Share

Chapter 78.2

Si Jemuel ay biglang natauhan at inagaw sa lalaking katabi ang hawak nitong baril na kanina pa nakatutok sa kaniya. Dahil likas na malakas ay nagawa niyang makipag-agawan sa lalaking nag-aalinlangan kung kakalabanin ba siya o hindi ngunit sa huli ay nagawa itong barilin ni Jemuel.

Pinagbabaril niya rin ang mga lalaking nagbabantay kina Ava at Shaelza. Si Alas naman ay nanghablot lang rin ng baril sa namatay na tauhan ni Segundo at nakipagbarilan na rin sa mga tauhang sunod-sunod na pumasok rin doon.

Sina Ava at Shaelza ay halos iharang ang sarili sa kambal at tumakbo sa likurang bahagi kung saan mayroong fire exit. Naiwan sa loob sina Jemuel at Alas na nakikipagbarilan at agawan ng baril sa ibang naroroon habang si Segundo naman ay hindi alam kung saan na ba sumuot o nagtago simula nang magkabarilan na sa buong paligid.

Nakahanap ng matataguan sina Shaelza sa itaas na palapag ng abandonadong gusali. May tambak ng mga bakal na harang doon na puwedeng pagtaguan at

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status