Share

Chapter 3

Author: FlyionA
last update Last Updated: 2025-09-18 20:47:20

Magkokomento din sana ako kaso huwag na lang dahil nakakakaba ang paraan ng pagtitig niya, pero hindi ko pinahalata na kinakabahan ako.

"He's my son, gi—what's up, bro! You're here na pala!"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang dumating si Kwago. Kala ko nalunod na ito.

"Buti't buhay ka pa," sabi ko kaya napatingin siya sa akin at nagsalubong ang kilay.

"Ano sa tingin mo sa akin, patay na?!" pairap at may inis na sabi nito.

"Ikaw may sabi niyan, hindi ako."

"Tsaka akala ko kasi nalunod ka na sa paghihilamos ng mukha, ang tagal mo kasing bumalik," sabi ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin, kalaunan ay ngumisi.

"Namiss mo kagwapuhan ko 'noh?" sabi niya at ang lawak ng ngiti.

"Ang tanong? Gwapo ka ba?" sabi ko na nagpawalang ngiti niya.

"What the?!! Hindi mo ba makita 'tong kagwapuhan ko? Eh halos habulin ako ng mga babae pag nakikita ako," pagmamayabang niya.

"Pwes, ibahin mo 'ko! Tsaka ikaw na may sabi na ‘halos,’ hindi ka pa hinabol. HALOS pa lang, it means malapit pa lang! Muntikan pa lang! Got it?" mataray kong sabi.

"Tama naman si Miss Ganda, Cent, hindi ka naman talaga gwapo kasi mas gwapo ako," sabi naman ng naka-blue at tumingin sa akin sabay kindat. Napangiwi naman ako dito.

"Gg ka!! Ako kaya mas gwapo sa'ting magkakaibigan," singit naman no'ng naka-black jacket. Ngek!?

"Mas gwapo ako!!!!" sabi naman no'ng naka-green Jersey.

"Mas gwapo ako sa inyo!"

"Ako kaya 'yong gwapo!"

"Paa ko lang kayo, mas gwapo ako."

"Di kayo gwapo, ako 'yong mas gwapo 'noh."

"Hindi ka gwapo."

"Aba'y gg ka, mas gwapo ako sa'yo!!"

"Mukha kang tae!"

At doon na nagsimula ang World War 6.

"Are you all done, j*rks!?!" malamig na sabi ni Boss kaya natahimik silang apat at umayos ng pagkakaupo.

"Tanungin na lang natin si Miss Ganda kung sino mas gwapo sa'ting apat," sabi no'ng naka-Jersey na green.

At sabay silang apat na tumingin sa akin.

"So? Pangit? Sino mas gwapo sa'ming apat?" tanong ni Kwago.

"Hindi ako pangit! Tsaka 'yong mas gwapo sa inyo? Hmm?" sabi ko at nagkunyaring nag-iisip at tiningnan sila isa-isa.

'Yong naka-blue pulo, gwapo naman siya pero mukha nga lang manyak na may sira sa mata na laging kumikindat. 'Yong naka-black Jacket naman, gwapo din siya, mukha nga lang playboy. 'Yong naka-green Jersey naman, mukha siyang childish na maloko. At si Kwago naman? Ewan, basta kwago siya!! Sabihan ba naman akong pangit! Hmp!

"Ano na, Miss Ganda?" nakasimangot na sabi no'ng naka-green Jersey.

Nagmamadali? Nagmamadali? Tsk! Trabaho pinunta ko dito, hindi ang makipagtalo sa mga unggoy na ito.

"Walang may gwapo sa inyo! Ang papangit niyo, mas gwapo pa si Cold Baby Boy na 'yon kesa sa inyo, mga unggoy!"

Sabi ko, hindi ko na tiningnan pa kung ano ang naging reaksyon nila. Binalingan ko si Boss.

"Boss, pagpatuloy niyo na po 'yong sasabihin niyo," sabi ko. May sininyasan naman siya sa bandang likuran ko. Pagkatapos no'n, may lumapit sa akin na isang babae na may bukol sa noo? Anong nangyari dito?

"Tell Manang Fe that she's the new nanny of Storm," malamig na sabi ni Boss na agad namang tinanguan ng babae.

"Yes po, sir," sabi ng babae at yumuko bago ako inayayang sumunod sa kaniya.

"Ahh, ate, anong nangyari po sa noo niyo?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Ah, eto ba? Nauntog ako sa may pintuan dahil sa kagagawan ni Young Master,"

"Ahh, 'yong malamig na bata po ba kanina 'yong sinasabi mo pong Young Master?" tanong ko. Malay ko may iba pa palang Young Master ang tinutukoy niya.

"Oo, siya nga. Tsaka nga pala, ako si Marie Cruz, kasambahay ako dito," pakilala niya.

"Ako naman po si Violet Rodriguez, V for short, bagong nanny ng anak ni Boss," pakilala ko naman. Ngayon ko lang naalala, hindi ko pa pala alam kung ano ang pangalan ni Boss at no'ng anak niya pati 'yong apat na unggoy na 'yon. Matanong nga kay Ate Marie, baka alam niya.

"Ate, ano po pala ang pangalan ni Boss pati 'yong anak niya? Pati na rin po pala 'yong apat na lalake na 'yon?"

Hindi kasi si Boss 'yong nakausap ko no'ng e-ni-hire ako bilang nanny, kundi ang secretary niyang si Nelson na kapitbahay lang namin na kaibigan ko at kinakapatid ko rin.

"Hindi pa ba sila nagpakilala sa'yo kanina?" tanong ni Ate Marie. Agad naman akong umiling sa tanong niya.

"Sige, ako na lang ang magpapakilala sa kanila. 'Yong si Sir, ang pangalan niya ay Thunder Black Vladimir, 27 years old. Si Young Master naman ay Storm Bluezzy Vladimir, 7 years old. At 'yong apat namang lalake na dumating ay mga kaibigan sila ni Sir, sila si Sir Luke Wilson (black jacket), Sir Vincent Cleveron (kwagong dragon), Sir Tyrone Velazera (green Jersey), at Sir Alexxis Angelo Morleno (blue pulo)," sabi niya. Napatango-tango naman ako.

Saktong nakarating kami sa kusina?

"Ate, ano naman ang gagawin natin dito? Tsaka po naiwan ko doon sa sofa 'yong bag ko," sabi ko kay Ate Marie.

Kanina kasi nilapag ko sa sofa 'yong dala kong backpack, baka may mangialam sa gamit ko habang wala ako doon.

 "Okay lang 'yon, V, babalikan natin 'yon mamaya. Sa ngayon, ipapakilala muna kita kay Manang Fe," sabi ni Ate Marie. Tumango na lang ako.

"Manang Fe! Nandito na 'yong bagong nanny ni Young Master," pagtawag ni Ate Marie sa kakapasok lang na mayordoma ata ng mansion. Lumapit siya sa gawi namin ni Ate Marie.

"V, siya pala si Manang Fe, ang mayordoma dito. At Manang Fe, siya po si Violet, ang bagong nanny ni Young Master," sabi ni Ate Marie.

"Hi po," bati ko.

"Hello, iha, tawagin mo na lang akong Manang Fe kasi 'yan ang tawag nila sa akin,"

Tumango na lang ako sa sinabi ni Manang Fe.

"Nga pala, iha, ito pala ang mga dapat mong gawin sa pag-aalaga at pagbabantay kay Young Master. Dapat alas singko pa lang ng umaga ay nakahanda na 'yong paliguan niya at damit. Pagdating ng alas singko trenta ay dapat nakahanda na 'yong breakfast niya. Itatanong mo sa kaniya kung ano ang gusto niyang kainin sa umaga, dapat tanungin mo siya sa gabi para pag umaga, nakahanda na. Ihahatid-sundo mo siya sa eskuwelahan, 7:30 ang pasok niya, 3:30 ng hapon ang uwian nila. Pag sa gabi naman pagpatulog na siya, basahan mo ng libro hanggang sa makatulog. Ikaw rin ang maglalaba ng damit niya," mahabang sabi ni Manang. Mabuti at hindi siya hiningal.

"Copy po," sabi ko at tumango-tango pa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son   Chapter 5

    MAAGA akong nagising, ginawa ko na ang morning routine ko pagkatapos ay bumaba na para gawin ang trabaho ko.“Magandang umaga sa inyo,” bati ko kila Manang at Ate Marie, kasama ang tatlong katulong na hindi ko pa kilala.“Magandang umaga, ija,” sabi ni Manang.“Magandang umaga rin sa'yo, V,” sabi ni Ate Marie.“Magandang umaga din sa'yo, ako pala si Yan-yan,” sabi ng babaeng hanggang balikat lang 'yong buhok.“Magandang umaga, ako naman si Yen-yen, kakambal ko si Yan-yan,” pakilala ng isa namang babae na hanggang siko 'yong buhok. Halata ngang kambal sila dahil magkamukhang magkamukha sila, 'yong buhok lang 'yong naiba.“Magandang umaga, magandang binibini, ako pala si Strella,” pakilala ng isa na may maalon na buhok na hanggang siko.Nginitian ko naman sila bago nagpakilala.“Ako naman po si Violet Rodriguez, V for short,” nakangiti kong pakilala.“Nice to meet you, V/Ikinagagalak kitang makilala, magandang binibini,” sabay na sabi nilang tatlo na sinuklian ko lang ng ngiti tsaka ako

  • The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son   Chapter 4

    “Meron pa pala, huwag mong kakalimutang painumin siya ng vitamins niya two times a day tuwing umaga at gabi, tsaka ibigay mo kung ano ang gusto niya at baka magwala pa 'yon pag hindi mo ibigay. Mag-iingat ka rin sa batang iyon dahil marami na ang naging nanny niyan na hindi nagtatagal dahil pinapahirapan niya ang mga ito,” sabi pa ni Manang na tinanguan ko lang. Wala nang atrasan ito, nandito na ako eh.“Noted po, Manang, pero tanong ko lang po, saan ang magiging kwarto ko po?” tanong ko.“Ayy, oo nga pala, Marie, ihatid mo siya sa katapat ng kwarto ni Young Master, doon ang magiging kwarto niya, at para makapagpahinga na rin siya,” sabi ni Manang Fe.“Sige po, Manang,” sabi ni Ate Marie, tsaka niya ako hinila palabas ng kusina. Mula dito, tanaw ko sila Boss na seryosong nag-uusap habang may kinakain ang mga kaharap niya, maliban lang sa isa na hindi nakikinig at nakafocus lang sa kinakain niya.“Tomorrow is your first day, for now rest first,” malamig na sabi ni Boss nang makalapit k

  • The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son   Chapter 3

    Magkokomento din sana ako kaso huwag na lang dahil nakakakaba ang paraan ng pagtitig niya, pero hindi ko pinahalata na kinakabahan ako."He's my son, gi—what's up, bro! You're here na pala!"Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang dumating si Kwago. Kala ko nalunod na ito."Buti't buhay ka pa," sabi ko kaya napatingin siya sa akin at nagsalubong ang kilay."Ano sa tingin mo sa akin, patay na?!" pairap at may inis na sabi nito."Ikaw may sabi niyan, hindi ako.""Tsaka akala ko kasi nalunod ka na sa paghihilamos ng mukha, ang tagal mo kasing bumalik," sabi ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin, kalaunan ay ngumisi."Namiss mo kagwapuhan ko 'noh?" sabi niya at ang lawak ng ngiti."Ang tanong? Gwapo ka ba?" sabi ko na nagpawalang ngiti niya."What the?!! Hindi mo ba makita 'tong kagwapuhan ko? Eh halos habulin ako ng mga babae pag nakikita ako," pagmamayabang niya."Pwes, ibahin mo 'ko! Tsaka ikaw na may sabi na ‘halos,’ hindi ka pa hinabol. HALOS pa lang, it means malapit pa

  • The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son   Chapter 2

    BAGO pa man ako makapasok sa malaking pintuan, may nakita pa akong apat na kotseng pumasok sa gate, ngunit hindi ko na iyon pinansin.Pagpasok ko ng mansion, namangha ako dahil sa ganda ng interior design ng bahay, I mean, ng mansion. Maganda at maayos ang pagkakalagay sa mga gamit.Habang mangha akong nagmamasid sa paligid, may naramdaman akong parang may tatama sa akin, kaya yumuko ako para ayusin ang pagkakakatali ng sintas ko, and…“Fck!!! Shtt!! My handsome face!!!”“Hey bro.. what Hap-BWAHAHAHHAHAHAHHA”“SH*TT BRO!! HAHAHAHHAHA YOUR FACE HAHAHAHAH”“Nice shot, Storm HAHAHHAHAHA”Agad akong umayos ng tayo at nag-angat ng ulo sabay tingin kung saan galing 'yon. Nakita ko ang isang batang lalaki na nakatayo malapit sa nakabukas na glass-sliding door, sa tingin ko papuntang kitchen? Walang emosyon itong nakatingin sa akin, kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at tumingin sa apat na lalaking sobrang ingay, at 'yong isa may itlog at harina sa mukha?“Ows, face shot?”Face shot kasi, sa

  • The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son   Chapter 1

    (Violet)"Nanay Mel, alis na po ako," paalam ko kay Nanay Mel, na abala sa paggawa ng apat na klaseng kakanin dahil may order si Aling Bebang."Sige, mag-iingat ka, anak. Magbaon ka rin ng kakanin, baka gutumin ka sa biyahe," tugon ni Nanay Mel."Opo," sagot ko, at agad kumuha ng apat na bibingka. Inilagay ko ito sa aking bag at lumabas ng bahay."Magandang umaga, iha," bati ni Mang Kanor pagkakita niya sa akin. Nginitian ko siya at bumati pabalik, saka sumakay sa tricycle na minamaneho niya."Magandang umaga din po, Mang Kanor," bati ko."Saan tayo, Iha?" tanong ni Mang Kanor."Sa Saintrone Village po tayo, Mang Kanor," nakangiti kong sabi."Nakahanap ka na ba ng trabaho, iha?" tanong ni Mang Kanor habang nakatingin sa daan."Opo, kaya po tayo pupunta sa villa na 'yon. Doon po kasi nakatira 'yong batang aalagaan ko," sagot ko."Ahh, ganoon ba," tugon niya."Opo," sagot ko.Pagkatapos ng usapang iyon, naging tahimik na ang biyahe. Malayo kasi ang villa na 'yon sa amin."Nandito na ta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status