Share

The Mirciless Son-in-law
The Mirciless Son-in-law
Author: figuresofspeech

Pagkamatay

last update Last Updated: 2022-11-23 14:10:12

Matapos palayasin sa mansyon ay naglakad siya sa pribadong kalsada ng pangalawang pinakamataas na subdivision sa Folmona. Paulit-ulit na itong nangyayari sa kanya subalit paulit-ulit din niyang iniintindi para sa kapakanan ng kanyang asawa. Sa ngayon ay wala siyang ibang magagawa kung hindi ang magtiis muna sa masamang ugali ng angkan nito. Inaaliw na lang niya ang sarili habang nakatingin sa naglalakihan at naggagandahang mga mansyon sa Monato subdivision. Pangarap niya noon pa man na bilhan si Umica ng mansyon. Hindi sa Monato subdivision, kung hindi sa pinakamayamang subdivision sa Folmona, ang Foltajer mountain. Doon ay nakatayo ang mga first class mansyon at nasa state of the art ang seguridad sa loob ng mga naninirahan doon. Hindi basta-basta ang halaga ng isa sa mansyon doon, kaya alam niyang hanggang panaginip at pangarap na lang muna siya ngayon. Lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili na kung mangangarap man siya ay sasagarin na lang niya.

Hawak-hawak niya ang kanyang bisikleta at nagpasyang hindi na muna ito sakyan. Nagbabaka sakaling may mabundol na suwerte sa kanya. Milagro kumbaga.

Sa bawat posteng kanyang madaanan ay hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili niya sa mga ito.

“Mabuti pa kayo may silbi. Ako, ewan ko kung hanggang saan kayang magtiis ni Umica sa katulad kong hindi siya kayang bigyan ng magandang buhay . . . Hanggang yuko na lamang ako sa bawat pagsubok na dumating sa kanyang buhay, lalo na sa pera . . .” bulong niya at mapait na ngumiti. Alam niyang malala na ang insecurities na kanyang nararamdaman. Subalit wala siyang magagawa dahil totoo naman ang kanyang mga iniisip sa sarili niya. Sa bawat araw na dumaraan ay parang nilalamon rin siya ng mapanlait na mga boses ng mga kamag-anak ng asawa niya.

Upang bahagyang mapanatag ang kanyang kalooban ay ninamnam muna niya ang katahimikan ng gabi at nagpakawala nang mabigat na buntong hininga. Sa bawat buga na kanyang ginawa ay tila mas lalong bumibigat ang kanyang pakiramdam, dahilan upang malalim siyang napaisip.

“Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin upang matulungan kita, Umica. Labis na akong nahihiya at nalulungkot dahil nahihirapan ka . . .” bulong niya sabay park ng kanyang bisikleta sa gilid nang makarating siya sa park ng subdivision. Ngunit kalaunan ay napagpasyahan niya ring dalhin ito sa loob. Nakita siya ng mga nagbabantay doon, ngunit kinamayan lamang siya ng mga ito at kumaway lang din siya. Malaya siyang nakapasok sa loob dahil kilala niya ang mga nagbabantay. Sa tagal niyang nanirahan sa mansyon ng matandang Sares ay halos nakilala na niya ang mga trabahador sa Monato subdivision.

Ilang sandali pa ay narating na niya ang isa sa paborito niyang spot sa park. Matagal na niyang gustong dalhin doon si Umica. Hindi nga lang niya magawa dahil pinagbawalan siya ng Lolo nito na lumapit sa dalaga kapag nasa labas sila ng bahay. Hindi siya maaring maglambing dito sa harap ng mga tao. Itinarak ng matanda sa puso at isipan niyang isa lamang siyang surot na na-inlove sa isang purong Diyosa.

Marahan siyang naupo sa isang bench na nakalagay sa ilalim ng puno. Mula doon ay malaya niyang pinagmamasdan ang makinang na mga bituin sa langit. Sinariwa ng kanyang diwa ang bawat araw at mapapait na mga pangyayari sa buhay ng kanyang asawa simula ng pinili siya nitong mahalin. Alam niyang langit at lupa ang pagitan nilang dalawa. Subalit hindi iyon naging hadlang upang piliin siya nito. Sa bawat araw sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay ni minsan, hindi nito pinaramdam sa kanya na matindi ang kanyang pagkukulang bilang lalaki. Mabigat ang pinapasan nito at dumagdag pa siya, ’yun ang labis na nagpapalungkot sa kanya. Mas lalo pa siyang dinudurog dahil mahal din siya ng mga magulang nito.

“Kung mas malakas lang sana ako at makapangyarihan . . . Sana isinilang akong mas maykakayahan. Hindi naman mayaman ang iniisip ko. Nais ko lang maging kapakipakinabang para sa ’yo, mahal ko.” Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatingala. Basta ang alam niya ay unti-unti na siyang humihiga sa bench habang hinihila ng matinding pagod at pagkadismaya.

“Bro . . . Wixon . . . Wixon . . .”

“Uhmmm . . .”

“Bro, umuwi ka na. Nakatulog ka na rito sa park.” Isang marahan na tapik sa kanyang braso ang mabilis na nagpabalik sa diwa niya sa mundo.

“Ha? Nako! Pasensya ka na, bro. Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan.”

“Oo nga. Inaabangan kitang lumabas kanina pa. Nagtataka na ako kaya ay pinuntahan na kita rito.” Napapakamot siya ng kanyang ulo sa sinabi nito.

“Nako! Patay!” Agad siyang napatayo nang makita ang oras sa mumurahin niyang relo.

“Oo. Alas-kwatro na nang umaga,” turan nito dahilan upang alanganin siyang ngumiti. “Sige, bro. Pasensya ka na. Magpapaalam na rin ako. Kailangan ko pang tawagan si Umica. Nag-aalala na ’yun sa akin pati sina Mama’t Papa.” Mabilis ang kanyang mga kilos na sumampa sa kanyang bisikleta at nagmamadaling pumadyak palabas ng park upang habulin ang kanyang oras. Ngunit, bago tuluyang umalis ay kinuha muna niya ang kanyang telepono.

“Umica, mahal ko.”

“Wixon!” Bahagya niyang nailayo ang kanyang telepono sa tenga dahil sa biglang pagsigaw nito na may kalakip pang hikbi. Hindi na niya kailangan maghintay dahil nakaabang na ito sa kanyang tawag.

“Pa-pasensya ka na, mahal. Dumaan ako sa Monato park, kaso hindi ko namalayan na nakatulog ako. Pasensya na talaga, pati na rin kina Papa at Mama.”

“Pinag-alala mo ako nang husto . . .” bulong nito sa kabilang linya at talagang humagulgol na.

“Akala ko umalis ka dahil nagalit ka sa sinabi ni Lolo at ginawa ni uncle at ng mga kamag-anak ko.”

“Mahal kita, Umica. Ang maramdaman lang na mahal mo ako ay sapat na iyon sa akin. Handa akong tanggapin ang lahat ng masasakit na salita, at mga pisikal na pananakit. Ang hindi ko lang gusto ay pati ikaw pagtawanan din nila at pagkakatuwaan.”

“Umuwi ka na, mahal. Hihintayin kita rito sa bahay.”

“Hindi ka ba pumasok sa Opisina mo ngayon?” nagtatakang tanong niya rito. Alam niyang masyadong estrikto sa trabaho ang Asawa niya. At hindi ito basta-bastang lumiliban.

“Wala ring silbi kung pumasok ako. Lumilipad ang aking isipan sa kakaisip kung napano ka na. Lalo’t hindi ka rin tumatawag.”

“Pasensya ka na talaga, mahal. Sige, uuwi na ako. Ngunit, dadaan lang ako saglit sa pampublikong pamilihan. Narito na ako kaya di diretso na lang ako roon.”

“Si-sige. Mag-ingat ka, Wixon . . . Mahal kita . . .” sabi nito sa kabilang linya bago nito tuluyang pinatay ang telepono.

Dahil sa tawag na ’yon ay gumaan muli ang kanyang pakiramdam. Masaya siyang pumadyak hanggang makarating sa pamilihan. Labing-anim din na minuto bago siya nakarating doon, subalit hindi siya nakaramdam ng pagod dahil labis ang kanyang kasiyahan. Ginugol pa niya ang sampung minuto sa pamimili bago tuluyang nagpasya na umuwi na. Gamit ang basket na nakalagay sa harapan ng kanyang bisikleta ay maayos niyang nadala ang mga pinamili at banayad din ang kanyang pag padyak. Nakangiti pa siya habang inaalala ang kanyang asawa nang nakarinig siya ng sunod-sunod na mga putok. Dahil doon ay labis siyang naalarma at nagmamadaling pumadyak upang mabilis na makauwi. Ngunit, ang hindi niya inaasahan ay nakita niya ang isang ginang na binabaril, habang nagtatago ito sa likod ng isang mamahaling sasakyan nang liliko na sana siya sa short cut na palagi niyang dinadaanan matapos mamalengke.

“I-ilag po!” sigaw niya at nagmamadaling bumaba sa kanyang bisikleta. Natumba pa ito dahilan upang magkalat ang kanyang mga pinamili. Ilang sandali pa ay nagtuloy-tuloy na ang putukan.

“Ayos lang po ba kayo?” tanong niya sa Ginang habang tinatakpan ang sugat nito sa braso.

“Wa-Walter . . .” bulong nito habang matamang nakatitig sa kanyang mukha. Pumatak pa ang luha nito at nakikita niya ang matinding kagalakan sa maganda nitong mga mata.

“A-ayos lang po ba kayo?” Muling tanong niya rito.

“Ayos lang ako, hijo. Salamat sa iyong pagtulak sa ’kin. Baka kung saan na tumama ang balang ’yun kung hindi mo ako nasagip,” turan nito na parang normal lang para dito ang natamong tama ng baril. Nagtataka pa rin siya dahil panay ang titig nito sa kanya.

“Baka po ilang saglit lang at narito na rin ang mga pulis.” Laking pagtataka niya nang pagak itong tumawa. Pinahid nito ang luha at hinila siya pagilid.

“You can’t count on them this time, hijo. Sa ngayon ay nasa pamilyang Monato ang kanilang loyalty. Walang ibang magsasalba sa ’tin kung hindi ’yung meron lang tayo,” wika nito at muling ikinasa ang hawak na baril matapos punitin ang suot nitong damit at tinali sa sugat nito.

“Baka po mas lalong dumugo ang iyong sugat, Madam ’pag naglikot kayo,” nag-aalala niyang turan dito.

“Malayong-malayo ito sa bituka, hijo. Ngayon na tinulungan mo ako ay malaki ang posibilidad na madamay ka. Kaya riyan ka muna sa likuran ko, at magtago ka. Ngunit, bago ang lahat. May itatanong lamang ako sa ’yo. Mayroon ka bang balat na hugis mapa sa iyong dibdib?” Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa tanong nito. Tanging kanyang Ina, Ama at si Umica lamang ang nakakaalam ng balat niyon.

“Saan— Ilag!” Kung kanina ay naririnig lamang niya ang palitan ng mga putok sa bawat sasakyan at sa sasakyan na kanilang pinagtataguan, ngayon ay lantaran na niya itong naramdaman mismo sa kanyang katawan. Dilat ang kanyang mga mata habang pinapakiramdaman ang sarili. Napapaigik siya dahil ngayon lamang niya naramdaman ang matinding sakit dahilan upang unti-unting namanhid ang kanyang katawan. Saglit pa siyang nakatayo hanggang natumba na siya dahil hindi na niya kayang suportahan ang sariling bigat.

“Madam! Ayos lang po ba kayo? May sugat ang Donya! Madali! Kilos!”

“Ayos lamang ako. Ang batang ito ang tulungan ninyo. Magmadali kayo, gawin ninyo ang lahat upang mabilis siyang makarating sa hospital nang ligtas at humihinga. Pakiusap! Unahin ninyo siya. Sasabay ako sa inyo sa Hospital.” Napangiti siya nang marinig niya ang mga katagang iyon. Isa lamang ang ibig sabihin nito. Dumating na ang backup ng Ginang. Nagpapasalamat din siya dahil kahit papano, isa ito sa mga taong pinahalagahan ang buhay niya. Iyon na lamang ang huli niyang narinig matapos maramdaman na tila ay napuputol na ang kanyang paghinga. Pakiwari niya ay nasa ilalim siya ng tubig at nalulunod dahil walang kahit na anong hangin ang pumapasok sa sistema niya.

“U-Umi-Umica . . .” Pumikit ang kanyang mga mata at naglandas ang kanyang mga luha. Ngayon lamang niya naisip ang naging kapalit ng kanyang ginawa. Nagdurugo ang kanyang puso sa isiping mawawala na siya sa mundo na hindi man lang niya natulungan ang kanyang butihing asawa. Sa huling pagkakataon ay iniwan niya sa lugar ang mapait niyang mga luha, nagkalat na mga pinamili at ang nasira niyang bisikleta.

‘Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mabuhay pa. Babalik ako, mahal ko at sa araw na ’yun ay sila naman ang hihingi ng tulong sa ’tin . . .’

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mirciless Son-in-law   Ridiculous comeback

    WHEN Umica saw her Tita Sandra approaching, ay nakatitiyak siyang wala itong magandang gagawin. Kaya naman ay handa siyang magparaya o umalis na muna. Dahil ayaw niya talagang sirain ang unang pagkikita nila ng mother-in-law niya. Maliban pa sa kadahilanang wala na siyang kahit na konting amor sa pamilya ng mga Sares. Na kung hindi lang ito ang sure name ng kaniyang ama ay matagal na niyang binago ang Psa niya.Umica slightly tugged on her husband's suit. “Wixon mahal . . . Puntahan na muna natin si Mommy Amarina. I have something to tell her.” Umica was aware na kahit magsinungaling pa siya ay alam niyang gets na ni Wixon kung ano ang kaniyang tunay na dahilan, lalo pa’t kita naman sa mga mata niya iyon.“Okay, mahal. Whatever you say.” Umica felt a sense of relief nang hindi na nagtanong pa sa kaniya si Wixon.They were about to go nang napansin ni Umica na mas bumilis pa ang hakbang ni Sandra at tuluyan na silang nagpang-abot. Wala na siyang nagawa pa kundi haparin ito habang nakak

  • The Mirciless Son-in-law   Flashdrive (Miss V with Disandro)

    MABILIS ang mga hakbang niyang nagtungo sa isang parte ng bulwagan kung saan ay nakatago at bahagyang madilim. Mabilis na inilibot ang paningin na tila mayroong nais hagilapin. Hindi naman nagtagal ay sumilay ang mga ngiti sa kaniyang labi nang makita na ang hinahanap.Agad siyang lumapit sa isang magandang babaë na ang galak ay nabibilang sa isang maharlikang pamilya.“I will never forget your kindness, Miss V,” anito at nag-bow bago muling sumama sa iba pang mga bisita. Hawak pa rin niya sa kaniyang kamay ang flash drive na inabot patago ng babaë sa kaniya.“Mr. Sares, where have you been?” Ngumiti si Disandro matapos kumuha ng alak mula sa waiter na lumapit sa kanila. He is currently at peak sa pagiging good mood niya. And he was determined not to ruin such a wonderful moment.“Oh, I just had an important call from home,” pagsisinungaling niya sabay simsim ng alak.“Such a family man!” komento ng isang businessman na may magarang tindig.“Well, speaking of family, pinag-uusapan nga

  • The Mirciless Son-in-law   Osmond proposal

    Osmond was leaving soft kisses sa buhok ni Hailey. They were acting like close na close sila kahit na isang gabi lang naman talaga sila naging close, at naghubaran na agad.“I’m sorry that I couldn't be with you for the last month. Sobrang busy lang talaga. Idagdag pa ang pasaway kong kapatid. I know your pregnancy is sensitive. I should be with you at least. Kahit ’yon na man lang ay magawa ko . . .” Nakaramdam ng labis na guilt si Osmond. Though Hailey was saying na okay lang ito. Alam naman niya kung ano ang totoo. Because like a creep, pinalagyan niya sa kaniyang assistant nang patago ng mga cameras ang loob ng tahanan ni Hailey. For safety purposes. That's what Osmond believed. Win-win na lang iyong mga nakikita niyang ginagawa ni Hailey sa tuwing sinisilip niya ang monitor.“I-it’s fine. I'm a doctor kung nakakalimutan mo, sanay na akong mag-alaga.” May ngiti sa labi habang sinasabi iyon ni Hailey. Osmond could feel na talagang mahal nito ang napiling propesyon. Biglang nawala s

  • The Mirciless Son-in-law   Osmond's plan

    SA gitna ng pag-uusap nina, Umica, Wixon at Hailey ay naramdaman ni Osmond ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa secret pocket ng kaniyang suit at binasa ang mensaheng natanggap.‘It’s Froso . . .’ Tumingin siya sa gawi nina Wixon at lumapit sa mga ito.“Master Wixon, Madame Amarina is looking for you and Miss Umica,” aniyang nakayuko. Osmond wanted to steal a glance at Hailey. Ngunit dahil nasa trabaho siya ay pinipigilan niya ang kaniyang sarili. He could also see na naiilang talaga ito sa kaniya. Sa loob ng isang buwan ay tanging secretary lang naman niya ang nakikita nito. Kaya ay naiintindihan ni Osmond kung awkward man ang pakikitungo nito sa kaniya ngayon.“Okay. Mahal, let's go back. Hinahanap na tayo ni mommy.”“But what about Hailey?” Hinawakan ulit ni Umica ang kamay ni Hailey. Marahan itong hinihimas at inaalo.“Umica, Wixon, pwede bang dito na muna ako sa silid? Immediately, the horror on Umica's face was showing.“Ano? Masama ba ang pakiramdam m

  • The Mirciless Son-in-law   Father of the baby

    Malinaw sa paningin ni Wixon na imbes sa ina niya, ay ang kaniyang asawa ang naging highlights sa piging nito. Alam din niya sa kaniyang sarili na ito ang plano ng kaniyang ina. Nang kausapin siya nito patungkol sa pagpapakilala niya bilang tagapagmana ng mga Foltajer ay umayaw siya, sa kadahilanan na hindi na siya makagagalaw nang malaya. O ’di kaya ay magiging mainit ang mata ng mga kalaban niya sa negosyo sa kaniya at hindi na siya makakilos nang patago upang maging sandigan ni Umica.Habang pababa si Umica ng hagdan ay kita ni Wixon ang matinding confusion sa maganda nitong mukha. Ngunit naroon pa rin ang nag-uumapaw na confidence at pagiging professional nito.“You look gorgeous, my dear daughter, Umica. I'm so happy to finally meeting you . . .” Nakatingin lamang si Wixon sa ina niyang niyayakap ang kaniyang asawa. Habang nakapaskil naman sa mukha ni Umica na labis pa itong nagulat.“Master Wixon?” Wixon was so absorbed with the moment while looking at his wife, dahilan jung ba

  • The Mirciless Son-in-law   Filial daughter-in-law

    MAKALIPAS ang halos dalawang oras. Sa labas ng Casas Height . . .Maaliwalas ang harapan ng building kung saan ay may magaganap na isang malaking piging. Sa harapan nito ay nakahelira ang mga light stand na gawa sa purong ginto, na mayroong ilaw na nagsisilbi ring palamuti at liwanang. Nakalatag naman sa sahig ang isang carpet upang magsilbing apakan ng mga bisitang dadalo. Naka-stand by din sa gilid ang mga highly trained guards upang mapanatili ang kaayusan at siguridad ng mga dadalo na malaking tao galing sa loob at labas ng Folmona.Thirty minutes na lang at magsisimula na ang piging. Marami na ang mga bisitang dumating at marami pa ang inaasahan na dadalo, lalo pa’t matagal ng inaasam ng mga taga Folmona ang sandali na ito.Sa paglipas ng ilang minuto ay halos magkasunod lamang na tumigil ang dalawang mamahaling sasakyan sa harapan ng Casas height. Unang bumukas ang pinto ng isang itim na kotse at lumabas ang isang lalaki. Kasunod naman na nagbukas ang pinto ng kotseng kulay pula

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status