Share

Chapter 2 - It's Payback Time

Napakislot siya nang maramdaman niyang may humaplos sa kaniyang pisngi. Bigla siyang napadilat ng mata at saka lang tuluyang nag-sink in sa kaniyang isipan na wala siya sa sariling kuwarto ng kanilang mansiyon, kundi nasa isang silid kasama ang lalaking may malaking galit sa ama niya.

Napatingin siya sa lalaking ngayon ay humahakbang patalikod, at bago pa man siya makiusap dito na pakawalan siya ay malakas na pagsara ng pinto ang iniwan nito sa inaantok pa niyang sistema.

Umaga na, ayon na rin sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana. Mabuti na lang at hindi na nakagapos pa ang kaniyang mga kamay at . . .

Sandali siyang hindi nakaimik nang makitang may kumot siya hanggang dibdib, nakaunan sa malambot na unan at may suot na ngayon na matinong damit na pang-lalaki.

Gumuhit sa labi niya ang mapait na ngiti, at kasabay niyon ang pagpatak ng mga luha niya mula sa kaniyang mga mata. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga iyon na nauwi sa malakas na paghikbi. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa kaniyang sinapit. Kahapon lang ay masaya pa siyang naglalakad sa dalampasigan mag-isa habang pinupuri ang ganda ng karagatan. Pero ngayon, naging mistulang bangungot ang nangyari . . .

“Hija pagkatapos mong mag-unwind diyan kasama ng mga kaibigan mo sa resort, make sure na uuwi ka ng deretso sa mansiyon, ha? Ayaw mo naman sigurong pagtampuhin ang ama mo.”

Natawa siya sa himig ng matanda. “Aye, aye, Dad!” masayang sambit niya saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng dalampasigan.

Oh, how she missed this place! Dito siya ipinanganak nkaniyang ina kaya memorable sa kaniya ang resort na ito. Malaki ang resort na ito, para itong paraiso. May mga nagtataasang puno ng niyog sa paligid at ang kulay ng dagat ay bughaw na bughaw na kayang mang-akit ng kahit sino para maligo. Sa gitna ay isang malaking pribadong resthouse.

Napangiti siya, pero bigla ring napalitan ng lungkot ang puso niya nang maalalang matagal nang patay ang kaniyang magandang ina.

“Hija, are you still there?”

Nanumbalik ang atensyon niya sa kabilang linya at marahang bumuntonghinga, “Hey, Dad, I need to hang up! Mamumulot lang ako ng shells. Don’t worry, ang pinakamaganda mong anak ay hindi gagawa ng bagay na ikasasakit ng damdamin ng paborito at pinaka-mamahal niyang ama sa buong mundo. I love you, Dad! You’re my greatest dad in the world!” Napalitan naman ng ngiti ang kaninang malungkot niyang boses nang marinig niyang tumawa ang don sa kabilang linya.

I love you, my baby, take care.”

Matapos ang tawag ay hinarap niya ang pamumulot ng mga naggagandahang shells hanggang sa hindi niya namalayang may huminto na isang pares ng paa sa harap niya. Nagtatakang nagtaas siya ng tingin at napansin niya ang hawak nitong bugkos ng rosas na kulay pula. Hindi niya masyadong napagtuunan ang mukha ng lalaki, dahil napako ang tingin niya sa bulaklak. She really loves flowers! Hindi nakapagtatakang garden wedding ang theme ng kasal na gusto niya.

May nagpapabigay sa`yo.” Agad itong tumalikod nang abutin niya iyon.

Nagtaka siya kaya binasa niya ang nakasulat sa kulay red na note nakasabit sa naggagandahang bulaklak.

‘C.M’

Muli siyang nagtaas ng tingin para pasalamatan sana ang lalaking nagbigay ng rosas pero tanging likod na lang nito ang kaniyang nakita at ilang dipa na ang layo nito sa kaniya. Sobra siyang nagandahan sa bulaklak na hawak kaya inamoy niya ito. Mabilis siyang napatakip sa ilong nang maamoy ang malakas na uri ng chemical na bumalot sa bulaklak. Nakaramdam siya ng hilo at pamimigat ng mga mata. Biglang umikot ang kaniyang mundo. Hindi niya namalayang nabitawan niya ang bulakak, at agad itong inanod ng tubig-dagat na humampas sa kaniyang paanan. Ngunit bago iyon, ramdam niyang may matigas na bisig ang sumalo sa kaniyang lupaypay na katawan, kasabay niyon ng pagtakip sa kaniyang ilong gamit ang isang panyo

“It’s payback time, sweetheart,” bulong nito na huli niyang naulinigan bago siya tuluyang nawalan ng ulirat.

***

Hindi mapalagay si Ellah sa isiping nag-aalala na ang kaniyang ama at fiancé. Sa mga sandaling ito, alam niyang pinapahanap na siya ni Kleve, at hindi ito titigil hangga’t hindi siya nahahanap. Ganiyan siya kamahal ng lalaking pinangarap niyang makasama habambuhay, pero sinira lamang ng demonyong ngayon pa lang ay sinusumpa niya nang mamatay.

Napatingin siya sa buong silid, at awtomatikong nagliwanag ang pakiramdam niya nang mapansin ang telepono sa side table. Mabilis niyang dinampot iyon, pero ganoon lang din ang kaniyang pagkadismaya nang malamang putol ang linya. Gusto niyang sumigaw, pero tila wala na siyang lakas para gawin iyon.

Kapagkuwan ay bumaba siya ng kama para lapitan ang bintana. Saglit siyang natigilan sa pulang mantsa sa bedsheet. Gusto niyang umiyak nang maalalang wala na nga pala ang virginity na inaalagaan niya sa mahabang panahon. Sinubukan niyang gusgusin iyon gamit ang kamay, ngunit hindi niya iyon maalis – tila ba nakapinta na iyon doon, nagsisilbing paalala sa nangyari kagabi.

Nagmamadali niya nang tinungo ang bintanang gawa sa matibay na kahoy. Napapailing na lamang siya sa nakitang nasa mataas na bahagi siya ng bahay, at batis ang nabungawan niya sa unahan mga ilang metro ang layo. Tanaw niya ang masiglang agos ng tubig na nanggagaling sa mataas na talon sa kanang bahagi. Pakiramdam niya ay ang sarap maglunoy sa tubig. Pero sa kalagayan niya ngayon ay hindi siya interesado. Tila sa isang bundok siya dinala ng walang hiyang lalaki.

Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin. Niyakap niya ang sarili at bumalik sa kama. Ano ba ang gagawin niya para makatakas sa bahay na ito? Kailangang may gagawin siya, pero paano? Saan siya magsisimula? Hindi siya magaling sa ganito! Buong buhay niya ay school, bahay at sa family company lang umiikot ang kaniyang mundo, kaya nahihirapan siyang mag-isip kung ano ba ang magiging unang hakbang para makalaya sa impyernong lugar na ito.

Kapagkuwa’y pumihit ang seradura ng pinto. Rumehistro agad ang takot at pangamba sa kaniyang mukha nang makitang iniluwa niyon ang lalaki. Bigla siyang napaurong sa headboard at niyakap ang sarili.

“Eat,” anito at ipinatong sa kama ang isang tray na may lamang pancake at juice.

Napatitig siya sa pagkaing nakahain, at doon niya lamang naramdaman ang gutom. Oo nga pala, mula kagabi pa siya hindi kumakain, pero ayaw rin niyang tumanggap sa pagkaing dala nito. Who knows kung may lason ito? Papatayin ba siya nito sa pamamagitan ng lason? Hindi niya ito kakainin kahit na mamatay pa siya sa gutom!

“No!” tugon niya na lalong niyakap pa ang sarili.

Namulsa agad ang lalaki sa sinabi niyang iyon. Pinagmasdan siya nito na tila isa siyang basang-sisiw na takot na takot na makain ng agilang tulad nito na walang puso.

“Okay.” Tumalikod ito at tinungo ang pintuan. “Don’t eat ‘till you starve to death,” saad nito na hindi kababakasan ng ano mang impresyon sa mukha at malakas na isinara ang pinto.

Napahikbi siya at nanumbalik ang mga luhang ayaw na niyang tumulo pa.

***

Nakapamulsang pinagmamasdan ni Cuhen ang naggagandahang bulaklak sa hardin ng kaniyang bahay-bakasyunan. This place was his perfect sanctuary with her beloved fiancée, not until Don Hernandez killed her and his mother. Hindi niya ito kailanman mapapatawad. At kung ano ang kinuha nito sa kaniya, sobra pa ang kukunin niyang kabayaran.

Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong walang-awang pinagpapaslang ang kaniyang mahal sa buhay, sariwa pa ang sugat na idinulot niyon sa puso niya. Wala siya sa Pilipinas nang mga oras na iyon. Nakakagimbal. Nakakagalit lalo pa nang malaman niya kung saan binaril ang mga ito: may dalawang tama ang ina niya na ang isa ay sa tagiliran at ang isa naman ay sa dibdib; samantala, tatlong tama sa noo ang kumitil sa buhay ng kaniyang fiancèe na dalawang linggo na lamang sana ay ikakasal na sila.

Dammit!

Kung sana ay hindi siya umalis para sa isang business meeting. Ano pa nga bang kuwenta ng lahat ng pinaghihirapan niyang pera kung wala na mismo ang pinakamamahal na babaeng pag-aalayan niya ng lahat? Hindi niya masisisi kung umalis noong araw na iyon ang kaniyang ina at si Florae. Huling tawag ng kasintahan niya sa kaniya ay kakain lang ang mga ito sa labas. Hindi niya alam na iyon na ang una’t huli nilang pag-uusap.

Damn!

Mariing ipinikit ni Cuhen ang kaniyanng mga mata, at hindi hinayaang tumulo ang katiting na butil ng luha na kanina pa nagbabadyang kumawala sa kaniyang mga mata. Wala man lang siyang nagawa. Pero mas lalong nanggalaiti ang galit niya dahil hindi matukoy ng mataas na ahensiya kung sino ang mga responsable sa krimeng iyon. Tinulungan siya ng kaniyang kaibigan si Herrence at Farhistt para resolbahin ang krimen pero malinis ang pagkakagawa, walang lead ang nakakapagturo sa kanila at mas lalo niyang ikinagalit ang bagay na iyon. Imposible kung wala. Kaya siya na mismo ang gumalaw.

Bago pa man siya naging isa sa mga pinaka-successful na businessman na nakapag-pundar ng bilyon-bilyong pera sa bangko ay naging isa siya sa pinakamataas na batang opisyal ng Army. Nang makilala niya si Florae anim na taon na ang nakararaan ay iniwan niya ang pagiging opisyal at tinutukan ang pagnenegosyo. Mas gusto niyang bumuo ng isang pamilyangmakakasama niya kaysa ipagpatuloy ang pagiging opisyal sa Army.

Nakakuha siya ng kaunting lead mula sa kaniyang pag-iimbestiga, at sapat na iyon para patunayang walang ibang pumatay sa mahalagang tao sa buhay niya kundi si Don Hernandez. Malinis ang pagkakagawa sa paningin ng iba; pero para sa kaniya, hindi!

It’s payback time.

‘Yong mismong araw na nalaman niya na ito ang salarin ay inambangan niya ito sa mansiyong pag-aari nito. Nakahanda na ang kaniyang baril sa pagpatay sa matanda nang mula sa likuran ay sumulpot ang babaeng anak nito. Yumakap ang huli at humalik sa noo ng matanda. Pinaggugulo naman nito ang kulutang buhok ng dalaga at kitang-kita sa hitsura ang pagiging mapagmahal na Ama sa isang anak bago ito sumakay ng kotse.

Ang plano niyang patayin ito ay hindi naisakatuparan, dahil may isang planong pumasok sa kaniyang isip at ‘yon ay ang nag-iisang anak nitong babae. Napangisi siya; magsisimula na ang laro. Maglalaro siya nang patas ayon sa ginawa ng matanda sa kaniya. Hindi nito alam na ang kalabanin siya ay tila isang suntok sa matulis na bakal.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status