LOGINSinuri ni Zedhryx ang babaeng nakahiga sa kama nang may malamig at mapanuring tingin, tila sinusukat kung totoo ba ang gulat na nakaukit sa mukha nito. Tahimik ang silid, at ang bigat ng presensya niya ay parang unti-unting sumisikip sa dibdib ni Alice.
Matagal bago siya nagsalita, at nang magsalita siya, tila ba may pader na yelo sa bawat salita. “Sabihin mo ang gusto mo.”
Napakurap si Alice. “Ha? Anong gusto ko?” litong-lito niyang tanong.
“Gusto kang pasalamatan ng kapatid ko dahil iniligtas mo si Zex. So, go ahead, name your request. You’re lucky, you know.” Sumingit si Zane, may nakangising ekspresyon na para bang may nanalong jackpot sa harap niya.
Biglang napa-isip si Alice. Maingat niyang pinili ang mga salitang lalabas sa bibig niya. “Hindi na kailangan ng kahit anong kapalit,” mahinahon niyang sabi, kahit may bahagyang kaba sa tinig. “Oo, iniligtas ko si Zex, pero iniligtas din niya ako. Kung hindi siya tumakbo para humingi ng tulong, baka nakakulong pa rin ako roon ngayon. So… we’re even.”
Sa isip niya, iyon na ang pinakaligtas na sagot. Ang masyadong maraming pera at kapangyarihan ay kadalasang may kasamang pagdududa. Isang maling hakbang lang, at baka mapag-isipan pa siya na may masamang intensyon. Kanina pa nga siya tinititigan ni Zedhryx na parang sinusuri ang bawat galaw niya. Mas mabuting tapusin na lang ang lahat sa patas na punto.
Ngunit sa halip na gumaan ang hangin sa silid, mas lalo pa itong bumigat. Hindi nagbago ang malamig na ekspresyon ni Zedhryx. Sa katunayan, tila mas lalong tumalim ang tingin niya.
Nanlamig si Alice. Napapaisip kung may mali ba siyang nasabi.
“Kuya, don’t look so scary,” biro ni Zane, pilit pinapawi ang tensyon. “Nagpapasalamat ka lang naman. Baka isipin ng iba, maghihiganti ka.” Pagkatapos ay bumaling siya kay Alice. “Ayaw lang ng kapatid ko na may utang na loob. Just ask for something. Don’t be polite.”
Napapikit si Alice sandali.“Hindi po ako nagpapapilit. Totoo ang sinabi ko. Kung ayaw ninyong maniwala, puwede n’yo pong tingnan ang CCTV, ”
“Huwag na,” putol ni Zedhryx. Halatang nababawasan na ang pasensya.
Sumingit muli si Zane. “May CCTV footage sa storeroom ng bar. Nakita ko na. Si Zex ang unang pumasok doon, walang nag-utos sa kanya. At umamin na rin ang manager na siya ang nagkulong sa’yo. So relax, hindi ka namin pinaghihinalaan. Since you saved him, just ask.”
Parang bumalik sila sa umpisa. Sa huli, wala nang takas si Alice sa mabigat na titig ni Zedhryx. Huminga siya nang malalim at tinipon ang lakas ng loob.
“Kung gano’n… pera na lang po,” mahina niyang sabi.
Sa isip niya, iyon na ang pinaka-simple. Ang mayayaman ay sanay magbayad para matapos ang anumang utang. Kung hindi pera, ano pa ba? Baka isipin pa nilang may ibang habol siya, posisyon? Impluwensya? O mas masahol, ang mismong lalaki sa harap niya? Naisip niya ang mga bagay na iyon.
Ngunit sa halip na gumaan ang mukha ni Zedhryx, lalo itong dumilim. Para bang lalo siyang nainsulto.
Napapikit si Alice sa loob-loob niya. ‘Okay lang ma-insulto! Bigyan n’yo na lang ako ng pera at tapos na ang lahat!’ halos isigaw na niya sa isip.
Kinamot ni Zane ang batok niya. “Iniisip ng kapatid ko na parang insulto kung pera lang ang ibibigay sa’yo.”
Napalunok si Alice. ‘Hindi ba’t iyon naman ang pinaka-praktikal?’ nalilito niyang tanong sa isipan.
Bago pa tuluyang humantong sa deadlock ang sitwasyon, biglang nagsalita si Zedhryx, malamig ngunit malinaw ang bawat salita.
“Marry me.”
Parang tumigil ang mundo. Naging blangko ang isip ni Alice sa loob ng ilang segundo bago siya napahigpit ang ubo, halos mabulunan sa sarili niyang laway. “A-ano po ulit?” hirap niyang sabi habang pilit kumukuha ng hangin.
Mabilis siyang lumingon kay Zane, ang mga mata’y puno ng desperasyon. “Sir Zane… paki-translate naman po!”
Ngunit kahit si Zane ay nakatulala rin. “Kuya… ano’ng ibig mong sabihin? Hindi ko rin alam kung paano ko ite-translate ‘yan.”
Sa gitna ng kaguluhan sa isip niya, biglang may pumasok na ideya kay Alice. Bahagya siyang napailing, tila hindi makapaniwala sa sariling hinuha. “Huwag mong sabihing… dahil iniligtas ko ang anak mo, babayaran mo ako sa pamamagitan ng pagpapakasal sa’kin?”
Bahagyang ikiniling ni Zedhryx ang ulo, para bang pinag-iisipan ang eksaktong paraan ng pagkakasabi nito. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, tumango siya nang bahagya.
“You could say that.”
Muling tumahimik ang silid, ngunit ngayon ay hindi na dahil sa tensyon lamang, kundi dahil sa bigat ng panukalang kayang baguhin ang buong buhay ni Alice. Ang simpleng pagligtas niya sa isang bata ay biglang naging simula ng isang desisyong maaaring magdikta ng kapalaran niya. At sa harap niya, nakatayo ang isang lalaking tila kayang bilhin ang mundo, ngunit piniling ialok ang sarili niya bilang kabayaran.
Pakiramdam ni Alice ay nananaginip siya habang nakatitig sa lalaking tila bloke ng yelo ang aura, na nagsabi ng ganoong kabigat na mga salita nang walang kahit katiting na emosyon sa mukha. Hindi man lang kumurap si Zedhryx nang sabihin ang “Marry me,” na para bang simpleng alok lang iyon ng kape.
Napahawak si Alice sa noo, tila nahihilo. “Doktor… nasaan ang doktor?” mahina niyang ungol, halos mangiyak-ngiyak. “Sa tingin ko may tama ang utak ko mula sa pagkakahulog. Baka nagha-hallucinate na ako…”
Sa tabi niya, si Zane ay nakatayo na parang inosenteng bata. “Hindi naman ako nahulog,” sabi niya na kunwari’y seryoso ang mukha, “pero parang feeling ko may damage din ang brain ko?”
Sa sandaling iyon, gaano man katibay ang puso ni Alice matapos pagdaanan ang napakaraming pagsubok sa buhay, hindi niya kayang tanggapin ang realidad sa harap niya. Iniligtas niya ang isang munting bata, at ngayon ang ama nito ay gustong suklian siya ngunit iba naman ang hinihingi nito. Hindi niya kayang isipin nang maayos.
Kung ibang lalaki sana, baka kaya pa niyang isipin na isa itong kakaibang simula ng romansa.
‘Kung medyo guwapo, baka maipasa ko pa ang sarili bilang nasa isang fairy tale twist. Ngunit si Zedhryx ito. Si Zedhryx Romero!’ sigaw niya sa isipan.
Oo, may itsura siya, alam niya iyon. Pero anong klaseng tao ba si Zedhryx? Isang lalaking sanay makita ang pinakamagagandang babae sa mundo. Hindi siya basta-basta maaakit ng isang tulad niya.
‘Tama ba talaga ang utak niya? Kung sinabi nitong nagkagusto lang ito sa akin, baka hindi ako gaanong nabigla. Kung sinabi nitong gusto lang niya akong paglaruan, mas maiintindihan ko pa. Ngunit ang sinabi nito ay “Marry me.” Pakiramdam ko, mahuhulog ulit ako at sa bangin na! Parang horror ito.’ Hindi niya mapigilang sumigaw nang paulit-ulit sa isipan niya.
Nalilito parin siya. At higit sa lahat, “Hindi ba… bakla ka?” biglang naibulalas ni Alice bago pa niya napigilan ang sarili.
Halos mahulog si Zane sa kakatawa, hawak ang tiyan.
Samantala, ang tingin ni Zedhryx ay unti-unting nandilim. Sa isang iglap, parang nabalot ng maitim na ulap ang buong silid. Ang lamig ng hangin ay tila dumoble.
Matagal bago nakabawi si Zane sa kakatawa. “Kung bakla ang kapatid ko, saan nanggaling si Zex?” natatawang paliwanag niya.
“Pwede namang surrogacy… artificial insemination…” depensa ni Alice, seryoso pa rin ang mukha kahit nanginginig ang loob.
“Kung bakla ang kapatid ko, bakit ka niya pakakasalan bilang kabayaran?” balik ni Zane.
“Para itago ang tunay niyang orientation?” walang prenong sagot ni Alice.
Lalong napahagalpak si Zane. “Bro, hindi na kita kayang tulungan dito…”
Bahagyang lumipat ang tingin ni Alice sa pagitan ng dalawang magkapatid, may pag-aalinlangan sa mga mata. “May narinig din kasi ako… na kayong dalawa raw ay…”
Muntik nang mabulunan si Zane. “Grabe naman! Hindi ko kayang lunukin ‘yan. Oo, guwapo ako at pwede sa girls and guys,” biro niya, “pero hindi sa sarili kong kapatid!”
Sa gitna ng kaguluhan, ang sentro ng bagyo ay dahan-dahang tumayo mula sa kanyang upuan. Ang mahahaba at tuwid niyang mga paa ay humakbang papalapit kay Alice, bawat hakbang ay tila bumabagsak sa dibdib niya.
“Zane, ilabas mo si Zex,” malamig na utos niya.
“Ha? Kuya, anong gagawin mo?” naguguluhang tanong ni Zane.
Maingat na inayos ni Zedhryx ang manggas ng kanyang suot, ang kilos ay kalmado ngunit puno ng awtoridad. “Patutunayan ko ang sexual orientation ko sa babaeng nasa harap ko ngayon.”
Sa sandaling iyon, nakita ni Alice ang maitim na ekspresyon sa mukha ng lalaki at ang titig nitong tila kayang lamunin siya nang buo. Sa sobrang takot, napaurong siya at muntik pang mahulog muli sa kama. Napaatras siya hanggang sa mapunta sa ibaba ng kama ni Zex, halos handa nang gumapang sa ilalim nito.
“Mr. Romero, hindi ako ang nagsimula nito,” mabilis niyang sabi, halos hindi humihinga. “Narinig ko lang ‘yon sa labas! Kung may dapat sisihin, doon n’yo hanapin! At saka, please, hindi n’yo na kailangang magpasalamat. Kung talagang kailangan n’yo akong mag-request, ang request ko po ay huwag na ninyong hingan pa ako ng request! Ah, sorry… may important audition ako mamaya. I really have to go. If we’re fated, we’ll meet again, okay?”
Sunod-sunod ang mga salita niya, halos magkabuhol-buhol, bago siya dahan-dahang umatras patungo sa pinto, balak nang tumakas. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo, narinig niya ang malamig na tinig sa likuran niya.
“Pinayagan ba kitang umalis?”
Nanginig ang mga tuhod ni Alice. Pakiramdam niya ay katapusan na ng buhay niya.
Ilang segundo siyang nakapikit, naghihintay ng kapahamakan. Ngunit sa halip na hilahin siya pabalik, isang papel at bolpen ang iniabot ni Zedhryx sa kanya.
“Pwede bang magsulat ka ng note para kay Zex,” kalmado niyang sabi, “para hindi siya mag-alala pag gising niya.”
‘Iyon lang?’ tanong ni Alice sa isip.
Parang nabunutan ng tinik si Alice. “Yes! Oo naman! Kahit sampung pages pa!” mabilis niyang sagot, halos mangiyak sa ginhawa.
Agad siyang umupo at nagsulat nang mabilis, ang sulat-kamay ay halos hindi na mabasa sa sobrang pagmamadali. Pagkatapos, sa takot na baka magbago pa ang isip ng lalaki, halos tumakbo siyang palabas ng silid.
Tahimik na pinanood ni Zedhryx ang papalayong likod ng babae. Malalim ang kanyang mga mata, tila ba may nakitang bagay na hindi pa nakikita ng iba. Para siyang isang mangangaso na nakatitig sa biktimang may nakapulupot nang tali sa leeg, hindi pa lamang nito namamalayan.
Nang tuluyan nang mawala si Alice sa paningin nila, agad lumapit si Zane sa kapatid, halos tumatalon sa kuryosidad.
“Kuya, nananaginip ba ako? Talaga bang gusto mo si Miss Alice?” bulong niya, hindi mapigilan ang sarili. “Thirty-two years ka nang single. Kahit ang patience ko muntik nang maubos kakahintay na magkagusto ka sa babae. Kahit ako, nagsisimula na ring magduda kung… you know…”
Hindi pa man niya natatapos ang salita, malamig na lumipad ang dalawang salitang parang kutsilyo.
“Tumahimik ka.”
Agad natigilan si Zane. “Yes,” mahinang sagot niya, pilit nilulunok ang napakaraming tanong na gustong kumawala sa dibdib niya.
Ang bulung-bulungan ng mga reporter ay parang batong inihagis sa tubig, sa isang iglap, kumalat ang usap-usapan at nagdulot ng sunod-sunod na reaksyon.“Impossible naman ’yan! Single si Zedhryx, okay? May anak siya, oo, pero wala siyang babae sa tabi niya!” mariing sabi ng isa, tila pilit kinokontra ang ideyang sumagi sa isip nila.“Pero kung siya nga ’yon… grabe, that’s huge news…” hindi napigilang bulong ng isa, halatang natutukso sa posibilidad.Ngunit agad itong naputol ng isa pang reporter na mas may karanasan. “Kahit gaano pa kalaki ’yan, so what? Dare mo bang i-report?” seryosong tanong nito. “Nakalimutan mo na ba nangyari sa VIO Magazine?”“Of course naaalala ko… sila ’yung lihim na kumuha ng picture ni Zedhryx, tapos naglakas-loob pang i-publish…” sagot ng isa, bahagyang napalunok.Sa puntong iyon, tila sabay-sabay silang natauhan. Ang kaninang sabik sa balita ay napalitan ng takot. Isa-isa nilang ibinaba ang kanilang mga camera, at ang mga kamay na kanina’y mabilis sa pagkuh
Matapos isa-isang tingnan ni Alice ang kanyang call records, lumipat siya sa mga mensahe. Ngunit napahinto siya nang mapansin ang isang text na tila may kakaibang laman.[Dearest, I really underestimated your courage.] Sender: YSBahagyang kumunot ang noo ni Alice habang nakatitig sa screen ng kanyang telepono. “Ano naman ’to?” bulong niya sa sarili, halatang naguguluhan. Wala siyang maalalang ginawa na magdudulot ng ganitong mensahe. Para bang may nangyari na hindi niya alam.Hindi niya alam na binura na ni Zedhryx ang call log, kaya wala siyang ideya sa naging pag-uusap ng dalawang lalaki noong gabing iyon.Napansin ni Zedhryx ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya kaya agad itong nagtanong, “What is it?”Mabilis na umiling si Alice at pinilit maging kaswal ang tono. “Nothing. Mukhang may saltik lang yung sender,” sagot niya, saka basta ibinaba ang telepono. Ayaw na niyang bigyan pa ng pansin iyon. Sa halip, napatingin siya kay Zedhryx at nagtanong, “Kailan darating si Zex?”“An
“Eh… so confirmed na talaga ‘yung cooperation natin?” tanong ni Alice, halatang hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng mga nangyari. May kaunting kalituhan pa rin sa kanyang mga mata, na para bang hindi niya matukoy kung seryoso ba talaga ang lahat o parang panaginip lang.Tahimik siyang tinitigan ni Zedhryx bago sumagot nang diretso, “I think highly of you, and ikaw naman, gusto mong pumasok sa Glory World. Our feelings are mutual, so may problema pa ba?”Saglit na natigilan si Alice.Our feelings are mutual…? ulit niya sa isip. Hindi niya inaasahan na maririnig niya ang ganoong linya sa ganitong usapan. Parang… iba ang dating.Napakamot siya sa ilong, bahagyang naiilang. Ngunit mabilis din niyang inayos ang sarili. Sa dami ng bagay na kaya niyang gawin, alam niyang isa lang ang hindi niya kayang gawin, ang guluhin o samantalahin si Zedhryx.Kaya naman seryoso siyang tumingin dito. “Sigurado ka na ba?” maingat niyang tanong. “Hindi mo na kailangang pag-isipan ulit? Feeling ko… medyo t
Pagkatapos noon, binuksan ni Alice ang website. Ngunit sa halip na simpleng balita lamang, bumungad sa kanya ang isang pahinang puno ng mura at masasakit na salita. Mas matindi pa ito kumpara noong nangyari ang insidente kay Valerie. At hindi rin nakapagtataka, mas sikat si Angela, at mas malakas ang impluwensya ng kanyang mga tagahanga.Sunod-sunod ang mga komento.“Ang babaeng ‘yan, si Alice, nagtatago pa rin! Obviously guilty siya! Siguradong tumakas na ‘yan dahil nahuli na siya! Attempted murder pa, tapos magtatago? Pag umabot ‘to sa korte, diretso kulungan ‘yan!”“Kung isang beses lang siyang napag-initan, baka inggit lang ng iba. Pero ilang beses na nangyari? Ibig sabihin, may problema talaga sa ugali niya! Ngayon, nahuli pa siya sa akto!”“Napakabait ni Angela, ilang beses niyang tinulungan ang junior niyang ‘yan. Tapos ganito ang ibabalik? Walang utang na loob! Dahil sa mga taong tulad niya, nasisira ang industriya!”“Hindi ba parang plano na niya ‘to mula sa simula? Tinanggal
Bahagyang kumislap ang malamig na liwanag sa mga mata ni Zedhryx. “Walang kailangang madaliin,” mahinahon ngunit matigas niyang sabi.Napangiti si Zane habang hinihimas ang baba, tila agad na naintindihan ang plano. “Tama,” sagot niya, may halong aliw sa tono. “May alas naman tayo. Hayaan na muna natin siyang gumawa ng gulo. Mas masarap panoorin kapag bumagsak na siya.”Hindi na siya pinansin ni Zedhryx at diretsong nagbigay ng panibagong utos. “Maghanda ka ng kontrata para kay Alice.”Agad na nagliwanag ang mga mata ni Zane. “Kontrata?” halos mapatalon siya sa excitement. “Bro, ibig sabihin… ipapasok mo na si Sister-in-law sa Golden Age?”Hindi direktang sumagot si Zedhryx. Sa halip, nagpatuloy siya, “Maghanda ka rin ng profiles ng lahat ng managers sa Golden Age. I need to review them.”Para kay Zane, sapat na iyon bilang sagot.“Gets ko na!” masigla niyang sabi. “Ikaw mismo pipili ng manager niya, ‘no? Grabe… kung kahit 0.001% lang ng treatment na binibigay mo kay Alice ang ibigay
Pagkarinig ni Alice, agad niyang itinulak sa likod ng isipan ang lahat ng hiya at awkwardness na naramdaman kanina. Bigla siyang napalapit kay Zedhryx, halatang hindi makapaniwala. “Tapos na? Lahat ng ‘yon?” tanong niya, puno ng pagkamangha.Tahimik na tumango si Zedhryx at bahagyang itinuro ang laptop, hudyat na siya na mismo ang tumingin.Sa una, inisip ni Alice na baka hindi niya maintindihan ang makikita niya, lalo na’t puro komplikadong code ang kaninang nakikita niya. Ngunit laking gulat niya nang mapagtanto na hindi iyon ang ipinapakita ni Zedhryx. Sa halip, malinaw na resulta ang nasa screen.Natunton ang IP address ng nagpadala hanggang sa apartment building kung saan nakatira si Angela, ang River Grand View. At ang may-ari ng anonymous overseas account? Si Cythia… ang assistant ni Angela.Nanlaki ang mga mata ni Alice, hindi makapaniwala sa nakita. “Akala ko sa TV lang nangyayari ‘to… ‘yung hacking, lalo na sa anonymous accounts,” halos pabulong niyang sabi, nanginginig sa e







