Share

Chapter 22

“Nothing, Miss. We will call you if we need anything,” sagot nang nasa gilid ko kaya napabaling sa kaniya ang aking tingin. Nakangiti na siya sa akin ngayon at halos hagurin ng tingin ang buo kong katawan.

Ngani-ngani akong napatayo nang matuwid at bahagyang yumuko sa kanila.

“A-ah yes, Sir. Thank you,” nauutal kong wika at nagmamadaling umalis sa grupong iyon. Kailangan kong magkunwari na tila hindi ko siya inaasahan dito. Na nagulat ako sa biglaang paglitaw niya sa harap ko. Sa kabilang banda ay nagulat naman talaga ako kahit pinaghandaan ko na kung sakaling maparito siya.

“Astrid, table two,” pagtawag sa akin ni Mr. Roque pagkarating ko sa counter.

Ang table two ay malapit lamang sa grupo nina Mr. Fonteverde. 

“Sir, p’puwede bang si Ysabelle na lang muna?” pagtukoy ko sa kasama ko.

Napatingin naman sa akin si Ysabelle nang marinig niya ang pangalan niya. Magkatabi lang naman kami kaya narinig niya kahit malakas ang tugtugin.&nb

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status