Chapter: Chapter 5MAAGA akong nagising, ginawa ko na ang morning routine ko pagkatapos ay bumaba na para gawin ang trabaho ko.“Magandang umaga sa inyo,” bati ko kila Manang at Ate Marie, kasama ang tatlong katulong na hindi ko pa kilala.“Magandang umaga, ija,” sabi ni Manang.“Magandang umaga rin sa'yo, V,” sabi ni Ate Marie.“Magandang umaga din sa'yo, ako pala si Yan-yan,” sabi ng babaeng hanggang balikat lang 'yong buhok.“Magandang umaga, ako naman si Yen-yen, kakambal ko si Yan-yan,” pakilala ng isa namang babae na hanggang siko 'yong buhok. Halata ngang kambal sila dahil magkamukhang magkamukha sila, 'yong buhok lang 'yong naiba.“Magandang umaga, magandang binibini, ako pala si Strella,” pakilala ng isa na may maalon na buhok na hanggang siko.Nginitian ko naman sila bago nagpakilala.“Ako naman po si Violet Rodriguez, V for short,” nakangiti kong pakilala.“Nice to meet you, V/Ikinagagalak kitang makilala, magandang binibini,” sabay na sabi nilang tatlo na sinuklian ko lang ng ngiti tsaka ako
Last Updated: 2025-09-18
Chapter: Chapter 4“Meron pa pala, huwag mong kakalimutang painumin siya ng vitamins niya two times a day tuwing umaga at gabi, tsaka ibigay mo kung ano ang gusto niya at baka magwala pa 'yon pag hindi mo ibigay. Mag-iingat ka rin sa batang iyon dahil marami na ang naging nanny niyan na hindi nagtatagal dahil pinapahirapan niya ang mga ito,” sabi pa ni Manang na tinanguan ko lang. Wala nang atrasan ito, nandito na ako eh.“Noted po, Manang, pero tanong ko lang po, saan ang magiging kwarto ko po?” tanong ko.“Ayy, oo nga pala, Marie, ihatid mo siya sa katapat ng kwarto ni Young Master, doon ang magiging kwarto niya, at para makapagpahinga na rin siya,” sabi ni Manang Fe.“Sige po, Manang,” sabi ni Ate Marie, tsaka niya ako hinila palabas ng kusina. Mula dito, tanaw ko sila Boss na seryosong nag-uusap habang may kinakain ang mga kaharap niya, maliban lang sa isa na hindi nakikinig at nakafocus lang sa kinakain niya.“Tomorrow is your first day, for now rest first,” malamig na sabi ni Boss nang makalapit k
Last Updated: 2025-09-18
Chapter: Chapter 3Magkokomento din sana ako kaso huwag na lang dahil nakakakaba ang paraan ng pagtitig niya, pero hindi ko pinahalata na kinakabahan ako."He's my son, gi—what's up, bro! You're here na pala!"Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang dumating si Kwago. Kala ko nalunod na ito."Buti't buhay ka pa," sabi ko kaya napatingin siya sa akin at nagsalubong ang kilay."Ano sa tingin mo sa akin, patay na?!" pairap at may inis na sabi nito."Ikaw may sabi niyan, hindi ako.""Tsaka akala ko kasi nalunod ka na sa paghihilamos ng mukha, ang tagal mo kasing bumalik," sabi ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin, kalaunan ay ngumisi."Namiss mo kagwapuhan ko 'noh?" sabi niya at ang lawak ng ngiti."Ang tanong? Gwapo ka ba?" sabi ko na nagpawalang ngiti niya."What the?!! Hindi mo ba makita 'tong kagwapuhan ko? Eh halos habulin ako ng mga babae pag nakikita ako," pagmamayabang niya."Pwes, ibahin mo 'ko! Tsaka ikaw na may sabi na ‘halos,’ hindi ka pa hinabol. HALOS pa lang, it means malapit pa
Last Updated: 2025-09-18
Chapter: Chapter 2BAGO pa man ako makapasok sa malaking pintuan, may nakita pa akong apat na kotseng pumasok sa gate, ngunit hindi ko na iyon pinansin.Pagpasok ko ng mansion, namangha ako dahil sa ganda ng interior design ng bahay, I mean, ng mansion. Maganda at maayos ang pagkakalagay sa mga gamit.Habang mangha akong nagmamasid sa paligid, may naramdaman akong parang may tatama sa akin, kaya yumuko ako para ayusin ang pagkakakatali ng sintas ko, and…“Fck!!! Shtt!! My handsome face!!!”“Hey bro.. what Hap-BWAHAHAHHAHAHAHHA”“SH*TT BRO!! HAHAHAHHAHA YOUR FACE HAHAHAHAH”“Nice shot, Storm HAHAHHAHAHA”Agad akong umayos ng tayo at nag-angat ng ulo sabay tingin kung saan galing 'yon. Nakita ko ang isang batang lalaki na nakatayo malapit sa nakabukas na glass-sliding door, sa tingin ko papuntang kitchen? Walang emosyon itong nakatingin sa akin, kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at tumingin sa apat na lalaking sobrang ingay, at 'yong isa may itlog at harina sa mukha?“Ows, face shot?”Face shot kasi, sa
Last Updated: 2025-09-18
Chapter: Chapter 1(Violet)"Nanay Mel, alis na po ako," paalam ko kay Nanay Mel, na abala sa paggawa ng apat na klaseng kakanin dahil may order si Aling Bebang."Sige, mag-iingat ka, anak. Magbaon ka rin ng kakanin, baka gutumin ka sa biyahe," tugon ni Nanay Mel."Opo," sagot ko, at agad kumuha ng apat na bibingka. Inilagay ko ito sa aking bag at lumabas ng bahay."Magandang umaga, iha," bati ni Mang Kanor pagkakita niya sa akin. Nginitian ko siya at bumati pabalik, saka sumakay sa tricycle na minamaneho niya."Magandang umaga din po, Mang Kanor," bati ko."Saan tayo, Iha?" tanong ni Mang Kanor."Sa Saintrone Village po tayo, Mang Kanor," nakangiti kong sabi."Nakahanap ka na ba ng trabaho, iha?" tanong ni Mang Kanor habang nakatingin sa daan."Opo, kaya po tayo pupunta sa villa na 'yon. Doon po kasi nakatira 'yong batang aalagaan ko," sagot ko."Ahh, ganoon ba," tugon niya."Opo," sagot ko.Pagkatapos ng usapang iyon, naging tahimik na ang biyahe. Malayo kasi ang villa na 'yon sa amin."Nandito na ta
Last Updated: 2025-09-18