Masuk—Flashback—
One Year Ago… Dala-dala ko ang anniversary cake na binili ko para sa aming unang anibersaryo ni Vaughn. Tahimik kong binagtas ang main hallway ng Crossban Hospital, patungo sa opisina ng boyfriend ko para sorpresahin siya. Masaya ako dahil nakaabot kami ng isang taon kahit sikreto lang ang relasyon namin. Isang bawal na relasyon dahil ayaw ng mga magulang ko sa kanya, lalo na sa pamilya nila. Adore and Crossban were enemies. Hindi pa ako pinapanganak, magkaaway na ang mga pamilya namin, pero hindi ko pinansin ang bad blood na ’yon. Wala naman kaming kinalaman kung bakit sila nag-aaway. It all started with an old unrequited love story between Don Macontish Crossban, ang lolo ni Vaughn—at ang lola ko, at ’yon ang naging ugat ng malaking alitan ng pamilya. Sabi nila, ugali raw ng mga Crossban ang pagiging aggressive, feeling entitled, at possessive pagdating sa pag-ibig. Gagawin nila ang lahat, ipipilit ang sarili kahit wala kang feelings, makuha ka lang. Pero sa sitwasyon namin ni Vaughn, ibang-iba. I love Vaughn, at pakiramdam ko mahal din niya ako. He’s not my first boyfriend, but I’m hoping he’ll be my last. Pagdating ko sa harap ng opisina niya, marahan kong binuksan ang pinto at sumilip sandali. May naririnig akong dalawang tinig na nag-uusap sa loob. Alam kong si Dr. Saint Cameron ’yon, ang long-time boyfriend ng nakatatandang kapatid ni Vaughn na si Grace, isa ring doctor. “Mukhang seryoso ka na sa relasyon, Vaughn. Masayang-masaya ako na malaman na, sa wakas, nakita mo na rin ang the one mo,” ani Saint, kaya napatigil ako. Nagla-lunch sila; rinig ko ang tunog ng kubyertos at plato, may mahina pang musika. Ayaw kong gambalain ang seryosong usapan nila kaya nanatili ako sa kinaroroonan ko. Curious rin kasi ako sa magiging sagot ng boyfriend ko. “The one?” baritonong tanong ni Vaughn, sandaling natigilan. “I didn’t treat her as the one, Saint,” sagot niya at nanlamig ako. “I hooked up with a lot of women but none interests me. Women bore me. Ano bang maii-offer ng mga babae sa buhay ko? Uhm... a pússy? I’m not interested,” tuloy-tuloy niyang pahayag. “Then why are you hooking up with her?” usisa ni Saint. “To erase a useless rumor that I’m gay. Hindi lang iyon, para tumigil si Grandpa sa pagpipilit ng mga anak ng kung sinong mayamang lalaki na wala namang maiaalok sa akin. Wala nang ibang dahilan. Like other girls… she’s nothing special. Mira is just an average girl. I don’t have feelings for her, not even a bit.” Nabasag ang puso ko sa sinabi niyang iyon. So he’s just using me as a cover girl? How nice. “But Grace told me you’re going to propose to her,” giit ni Saint. “Yes. For convenience,” matabang niyang sagot. “But anyway, she’s easy to manipulate, at nage-enjoy akong paglaruan siya,” dagdag pa niya, sabay mahinang tawang nanghahamak. Hindi ko alam. Namanhid ang buong katawan ko, pero ang mga luha ko kanina pa nag-uunahan sa pagbagsak. It hurts. It hurts so dàmn much, parang nagkapira-piraso ang puso ko sa mga sinabi niya. “Loko ka talaga. Akala ko seryoso ka na sa kanya,” saad ni Saint. “That will never happen, Saint. Walang babaeng makakapagpaibig sa ’kin. Never naman akong naging interesado sa kanila.” At iyon ang huling pangungusap na narinig ko mula sa kanya. Hindi ko na napigilan; umalis na ako. Pinaabot niya ng isang taon ang relasyon namin kahit wala naman pala siyang pagmamahal sa akin at balak pa niya akong pakasalan. You know what, after that, nakipagkita pa siya sa ’kin para batiin ako ng happy anniversary. He even proposed, and I said yes kahit alam kong wala siyang pagmamahal sa akin, pero hindi para magpakatanga pa ako. I said yes and even helped prepare our secret wedding, pero pagdating ng araw ng kasal, hindi ako sumipot, bilang ganti sa kanya. Sumabog na lang ang balita na sumama ako kay Vogue isang araw matapos kong hindi siputin ang kasal namin. Hindi alam ng karamihan na may relasyon kami ni Vaughn dahil ginawa namin ang lahat para itago ’yon; tanging pamilya ko at pamilya niya lang ang nakakaalam. Pero ang relasyon namin ni Vogue ay hindi sekreto; hayag iyon, kaya alam kong iisa lang ang magiging konklusyon niya—na nakipagtanan ako kay Vogue sa mismong araw ng supposed-to-be wedding namin. Pero ang balitang iyon ay kasinungalingan lang na sinakyan ko para iparanas din kay Vaughn na hindi rin siya importante sa akin, gaya ng pagtrato niya sa akin. Serve him right na hindi ko siya sinipot. Na labis ko ring pinagsisihan sa huli. —End of flashback— BACK TO PRESENT... “Papunasan na lamang natin ang sapatos mo,” singit ni Vogue. Natalamsikan kasi ng wine ang suot nitong mamahaling sapatos. “Mira, do it,” utos sa akin ni Vogue, ngunit pabulong lamang. Akmang bababa na sana ako para punasan ang sapatos ni Vaughn, ngunit nagsalita siya. “No.” Natigilan ako at muling napatingala sa kanya. Ang tangkad talaga ni Vaughn… o baka maliit lang talaga ako. I'm only 5'3", and he's 6'3". “Ikaw ang gumawa,” ani Vaughn bago ibinaling ang mga mata kay Vogue. Halos napasinghap ang lahat dahil sa sinabi niya. Wala namang nagawa si Vogue. Inabot niya ang pamunas mula sa kamay ko at siya na mismo ang nagpunas ng sapatos ni Vaughn. Sa kabilang dako, nahagip ng mga mata ko ang mga magulang ni Vogue. Seryosong nakatutok ang tingin nila sa akin, bakas ang galit sa mga mata nila, hindi dahil sa pinapagawa ni Vaughn sa anak nila, kundi dahil sa akin. Kasalanan ko raw ang lahat. Kasalanan ko raw ang lahat kaya deserve ko ang galit nila... ng pamilya ko, ni Vogue, ng mga magulang ni Vogue, at ng lalaking kaharap ko ngayon. “Done,” nakayukong ani Vogue habang nakatayo sa tabi ko. “Ikaw na rin ang maglampaso sa sahig, alisin ang mga nabasag at bubog, baka kasi may masugatan pa,” dagdag na utos nito kay Vogue. “Trabaho na namin ’yan. Vogue is a guest. Hindi pa ba sapat na pinunasan niya ang sapatos mo?” singit ko naman. Muling tumingin sa akin si Vaughn. Sandaling nanatiling kalmado, ngunit unti-unting umarko ang isa niyang kilay dahil sa sinabi ko. Ayaw kong mas lalo pang mapahiya si Vogue dahil sa akin. “Mira,” sambit ni Vogue sa pangalan ko, sa isang mahinang tinig. Sandali siyang napakapit sa pulsuhan ko para pigilan ako sa pagsagot-sagot kay Vaughn. Ngunit hindi ako nagpigil kay Vogue, kahit ramdam na ramdam ko ang galit ni Vaughn, kahit gaano kalamig ang pakikitungo niya. Walang alinlangang sinalubong ko ang tingin niya. Siya ang dahilan kung bakit kinamuhian nila ako. This man in front of me... he took everything from me. Dahil sa isang desisyon na ginawa ko noon... na hindi ko siya sinipot sa kasal namin. Lahat ay nagbago. Lahat ay nawala sa akin, pati ang bagay na iniingatan ng pamilya ko. Lahat ay nasa akin ang sisi. “I took the responsibility to clean it up. After all, everything is my fault, Dr. Crossban. So, let me clean it up,” mahinahong saad ko sa kanya. Hindi na siya tumugon, bagkus ay tahimik niya kaming nilagpasan na parang hangin.**Mira** Pagkapasok namin sa loob ng kwarto niya, I ready myself to give him a head noong nakaupo na siya sa kama. Walang pagdadalawang-isip akong napaluhod sa harapan niya. I tied my hair up, gathering the loose strands para walang sagabal, pero katatapos ko pa lang ay biglang naudlot ang lahat nang tumunog ang cellphone niya. Parang na-freeze ako sa kinaluluhuran ko. Tiningnan ko siya. Kalmado niyang inilabas ang phone mula sa bulsa ng slacks niya, at walang pakialam kung nabitin ako. Sinagot niya agad ang tawag. “Hello? Oh… bakit?” “Ngayon na ba? Hindi na ba pwedeng ipagpaliban? May bisita kasi ako ngayon sa bahay. Tapos nagkaroon pa ako ng problema sa paa—nahihirapan akong makalakad,” malamig niyang tugon sa kausap, bahagyang kumunot ang noo habang tahimik na nakikinig sa kabilang linya. “Oh, sige. Punta na ako riyan,” aniya bago tuluyang ibinaba ang tawag. “Help me,” utos niya, sabay taas ng kamay. Parang natural na lang sa kanya ang mag-utos, at awtomatiko na lamang a
Napagapang na ang palad ko sa hita ni Vaughn sa ilalim ng mesa habang nasa hapag pa rin kami. Napalingon siya sa akin at bahagyang napakunot ang noo. Pinisil ko ang hita niya. Tinitingnan ko siya na parang sinasabihan ng “tama na,” pero napatitig lang siya sa akin. Busog na ako, pero panay pa rin ang offer niya ng food, na para bang gusto niyang hindi na ako makabangon dahil sa sobrang kabusugan. “I’m full,” halos pabulong kong sabi sa kanya. “Try mo lang ‘to. Masarap ‘tong dessert,” muli niyang pamimilit. Napangiti ako ng peke sa kanya nang bigla siyang nagsabi ng “ah,” para pakainin ako. Nakakaramdam na ako ng hiya dahil kung kanina ay dalawang pares lang ng mga mata ang nakatingin, ngayon parang lahat na sila. Napilitan akong isubo ang dessert habang nakatitig sa kanya. “Masarap ba?” may lambing niyang tanong. “hmm oo,” tanging nasabi ko, nakatikom ang bibig habang pilit kong nilulunok ang dessert. Líntek naman! Busog na busog na talaga ako. Pakiramdam ko, sasabog na ang tiya
“If I am trash, then you’re trash too. We are a perfect match, Mira. Huwag mong itaas ang sarili mo sa akin. Dahil alam kong katulad ko, isa ring basura ang ugali mo,” dagdag pa ni Vaughn nang mariin habang nakatingin diretso sa mga mata ko. “Aba’y… dinamay mo pa ako sa kasamaan ng ugali mo,” balik-alma ko, halos umigting ang panga ko. Hindi ko papayagang ituring niya akong kasing sama niya. Magkaiba kami ng pagkatao at lalo na ng pag-uugali. How dare he call me trash like him? “Hoi, Crossban. Huwag mo akong itulad sa’yo. Magkaiba tayo. Malaki ang agwat ng pagkakaiba natin,” mariin kong sagot, pinanlakihan ko siya ng mga mata. “I know. Mahirap ka at mayaman ako,” banat niya, kaswal ang tono na parang nagbibiro pero halatang sinadya niyang ibaon sa utak ko ang sakit ng sinabi niya. Napatigil ako, bago muling matalim na mga tingin ang ipinukol ko sa kanya. Loko ‘to! Talagang isinasampal pa niya sa mukha ko na mahirap lang ako. Eh kasalanan niya rin naman kung bakit ako naghirap
**Mira** Tulala akong napatingin kay Caroline, her furious eyes staring straight at me like she’s going to devour me alive. Para bang ako ang may pinakamalaking kasalanan sa lahat, parang ako pa yata ang pinag-iinitan niya, samantalang si Vaughn naman ang mismong nagtulak sa kanya palayo. “We should stop this drama already,” singit ni Grace, halatang hindi na napigilan ang tensyon na namuo sa labas. May diin ang boses niya, tila ba pagod na siya sa eksenang nakikita. “Pumasok na tayo sa loob,” dagdag pa niya, at siya na ang unang naglakad papasok ng mansiyon, diretso at walang lingon-lingon. Sumunod kaagad si Dana. Samantalang si Camelia naman ay agad na inalalayan si Caroline para makatayo, napahawak sa braso at likod ng anak. “Let’s go, Caro,” mahinahong aya ni Camelia, pero halata sa boses na may bahid ng pamimilit. Nanlilisik pa rin ang mga matang nakatutok sa akin ni Caroline, halos butasin ako sa tindi ng kanyang titig. Nakaangat pa ang baba niya, tila ba sinasabi niyang h
“Tumahimik ka, Dana! Hindi ikaw ang kausap ko! Alam kong mahal niya rin ako! Hindi ako maniniwala na may mahal na siyang iba! Hindi ako maniniwala na may ibinahay siyang babae! Ako lang dapat! Ako lang dapat iyon!” malakas na sigaw ni Caroline, parang batang nagta-trantum na hindi nabilhan ng gusto niyang laruan. Lahat ng tao ay halatang nahihiya at naiinis sa ikinilos niya, pero wala siyang pakialam. Habang abala si Caroline sa pagpupumilit, palihim kong ipinasok ang kamay ko sa bulsa ng coat at pinindot ang screen ng phone. Na-compose ko na kanina ang text para sa kanya, at send button na lang ang kulang. I sent it to Mira, para bumaba na siya, dahil nauubusan na ako ng pasensya kay Caroline. Ilang segundo lang, nag-vibrate ang phone ko. Inilabas ko ito at binasa ang reply niya. “F*ck you ka rin!” Napataas ang kilay ko sa sagot niya, hindi makapaniwala. Agad kong chineck ang mensahe kong nasend, at doon ko nakita kung ano ang nakasulat: “F*ck you.” Oh, God. What the f*ck! “Ki
**Vaughn** Pagkababa ko ng grand stair, diretso na akong nagtungo sa labas ng mansiyon. Nasilayan ko agad sina Grace at Dana na kakalabas lang ng sasakyan, at bago pa man ako makalapit, mabilis na tumakbo si Dana papunta sa kinatatayuan ko. “Kuya Vaughn!” masigla niyang hiyaw bago mahigpit na yumakap sa akin. Napahaplos naman ako sa likuran niya, ramdam ang excitement niya. “Ilang araw lang tayong hindi nagkita, Dana,” saad ko sa nakababatang kapatid kong babae. “Pero kung makayakap ka, parang isang taon tayong hindi nagkasama,” tuloy ko pa, bahagyang natawa. “Syempre, nayayakap lang kita kapag umuuwi ako rito sa mansiyon, Kuya,” sagot niya, may bahid ng lambing at tampo. Humiwalay na siya sa akin at si Grace naman ang pumalit. Saglit lang kaming nagyakap bago nagbeso. “Si Saint?” usisa ko. “Hindi raw siya makakadalo dahil may surgery session siya ngayon,” aniya habang inaaya na pumasok na kami. Bago pa man kami makakilos, lahat kami ay natigilan nang biglang may bum