Home / Romance / The Missing Piece / Chapter Sixty-five

Share

Chapter Sixty-five

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2025-01-14 05:02:00

NANG mapatingin siya rito ay may nakita siyang awa sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Wala na ang matigas na anyo nito katulad kagabi. Bumalik na ulit ito sa dati.

“Ela, we need to talk about what happened last night,” may pagsusumamo sa tinig nito. “Bakit pala hindi mo ‘ko hinintay kanina? Naglakad ka lang ba o sumakay ng tricycle? Pinag-alala mo’ ko, paano na lang kung may nangyaring masama sa ‘yo?”

Awtomatikong napataas ang isa niyang kilay sa ipinapakita nitong concern sa kanya. At saka, bakit sa pangalan na naman niya siya nito tinatawag? Wala na ang dating masarap sa kanyang pandinig na pagtawag nito sa kanya ng ‘sweetheart’. At kagabi niya pa iyon napansin.

“Then it’s none of your business! Eh di mamatay kung mamatay! Pakialam mob a?!” biglaang sagot niya rito.

Parang bigla tuloy nagrebelde ang utak niya nang makita niya ito ngayong umaga, at ang masaklap pa, kinausap pa siya nito. Napapaikot tuloy ang mga mata niya ng wala sa oras.

“Ela, please! Pagbigyan mo naman ak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Three

    “ANO BA ang dapat naming gawin? Paano ka namin matutulungan?” kapagkuwan ay tanong ni nanay Minerva.“Kailangan ninyong magpahanda ulit ng mga pagkain para kina nanay at tatay, at kung maaari, ay pakibilisan. Sa mga maids niyo na lang ‘yon iutos. Dahil kayong dalawa ay pupunta sa silid namin para kausapin si Michaela. Ayaw ko naman kasi na masaksihan ng nanay at tatay niya na binubugbog niya ako. Nakakahiya naman kung malalaman nila na under ako ni Ela, ‘di ba? Kailangan niyo siyang kausapin, ‘yong mapapakalma siya para mawala ang galit niya sa ‘kin dahil hanggang ngayon ay akala niya ay wala rin pa ako rito, na hindi pa rin ako dumarating. Pag-okay na siya, ite-text niyo ako at doon pa lang kami papasok, okay?” bilin niya sa dalawa.“O, siya, sige. Masusunod, kamahalan!” biro sa kanya ni nanay Minerva at bahagya pa itong yumukod.“Salamat, Sir, ha? Kasi, tinupad mo ‘yong pangako mo sa ‘kin na hanapin ang mga magulang ni Micah, bilang regalo sa kanya. Kaya gagawin ko ang lahat para gum

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-Two

    MASAKIT ang ulo ni Michaela dahil hindi siya nakatulog magdamag kakahintay kay Jacob at kakaisip kung nasaan na ito at kung bakit hindi ito umuwi. Galit siya na may halong inis dahil naglalaway pa naman siya kakahintay sa pagdating nito dahil sa ibinilin niyang pinya para pasalubong sa kanya.Ni hindi man lang ito nag-text o tumawag man lang, para sana hindi siya nag-aalala. Alam naman nitong buntis siya at hindi siya pwedeng ma-stress at mapuyat. Kaya ngayon ay hinihintay niya ito para talakan, at hindi niya alam kung hindi niya ito masasaktan ng pisikal dahil iba talaga ang galit na nararamdaman niya. Gusto niyang manakit at magwala. Hinding-hindi talaga ito makakaligtas sa mapanakit niyang mga kamay.“Oy, Be. Ako ang kinakabahan sa ‘yo sa pagdating ni Sir Jacob. Huwag mo naman sana siyang bugbugin. Tanungin mo na lang muna kung ano ang nangyari at hindi siya nakauwi kagabi. Syempre, lahat naman ng mga nangyayari ay may dahilan,” sambit sa kanya ni Claire.Kasalukuyan siyang nakasan

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred-One

    “HI-HIJO, totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ginoo.Tumango-tango naman siya bilang pagtugon.“Gido, may asawa na pala ang anak natin! Magkakaapo na pala tayo!” sambit ng ginang na hindi mapigilan ang maiyak and at the same time, ay nakangiti.“Hindi po niya alam na hinahanap ko po ang tunay niyang mga magulang. Surprise ko po kasi sa kanya. Pero natatakot po ako dahil baka mabugbog ako pag-uwi. Kasi, nagpapabili ‘yon sa ‘kin ng pinya pasalubong sa kanya, pero mukhang hindi ako makakahabol dahil gagabihin kami sa daan,” paliwanag niya.“Ay, gano’n ba katapang ang anak namin? Eh, kawawa ka naman pala kung ganoon!” malakas na sambit ng ginoo.“Ngayon po na natagpuan ko na kayo, baka pwede po kayong sumama sa ‘kin paluwas. Para naman po may mairarason ako kapag pinagpaliwanag ako ni Michaela. At para na rin po may kakampi ako sakali man na bugbugin niya ako,” birong-totoo niya. Hindi kasi talaga biro ang ugali ngayon ng girlfriend niya. Ngayon t

  • The Missing Piece   Chapter Two Hundred

    MAGKATABING umupo ang mag-asawa sa harapan nila ng kanyang driver.“Ano nga ulit ‘yong sadya ninyo, mga hijo?” tanong ng ginoo.Inilabas naman niya mula sa dala niyang brown envelope ang isang larawan at iniabot iyon sa dalawa.“Gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung kilala niyo po ba ang mag-asawang iyan?” tukoy niya sa larawan ng tiyuhin at tiyahin ni Michaela na sina Ronaldo at Mildred.Ngunit hindi matatawarang takot ang rumehistro sa mukha ng mag-asawa, lalong-lalo na sa ginang na siya niyang ipinagtaka nung makita nito kung sino ang nasa larawan.“May problema po ba?”“Mga pulis ba kayo hijo na nagpapanggap na mayamang bisita? Pakiusap, huwag niyo naman sana kaming dakpin! Nangako sa ‘min si Mildred na hindi na niya kami ipapakulong kapalit na kabayaran ang anak ko! Pero bakit hindi siya tumupad sa usapan, Gido?” umiiyak na wika ng ginang kasabay ng pagbaling sa katabing asawa.“Hindi po kami mga pulis, nanay. Para po mapalagay na ang inyong kalooban. Ang gusto ko lang pong

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-nine

    PAGBALIK ng lalaki ay kasunod na nito ang babaeng sa tingin niya ay mas bata ng ilang taon dito. Bigla na lang sinalakay ng matinding kaba ang kanyang dibdib nang masilayan niya ng malapitan ang babae. Kahit may edad na ito ay kitang-kita ang pagkakahawig nito sa kanyang girlfriend at mahal na mahal na si Michaela.Marami siyang inutusan para magsaliksik at mag-imbestiga patungkol sa mga tunay na magulang ng dalaga. At dahil sa kanyang pera at koneksyon, ay napabilis ang pagkakaroon ng resulta. Kaya heto siya sa harap ng mga taong itinuturo ng imbestigasyon na posibleng totoong mga magulang ng dalaga.“Mano po, nanay. Mano po, tatay,” magkasunod niyang inabot ang tig-isang kamay ng mga ito para magmano at pinagbigyan naman siya.“Kaawaan ka ng Diyos, anak! Aba’y napakagalang at napakabait mo namang bata!” masayang sambit ng ginang.“Papasukin mo na muna sila, Meling. At nang makapagkape man lang sila,” wika rito ng ginoo.Tatanggi na sana siya dahil mukhang gagabihin sila kapag nagtag

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-eight

    SIGURADO ka na ba riyan sa desisyon mo? Tingin mo ba, hindi ka magsisisi?” tanong niya sa dalaga matapos nitong sabihin ang gusto nitong mangyari na pagbigyan si Vanessa na pansamantalang makalaya alang-alang sa ipinagbubuntis nito.“Oo, Jacob. Gusto ko siyang makalaya pansamantala hindi para sa kanya, kundi para sa anak niya. Alam ko naman na maiintindihan mo ako sa part na ‘yon dahil buntis din ako. Para sa ‘kin, anak ko lang ang pinakaimportante sa ngayon, at alam kong ganoon din si Vanessa. Pero syempre, pagkatapos niyang manganak, papalipasin lang natin ang tatlong buwan, at saka natin siya ulit papabalikin sa kulungan.”“Sige, ikaw ang masusunod. How about you’re tito and tita?”“Wala akong pakialam sa kanila, masyado silang masasama! Ang iitim ng mga budhi nila! Akala ko pa naman ay magpapakumbaba na sila dahil nakakulong na sila, pero mas lalo pa silang tumatapang at sumasama na parang kasalanan ko pa kaya sila nakulong. Pinagbabantaan rin nila ako, may record ako kaya gusto ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status