Masuk**Mira**
Nagmamadali akong nagtungo papasok sa ospital kung saan naka-confine ang kapatid ko. Alas-onse na ng gabi at alam kong kanina pa ako hinihintay ni Hansoni. Pagkapasok ko sa room kung saan naroroon si Ate, nadatnan ko siyang mahimbing na natutulog at si Hansoni naman ay nagpapahinga na, nakahiga sa sofa habang nakatakip ang braso sa kanyang mga mata. Maingat akong napalapit sa kanila. Dahan-dahan kong inilapag ang bitbit kong paper bag sa ibabaw ng drawer bago ko naibalik ang tingin sa nakaratay kong kapatid sa hospital bed. Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa mga kamalasan na nangyari sa pamilya namin. Kasalanan ko lahat kung bakit naging ganito ang sitwasyon namin. Our parents had died in an accident. Nadamay rin si Gorgeauani sa aksidente. Nakaligtas siya ngunit naging embulido dahil naipit ang kanyang mga paa noong nabunggo sila ng malaking truck. Gorgeauani is the eldest son, siya ang tagapagma ng mataas na posisyon sa kompanya namin. Labis siyang naapektuhan sa pagkamatay ng magulang namin, at lalo na sa pagiging inutil niya. He decided to jump off our company building to kill himself. At simula noong nawala silang tatlo, lahat ng pagmamay-ari namin ay naglaho. Naglaho ang lahat in just a short period of time. Though our company brand is still standing, hindi na kami ang may hawak. Lahat kasi ng share namin ay binili ng mga Fedela at ibinenta rin sa iba. Kaya ngayon ay Crossban na ang nagmamay-ari ng brand namin. Naisipan kong maupo sa hospital bed. Kanina pa nangangalay ang mga binti ko. Inaantok na rin ako. Gusto ko nang magpahinga ngunit alam kong hindi ako makakatulog sa kakaisip kung saan ako hahanap ng malaking perang pambayad sa hospital bill ng kapatid ko. This is a private hospital. Itong ospital na ang tinakbuhan namin kahit mahal ang bayarin, kasi masyadong maraming pasyente sa mga dinaanan naming public hospital at wala nang bakante. Kaya sa private hospital na lamang kami napunta. My sister needs urgent treatment. She is experiencing severe bleeding due to a miscarriage, at kapag hindi naagapan ay maaaring ikapahamak niya na pwede niyang ikamatay. “Why are you crying?” isang mahinang boses ang nagpasinghap sa akin. Kaagad kong pinahid ang mga luhang pumatak sa pisngi ko. Pigil naman ang iyak ko, ngunit napansin niya pa rin. “Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain o uminom ng tubig?” pang-iiba ko, ngunit hindi niya ako sinagot. Napaiwas siya ng tingin at tulalang napatitig sa pader. “Sana hinayaan mo na lamang akong mamatay,” may diing aniya. “Natapos na sana ang paghihirap ko,” dagdag pa niya. Napalingon naman ako noong napabangon si Hansoni. Ibubuka ko pa lamang sana ang aking bibig upang kausapin siya, ngunit mabilis siyang napatayo. “Magyoyosi lang ako sa labas,” walang buhay na aniya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Sandali akong napatingala, pilit na pinipigilan ang luha sa aking mga mata. Ganyan sila makitungo sa akin. Malamig at tila mabigat ang loob kapag ako ang nakikita at nakakasama nila. “Sabi ng doctor ay pwede na tayong lumabas bukas. Sinong magbabayad ng bill? May pambayad ka ba?” tanong niya sa akin habang hindi tumitingin. “Wala pa,” mahinang tugon ko. Isang mainit na tingin ang ipinukol sa akin ni Ate Belle. “Wala naman pala. Sana hinayaan mo na lang akong mamatay, Mira. Ayaw ko nang mabuhay na kasama ang isang malas na katulad mo,” mariing sabi niya, puno ng poot ang mga mata. “Gagawa ako ng paraan para makahanap ng pambayad sa bills,” tugon ko na lamang, pilit iniba ang topiko. Ayaw kong mag-away na naman kami. “Saan ka naman maghahanap? Kahit ibenta mo pa ang katawan mo, maging parausan ng isang linggo, hindi mo mababayaran ang mahigit isang daang libong bayarin sa hospital na ito,” aniya, nangangalit na ang ngipin. “Isang kahig, isang tuka na tayo, Mira. Tapos sa palagay mo ay mababayaran mo ang ganoong kalaking halagang bill?” Napatayo naman ako at matapang siyang hinarap. “Mababayaran ko ang bill... bukas na bukas din,” saad ko kahit hindi ko alam kung saan ako hahanap ng ganoong kalaking halagang pera sa isang gabi lang. Pagak naman siyang natawa sa sinabi ko. “Kung utang ang nasa isip mo, walang magpapautang sa atin. Kung tulong naman galing sa gobyerno, hindi nila tayo tutulungan. Mayaman tayo—iyon ang alam nila. Mayaman na nalubog sa utang at nawalan ng lahat ng ari-arian dahil sa katangahan mo!” asik niya sa akin. “Tanga ka kasi! Tanga ka, Mira!” aniya sa akin. “Tanga ka—” “TAMA NA!” saway ko sa kanya, isang may diing saway. Pareho na kaming parehong naghahabol ng hininga. Alam kong pinipigilan niya lamang ang kanyang galit, at ganoon rin ako. “Tumahimik ka na lang, Ate. Aalis ako ngayon. Babalik ako bukas dala ang perang pambayad,” mariing saad ko sa kanya bago ko siya tinalikuran. “Edi, good luck. Sana makahanap ka nga ng perang pambayad para naman kahit papaano ay magkaroon ka rin ng silbi,” malamig na saad niya. Muli ko siyang hinarap. “Kapag nakalabas ka na rito, hindi ka na babalik sa trabaho mo,” mahinahong ani ko na lamang. Muli niya akong binalingan ng isang seryosong tingin, ngunit nakikita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. “Ipapasok kita sa restaurant na pinapasukan ko. The salary is not that high, but at least isang marangal na trabaho ang papasukan mo,” dagdag ko pa. “Hindi naman ako magkakaganito kung ginamit mo lang utak mo,” wika niya. “Kung pinakasalan mo na lang sana si Vaughn, hindi na sana tayo nalubog sa utang. Hindi na sana tayo tuluyang sumadsad sa putik,” nanginginig na boses na aniya. Isa pa iyan sa dahilan kung bakit hindi ako sumipot sa kasal. Alam na pala ng family ko na may relasyon kami ni Vaughn ngunit hindi lamang sila kumibo. Umuwi akong umiiyak noon at nakapagdesisyong hihiwalayan ko na si Vaughn, pero hindi pumayag ang parents ko. They wanted me to marry him kahit hindi raw ako mahal ni Vaughn. Of course, pumayag ako dahil sa kanila at pati na rin sa revenge ko. Hindi ko naisip na ako rin pala ang talo... o sabihin na lamang natin na kami pala ng pamilya ko ang malaking talo dahil sa katangahan ko. Dahil sa pagkapahiya, sa hindi ko pagsipot sa kasal namin ni Vaughn, he used his power upang tuluyang pabagsakin ang negosyo ng pamilya naming matagal ng naghihikahos. Ilang ulit akong napalunok ng laway, pilit na kinukumbinsi ang sarili na huwag maiyak. Kailangan kong magpakatatag dahil ako ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga kapatid ko. “Alis na ako,” iyon na lamang ang nasabi ko. Ayaw kong pahabain pa ang aming usapan dahil away lamang ang kahahantungan nito. Kailangan kong umiwas at magpakabingi upang hindi mauwi sa away ang lahat. Tuluyan ko na siyang tinalikuran at tahimik akong lumabas ng kwarto.**Mira** Pagkapasok namin sa loob ng kwarto niya, I ready myself to give him a head noong nakaupo na siya sa kama. Walang pagdadalawang-isip akong napaluhod sa harapan niya. I tied my hair up, gathering the loose strands para walang sagabal, pero katatapos ko pa lang ay biglang naudlot ang lahat nang tumunog ang cellphone niya. Parang na-freeze ako sa kinaluluhuran ko. Tiningnan ko siya. Kalmado niyang inilabas ang phone mula sa bulsa ng slacks niya, at walang pakialam kung nabitin ako. Sinagot niya agad ang tawag. “Hello? Oh… bakit?” “Ngayon na ba? Hindi na ba pwedeng ipagpaliban? May bisita kasi ako ngayon sa bahay. Tapos nagkaroon pa ako ng problema sa paa—nahihirapan akong makalakad,” malamig niyang tugon sa kausap, bahagyang kumunot ang noo habang tahimik na nakikinig sa kabilang linya. “Oh, sige. Punta na ako riyan,” aniya bago tuluyang ibinaba ang tawag. “Help me,” utos niya, sabay taas ng kamay. Parang natural na lang sa kanya ang mag-utos, at awtomatiko na lamang a
Napagapang na ang palad ko sa hita ni Vaughn sa ilalim ng mesa habang nasa hapag pa rin kami. Napalingon siya sa akin at bahagyang napakunot ang noo. Pinisil ko ang hita niya. Tinitingnan ko siya na parang sinasabihan ng “tama na,” pero napatitig lang siya sa akin. Busog na ako, pero panay pa rin ang offer niya ng food, na para bang gusto niyang hindi na ako makabangon dahil sa sobrang kabusugan. “I’m full,” halos pabulong kong sabi sa kanya. “Try mo lang ‘to. Masarap ‘tong dessert,” muli niyang pamimilit. Napangiti ako ng peke sa kanya nang bigla siyang nagsabi ng “ah,” para pakainin ako. Nakakaramdam na ako ng hiya dahil kung kanina ay dalawang pares lang ng mga mata ang nakatingin, ngayon parang lahat na sila. Napilitan akong isubo ang dessert habang nakatitig sa kanya. “Masarap ba?” may lambing niyang tanong. “hmm oo,” tanging nasabi ko, nakatikom ang bibig habang pilit kong nilulunok ang dessert. Líntek naman! Busog na busog na talaga ako. Pakiramdam ko, sasabog na ang tiya
“If I am trash, then you’re trash too. We are a perfect match, Mira. Huwag mong itaas ang sarili mo sa akin. Dahil alam kong katulad ko, isa ring basura ang ugali mo,” dagdag pa ni Vaughn nang mariin habang nakatingin diretso sa mga mata ko. “Aba’y… dinamay mo pa ako sa kasamaan ng ugali mo,” balik-alma ko, halos umigting ang panga ko. Hindi ko papayagang ituring niya akong kasing sama niya. Magkaiba kami ng pagkatao at lalo na ng pag-uugali. How dare he call me trash like him? “Hoi, Crossban. Huwag mo akong itulad sa’yo. Magkaiba tayo. Malaki ang agwat ng pagkakaiba natin,” mariin kong sagot, pinanlakihan ko siya ng mga mata. “I know. Mahirap ka at mayaman ako,” banat niya, kaswal ang tono na parang nagbibiro pero halatang sinadya niyang ibaon sa utak ko ang sakit ng sinabi niya. Napatigil ako, bago muling matalim na mga tingin ang ipinukol ko sa kanya. Loko ‘to! Talagang isinasampal pa niya sa mukha ko na mahirap lang ako. Eh kasalanan niya rin naman kung bakit ako naghirap
**Mira** Tulala akong napatingin kay Caroline, her furious eyes staring straight at me like she’s going to devour me alive. Para bang ako ang may pinakamalaking kasalanan sa lahat, parang ako pa yata ang pinag-iinitan niya, samantalang si Vaughn naman ang mismong nagtulak sa kanya palayo. “We should stop this drama already,” singit ni Grace, halatang hindi na napigilan ang tensyon na namuo sa labas. May diin ang boses niya, tila ba pagod na siya sa eksenang nakikita. “Pumasok na tayo sa loob,” dagdag pa niya, at siya na ang unang naglakad papasok ng mansiyon, diretso at walang lingon-lingon. Sumunod kaagad si Dana. Samantalang si Camelia naman ay agad na inalalayan si Caroline para makatayo, napahawak sa braso at likod ng anak. “Let’s go, Caro,” mahinahong aya ni Camelia, pero halata sa boses na may bahid ng pamimilit. Nanlilisik pa rin ang mga matang nakatutok sa akin ni Caroline, halos butasin ako sa tindi ng kanyang titig. Nakaangat pa ang baba niya, tila ba sinasabi niyang h
“Tumahimik ka, Dana! Hindi ikaw ang kausap ko! Alam kong mahal niya rin ako! Hindi ako maniniwala na may mahal na siyang iba! Hindi ako maniniwala na may ibinahay siyang babae! Ako lang dapat! Ako lang dapat iyon!” malakas na sigaw ni Caroline, parang batang nagta-trantum na hindi nabilhan ng gusto niyang laruan. Lahat ng tao ay halatang nahihiya at naiinis sa ikinilos niya, pero wala siyang pakialam. Habang abala si Caroline sa pagpupumilit, palihim kong ipinasok ang kamay ko sa bulsa ng coat at pinindot ang screen ng phone. Na-compose ko na kanina ang text para sa kanya, at send button na lang ang kulang. I sent it to Mira, para bumaba na siya, dahil nauubusan na ako ng pasensya kay Caroline. Ilang segundo lang, nag-vibrate ang phone ko. Inilabas ko ito at binasa ang reply niya. “F*ck you ka rin!” Napataas ang kilay ko sa sagot niya, hindi makapaniwala. Agad kong chineck ang mensahe kong nasend, at doon ko nakita kung ano ang nakasulat: “F*ck you.” Oh, God. What the f*ck! “Ki
**Vaughn** Pagkababa ko ng grand stair, diretso na akong nagtungo sa labas ng mansiyon. Nasilayan ko agad sina Grace at Dana na kakalabas lang ng sasakyan, at bago pa man ako makalapit, mabilis na tumakbo si Dana papunta sa kinatatayuan ko. “Kuya Vaughn!” masigla niyang hiyaw bago mahigpit na yumakap sa akin. Napahaplos naman ako sa likuran niya, ramdam ang excitement niya. “Ilang araw lang tayong hindi nagkita, Dana,” saad ko sa nakababatang kapatid kong babae. “Pero kung makayakap ka, parang isang taon tayong hindi nagkasama,” tuloy ko pa, bahagyang natawa. “Syempre, nayayakap lang kita kapag umuuwi ako rito sa mansiyon, Kuya,” sagot niya, may bahid ng lambing at tampo. Humiwalay na siya sa akin at si Grace naman ang pumalit. Saglit lang kaming nagyakap bago nagbeso. “Si Saint?” usisa ko. “Hindi raw siya makakadalo dahil may surgery session siya ngayon,” aniya habang inaaya na pumasok na kami. Bago pa man kami makakilos, lahat kami ay natigilan nang biglang may bum