"AALIS na po kami, 'nay. Mag-iingat ka po lagi dito..." bilin ko kay inay kapagkuwan ay naglakad na kami palabas ng gate ng subdivision. Napansin ko rin na medyo bata ang guard na naka-duty ngayon sa Villa Verdict. Nalaman ko rin na halos mag-iisang buwan nang retired sa pagiging security guard si Mang Kiko. "Sige, Paz. Mag-iingat din kayo..." sabi naman nito bago balingan si Pio at muling hinalikan sa ulo. "Huwag kang magpapasaway sa mama at papa mo ah? Dapat good boy ka lang, apo ko..."Tumango-tango naman si Pio. "Yes po, lola! I'll miss you po!" sagot naman ng anak ko at yumakap din kay inay.Bago kami tuluyang umalis at sumakay sa taxi ay muli pa akong tinawag ni inay. "Tatandaan mo ang mga sinabi ko sayo, Paz...""Opo, 'nay. Salamat po."Buong byahe ay masayang-masaya si Pio habang nagku-kuwento ng kung ano-ano. Kahit papaano ay nakalimutan nito ang ama.Kanina habang magkausap kami ni inay, hindi ko maiwasang isipin na tama siya. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala sa is
"I MISS YOU, PAPA..."Napatingin ako sa anak kong naglalambing ngayon sa ama niya habang nakakandong dito. Pero mabilis din akong nag-iwas ng tingin ng bigla itong tumingin sa direksiyon ko."I miss you too, baby. How's your day?" sinserong tanong nito kay Pio habang hinahalikan ang ulo nito, pero nakatitig pa rin sa direksiyon ko. Yumakap naman ang anak ko ng mahigpit sa ama niya. Halatang miss na miss nga ang asungot niyang ama. Walang imik lamang akong nakatayo, medyo may kalayuan sa kanila at nanatiling nakikinig sa usapan nilang mag-ama. Sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko, para bang gustong tumalon palabas sa dibdib ko.I don't really know what happened earlier. I don't know how it is happened either. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko siyang halikan ako. I didn't answer his kisses, pero hindi rin ako pumalag para pigilan ito.Ano bang nangyayari sa akin? Galit ako sa kanya, pero bakit parang naguguluhan yata ako ngayon?"Are you okay, mama?" Napalunok ako ng ilang bes
PASADO alas singko ng hapon nang maisipan naming mag-ina na pumunta sa SM mall. Medyo may kalayuan lamang ito sa Villa Verdict subdivision.Nitong mga nakaraan kasi ay hindi ko man lang magawang ipasyal si Pio. Medyo kulang na rin ang oras ko sa anak ko dahil busy ako palagi sa trabaho. Nagpapasalamat naman ako dahil naiintindihan iyon ni Pio. Para din naman kasi sa kanya ang lahat ng ginagawa ko. Para mabigyan ko siya ng maayos na kinabukasan."Sayang, Mama kasi hindi po sumama si Lola dito sa mall. Hindi niya tuloy nakita yung malaking shark sa labas. Gusto ko pong magpa-picture doon mamaya, Mama!" masiglang sabi nito habang abala sa pagtingin sa paligid.Tumango naman ako. Marami kasing decorations ang bawat sulok ng SM mall. Mukhang may gaganaping event yata dahil mayroon ding mini stage sa pinaka-sentro. Marami-rami rin ang tao kaya pinanatili ko lamang na nakadikit sa akin si Pio. Baka mamaya malingat lang ako sandali, nawawala na ang anak ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Na
“TITO ZAIDEN!”Ang malakas na boses ni Pio ang bumasag sa katahimikan ng sala nang makitang pumasok ang tito 'kuno' nito. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, natatakot pa rin ako. It's been 3 months already pero heto pa rin ako at hindi pa rin kayang magtiwala sa mga kabutihan nila sa amin ng anak ko.Hindi naman sa nag-iinarte ako, pero may hinanakit pa rin ako sa mga Montallejo. Paano kung ginagawa lang nila ito para paikutin na naman ako, tapos bigla nalang nila sa akin ilalayo ang anak ko?Sunod-sunod akong napalunok habang tulalang nakatitig sa throw pillow na nasa harapan ko.“Hi, Paz...”Seryoso ko naman itong tiningnan at kinunutan ng noo. Agad naman nitong itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko. Ganito lagi ang inaakto nila everytime na gusto nilang makipag-usap sa akin, pero hindi ko naman sila kinikibo. Hanggang ngayon, galit pa rin ako sa kanila dahil sa mga kasalanan at pangloloko nila sa amin ng pamilya ko.If it isn't because of my son, hindi ko naman g
BOMBA. Tila bombang sumabog sa tapat ng tainga ko ang mga narinig kong sinabi nito. Bakit kausap niya si Dra. Fil? At sino ang tinutukoy niyang pinsan nito? Nanghihinang napasandal ako sa likod ng pinto habang nakatulala lamang kay Karolin. Mukhang naramdaman yata nito na may taong nakatingin sa kanya kaya agad itong napalingon sa direksiyon ko.Nagulat pa ito ng makita ako. Mabilis nitong tinapos ang tawag at itinago ang cellphone sa bulsa niya.Bakit niya pa itatago, eh, narinig ko na? Hindi naman ako makapagsalita. Nakatulala lamang ako sa kanya.Kailan pa? “P-Paz...” He called me. Bakas ang takot sa mukha niya. Hindi ko pa rin magawang ibuka ang bibig ko upang makapagsalita. Nanginginig ang mga tuhod ko.Akala ko pa naman may kakampi na ako. Pero hanggang akala nalang yata lahat. Pumunta pa kami dito para ilayo nang tuluyan ang anak ko sa ama nito, tapos ganito lang pala ang mangyayari?Lumapit siya sa akin. “Paz—”Sinampal ko siya. Pinagsu-suntok ko siya para mabawasan ang big
“KAILAN pa kayo lumipat dito sa Tagaytay?” Buong akala ko talaga dati na nasa Quezon lamang nakatira sila Karolin. Iyon naman kasi ang sinabi niya sa akin bago sila umalis sa Sitio Yakal.Nandito kami ngayon sa may balcony ng bahay nila. Ramdam na ramdam ko na ang lamig ng paligid dahil gumagabi na. Sabi pa nga ni Karolin, buti nalang daw at nakahabol pa kami sa last trip ng bus kung hindi ay baka bukas pa kami makarating dito.Sumandal naman ito sa kinauupuan niya saka ako tiningnan. “Hindi ba dapat ako ang magtatanong sayo? Huwag mo ngang iniiba ang usapan, Pazneah Marien.” Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Sa mga tingin palang niyang iyon, alam na alam ko na ang tumatakbo sa isipan niya.I don't really know how and where to start our conversation. On the process pa kasi ang lahat ng mga nalaman ko. But still, gusto ko pa ring mag-kuwento sa kanya. “Hindi ko maintindihan kung bakit apektado pa rin ako sa nangyari noon, Kar. Sa lahat ng mga rebelasyong nalaman ko kani-kanina la