แชร์

Chapter 1

ผู้เขียน: Anne Lars
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-07-19 00:02:54

One Year Later...

**MIRA**

Pagkapasok ko sa loob ng isang luxurious hotel, agad akong sinalubong ng concierge. She gave me a polite smile before gesturing toward the grand hall. Napangiti rin ako bilang tugon at pagkatapos ay nagsimula nang maglakad papasok sa grand hall.

Pagpasok ko, sandali akong natigilan habang iginala ko ang aking mga mata sa engrandeng set-up ng hall. The Cameron Grand Hall glowed like a palace in a fairytale, with crystal chandeliers, a golden carpet like a royal path, and soft violin music playing in the background. Parang isang panaginip ang bumabalot sa akin. Saglit akong binalikan ng alaala ng mga panahong ganito rin ang tanawin sa tuwing may engrandeng event ang pamilyang Adore, mga gabing dati’y bahagi ako ng ganitong mundo. Ngunit mabilis ding nabura ang lahat nang maalala ko ang aking tunay na katayuan ngayon. I am not here as a VIP guest, but as a waitress at my ex-boyfriend’s cousin’s luxurious engagement party.

Wearing a neatly pressed black-and-white waitress uniform, nagsimula na akong maglakad at hindi ko maiwasang ipaling ang tingin sa paligid. Marami nang bisita sa loob at kahit dinig na dinig ang malambing na tugtog ng violin, mas rinig ko pa rin ang tawanan at bulungan ng mga dumalo. Lahat sila ay engrande ang kasuotan at halatang pinaghandaan ang makadalo sa event na ito. Ayoko sanang pumasok ngayon dahil sa totoo lang, I’d rather disappear than step into this ballroom. But I had no choice dahil kailangan kong pumasok kahit late na ako sa kadahilanang kailangan ko ng pera.

Agad may humilang kamay sa akin at paglingon ko ay si Patrick pala.

“Kanina ka pa hinihintay ni Tiya Nadia, Mira. Naku, madadamay na naman ako sa’yo,” tila may gigil niyang sabi habang hila-hila ako patungo sa pantry.

“Ba’t late ka na naman? Makakaltukan ka talaga ni Tiya, gurl,” dagdag pa niya na tila mas lalong nagpakaba sa akin.

“Ok na. Huwag na tayong magmadali,” pilit kong pigil sa kanya sabay tanggal ng kamay niyang nakakapit sa pulsuhan ko.

“Papagalitan niya pa rin naman ako kahit magmadali tayo papasok ng pantry,” sagot ko sa kanya.

“Aray! Ba’t ka nambabatok?!” angal ko sa ginawa niya dahil binatukan ba naman ako ng accla.

“Mas lalo kang papagalitan kung hindi ka magmamadali. Dali na! Bilisan mo dahil magsisimula na ang programa,” muli niya akong hinila hanggang makarating kami sa loob ng pantry.

Ayan, gaya ng inaasahan ay sermon na naman ang inabot ko kay Tiya Nadia. Tinadtad niya ako ng masasakit na salita habang nasa loob kami ng pantry, at ako naman ay nanatiling nakatungo.

Phew! Sanay na ako sa kadadaldal niya at alam ko namang hindi ako mala-late kung wala akong ibang trabaho. Kailangan ko kasing kumayod nang triple o mas tamang sabihing limang trabaho ang mayroon ako sa isang linggo dahil sa laki ng pangangailangan ko.

“Kung tinanggap mo lang sana ang alok ng Tiya Ada mo na ikaw muna ang pumalit sa ate mo, sigurado akong isang gabi pa lang ay may twenty thousand pesos ka na,” ani tiya na tila hindi nauubusan ng mga mungkahi.

“Gamitin mo rin kasi iyang utak mo, Mira. Ba’t ka pa nagpapakahirap sa pagtatrabaho? Pwede mo namang gamitin iyang ganda at katawan mo para kumita ng pera. Bibikaka ka lang naman, pagkatapos ay tatanggap na ng pera,” pagpapatuloy niya.

Hindi ako tumigil sa pagligpit ng mga kagamitang kailangan naming ilabas upang ilagay sa sasakyan ng catering service na pagmamay-ari niya habang kinakausap niya ako. Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya at hindi na rin ako nag-komento pa dahil alam kong wala rin namang patutunguhan ang usapang iyon.

“Tiya, labas na namin ito,” tanging sabi ko dahil hindi ko na ininda ang pangungumbinsi niyang magtrabaho ako sa isang cabaret club.

“Oy, Mira! Kinakausap pa kita!” sigaw niya nang kusa ko na siyang tinalikuran.

“Lakas talaga ng loob mo, beh. Ikaw lang ang nakakayang ganyanin si Tiya,” natatawang saad ni Patrick habang bitbit ang mga hindi kailangan sa loob ng pantry at sabay kaming naglakad sa hallway palabas. Sa back exit kami dumaan para hindi makatawag ng pansin.

Napabuntong-hininga na lang ako. Mas mabuting huwag pansinin ang pinagsasabi niya dahil baka mag-away lang kami at mas lalong gumulo ang sitwasyon. Nang natapos naming hakutin ang gamit, balak ko sanang manatili na lang muna sa loob ng pantry para hindi ako mautusan ni Tiya. Natatakot kasi ako na baka mag-krus ang landas namin ni Vogue o ni Vaughn, pero si Tiya ay tila ayaw makipag-cooperate sa akin. Inutusan niya akong samahan daw si Patrick para mag-serve ng wine sa mga bisita.

Tàngina naman. Malas! Sana talaga ay hindi ako mapansin ng ex-boyfriend ko at ng parents niya.

“Pat, ikaw na ang mag-serve sa kanila,” bulong ko sa pinsan ko sabay turo sa mesa kung saan naroroon si Vogue kasama ang pamilya niya. Nakatalikod siya, pero kahit nakatalikod ay kilalang-kilala ko pa rin ang tindig niya.

He is tall, handsome, and has a masculine body. Dahil masyado akong nakatutok kay Vogue, hindi ko napansin ang nilalakaran ko at aksidente akong may nabangga.

Nahulog ang tray na dala ko at sa isang sandali ay parang namatay ang tugtog sa buong paligid. Tila luminaw sa lahat ang tunog ng tray at ang malakas na pagbagsak ng mamahaling bote ng wine pati na ang mga wine glass sa marble na sahig. Nabasag ang mga iyon.

Shít! Ang tanga ko talaga! Ayaw kong maging center of attraction pero parang mangyayari na naman ang kinatatakutan ko.

“Sorry, sir!” agarang paumanhin ko sa lalaking nabangga ko. Hindi ko na tiningnan kung sino siya at nanatili na lang akong nakayuko habang nanginginig ang mga kamay. Hindi ko alam kung bakit, pero parang napansin kong napasinghap sa gulat ang mga bisita.

Anong meron? Presidente ba ng ibang bansa ang nabunggo ko?

“What the hell have you done?!” isang pamilyar na boses ang pumukaw sa akin. Pagkalingon ko ay doon na nagtagpo ang aming mga mata.

“M-Mira?” halos pabulong na sambit ni Vogue sa pangalan ko at halata sa kanyang mukha na gulat na gulat siya nang makilala niya ako. Ilang ulit akong napalunok ng laway.

Ngunit saglit lang siyang napatitig sa akin dahil agad niyang ibinaling ang tingin sa lalaking nabangga ko, at ganoon din ang ginawa ko.

Dahan-dahan akong napatingala at doon ay tila huminto ang mundo ko. My mouth slightly opened pero agad ko rin iyong isinara. It was Vaughn. Mas lalo akong pinagpawisan nang malaman kong siya pala ang nabangga ko.

Malas talaga dahil ang dalawang taong iniiwasan ko ay nandito ngayon sa harapan ko.

“I’m sorry, Mr. Crossban. Ako na ang humihingi—”

“Shut up,” isang malamig na boses ang lumabas sa bibig ni Vaughn na agad pumutol sa sasabihin ni Vogue. Napatikom na lamang ng bibig ang binata habang bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

While me, pakiramdam ko ay maiihi na ako sa kaba dahil sa presensiya niya. He’s staring at me so cold, yet if you look deeper into his eyes, you can see an intense anger burning within.

“You whore,” kalmado at malamig niyang saad sa harapan ng mga bisita.

Nanigas ang buong katawan ko. Ramdam ng sikmura ko ang paparating na kahihiyan.

​“One year has passed since we last saw each other. Didn't you miss me? The guy you messed up just to run away with an underdog—a man who achieved nothing in life,” dagdag pa niya.

Muli kong ​sinalubong ang kanyang mga mata, ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang lamig ng kanyang pakikitungo na tila ba ayaw na niya akong makita kailanman.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (2)
goodnovel comment avatar
GORGEOUSSTEEL
ꉂ(ˊᗜˋ*)♡,, ,
goodnovel comment avatar
gretchen rossi
friday 9 5 25
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 98

    Isang mabigat na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago ko sila tinalikuran, dala ang bigat ng lihim na unti-unting pumapatay sa akin.Sumunod naman sa akin si Crusher patungong sala kaya hinarap ko siya upang kausapin nang masinsinan.“Ilista mo na lahat ng gusto mong ipabili para wala kang makalimutan. I know Vaughn's attitude, kapag sinabi niyang ibibigay niya, talagang tutuparin niya iyon,” payo ko sa kanya.Napailing naman si Crusher nang marinig ang sinabi ko.“Hindi ko naman kailangan ng mga hindi importanteng gamit. At saka iniisip ko rin na baka may kapalit lahat ng iwawaldas niyang pera sa atin. Baka ikaw pa ang mahirapan kapag siningil ka niya balang araw,” ani Crusher sa mahinang tinig.I just patted his head, proud sa ganitong pag-iisip niya.“Kapag yumaman na ako—yung yaman na pinaghirapan ko talaga—ikaw ang una kong ililibre. Bibilhin ko ang lahat ng gusto mo. Promise,” pangako ko sa kanya habang nakangiti.Ngumiti naman siya nang matamis bilang tugon.Inilabas ko a

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 97

    “Balak kong bumili ng apartment na malayo sa lugar na ito. This place isn’t safe for you anymore,” pang-iiba ko ng paksa.“Magkano bang pera ang ibinigay ni Vaughn sa iyo?” usisa ni Ate Belle, bakas sa kanyang boses ang interes na malaman kung magkano ang perang nasa akin.“Apartment lang ba ang kaya niyang ibigay? Ang yaman-yaman niya, tapos apartment lang ang kaya niyang ilaan para sa amin?” sabad naman ni Hansoni na may halong panghahamak ang kanyang tono.“Ako ang nagdesisyon na sa apartment lang muna kayo titira,” sagot ko naman; isang pahayag na agad na nagpaarko sa kilay ni Ate Belle.“Oh? So may opsyon pala kung sa apartment kami o hindi, pero dahil napakamakasarili mo, mas pinili mong sa apartment na lang kami patirahin,” asik niya sa akin. Ang bawat salita niya ay tila may lason.“Nangutang lang ako ng pera sa kanya para may ipambili ng matitirhan ninyo. Actually, he doesn’t even know that the money I borrowed will be used for you,” pag-amin ko sa kanila.“Punyeta ka talaga,

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 96

    “Good job, Gael. You shot those traitors with impressive precision,” puri niya habang may kinakausap sa kanyang earpiece. Lumakad siya palayo na parang walang nangyaring madugong engkwentro.At ako? Natulala ako sa aking kinaroroonan, hindi makagalaw habang nanunuot ang lamig sa aking mga buto. I saw the real face of Giovanni Valenti, the notorious mafia prince of disguise. Ibig sabihin ba nito ay kamatayan din ang naghihintay sa akin?Tuluyan akong nalugmok sa lupa, hindi makapaniwala sa katotohanang sumampal sa aking mukha.Si Vaughn... ang lalaking pinakasalan ko ay walang iba kundi si Giovanni Valenti. Siya ang taong kayang magpalit-palit ng pagkatao para lamang itago ang kanyang madilim at madugong buhay.“I... I married one of the most notorious mafia bosses. I am going to die soon after seeing Giovanni’s real face,” halos walang boses na bulong ko sa hangin.Nanatili akong tulala, nawalan ng lakas na tumayo dahil sa tindi ng pagkabigla at takot na baka sa susunod na pagkakataon

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 95

    “Anong tinitingin-tingin ninyo?!” hiyaw niya sa mga taong nanonood sa aming eksena noong malapit na siya sa pintuan. Agad na napaatras ang iba habang ang ilan ay mabilis na nag-iwas ng tingin sa takot na madamay sa nagngangalit niyang emosyon.Nang tuluyan na siyang makalabas ng food court, nanginginig ang aking mga daliri habang pilit na dinadial ang numero ni Vaughn. Hindi ko maiwasang labis na mag-alala para sa aking kapatid kaya kailangan ko ang tulong ni Vaughn upang mahanap si Hansoni bago pa maging huli ang lahat.Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung sana noon ko pa naisip na ilipat sila sa isang mas ligtas na tirahan, hindi sana mangyayari ang trahedyang ito, kaya naman nararapat lamang na gumawa ako ng paraan para mahanap siya sa lalong madaling panahon.Inis akong napamura dahil hindi ko ma-contact ang aking asawa. Kung kailan may napakaimportanteng balita akong kailangang sabihin sa kanya, doon pa siya hindi ma-contact.Pagkalabas ko ng pharmacy ay agad akong pumara ng taxi,

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 94

    Pagkatapos ng aming lakad sa ospital ay inihatid ako ni Vaughn sa harap ng Crossban Pharmacy. Napatayo ako sa gilid ng kalsada habang nasa loob siya ng kanyang luxury van. Pilit akong ngumiti at kumaway sa kanya. Isang malamig na tingin lamang ang isinagot niya sa akin bago tuluyang sumara ang salamin ng sasakyan at mabilis itong lumarga palayo.Tumuloy na ako sa pagpasok sa napakalaking gusali ng pharmacy. Habang binabagtas ko ang hallway patungo sa lugar kung saan naroroon ang aking kapatid ay nag-text ako sa kanya para ipaalam na naririto na ako. Kaagad naman siyang nag-reply at sinabing sa food court na lamang kami magkita, kaya agad akong lumiko at nagtungo sa nasabing lugar.Nag-order ako ng maiinom at hinintay ang pagdating ni Ate Belle.“Siya ba iyon? Ang asawa ni Doctor Vaughn?” bulong ng isang babae na dinig na dinig ko naman dahil kakaunti lamang ang tao sa loob ng food court.“Oo, siya nga iyon. Maganda rin naman pala siya sa personal,” ani naman ng isa pa.“Pero kapatid s

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 93

    Maaga akong nagising kinaumagahan habang si Vaughn naman ay mahimbing pa rin ang tulog sa aking tabi. Nakabaluktot siya at walang anumang saplot sa katawan, tanging ang makapal na kumot lamang ang bahagyang tumatakip sa kanyang págkalalaki at sa bawat kurbada ng kanyang matipunong pangangatawan.Hindi kami natuloy sa aming plano kahapon na magtungo sa ospital para sa isang pekeng prenatal check-up, kaya ngayong araw namin ito kailangang gawin. Isa pa, nag-request din si Don Macintosh na ipakita sa kanya ang ultrasound scan bilang patunay na buntis nga talaga ako. “Vaughn,” tawag ko sa kanya habang marahan siyang inalog sa balikat. Mahina lamang siyang napaungol at mas isinubsob ang mukha sa unan, nananatili siya sa kanyang posisyon at tila walang balak bumangon.“Gising na. May lakad pa tayo ngayon. Sabi mo ay pupunta tayo nang maaga sa hospital dahil marami kang aasikasuhin ngayong araw. It’s already 8:50 AM pero ayaw mo pa ring bumangon,” reklamo ko bago ko siya muling inalog nang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status