Share

The Mistress
The Mistress
Author: imnotpsychopath

Prologue

"Please lang itigil na natin ito. Di ko na kaya pang lukuhin ang asawa ko. Mahal ko sya, Kylie. Kaya huling pag kikita na natin ito." Sabi ko dito. Habang di kayang titigan ang mga mata nito.

Baka kasi mahulog na naman ako sa kanyang mga nangungusap na mata.

"Iyan ba talaga ang gusto mo? Ang layuan na kita?" May hinanakit na sabi nito sa akin.

Kita ko din dito ang pamumula ng kanyang mga mata upang pigilan ang kanyang luha.

"Yun naman talaga ang dapat hindi ba? Wala din naman patutunguhan pa ang relasyon nating ito. Di mo ba nakikita may asawa ako. At pareho pa tayong babae. Magising ka nga sa katutuhanan." Sigaw ko sa kanya

"Kung yan ang gusto mo, wala na akong magagawa pa. Sige kahit kailan di na kita guguluhin pa. Sana maging masaya ka na. Salamat na lang sa lahat. Bye." Sabi nito sa akin at tuluyan ng lumabas ng kwartong kinaruruunan namin.

Saktong pagkaalis nito at syang pag patak ng luha ko. Mahal na mahal kita Kylie pero hanggang dito na nga lang siguro tayo.

Sana makaya ko na tuluyan ka ng mawawala sa buhay ko. Sana tama ang naging desisyon kung ito. Sana di ko ito pag sisisihan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status