“E, ano ang tawag sa‘yo? Manggagamit? Manlilinlang? Mga p***! Kilalang-kilala ko na ang mga kilos n’yo!” matigas na ani niya na nagpakulo ng aking dugo.
Halos natigalgal ako sa kaniyang mga sinabi. Wala itong preno at kung ano lamang ang haka-haka niya ay siyang paniniwalaan niya. Kaya kahit sinong taong may ipupuna ay ang kaniyang kayabangan dahil wala siyang ibang pinakikinggan kundi ang kaniyang sarili. Wala rin siyang ibang kinikilala kundi ang kaniyang sarili. Kinulang yata ito sa aruga ng kaniyang ina noong bata pa siya. Kaya ito ang naging bunga.
Bakit pa tayo lalayo kung sa ama pa lang ay nakikita na ang ebidensya, hindi ba? Totoo ngang kung ano ang puno, siya ang bunga.
Natawa ako sa isiping iyon.
Hindi ko tuloy napigilang mapangisi sa kaniyang sinabi. May p
Third Person’s P.O.V Masayang sinalubong ng nanny ni Hera na si Manang Olivia, na noon din ay ang nag-alaga kay Alas, nang makita niya ang mag-amang pumasok sa malaking bahay. Hindi niya akalain na magkasama ang mag-ama sa pag-uwi dahil hindi talaga ito nangyayari noon pa man nang magsimulang pumasok sa paaralan ang bata. Ngunit kaagad din itong kumupas nang makita ang kalagayan ng bata. Punong-puno ito ng luha at ngayon ay tahimik na umiiyak. Doon na lamang niya napansin ang seryosong mukha ni Alas na hindi niya napansin. “Ano ang nangyari?” buong pag-aalala niyang tanong. Hindi siya sinagot ni Alas at dirediretso itong tumungo sa hagdanan patungong ikalawang palapag. “Nanny,” pagmamakaawa ni Hera sa kaniyang tagapag-alaga na tulungan siya at kunin sa kamay ng kaniyang ama na ngayon ay tila kinakaladkad siya paitaas. “Ace, ang bata. Bitawan mo! Ace, nasasaktan ang anak mo!” halos magmakaawa na rin si Manang Olivia. Nagsisigaw na rin siya dahi
Third Person P.O.V Halos lahat ay nakapagtago na sa kani-kanilang cubicle nang marinig na naman ang tumataas na boses ng kanilang boss. Uminit na naman kasi ang ulo nito sa isa nilang ka-workmate na palpak ang ginawang trabaho. Kapag ganito ang kanilang boss ay paniguradong kani-kaniya na talaga sila ng tago dahil kung sino ang makita nito’y paniguradong madadamay. “I'm not paying you to give me trash. Even a child can do what you did!” Napapikit na lang ang lahat nang sumigaw ito. Dahil hindi nakasara ang pinto ay rinig na rinig nila ang mga sinasabi nito sa kawawang katrabaho nila. “I’m sorry, Sir. Nagkaroon kasi ng sakit si inay. Wala siyang ibang inaasaha—” “Whatever the rationale is, it won’t compensate for the time wasted. It's not my fault if you had a problem
“Yes, Miss Ava. Natapos na po namin ang bahaging ito at dito. Ngayon po ay tutungo na kami sa fifth floor para sa front side interior,” pagpa-finalize sa akin ng assistant ko sa mga accomplishment nila at pagsabi kung saang bahagi na sila tutungo. “That's good. Nasa bahaging sixth floor ang office ng boss at just tell me kapag nandoon na kayo. I will assist you. Dapat tayong maging maingat sa kombinasyon ng kaniyang office dahil balita ko ay masyadong conservative ito,” pagpapaliwanag ko. “Yes, Miss. Copy.” Pagtango nila. “Sige, simulan n’yo na. Ako na ang bahala sa ibang side at pagsuri ng mga dapat ikukumpuni sa ikatlong palapag.” Naglakad ako patungo sa elevator nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagkakuha nito ay nakita ko ang larawan ni Shaelza kaya’t sinagot ko na agad ang tawag niya. “Friend!” Bahagya kong nailayo ang cellphone sa aking tainga nang sumigaw siya sa kabilang linya. “Bakit?” tanong ko at nagsimulang mag
Kung hindi ko man makuha ang anak ko sa paraang alam ko. Alam kong makukuha ko ang loob ng ama nito sa paraang makakaya ko. Noong una ay nagawa ko na siyang akitin. Ang Ava noon ay malayo na sa Ava ngayon. Kaya kung naakit siya ng simpleng Ava noon ay panigurado ng maaakit rin siya sa kakaibang Ava ngayon. Ito ang naisipan kong plano. Kung dadaan man ako sa butas ng karayom ay sisiguraduhin kong magiging matagumpay ito. Hindi ako maka papayag na mawalan ng saysay ang paghihirap ko sa simula pa lang. “Welcome to our team, Miss Astrid Ramirez!” bati sa akin ng ka-workmate ko na kung titingnan ay ang head ng lahat. Hindi dahil sa mukhang may edad na siya kundi dahil sa mayroong siyang command kumpara sa lahat. Hindi ko akalaing pagpasok ko ay sasalubungin nila ako ng nakatutuwang sorpresa. Hindi mo akalain na ang mg
Nang maiparada ko sa ground floor ng kompanya ang sasakyan ay kaagad kong kinuha ang mga gamit ko at bumaba sa sasakyan. Dali-dali akong tumungo sa elevator at sumakay rito. Pinindot ko ang pindutan sa palapag na patutunguhan ko. Kinakabahan man ay normal na iyon para sa akin. Ilang beses na rin akong nagsalita sa harap maraming malalaking tao sa Paris kaya panatag ako sa sarili ko na makakaya ko rin ito ngayon. Tiningnan ko ang orasan sa aking palapulsuhan nang matagalan ako sa loob ng elevator. May mga empleyado kasi na labas at pasok sa elevator. Hindi rin ito maiiwasan dahil sa laki at taas ba naman ng building panigurado ng malaki rin ang populasyon sa loob. Kalahating oras na lang ay magsisimula na ang presentation ko. Nang sa wakas ay makarating sa office ay sinalubong na kaagad ako ng mga teammate ko at ni Mrs. Suarez. Tuwang-tuwa sila ngunit hindi&nb
Third Person's P.O.V“Doc, pinatatawag n’yo ho ako?” tanong ng kaniyang sekretarya pagpasok sa kaniyang opisina.“Cancel all of my appointment this afternoon. May importante akong pupuntahan,” utos niya sa kaniyang sekretarya habang nakatutok sa sariling laptop ang paningin.“Noted, Doc. May iba pa ho ba?”Tiniklop niya ang kaniyang laptop at tumingin sa babaeng sekretarya.“Wala na. Pagkatapos mong gawin ang pinapagawa ko sa’yo ay p’wede na kayong umuwi. Ako na ang magsasara ng clinic.”“Okay ho, Doc. Thank you.”Tumango siya pagkatapos ay tumali
“Astrid, are you okay?” Natauhan na lang ako nang may magsalita. Nakita ko si Lianna na nakatunghay sa itaas ng panaklong na nasa pagitan ng aming cubicle. “A-ah, yes. Medyo masakit lang ang ulo ko,” pagdadahilan ko at bahagyang ngumiti sa kaniya. “May gamot ako rito. Teka—” “No. No, Lianna. I'm okay,” pigil ko sa kaniya. “Pero—” “No worries. I’m okay.” Binigyan ko siya ng ngiti na puno ng kapanatagan. “Sure ka?” paniniguro niya. “Yes. I’m okay.” Tumayo ako. “Pupunta lang ako sa comfort room,” pamamaalam ko. Tumango siya. Kahit na hinayaan na niya ako na umalis ay alam kong hindi ko
“Nothing, Miss. We will call you if we need anything,” sagot nang nasa gilid ko kaya napabaling sa kaniya ang aking tingin. Nakangiti na siya sa akin ngayon at halos hagurin ng tingin ang buo kong katawan. Ngani-ngani akong napatayo nang matuwid at bahagyang yumuko sa kanila. “A-ah yes, Sir. Thank you,” nauutal kong wika at nagmamadaling umalis sa grupong iyon. Kailangan kong magkunwari na tila hindi ko siya inaasahan dito. Na nagulat ako sa biglaang paglitaw niya sa harap ko. Sa kabilang banda ay nagulat naman talaga ako kahit pinaghandaan ko na kung sakaling maparito siya. “Astrid, table two,” pagtawag sa akin ni Mr. Roque pagkarating ko sa counter. Ang table two ay malapit lamang sa grupo nina Mr. Fonteverde. “Sir, p’puwede bang si Ysabelle na lang muna?” pagtukoy ko sa kasama ko. Napatingin naman sa akin si Ysabelle nang marinig niya ang pangalan niya. Magkatabi lang naman kami kaya narinig niya kahit malakas ang tugtugin.&nb