LOGINRush hour noon kaya halos gumapang ang daloy ng trapiko. Ilang beses napasulyap si Alice sa relo niya habang nakasakay sa taxi, pakiramdam niya’y bawat segundo ay parang kutsilyong dahan-dahang tumatarak sa pagkakataong pinaghirapan niya nang ilang buwan. Nang sa wakas ay makarating siya sa gusali ng audition hall, huli na siya.
Sa mismong labas ng entrance, nasalubong niya sina Rosa at Angela na pababa ng hagdan, kapwa nakangiti na parang nanalo sa lotto. Napapaligiran sila ng ilang staff at tagahanga na bumabati at pumupuri. Halatang-halata sa mukha ni Angela ang tagumpay.
Mula sa malayo, napansin siya nito, pawisan, hingal, at nagmamadaling tumatakbo papasok ng gusali. Ang tingin ni Angela ay kapareho ng tingin nito limang taon na ang nakalilipas.
Tila isang diyosang nakatanaw sa isang hamak na nilalang.
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Angela bago ito sumakay sa kanyang van. Umalis ito nang may bakas ng kayabangan, at si Alice naman ay agad pumasok sa loob ng gusali, pilit pinapawi ang kaba sa dibdib.
‘Hindi pa huli ang lahat.’ isip niya.
Sa pagmamadali niya sa loob, hindi niya namalayang nabunggo niya ang isang grupo ng mga taong masayang nag-uusap habang papalabas. Nang makilala niya ang mga mukha, nanlumo siya. Sila ang panel ng mga hurado para sa audition.
“Pasensya na po! I’m sorry, nahuli ako!” yumuko siya nang malalim, halos dumikit ang noo sa tuhod.
Nagkatinginan ang ilan sa mga hurado, halatang hindi natuwa sa pagkaantala. Walang sinuman ang may gusto sa taong huli.
Mahigpit ang mukha ng assistant director habang nagsalita. “Tapos na ang audition. Anong silbi ng paghabol mo ngayon? Ang mga kabataan talaga ngayon, walang sense of responsibility.”
Bahagyang napalunok si Alice ngunit hindi siya umatras. “Hindi po ako para sa female lead,” mabilis niyang sabi.
Napataas ang kilay ng screenwriter, tila naintriga. “Hindi ka para sa female lead? Kung gano’n, anong role ang gusto mo?”
“Para po ako sa supporting female lead, si Clara.” Tinaas ni Alice ang ulo bago pa siya tuluyang mapigilan ng kaba. “Sa pagkakaalam ko po, hindi pa kayo nakakahanap ng akmang artista para sa role na iyon.”
Sa sandaling itinaas niya ang mukha, tila tumigil ang oras. Limang segundo ng katahimikan ang bumalot sa paligid.
Ang assistant director, na kanina’y iritable, ay napako ang tingin.
Sa harap nila ay isang babaeng nakasuot ng pulang damit, ang maitim at mahaba niyang buhok ay bumabagsak hanggang baywang. Lalong pinatingkad ng kulay ang kutis niyang maputi at ang natural niyang ganda. Hindi siya gumalaw nang may labis na arte, nakatayo lang siya roon, kalmado, ngunit tila may sariling liwanag.
“Ano ang pangalan mo?” tanong ni Director Jam nang siya ang unang nakabawi sa pagkabigla.
“Alice,” sagot niya nang mahinahon.
Nagpalitan ng tingin si Director Jam, ang assistant director, ang screenwriter na si Alex, at ang producer. Ilang segundo ng tahimik na pag-uusap sa pamamagitan ng mga mata ang naganap bago muling nagsalita ang direktor.
“Naalala kita. Isa ka sa mga artista ng Starlight Entertainment, tama ba?” Tumango si Alice. “Maghanda ka na. Sa’yo na ang supporting female lead. Ipapatawag ka namin kapag magsisimula na ang shooting.”
Sandaling hindi makapaniwala si Alice sa narinig. Pagkatapos ay agad siyang yumuko, halos manginig ang tinig sa pasasalamat. “Maraming salamat po, Direk. I will prepare well.”
Mula pa sa simula, hindi niya pinangarap ang female lead. Ang tunay niyang target ay si Clara.
Tatlong buwan siyang nagkulong sa sarili, inaral ang karakter, binasa ang script nang paulit-ulit, sinubukang intindihin ang bawat emosyon ng isang babaeng naging matuwid na heneral bago tuluyang maging dahilan ng pagbagsak ng isang kaharian. Alam niyang hindi sapat ang talento, kailangan niya ng presensya. Kaya’t inipon niya ang lahat ng lakas at kumpiyansa para sa sandaling iyon, isang tingin lamang upang mapaniwala sila.
At nagtagumpay siya.
Pagkaalis ni Alice, napabuntong-hininga si Director Jam. “Hinahanap natin kung saan-saan ang tamang artista. Nang tumigil tayo sa paghahanap, kusa itong dumating. Masyadong mahina ang resume niya kaya hindi ko man lang siya kinonsidera para sa female lead. Pero hindi ko inasahan na mas maganda siya sa personal kaysa sa mga litrato.”
Hindi rin mapigilan ni Alex ang pananabik. “Mas mahalaga pa roon, tama ang aura niya. Ang titig niya kanina, iyon mismo si Clara. Isang babaeng kayang maging malandi kung kailangan, pero hindi nawawala ang dignidad. Hindi siya dapat magmukhang mababa. Lahat ng nag-audition dati, parang mga walang buhay ang atake. Halos pumutok na ako sa galit!”
Natawa ang producer. “Kalma ka na. Nahanap na natin ang Clara na hinihintay natin.”
Samantala, sa kabilang panig ng lungsod, sa hospital, kabaligtaran ang nangyayari.
Ang VIP ward kung saan naka-confine ang maliit na si Zex ay tila dinaanan ng bagyo. Nakatayo ang bata sa may bintana, yakap ang sarili habang sumisigaw nang malakas. Namumula ang kanyang mukha sa galit at takot, at kahit anong pakiusap ng mga doktor at nars ay hindi siya mapababa.
“Zex, baby, please come down,” halos pakiusap ni Zane, na para bang ang kaharap niya ay ang pinakamahalagang kayamanan sa mundo. Ngunit tila hindi siya naririnig ng bata.
Katatapos lamang tawagin pabalik sa kumpanya si Zedhryx, kaya si Zane muna ang nagbabantay. Ngunit nang makita niyang walang epekto ang kanyang pangungumbinsi at lalo lamang nagiging hysterical ang bata, napilitan siyang tawagan ang anak.
Sa kabilang linya, malamig at maikli ang sagot ni Zedhryx. Ngunit sa kabila ng tono, halatang nagmamadali ang mga hakbang niya pabalik sa ospital.
“Kuya, buti na lang dumating ka na!” halos hingalin na sabi ni Zane nang makita si Zedhryx na pumasok sa VIP ward. “Kanina maayos naman si Zex, pero bigla na lang nag-wild!”
Bahagyang kumunot ang noo ni Zedhryx. “Anong nangyari?” malamig ngunit mababa ang boses niya.
Napailing si Zane, halatang hindi rin maintindihan ang sitwasyon. “Pagkagising niya, kung saan-saan siya naghahanap. Akala ko si Alice ang hinahanap niya, kaya sinabi ko lang na tumigil na siya sa kakahanap dahil umalis na ang pretty lady. Pagkasabi ko no’n, bigla na lang siyang nagwala. Oo, mukhang gusto niya si Alice, pero hindi ko akalaing aabot sa ganito dahil lang narinig niyang umalis na siya!”
Matagal-tagal na ring hindi nagpapakita si Zex ng ganoong klaseng emosyon, matindi, magulo, halos hindi makontrol.
Pagkarinig ng paliwanag, hindi na nag-aksaya ng oras si Zedhryx. Diretso siyang lumapit sa anak.
Pagkakita pa lang sa kanya, agad umatras ang maliit na bata sa may bintana. Nakahawak sa gilid ng windowsill, at ang mga mata’y puno ng pag-iingat at pagtanggi. Kahit ang sarili niyang ama, hindi niya lalapitan sa sandaling iyon.
Huminto si Zedhryx tatlong hakbang ang layo sa anak. Hindi siya nagmadali. Hindi siya sumigaw. Sa halip, nagsalita siya sa kalmadong tinig na bihira marinig ng iba.
“Nang sabihin ng Tito Zane mo na umalis na siya, literal na umalis lang ang ibig niyang sabihin. Wala siyang sakit. Maayos ang kalagayan niya. Umuwi siya.” Bahagyang huminto siya bago idinagdag, “Hindi siya namatay. Hindi ito katulad noong umalis ang lola mo at hindi na bumalik. Naiintindihan mo?”
Marahil, sa harap lamang ng anak niya nagkakaroon si Zedhryx ng ganitong kahabang paliwanag at pasensya.
Napatulala si Zane. “Grabe naman, dalawang salitang ‘umalis na’ lang ang sinabi ko. Gano’n kalaki ang naging conclusion niya?”
Ngunit hindi rin masisisi ang bata. Nasaksihan ni Zex mismo ang pagbagsak ni Alice at ang takot na naramdaman niya noon ay sariwa pa rin sa alaala. Sa gitna ng emosyon, madali ngang magkamali ng interpretasyon.
Unti-unting tumahimik si Zex matapos marinig ang paliwanag ng ama. Hindi na siya sumisigaw, ngunit hindi rin siya bumaba. Nakayuko pa rin siya, nakakulot ang katawan sa may bintana, tila nagtatago sa sariling mundo.
Doon inilabas ni Zedhryx ang isang maliit na piraso ng papel. “May iniwan siya para sa’yo,” sabi niya nang mahinahon. “Gusto mo bang makita?”
Parang may pinindot na switch. Biglang umangat ang ulo ng bata, at sa unang pagkakataon mula nang magwala siya, nagliwanag ang kanyang mga mata. Iniunat niya ang maliliit na braso, malinaw ang mensahe, gusto niyang magpabuhat.
Napanganga si Zane. Ang mga doktor at nars na kanina pa halos sumuko ay napatingin din sa isa’t isa. Lahat sila halos maubos ang pasensya sa pagpapaamo sa bata, pero isang piraso lang ng papel ang kailangan ng ama para mapatahimik ito.
Binuhat ni Zedhryx ang anak at dinala sa sofa. Dahan-dahan niyang iniabot ang papel.
Sabik na kinuha iyon ni Zex. Matagal na siyang marunong magbasa, kaya na niyang intindihin ang mga salita.
[Darling, thank you for saving me, you’re amazing! XOXO~]
May nakadrawing pang maliit na puso sa dulo.
Habang binabasa iyon ng bata, unti-unting kumislap ang kanyang mga mata. Namula nang bahagya ang pisngi niya. Pilit niyang pinipigilan ang ngiti, ngunit hindi maitago ang bahagyang pag-angat ng sulok ng kanyang labi. Sa sandaling iyon, mukhang mas bata pa siya sa kanyang edad, mas inosente, mas masaya.
Parang nakakita ng multo si Zane. “Ano ‘yon? Tama ba ang nakita ko? Ngumiti si Zex?” halos pabulalas niyang sabi. “Hindi ko na matandaan kung kailan ko siya huling nakitang ngumiti! Ano ba ang isinulat ni Alice?”
Sinubukan niyang silipin ang papel, ngunit agad itong itinago ni Zex na parang pinakamahalagang kayamanan.
Gayunpaman, mabilis ang mata ni Zane. Simpleng mensahe lang iyon, ngunit sapat para mapasaya ang bata nang ganoon. Napailing siya sa loob-loob niya. Hindi pangkaraniwan ang babaeng iyon.
Tahimik lamang na pinanood ni Zedhryx ang anak, may kakaibang init sa kanyang mga mata na hindi niya ipinapakita sa iba.
Kinabukasan, agad niyang inuwi si Zex. Ipinagpaliban niya ang mga mahahalagang meeting sa kumpanya upang manatili sa bahay kasama ang anak.
Ngunit nang gabing iyon, sa Villa No. 8 ng Platinum Palace, muling bumalik ang lamig sa hangin.
Sa malawak at tahimik na dining room, magkatapat na nakaupo ang mag-ama. Pareho silang may seryosong ekspresyon.
“Kumain ka,” malamig na utos ni Zedhryx.
Walang reaksyon si Zex. Hindi man lang siya sumulyap sa pagkain.
“Makinig ka sa akin, hindi ko na uulitin ang sasabihin ko sa susunod,” dagdag ng ama, mas mabigat ang tono.
Nanatiling tahimik ang bata, tila isang pusa na nagmumuni-muni.
“Akala mo ba uubra sa akin ang hunger strike na ‘yan?” tanong ni Zedhryx, bahagyang naniningkit ang mga mata.
Walang sagot.
Nagpatuloy ang tahimik na laban ng dalawa hanggang sa lumipas ang isang oras.
Sa huli, si Zedhryx ang unang kumilos. Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Zane. “Ipadala mo sa akin ang address ni Alice.”
Kung tutuusin, malinaw ang ibig sabihin noon, epektibo ang hunger strike ng anak.
Hindi nag-aksaya ng oras si Zane. Ilang segundo lang, dumating na ang eksaktong address ni Alice sa cellphone ni Zedhryx, kasunod ang mahabang listahan ng tsismis tungkol sa kanya. Hindi man lang binuksan ni Zedhryx ang mga iyon.
Hindi na niya kailangang magsalita. Nang makita ni Zex na kinukuha ng ama ang jacket at susi ng sasakyan, agad siyang tumayo at sumunod, dikit na dikit sa paa nito.
Napatingin si Zedhryx sa maliit na batang nakatayo sa tabi niya. Sa huli, napabuntong-hininga siya at binuhat ito.
“This is the last time,” mahinahon ngunit seryoso niyang sabi.
Ngunit sa paraan ng pagyakap ng bata sa kanyang leeg, malinaw na alam nilang dalawa, kung si Alice ang usapan, maaaring hindi iyon ang huling beses.
Ang bulung-bulungan ng mga reporter ay parang batong inihagis sa tubig, sa isang iglap, kumalat ang usap-usapan at nagdulot ng sunod-sunod na reaksyon.“Impossible naman ’yan! Single si Zedhryx, okay? May anak siya, oo, pero wala siyang babae sa tabi niya!” mariing sabi ng isa, tila pilit kinokontra ang ideyang sumagi sa isip nila.“Pero kung siya nga ’yon… grabe, that’s huge news…” hindi napigilang bulong ng isa, halatang natutukso sa posibilidad.Ngunit agad itong naputol ng isa pang reporter na mas may karanasan. “Kahit gaano pa kalaki ’yan, so what? Dare mo bang i-report?” seryosong tanong nito. “Nakalimutan mo na ba nangyari sa VIO Magazine?”“Of course naaalala ko… sila ’yung lihim na kumuha ng picture ni Zedhryx, tapos naglakas-loob pang i-publish…” sagot ng isa, bahagyang napalunok.Sa puntong iyon, tila sabay-sabay silang natauhan. Ang kaninang sabik sa balita ay napalitan ng takot. Isa-isa nilang ibinaba ang kanilang mga camera, at ang mga kamay na kanina’y mabilis sa pagkuh
Matapos isa-isang tingnan ni Alice ang kanyang call records, lumipat siya sa mga mensahe. Ngunit napahinto siya nang mapansin ang isang text na tila may kakaibang laman.[Dearest, I really underestimated your courage.] Sender: YSBahagyang kumunot ang noo ni Alice habang nakatitig sa screen ng kanyang telepono. “Ano naman ’to?” bulong niya sa sarili, halatang naguguluhan. Wala siyang maalalang ginawa na magdudulot ng ganitong mensahe. Para bang may nangyari na hindi niya alam.Hindi niya alam na binura na ni Zedhryx ang call log, kaya wala siyang ideya sa naging pag-uusap ng dalawang lalaki noong gabing iyon.Napansin ni Zedhryx ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya kaya agad itong nagtanong, “What is it?”Mabilis na umiling si Alice at pinilit maging kaswal ang tono. “Nothing. Mukhang may saltik lang yung sender,” sagot niya, saka basta ibinaba ang telepono. Ayaw na niyang bigyan pa ng pansin iyon. Sa halip, napatingin siya kay Zedhryx at nagtanong, “Kailan darating si Zex?”“An
“Eh… so confirmed na talaga ‘yung cooperation natin?” tanong ni Alice, halatang hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng mga nangyari. May kaunting kalituhan pa rin sa kanyang mga mata, na para bang hindi niya matukoy kung seryoso ba talaga ang lahat o parang panaginip lang.Tahimik siyang tinitigan ni Zedhryx bago sumagot nang diretso, “I think highly of you, and ikaw naman, gusto mong pumasok sa Glory World. Our feelings are mutual, so may problema pa ba?”Saglit na natigilan si Alice.Our feelings are mutual…? ulit niya sa isip. Hindi niya inaasahan na maririnig niya ang ganoong linya sa ganitong usapan. Parang… iba ang dating.Napakamot siya sa ilong, bahagyang naiilang. Ngunit mabilis din niyang inayos ang sarili. Sa dami ng bagay na kaya niyang gawin, alam niyang isa lang ang hindi niya kayang gawin, ang guluhin o samantalahin si Zedhryx.Kaya naman seryoso siyang tumingin dito. “Sigurado ka na ba?” maingat niyang tanong. “Hindi mo na kailangang pag-isipan ulit? Feeling ko… medyo t
Pagkatapos noon, binuksan ni Alice ang website. Ngunit sa halip na simpleng balita lamang, bumungad sa kanya ang isang pahinang puno ng mura at masasakit na salita. Mas matindi pa ito kumpara noong nangyari ang insidente kay Valerie. At hindi rin nakapagtataka, mas sikat si Angela, at mas malakas ang impluwensya ng kanyang mga tagahanga.Sunod-sunod ang mga komento.“Ang babaeng ‘yan, si Alice, nagtatago pa rin! Obviously guilty siya! Siguradong tumakas na ‘yan dahil nahuli na siya! Attempted murder pa, tapos magtatago? Pag umabot ‘to sa korte, diretso kulungan ‘yan!”“Kung isang beses lang siyang napag-initan, baka inggit lang ng iba. Pero ilang beses na nangyari? Ibig sabihin, may problema talaga sa ugali niya! Ngayon, nahuli pa siya sa akto!”“Napakabait ni Angela, ilang beses niyang tinulungan ang junior niyang ‘yan. Tapos ganito ang ibabalik? Walang utang na loob! Dahil sa mga taong tulad niya, nasisira ang industriya!”“Hindi ba parang plano na niya ‘to mula sa simula? Tinanggal
Bahagyang kumislap ang malamig na liwanag sa mga mata ni Zedhryx. “Walang kailangang madaliin,” mahinahon ngunit matigas niyang sabi.Napangiti si Zane habang hinihimas ang baba, tila agad na naintindihan ang plano. “Tama,” sagot niya, may halong aliw sa tono. “May alas naman tayo. Hayaan na muna natin siyang gumawa ng gulo. Mas masarap panoorin kapag bumagsak na siya.”Hindi na siya pinansin ni Zedhryx at diretsong nagbigay ng panibagong utos. “Maghanda ka ng kontrata para kay Alice.”Agad na nagliwanag ang mga mata ni Zane. “Kontrata?” halos mapatalon siya sa excitement. “Bro, ibig sabihin… ipapasok mo na si Sister-in-law sa Golden Age?”Hindi direktang sumagot si Zedhryx. Sa halip, nagpatuloy siya, “Maghanda ka rin ng profiles ng lahat ng managers sa Golden Age. I need to review them.”Para kay Zane, sapat na iyon bilang sagot.“Gets ko na!” masigla niyang sabi. “Ikaw mismo pipili ng manager niya, ‘no? Grabe… kung kahit 0.001% lang ng treatment na binibigay mo kay Alice ang ibigay
Pagkarinig ni Alice, agad niyang itinulak sa likod ng isipan ang lahat ng hiya at awkwardness na naramdaman kanina. Bigla siyang napalapit kay Zedhryx, halatang hindi makapaniwala. “Tapos na? Lahat ng ‘yon?” tanong niya, puno ng pagkamangha.Tahimik na tumango si Zedhryx at bahagyang itinuro ang laptop, hudyat na siya na mismo ang tumingin.Sa una, inisip ni Alice na baka hindi niya maintindihan ang makikita niya, lalo na’t puro komplikadong code ang kaninang nakikita niya. Ngunit laking gulat niya nang mapagtanto na hindi iyon ang ipinapakita ni Zedhryx. Sa halip, malinaw na resulta ang nasa screen.Natunton ang IP address ng nagpadala hanggang sa apartment building kung saan nakatira si Angela, ang River Grand View. At ang may-ari ng anonymous overseas account? Si Cythia… ang assistant ni Angela.Nanlaki ang mga mata ni Alice, hindi makapaniwala sa nakita. “Akala ko sa TV lang nangyayari ‘to… ‘yung hacking, lalo na sa anonymous accounts,” halos pabulong niyang sabi, nanginginig sa e







