Share

Chapter 6

THE ONE-YEAR CONTRACT

CHAPTER SIX

APPLE'S POV

Kanina pa ako napapaiyak dahil sa panggigigil. Hindi dapat ako ang kumakain ng niluto ko! Hindi ba't trabaho ng maid ang magluto? At dapat ang amo ang kakain hindi ang katulong!

"Tsss. Hurry up. You still have a lot of things to do."

Nanlilisik ang aking mga mata na tumingin sa kan'ya. Pinatayo n'ya naman ang kutsilyong hawak n'ya sa lamesa saka pinaikot-ikot. Naiinis ako! Hindi lang dahil sa pinilit n'yang kainin ko ang pagkain na dapat ay sa kan'ya kundi dahil na rin sa kanina pa s'ya English ng English kaya hindi ko s'ya maintindihan!

Huhuhu! Hindi kita bati teddy bear na may karas! Nang dahil sa'yo naghihirap ako ng ganito! Ayoko nang patagalin ito! Gusto ko nang umuwi at bumalik na sa pagtitinda ng ice candy!

"Pwede bang—"

"Eat," putol n'ya sa sinasabi ko sabay tutok sa akin ng kutsilyo. Isinubo ko ang kaning sunog na may sunog na itlog. Makakaganti rin ako sa'yong h*******k ka.

Walang ano-ano'y tumunog ang cellphone n'ya. Kinuha n'ya iyon mula sa kaniyang bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Don't you dare to say a single word or else," sabi n'ya na may halong pagbabanta at pagtutok pa ng kutsilyo.

Ano ba? Anong sabi n'ya? Ipagpatuloy ko lang ang pagkain ko? Huwag akong makikinig sa usapan ng may usapan? E bakit kasi hindi s'ya pumunta ng sala at doon kausapin ang tumatawag sa kan'ya?

"Good morning, 'lo. How are you?" unang sabi n'ya matapos sagutin ang tawag. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain kahit na nasusuka na talaga ako. Umayos ka, Apple! Matibay ang sikmura mo hindi ba? Matibay ang—

Hhmmm. Teka. Alam ko na.

Napatingin ako kay Drav at nginisian s'ya. Mwehehehe. Akala mo ha.

"Nah, I'm doing great, lolo even though I'm living in here alone. Can I go there to visit you?"

"Psst," paninitsit ko sa kan'ya saka ngumisi, pero hindi n'ya ako pinansin.

"T-That was me, lolo. I just saw a cat and uh—"

"Psst, I love you," pang-aasar ko pa sa kan'ya, na ikinadilim na naman ng aura n'ya. Lolo n'ya pala ang kausap n'ya ngayon. Hmp. E ano naman? Magulo na ang buhay n'ya kung magugulo. Ginulo n'ya rin naman ang buhay ko.

"T-That was m-mom. She's with me right now."

"Wala man lang bang I love you too, langga?" sabi ko ulit at sa pagkakataong ito, nilakasan ko na. May sinabi s'ya na walang boses na lumabas bago agad na tumayo at nagtungo ng sala. Dahil atat na atat na akong makaganti, binuhat ko ang plato at sinundan s'ya.

"No Lolo! I mean, not now. It's, a bit, messy in here. B-By the way—"

"Langga naman, tikman mo naman itong niluto ko para sa'yo. Alam kong napagod ka kagabi," singit ko sa pag-uusap nila. Pumuwesto ako sa unahan n'ya at itinapat sa kaniyang bibig ang kutsarang may kanin at itlog na sunog. "Ahh ka na, daaliii."

"Lolo, I'll call you back."

Ibinaba na n'ya ang cellphone at tinapon iyon sa sofa. Kinuha n'ya rin ang plato na hawak ko at nilapag sa lamesa n'yang gawa sa salamin. Bigla n'ya akong binuhat na parang sako, dahilan para magsisigaw ako.

"Hoy! Ano ba?! Ibaba mo nga ako! Takte ka Drav! Timang ka! Kanibal! Demonyo!"

"Kung ayaw mong mapaaga ang pagkawala mo sa mundo, manahimik ka!"

"Aahh! Tulong! Gagahasain n'ya akooo! Aaahhh!"

Pumalag ako ng pumalag, hanggang sa hinawakan na n'ya ang mga binti ko para hindi ako makagalaw. Pinalo-palo ko s'ya sa likod. Yawa, ang tigas! Narinig kong binuksan n'ya ang pinto, at natigilan din ako nang bigla s'yang magsalita.

"L-Lolo?" biglang saad n'ya.

"Uh, your gate isn't locked, so, I...came in."

_________________________

"Ahihihihihi."

"And did he ate the food that you cooked?" sabi sa'kin ng lolo ni Drav. Waaaa! Spokening dollar na naman! Pwede bang tulungan n'yo na ako rito? Kanina pa naghihirap ang damdamin ko!

"Ahm, y-yes? No."

Oo. Sa kada sinasabi n'ya ay gan'yan lang ang itinutugon ko.

"Here you go, lolo," saad ni Drav nang makarating na s'ya rito sa sala mula sa kusina. Nilapag n'ya ang isang slice ng cake sa lamesang salamin saka isang baso ng juice.

Bakit isa lang? Kinalimutan na naman n'yang nandito rin ako. Matutuwa na sana ako kung dinalhan n'ya rin ako ng cake. Mukhang masarap pa naman itong mas'yado.

"Thank you, apo," pagpapasalamat nito kay Drav.

Hindi ba salamat ang ibig sabihin ng thank you? Wag n'yo akong kokontrahin, tama ako.

"By the way iha, tell me more about yourself."

H-Ha?

"Ah, y-yes? Ahihihi."

"Hmm?" kunot-noong sambit n'ya.

"Ahh, n-no. T-Thank you. Ahihihihi."

"Tsss, Lolo, she can't understand you," walang gana na namang saad ni Drav.

Hhhaaa?

"Oh, is that so? Why? Is she a Korean? Chinese?"

"Ahm, ahihihi? Ahihihi. Ahikhikhik. Agikgikgik."

"Uh, what is she sayin', apo? I don't actually want to say this but, it's, kinda weird."

"Nah. Just don't mind her. Ikakasira lang ho ng araw n'yo."

Demonyo talaga ito.

Pero minumura na kaya ako nito? Nilalait? Minamaliit?!

"Hmm, bakit sa tabi ko ikaw uupo? You should sit beside her!" pagtataboy sa kan'ya ng lolo n'ya nang paupo na sana siya sa tabi nito.

"Lolo, you don't understand. Let me explain first. She's—"

"No need to explain, iho. I really admire your taste when it comes to women. You know what, naaalala ko ang lola mo sa kan'ya."

Wait, taste? Hindi ba,

Napalunok ako ng laway. L-Lasa yun hindi ba? Tapos ang women, b-babae!

"I-Ibig po bang sabihin, i-iyang apo n'yo, k-kumakain talaga n-ng tao? At babae ang mga binibiktima n'ya?" takot na takot ko nang tanong. Tiningnan lang nila ako na mukhang takang taka na naman, saka biglang tumawa ang lolo n'ya. 'Yun bang tawa na parang kinikiliti ng sampung kamay? May pagpalo pa sa hita, samantalang si Drav naman ay tumayo, hinawakan ang kamay ko na siyang ikinabilis ng tibok ng aking puso.

Akala n'yo may espesyal na ano? Normal na tibok lang iyan ng puso ko.

Hinila n'ya ako hanggang sa makarating kami sa second floor. Matapos buksan ang pinto ng isang kwarto ay sapilitan n'ya akong pinapasok doon.

"Don't you dare to step out from this room—"

"Ikukulong mo ako dito hindi ba?"

"Mamaya tayo magtutuos," huling sabi n'ya bago isinara bigla ang pinto. Napahawak pa ako sa tenga dahil sa lakas ng lagabong. Nang dahil sa inis ay sinipa ko iyon. Ano ako?! Preso?! Huh! Nalilito na talaga ako kung anong tunay na gampanin ko sa istoryang ito.

Katulong? Alila? Preso? Laruan? Aba! Isa-isa lang! Mahina ang kalaban!

Sumandal ako sa pinto at naupo sa sahig, saka pinagmasdan ang buong silid. Hala! Teka, ito na kaya ang kwarto n'ya?

Muli akong tumayo ako at inilibot ang tingin sa paligid. Ang aliwalas. Walang masyadong burluloy. Malawak din ang loob, saka wow. May sariling TV na nakadikit sa pader. Hmm. Ano kayang ipinandikit d'yan? Isang drum ng glue?

Baka nga.

Sinubukan kong umupo sa kama, at halos lamunin na ako nito sa sobrang lambot. Dahil labis akong natutuwa, tumayo ako doon at tumalon-talon. Ang ganda! Siguro hindi masakit sa likod dito? Hindi katulad sa sahig kagabi tapos banig lang ang latag ko. Ayoko kasing matulog sa sofa. Sa malamang ay ihahampas n'ya lang sa akin 'yun.

Nang mapagod na ako sa kakatalon ay nahiga ako sa kama. Tumaas ako para makaunan sa unan n'yang ang lambot din. Dahil sa sobrang tuwa ay inamoy ko rin ito.

"Hmmm, ang bango naman."

Biglang napagawi ang tingin ko sa magazine na nakatayong nakapatong sa mesang katabi nitong kama. Teka, parang pamilyar ito? Parang, nakita ko na yata ito?

Nang dahil dito ay umupo muna ako at kinuha iyon. T-Teka! Oo nga! Ito 'yung magazine na hinablot ko kay Elena kahapon! At, ang mukha nung Dravour Ichigo kuno, nakita ko na naman.

Pinagmasdan ko itong mabuti. Para talaga s'yang si Drav. Pero ayoko namang maniwala na s'ya at itong nasa litrato ay iisa lang. Wala pa namang ebidensya bukod sa parang magkamukha sila. Hindi kasi ako naniniwala sa 'To see is to believe' hangga't walang patunay.

Nahiga ulit ako at pinagmasdan ang nasa litrato. Kung totoong ito nga at ang Drav na iyon ay iisa, ibig sabihin, sikat s'ya? Kasi sa pagkakaalam ko, ang mga nasa magazine ay mga kilalang tao, mga sikat.

Pero hindi pa rin. Di'ba nga, kamag-anak s'ya ng isang GRAB rider?

"Tsk. Sino ka ba talaga Drav? Bakit ba tayo nagkakilala? At saka, ano ba talagang magiging papel mo sa buhay ko?"

Habang nakahiga ako at nagmumuni-muni ay nakaramdam ako ng antok. Nilapag ko ang magazine sa aking tabi, at magkukumot na sana ako pero hindi ko makita kung saan niya nilalagay ang nakatiklop na kumot. Napansin kong doble ang sapin niya sa kama, kaya tumayo muna ako, inalis ang nakapatong na latag dito saka humiga ulit at nagkumot. Tutal ayaw n'ya rin naman akong palabasin dito.

Patulog na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Hindi na ako nag-atubiling tumayo. Ayokong makipagtalo. Pagod pa ako. Gusto kong matulog muna huhu!

"Hey," sambit n'ya, pero hindi ko s'ya nilingon.

Apple ang pangalan ko, hindi hey.

"Kung sinuman 'yang Hey na sinasabi mo, wala s'ya rito. Makakalabas ka na," walang ganang sagot ko sa kan'ya.

Naghihintay pa ako ng sasabihin n'ya pero wala na ulit akong sagot na natamo, hanggang sa gumalaw ang kama, parang may umupo, kaya naman napatingin na ako sa kan'ya. Nakaupo s'ya sa may paahan ko, nasa dulo ng kama at nakatalikod sa'kin. Hmm. Hindi n'ya man lang ba ako paaalisin dito? Hindi ba s'ya galit ngayon? Bakit parang naninibago ako? Dapat sinisigawan n'ya na ako ngayon hindi ba?

Naisipan kong ibato sa kan'ya itong magazine na nasa tabi ko kaya binato ko nga sa kan'ya. Tumama iyon sa ulo n'ya pero hindi pa rin s'ya gumagalaw. Nang hindi pa ako nakuntento, binato ko na s'ya ng unan. Tumama naman sa likod n'ya pero hindi n'ya iyon pa rin ako nilingon.

"Aba, nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon ah. Ha, Drav na timang?" pang-aasar ko, pero wala pa ring sagot. Bumaba ulit ako habang nakahiga pa rin at tinulak-tulak s'ya gamit ang paa ko.

"Huy! Mabait ka na talaga? Sigurado na 'yan? O napagalitan ka ng lolo mo? O baka naman nagsisisi ka na kasi inaway-away mo ako? Narealize mo na talaga palang nakakatakot ako kaya dapat hindi mo na ako inaaway?" sabi ko habang tinutulak pa rin ang likod n'ya. Nang wala talaga ay braso n'ya naman na nakapatong sa kama ang pinagtripan ko. Tinulak-tulak ko rin iyon gamit ang paa ko.

"Si Drav mga kababayan, tanggap na ang pagkatalo. Nanalo si Apple Martinez! Halina't magbun-ahh!"

Napasigaw ako nang bigla n'yang hawakan ang paa ko at walang kahirap-hirap na hinila iyon gamit lamang ang isang kamay. Halos kalahati ng katawan ko ay nahulog sa kama samantalang ang dibdib ko hanggang ulo ay nanatili sa kama. Tumingin s'ya sa'kin, pero ito ay kakaiba.

Hindi nanlilisik. Hindi nang-aasar. Hindi galit. Plain kumbaga. Hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isip n'ya. Dahil doon, hindi muna ako nagsalita. Hinintay ko kung may sasabihin ba s'ya. Magtatalumpati na naman kaya s'ya ng pagkahaba-haba na sa huli naman ay hindi ko rin maiintindihan?

One.

Two.

Three.

Four.

Ten.

Nginitian ko s'ya, pero wala pa rin. Ngumuso na ako ng mga tatlong segundo pero hindi pa rin s'ya gumagalaw. Sinamaan ko na ng tingin, nagduling-dulingan na ako, tiniklop ang dila, pero hindi pa rin tumalab!

Talaga bang hindi s'ya magsasalita? Ano ba kasing iniisip n'ya habang nakatulala lang sa akin nang hindi gumaga — hala!

H-Hindi kaya, naging estatwa na s'ya?

Habang nakatingin lang sa kan'ya ay sinundot ko ang binti n'ya. Wengya, naninigas!

Napaayos na ako ng upo sa sahig pero s'ya ay nakatingin pa rin sa'kin.

"Sinasabi ko na nga ba! Naging estatwa ka na! Halat! Babanlian kita ng mainit na tubig nang bumalik ka sa dati!"

Tatayo na sana ako nang hawakan n'ya ang likurang bahagi ng damit ko sa may leeg, kaya hindi ako nakatayo. Pinipilit kong makawala pero hindi n'ya binibitawan.

"Ano ba? Bitaw!"

Hinila n'ya na naman ako kaya napaupo ako sa sahig, at napansin kong tumabi s'ya sa'kin. Umupo rin s'ya sa sahig pero hindi nakalapat ang pwetan n'ya. Mula sa gilid ay tiningnan n'ya ulit ako. Ano ba?!

"Tsss. I really don't know what'll happen to us, but as of now, I'm really hoping that my search would finally ends up on you," Sabi n'ya bago binitawan ang aking damit at iniwan akong nakaupo sa sahig.

Alam kong gasgas na itong linya kong ito pero sasabihin ko pa rin.

Hhhhhaaaaaa?

Ang ibig ba n'yang sabihin ay magpakulo na ako ng tubig nang maibuhos ko na sa kan'ya?

Pero bakit pa? Hindi naman na s'ya estatwa!

Pero nakakapanibago lang. Ano kayang naging usapan nila ng lolo n'ya at naging ganun s'ya kakalmado? Hmm. Siguro kailangan palaging pumupunta dito ang lolo n'ya para palagi s'yang ganun ka-kalmado.

"By the way, Dravour Ichigo Forestier. That's my full name," banggit niya sa pangalan ng lalaking nasa magazine nang saglit siyang bumalik na agad ding umalis.

Dravour Ichigo Forestier. My...name. Pangalan ko.

Haa? So talagang s'ya ang nasa magazine?

Wweehhh? Hindi pa rin ako naniniwala.

Maniniwala lang ako kapag nakita ko na s'ya mismo na kinukunan ng litrato.

"...I really don't know what'll happen to us, but as of now, I'm really hoping that my search would finally ends up on you."

Aish! Tinapik ko ang aking sarili. Bakit ba bumalik pa iyon? Psh. Hindi ko rin naman nagets.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status