Share

Chapter 49

Author: Anne Lars
last update Last Updated: 2026-01-21 21:41:28

**VAUGHN**

Nagising ako dahil kanina pa ako naiihi. Nagpipigil lang ako dahil sa antok kaya inaantok pa akong inabot ang remote sa ibabaw ng nightstand para i-switch on ang ilaw. Pagkabukas na pagkabukas nito ay napapikit-pikit pa ang mga mata ko dahil sa sobrang liwanag hanggang sa unti-unti ring nakapag-adjust ang paningin ko. Agad kong nailibot ang mga mata ko sa paligid at kaagad na itinuon ang tingin sa sofa kung saan dapat natutulog si Mira.

Gayunpaman, laking gulat ko nang makitang walang tao sa sofa.

“Where is she?” mahinang tanong ko sa sarili.

Tuluyan na akong napabangon para lapitan ang sofa at doon ay nakakita ako ng ilang strands ng buhok, pero wala na ang taong inaasahan ko. Naisip ko tuloy kung nasaan na siya dahil maging ang unan at kumot na pinahiram ko sa kanya ay wala na rin doon. Napailing na lang ako saglit bago naisipang pumasok muna sa banyo.

Pagkatapos kong umihi ay dumiretso ako sa wardrobe para maghanap ng maisusuot dahil naka-silk robe pa rin ako hangga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 49

    **VAUGHN** Nagising ako dahil kanina pa ako naiihi. Nagpipigil lang ako dahil sa antok kaya inaantok pa akong inabot ang remote sa ibabaw ng nightstand para i-switch on ang ilaw. Pagkabukas na pagkabukas nito ay napapikit-pikit pa ang mga mata ko dahil sa sobrang liwanag hanggang sa unti-unti ring nakapag-adjust ang paningin ko. Agad kong nailibot ang mga mata ko sa paligid at kaagad na itinuon ang tingin sa sofa kung saan dapat natutulog si Mira. Gayunpaman, laking gulat ko nang makitang walang tao sa sofa. “Where is she?” mahinang tanong ko sa sarili. Tuluyan na akong napabangon para lapitan ang sofa at doon ay nakakita ako ng ilang strands ng buhok, pero wala na ang taong inaasahan ko. Naisip ko tuloy kung nasaan na siya dahil maging ang unan at kumot na pinahiram ko sa kanya ay wala na rin doon. Napailing na lang ako saglit bago naisipang pumasok muna sa banyo. Pagkatapos kong umihi ay dumiretso ako sa wardrobe para maghanap ng maisusuot dahil naka-silk robe pa rin ako hangga

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 48

    “Masakit pa rin naman,” tugon niya habang seryoso pa rin ang titig sa akin na tila ba binabasa ang iniisip ko. “Y-You should rest. Tapos ako naman ay aayusin ko lang ang mga damit ko para mailagay sa wardrobe,” saad ko sa kanya. Balak ko na sanang umalis sa kanyang kandungan, pero mabilis niya akong pinigilan. “I said earlier na bukas mo na lang ayusin ang mga gamit mo. Ang gusto kong mangyari ngayon ay simulan na ang lesson na kailangan nating gawin. You need to teach me how to kiss until I get a master of how to properly do it. That's your goal and that's an order, my lowly pet,” aniya kaya naman napakawala ako ng isang mabigat na buntong-hininga. “Diba dapat ang amo ang magtuturo sa alila niya? Bakit parang baliktad yata tayo ngayon?” sagot ko sa kanya dahil hindi ko lubos maisip na ako pa ang magtuturo sa kanya. “The servant is not satisfied with the master’s performance, so it is only right that the servant finds a way to make the master satisfy her,” katwiran niya sa akin.

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 47

    **MIRA** Isang pabagsak na tunog ng pinto ang siyang nagpatigil sa akin sa pagtugon sa bawat agresibong pag-angkin ni Vaughn sa aking mga labi. Padabog iyong isinara ni Caroline nang tuluyan na niyang hindi kinaya ang sitwasyong nasasaksihan niya. Naka-unbutton na ang suot kong blouse kaya kitang-kita na ang aking pulang bra pati na rin ang mga markang iniwan ni Vaughn sa balat ko sa bawat panggigil niya sa akin, habang ang kanyang mga kamay ay abala pa rin sa paghaplos sa hubad na balat ng aking likuran. Nang pinakawalan ni Vaughn ang mga labi ko, inakala ko na hanggang doon na lamang ang lahat. Akala ko na ang tanging layunin niya lamang ay paalisin si Caroline at pagkatapos ay titigil na kami, ngunit mali ako. He continued kissing me, at sa pagkakataong ito ay mas nilalasap niya at bahagya na ring kinakagat ang balat sa aking leeg pababa hanggang sa aking mga balikat. “V-Vaughn,” sambit ko sa pangalan niya sa isang mahinang tinig habang nakahawak sa kanyang balikat dahil gusto k

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 46

    **MIRA** Kitang-kita ko kung paano tumitig si Caroline sa akin habang magkalapat ang mga labi nila ni Vaughn. Ang titig niya ay puno ng hamon, at ang marahang paghaplos ng kanyang kamay sa matipunong dibdib ni Vaughn ay malinaw na anyo ng pagmamay-ari. Para bang sinasadya niyang ipamukha sa akin na siya ang may karapatan sa binata. Dahil sa halo-halong emosyon na hindi ko agad maipaliwanag, napilitan na lamang akong ngumiti nang mapait habang pinapanood silang dalawa. Ngunit mabilis na nagbago ang lahat sa sumunod na ginawa ni Vaughn. Bigla siyang napatayo habang karga pa rin si Caroline at walang pag-aalinlangan niya itong itinapon sa sofa. Dahil sa lakas ng pagkakabagsak ay napasinghap si Caroline at saglit na napaupo, tila nawalan ng ulirat. Kumuha si Vaughn ng tissue mula sa mesa at mabilis niya itong ipinahid sa kanyang labi, na para bang diring-diri siya sa nangyari. Pagkatapos ay nilamukos niya ang tissue at itinapon iyon diretso sa mukha ni Caroline. “Don’t do it again, C

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 45

    **VAUGHN** “Sa lahat ng mga sinungaling na tao sa mundo, ikaw ang pinaka-sinungaling,” puno ng hinanakit kong bulong habang mahigpit na hawak ang picture frame ng aking ina. Nakaupo ako sa sofa, suot ang isang puting silk robe, sa loob ng malawak at malamig kong kwarto. Tahimik ang paligid, ngunit mabigat ang pakiramdam ng hangin. Habang hinihintay ko ang pagdating ni Mira, naisipan kong halungkatin ang drawer kanina at muling inilabas ang litrato ng babaeng isa sa pinaka-kinamumuhian ko sa buong buhay ko. Lahat ng natitirang litrato niya sa mansiyon ay matagal ko nang ipinatago. Ayaw ko nang makita ang mukha niya kahit saang sulok ng bahay na ito. Ang maamong anyo niya at ang sopistikada niyang aura ay parang multong paulit-ulit bumabalik, palaging nagpapaalala na hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nawawala ang galit at poot na nakabaon sa puso ko. Noon, paniwalang-paniwala ako sa bawat kasinungalingang binitiwan niya. Dumating pa sa puntong halos kamuhian ko ang lahat ng t

  • The Only Woman of the Cold Billionaire Mafia Prince   Chapter 44

    **VAUGHN** “Here comes the woman-hater,” bulong ni Zachary noong pumasok ako sa meeting hall. Dahil sa sinabi niyang iyon, kusang napalingon sa direksyon ko ang lahat ng naroon. Masyadong tahimik ang loob ng hall kaya kahit pabulong lang ang pagkakasabi niya ay malinaw ko pa ring narinig ang bawat salita. Mahina lamang na natawa si Vernon na katabi niya sa upuan habang napapailing, para bang sanay na sanay na sa ganitong uri ng pambubuyo. Hindi ko sila pinansin. Lumapit ako sa kinaroroonan nila na may seryosong ekspresyon sa mukha at naupo sa tabi ni Malcomn, na tahimik na naninigarilyo sa mga sandaling iyon. Kumuha rin ako ng isang stick mula sa cigarette packet na nasa mesa at agad ko itong sinindihan, saka marahang humithit bago ibinuga ang usok. “Where is Demetri?” tanong ko matapos mapansing wala pa ang aming supreme leader. Sumabay ang tanong ko sa paglabas ng usok mula sa bibig ko. “Pinuntahan niya muna ang asawa niya sa shooting place,” sagot ni Zachary. “Ang tagal mo raw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status