KASABAY ng pagbukas ng elevator ay lumabas ako agad. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng magsalita ang ginang na nasa likuran ko na pala.
“By the way, hija... I think this is yours. You dropped it awhile ago...” malumanay na sabi nito sabay abot ng brown envelope na nakalimutan kong nahulog pala kanina. “S-Salamat po...” nahihiyang tugon ko sa ginang. Kinuha ko mula sa kanya ang envelope at muling nagpasalamat. Tatalikod na ulit sana siya ng muli itong magsalita. “By the way, hija... Saan ka pupunta? Are you an employee here?” tanong pa nito. Mabilis akong umiling. “Hindi po, ma'am. May kailangan lang po akong kausapin...” sagot ko pa. “Sino?” Akmang sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto sa may bandang kanan ko. Medyo nagulat pa ako at bahagyang napaatras ng lumabas mula doon ang isang umiiyak na babae. May bitbit itong white folder. Dire-diretso itong lumabas hanggang sa makasakay sa isang elevator. Anong nangyari? Naguguluhan na napatingin ako sa ginang na nakatingin rin pala sa akin. Bumuntong-hininga ito ng malalim saka pinihit ang doorknob ng pinto at pumasok sa loob. Nagtaka ulit ako bago tumingala upang tingnan kung anong klaseng silid ba ang nasa harapan ko ngayon. CEO Office. “CEO? Ito na!” Napangiti ako bigla. Sa wakas ay nakita ko rin ang opisina ng poncio pilatong iyon! Nakita ko naman na pumasok ang ginang sa loob. Pero teka? Ano kayang nangyari sa babaeng iyon kanina? Bakit ito umiiyak? Kung ano-anong scenario ang naiisip ko na lalo lamang nagpadagdag ng inis ko sa poncio pilatong iyon. Hindi ko pa man ito nakikita pero naaalingasaw ko na kung gaano kasama ang ugali nito. Hanggang sa di ko namalayan na pinihit ko na pala pabukas ang doorknob at huli na para mapagtanto ko ang ginawa ko. O my gosh! Pero naisip ko, ngayon pa ba ako aatras? Narito na ako at sayang naman kung palalagpasin ko ang pagkakataon na ito upang makausap ang poncio pilatong Montallejo na iyon. Inilibot ko ang tingin sa buong silid ng opisina at isa lang ang masasabi ko. Puro mamahalin ang lahat ng gamit na nasa opisina nito. Ngunit natigil lamang ako sa aking ginagawa ng marinig ang usapan ng dalawang tao. “Ion! How many times do I have to remind you to show some respect to your employees or even an applicant?!” sigaw ng isang pamilyar na boses. Kilala ko ang boses na iyon. Kaya naman hindi na ako nakatiis at pasimple akong humakbang papasok upang silipin ang mga ito. Hindi ako chismosa, gusto ko lang makalanghap ng aircon. And there I saw them standing near the glass wall. Nakatayo ang ginang habang nakapameywang samantala nakatalikod naman rito ang kausap nito. Hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin ang kabuoan ng taong iyon. He stood maybe 6'4" at matikas ang tindig nito. Isang katangian ng ideal ma— Teka! My goodness. Kung ano-anong pinagsasabi ko! Erase! Wala naman sana akong balak na ipagpatuloy ang pakikinig ko kung di lang nagsalita ang lalaking kausap nito. “I don't f***in' care, mom” matigas na sagot nito. Hindi ko alam pero biglang nanayo ang mga balahibo ko matapos kong marinig ang boses nito. Hindi ko maipagkakailang napaka-sexy pero intimidating ang boses nito. At hindi lang iyon. Pakiramdam ko kasi...narinig ko na ang boses nito. Hindi ko lang alam kung kailan, saan, o paano. “Zionn Montallejo! Don't use that intimidating tone to me, young man. I'm your mother!” malakas na sigaw no'ng ginang sa anak nito base pa sa pagkakarinig ko. Pero hindi iyon ang nakaagaw ng pansin ko, kundi ang pangalang itinawag rito ng ina nito. Zionn? Zionn Montallejo? Ibig sabihin ito ang poncio pilatong iyon. Bigla kong naalala kung kaninong opisina nga ba itong napasukan ko at gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa kagagahan ko. Obvious naman na opisina ito ni poncio pilato dahil siya lang naman ang CEO ng MontaVier Company. Napakagaga mo, Paz! Biglang naningkit ang mga mata ko ng dumapo sa poncio pilatong iyon ang tingin ko. Pagkuwan ay pilit kong ikinalma ang sarili ko. Hindi ito ang oras para kainisan ang lalaking iyon. Kailangan ko itong kausapin at kumbinsihin para hindi kami mapaalis sa sitio. Wala naman akong balak na istorbuhin ang mga ito kung di lang biglang bumukas ang pinto. Sakto namang nasa likuran ko lamang pinto kaya tumama iyon sa akin. “Aray!” daing ko at napangiwi dahil sa sakit. “Sorry, Miss! Are you okay? Are you hurt?” tanong ng taong pumasok saka ako inalalayan na makatayo ng tuwid. Sobrang sakit kasi ng likod ko. Nakangiwi akong tumango at ngumiti ng pilit sa lalaki. At doon ko lang din napagtanto na may dalawang pares ng mata na palang nakamasid sa amin. Gulantang napalingon ako sa ginang na nakasabay ko kanina at sa lalaking nasa likuran nito. Pakiramdam ko ay bigla akong kinapos ng hininga ng salubungin ko ang kulay abong mga mata nito. Napaka-perpekto ng pagkakalilok ng mukha nito. Mapupugay ang mga mata subalit nababakasan iyon ng lungkot at kalamigan. Bigla akong kinilabutan. “Zaiden, hijo, what are you doing here?” Pagkuwan ay tanong ng ginang sa lalaking nasa likuran ko. So, Zaiden pala ang pangalan no'ng lalaking pumasok. Doon lamang ako nag-iwas ng tingin at humakbang ng ilang beses paatras. Bigla kasi akong nanliit sa sarili ko. At naging hudyat lamang iyon para mabaling sa akin ang atensiyon ng ginang. “Hello, hija... Dito pala ang punta mo sa opisina ni Ion...” nakangiting baling nito sa akin. Kinabahan man ay di ko nalang ipinahalata at ngumiti ng tipid sa ginang. Muli kong binalingan ang lalaking nasa likuran nito at sinalubong ang napakalamig na tingin nito. Nahigit ko ang aking hininga at napalunok ng sunod-sunod. He's so intimidating. Subalit ng maalala ko bigla ang kailangan ko kaya ako narito ngayon ay nabuhayan ako ng loob. Nandito ako hindi para maduwag at magpaapekto sa kakaibang pakiramdam na naramdaman ko bigla dahil sa mga titig nito kundi para ipaglaban ang pag-aari na talagang amin. Inayos ko muna ang mga hibla ng buhok na medyo tumatabing sa mukha ko at pormal na hinarap ang mga ito. This is it! Kaya ko ito...kakayanin. “Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, ma'am, sir... Nandito po ako para linawin kung bakit kailangan naming umalis sa tirahan namin sa Sitio Yakal.” Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para lamang di mautal sa pagsasalita. “Kung di niyo po mamasamain, pag-aari naman po namin ang lupang iyon. Alam kong maliit lamang ang lupang iyon pero dugo at pawis mismo ng aking ama ang sinayang niya bago maipundar ang lupang iyon...” seryosong depensa ko sa karapatan ng aking pamilya. At habang sinasabi ko iyon, nakipagtagisan ako ng tingin kay poncio pilato. Wala ni isang emosyon ang mga mata niya habang nakatitig ito sa akin. Pero gayon pa man, hindi ako nagpatinag. Nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Sobrang unfair naman po yata kung papaalisin nalang kami bigla sa lugar na iyon. Kung totoo ngang binili niyo na ang buong sit—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita ito bigla. “Magkano ba ang gusto mo?” walang kagatol-gatol na tanong nito sa akin. Nagpantig naman ang tainga ko. “Anong sabi mo?” “I know what you're doing, woman. You just came here for the money right? Now tell me, how much do you want for you to leave that place?” seryosong dagdag pa nito. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi nito. Para bang gusto nitong ipamukha sa akin na nagpunta ako dito sa kompanya niya dahil lamang sa pera. Napailing ako saka mapait na natawa. Pakiramdam ko ay binuhusan ako bigla ng isang napakalamig na timba ng tubig sa mukha dahil sa walang pakundangan na sinabi nito. “Hindi kami mukhang pera...” mahina pero mariin kong sagot rito sabay tungo sa sahig. Nakita ko pa kung paano ito suwayin ng ginang pero para bang wala itong naririnig. “Karapatan namin ang ipinaglalaban ko rito, Mr. Montallejo. Hindi namin kailangan ang pera mo.” Napatiim-bagang ito dahil sa sinabi ko. Akala ko hindi na ito magsasalita pero nagkamali ako. At pakiramdam ko ay naapakan nalang bigla nito ang pagkatao ko dahil sa sinabi nito. “Stop pretending, woman. A beggar like you are nothing but a gold digger. So, now I'm asking you, how much do you need?” “Zionn!” sabay na sigaw ng ginang at no'ng lalaking nagngangalang Zaiden. Samantala wala naman akong nagawa kundi ang tumitig na lamang sa walang kaemo-emosyon nitong mukha habang paulit-ulit na nagre-replay sa aking isipan ang lahat ng mga sinabi nito. Ako? Beggar? Gold digger? Nag-init bigla ang magkabilang sulok ng mga mata ko kaya naman lihim kong pinagalitan ang aking sarili. Hold back your tears, Paz. Ang mga katulad niyang tao ay di nararapat pag-aksayahan ng luha. Kaya naman pinilit ko na lamang ngumiti at iniiwas ang tingin dito. Nanghihina na ibinaling ko ang atensiyon ko sa ginang. She looks so very apologetic to me. Umiling ako. “Pasensiya na po kayo. Malinis po ang loob ko at mabuti ang intensiyon ko kaya ako naparito. Gusto ko lang naman talagang linawin na hindi niyo kami pwedeng paalisin sa lupang pagmamay-ari naman namin. Aminado naman akong mahirap lang kami, pero hindi kami pulubi at hindi kami gold digger. Kahit mahirap lang ako, alam ko kung paano rumespito sa kapwa ko...” mariin kong sabi sa kanila at muling sinalubong ang napakalamig na mata ng isang Zionn Montallejo. “Hindi ko rin kailangan ng pangungutya mo, Mr. Montallejo. At mas lalong hindi ko rin kailangan ang pera mo. Gago!” dagdag ko saka walang lingon-likod na lumabas ng opisina nito. Kailan man ay hindi ko pa naranasan na makutya ng gano'n kasakit, siya palang ang nakagawa no'n. Nilait at napagsalitaan na ako noon ng ibang tao pero hindi dumating sa point na gano'n. At hindi ako nagsisisi sa pagtawag sa kanya ng gago. Dapat lang sa kanya iyon.“MAMA! MAMA!”Nagmamadaling lumabas ako ng silid namin at sinalubong ang nagsisigaw na si Pio. “Bakit? May nangyari ba?”Umiling ito at nagmamadaling pumasok ng silid namin. Napa-pantastikuhang pinagmasdan ko ito hanggang sa lumapit ito sa drawer namin at kinuha ang paborito nitong avengers na maliit na bag. Tsaka nito sinimulang maghalungkat ng damit nito at inilagay sa bag. Doon lamang ako napakilos.“Anak, anong ginagawa mo?! Bakit ka naglalagay ng damit sa bag?” natatarantang tanong ko kay Pio sabay pigil sa ginagawa nito. Inosente naman itong tumingala sa akin. Ngumiti pa ito na para bang isang magandang ideya ang ginagawa. “Eh, kasi mama... Nag-iimpake na rin po si Lola sa kwarto niya. Mama, may pumuntang matanda dito kanina. Sabi niya, bibigyan niya raw tayo ng bagong house! 'Yong malaki at magandang house, mama!” masiglang sabi nito. Hindi ako nagsalita at pilit na pino-proseso sa aking isipan ang sinabi ni Pio.Si Inay? Nag-iimpake? Mabilis akong lumabas ng kwarto at puma
"SERYOSO ka ba?" pang-uusisa pa ni Karolin sa akin mula sa kabilang linya. Naisipan ko kasi siyang tawagan dahil hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Habang si Pio naman ay kanina pa tulog sa tabi ko.Bumuntong-hininga ako bago magsalita. "Seryoso nga sabi, eh!" Umayos ako ng upo sa papag saka isinandal ang likod ko sa dingding. "Bakit ba hindi kami nilulubayan ng mga Montallejo? Nitong nakaraan lang, tatlong Montallejo ang nakasalamuha ko. Tapos kanina, isa na namang Montallejo?!" problemado kong sabi kay Karolin. Narinig ko naman itong natawa sa kabilang linya. "Relax ka lang, girl. Malay mo hindi na masundan pa iyon. Baka ang Minerva Montallejo na ang pinakahuling Montallejo na makakatagpo mo..." natatawang komento nito. Napailing nalang ako saka bahagyang napairap."Sana nga. Kasi sa totoo lang, di pa talaga ako maka-get over sa Zionn Montallejo na iyon. Hindi ko alam baka isang araw, may ipadala na lamang itong tao para paalisin kami dito sa tinitirhan namin. Hanggang ngayon, h
TANGHALI na nang magising ako dahil halos inumaga na akong nakatulog kagabi. Hinintay ko kasing lumakas ang signal at hinintay ko rin kung may update si Karolin. Sabi niya kasi tulungan niya raw akong maghanap ng trabaho. Kahapon rin sila tuluyang umalis dito sa Sitio Yakal at lumipat sa ni-rentahang bahay ni Karolin doon sa Quezon.Sa ngayon, tanging kami nalang ang natitira dito sa Sitio Yakal. Nagsi-alisan na rin kasi ang iba at napilitang lumipat ng bagong tirahan. Binayaran naman sila ng mga Montallejo. And speaking of the devil, hindi ko alam kung nasaan na iyon. Ang huling kita ko rito, nakipaglaro pa ang mokong kay Pio kagabi.Kaya naman agad akong bumangon at nagligpit ng higaan. Inayos ko na rin ang hinigaan ni Inay. Simula kasi no'ng araw na napadpad dito si Zionn Montallejo ay nakikitulog muna kami ng anak ko sa silid ni Inay. Okupado kasi nito ang kwarto namin ni Pio.Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng silid. Agad akong nagtungo sa pinaka-sala ng bahay namin a
NANGINGITING lumabas ako ng silid namin at nagtungo sa kusina. Baka kasi magising nalang bigla ang haring nasa loob ng kwarto naming mag-ina. Pag nagkataon, ako na naman ang masesermunan ni Inay. Hay! Ang isang iyon, nakakita lang ng gwapo, tinubuan agad ng pakpak at bilog sa ulo.Nagsaing na muna ako at nag-igib ng tubig para sa pampaligo ni Pio. Mamaya ko na rin ipagpapatuloy ang pagbabanlaw na na-pending kanina dahil kay poncio pilato. Pagkatapos kong maisalang ang bigas sa kalan ay hinintay ko muna hanggang sa maluto. Binuksan ko rin ang maliit na estante na laging pinaglalagyan ng ulam namin subalit wala palang itinabi si Inay. Siguro bibili nalang kami mamaya ng pang-ulam. Nakakaumay na kasi na puro nalang isda ang ulam namin. Naaawa na rin ako sa anak ko dahil minsan kakaunti nalang rin kinakain nito.Natigil ako sa ginagawa ko ng makita ang humahangos na si Pio, papasok sa kusina. Nanlalaki ang mga mata nito pero may kislap ng kasiyahan. Naguluhan naman ako. “Bakit? Anong
SUNOD-SUNOD ang pagtulo ng luha ko pagkauwi ko pa lamang sa bahay. Tila ba ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na ibuhos lahat ng emosyon at sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina. Siguro nga tama si Inay na dapat hindi na ako nagpursige na pumunta pa sa lugar na iyon at pakiusapan ang walanghiyang iyon. Hindi sana ako makukutya at mapagsasalitaan ng gano'ng kasakit na mga salita. Kung hindi na rin sana ako nagpumilit na pumasok sa kompanya nito at nakinig na lamang kay Manong guard, edi sana hindi ako parang tanga na iyak ng iyak ngayon.Minsan kasi di ko rin makontrol ang katigasan ng ulo ko. 'Yon naman ang nararapat di ba? Ginawa ko lang din naman kung ano ang sa tingin ko ay tama. At iyon ang ipaglaban kung anong dapat naming ipaglaban. Nang marinig kong bumukas ang pinto ay mabilis pa sa alas onse akong napaupo sabay pahid ng mga luha ko. Akala ko pa naman si Inay ang pumasok pero ng makitang si Pio iyon ay napangiti nalang ako.“Pio, anak...” tawag ko sa ana
KASABAY ng pagbukas ng elevator ay lumabas ako agad. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng magsalita ang ginang na nasa likuran ko na pala. “By the way, hija... I think this is yours. You dropped it awhile ago...” malumanay na sabi nito sabay abot ng brown envelope na nakalimutan kong nahulog pala kanina. “S-Salamat po...” nahihiyang tugon ko sa ginang. Kinuha ko mula sa kanya ang envelope at muling nagpasalamat. Tatalikod na ulit sana siya ng muli itong magsalita. “By the way, hija... Saan ka pupunta? Are you an employee here?” tanong pa nito. Mabilis akong umiling. “Hindi po, ma'am. May kailangan lang po akong kausapin...” sagot ko pa. “Sino?” Akmang sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto sa may bandang kanan ko. Medyo nagulat pa ako at bahagyang napaatras ng lumabas mula doon ang isang umiiyak na babae. May bitbit itong white folder. Dire-diretso itong lumabas hanggang sa makasakay sa isang elevator. Anong nangyari? Naguguluhan na napatingin ako sa gina