano ay nakalimutan nito ang ama.Kanina habang magkausap kami ni inay, hindi ko maiwasang isipin na tama siya. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala sa is