MasukHabang naglalakad ako sa mahabang hallway palabas ng hospital, mabilis akong natigilan noong mapansin ko si Vaughn sa di-kalayuan. Bahagya kong iginala ang mga mata ko. Mukhang magkukrus na naman ang landas namin. Wala na akong ibang lilikuan kaya nagpatuloy na lamang ako upang salubungin siya sa hallway.
Kailangan kong kumalma at huwag pansinin ang kanyang mga tingin. Sandaling nagtagpo ang mga mata namin at tuluyan kaming nagkasalubong. Noong nakalagpas na kami sa isa’t isa, medyo nakahinga na ako ng maluwag. Ganyan nga, Mira. Ituring mo siyang hangin sa mga oras na makakatagpo mo siya sa hospital na ito. Kaya nga ayaw kong pumunta sa hospital na ito dahil kay Vaughn, ngunit wala akong pagpipilian dahil talagang emergency kaya kailangan kong lunukin ang sinabi ko noon na hinding-hindi na ako aapak sa hospital na pagmamay-ari ng mga Crossban. Hindi ko akalain na magdu-duty siya ngayon. Kakatapos lamang ng engagement party, tapos kakauwi niya lang mula California, kaya nakapagtataka na naririto siya sa hospital, naka-duty. Noong nakalabas na ako sa main exit, kaagad kong hinanap si Hansoni. Nilapitan ko siya noong napansin ko siyang nakaupo sa concrete bench, tahimik na naninigarilyo. “Aalis na ako. Ikaw muna ang magbantay kay Ate,” saad ko sa kanya. Tahimik lamang siyang napatango bago ko naisipang lumabas ng gate upang sumakay ng tricycle pauwi sa tinutuluyan namin. Kailangan ko ring kamustahin si Crusher na siyang nag-iisang naiwan sa bahay na tinutuluyan namin. Boarding house iyon na pagmamay-ari ni Tiya Ada. Nagrerenta lang kami. After 10 minutes na biyahe, nakarating na agad ako sa eskenita na dadaanan patungo sa tinutuluyan ko. Wala kasing traffic kaya mabilis ang biyahe. Naglakad ako sa masikip na eskenita mga 5 minutes bago ko narating ang tatlong palapag na boarding house. Nasa last floor ang inuupahan namin. “Crusher?” katok ko sa pinto. Ilang beses akong napakatok sa pinto ngunit walang nagbukas sa akin. Hinalungkat ko ang bag ko, hinahanap ang susi. Mukhang tulog na tulog ang kapatid ko dahil hindi niya ako pinagbuksan. Ngunit nabuwisit lang ako noong hindi ko mahanap ang susi. “Letse!” tanging mura ko at muling kumatok. “Crusher! Open the door!” hiyaw ko kahit hatinggabi na. Natigilan naman ako sa pagkatok noong biglang bumukas ang kabilang pinto. ”Mira, wala diyan ang kapatid mo. Umalis siya kaninang alas siyete kasama si Badong, ‘yung anak ni Lotlot,” ani Michael na tila inaantok pa. “Sinabi niya ba kung saan sila pupunta?” tanong ko. “Ang narinig ko lang, sa isang bar sila pupunta. Hindi ko nga lang alam kung saan bar,” sagot niya naman. Napabuga ako ng hangin. “Thank you, Michael. Puwede bang makihiram ng pantusok? Nawawala ang susi ko,” pakiusap ko sa kanya. Kaagad naman siyang kumuha ng maliit na metal at tinulungan niya akong buksan ang padlock. Muli akong nagpasalamat sa kanya noong nabuksan ang pinto at nakapasok ako sa loob. Naisipan kong munang magpalit ng damit. Nagmadali ako sa pagpalit dahil hahanapin ko si Crusher. He is a minor kaya kailangan ko siyang hanapin sa mga bar na alam ko. Muli akong sumakay ng tricycle. Habang nasa biyahe ako, hindi ko maiwasang mapahilot sa sentido. Sumasakit na naman ang ulo ko. Hindi ko na kasi alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa bill ng kapatid ko. Napasilip ako sa cellphone ko noong nag-pop ang mensahe ni Patrick. ‘Gurl, where are you? Nakahanap na ako ng taong pwedeng makatulong upang makapagbayad ka ng bill,’ text niya sa akin. Naisipan ko siyang tawagan. “Hello, Pat. Nasa biyahe ako. Wala sa bahay si Crusher, sabi sa akin ni Michael kasama raw ni Badong papunta sa bar. Kailangan ko muna siyang hanapin,” sagot ko naman. “Mira, bukas mo na lang siya hanapin. Katagpuin mo muna itong taong pwedeng makatulong sa’yo para makapagbayad ka sa bill ng ate mo,” tugon niya. “Sino naman ‘yan? Client ni Tiya Ada?” “Gurl, alam kong no choice ka na. Patusin mo na lang. He can give you a 50k offer kapalit ng one night stand. Saan ka naman makakahanap ng gano’n kalaking offer sa isang lalaki kapalit ng virginity mo? ‘Yung iba nga, binenta lang ng 5k ang virginity nila. Ano, aarte ka pa ba?” seryosong litanya niya. “Nahirapan akong makipag-negotiate sa taong ito kaya huwag mo na sanang tanggihan. At least, ‘yung balance na lang ang poproblemahin mo,” dagdag na pangungumbinsi niya sa akin. Muli akong napahilot ng sentido. “Ok,” wika ko na lang kahit napipilitan ako. “Sure ka? Dahil kakausapin ko na siya,” ani Patrick. Desperada na ako kaya papatusin ko na lang, kahit alam kong pagsisisihan ko naman sa huli ang desisyon kong ito. “Sige. Tell him. Papayag na ako, basta sure na 50k ‘yan, huh?” paniniguro ko. “Oo. Sure na sure. Sa Resendo Resto ka na lang bumaba. Naririto kami, naghihintay,” saad niya. “Ok.” Noong nasa harap na ako ng Resendo Resto, napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Wala na ba talaga akong ibang choice bukod sa pagbebenta ng katawan? Bahala na. Tuluyan akong pumasok sa resto at kaagad akong napansin ni Patrick. Mabilis niya akong sinalubong. Naibaling ko naman ang paningin ko sa isang lalaking naka-black suit. Malaki ang katawan—I mean, malaki ang tiyan at puti na rin ang buhok. Sa hitsura pa lang nito, halatang mayaman. “Dr. Alcalan, here she is. She is Mira, 23. Virgin.” Pakilala ni Patrick sa akin sa lalaki. Hindi ko akalain na doctor pala ang nakuha ni Patrick. “Nice to meet you, Mira. You're so pretty and sexy,” nakangiting saad niya habang hawak ang kamay ko. Halata ang panginginig sa mga kamay ko, at alam kong napansin niya iyon. “Don't be afraid, Mira. I handled a lot of virgins kaya safe ka sa akin,” malumanay na saad niya. Napalingon ako kay Patrick. Sumenyas lang siya sa akin na sumama na ako kay Dr. Alcalan. Nauna na itong lumabas ng resto. “Kaya mo ‘yan, insan. Ako na ang bahalang maghanap kay Crusher. At saka, hindi ka naman sasaktan ni Doctor, mabait 'yan. Kilalang-kilala ‘yan ni Tiya Ada dahil suki niya ‘yan si Doctor kapag may bagong pasok na virgin sa club niya,” litanya ni Patrick, pilit pinapanatag ang loob ko. Itinulak na niya ako at sinamahan palabas ng resto. Naisipan niya akong ihatid sa kotse ni Dr. Alcalan upang hindi ko na maisipang umatras pa sa deal. “Set your belt on, baby girl,” ani Doctor sa akin pagkapasok ko sa kotse, katabi niya sa driver’s seat. Napilitan naman akong ikabit ang belt.**Mira** Pagkapasok namin sa loob ng kwarto niya, I ready myself to give him a head noong nakaupo na siya sa kama. Walang pagdadalawang-isip akong napaluhod sa harapan niya. I tied my hair up, gathering the loose strands para walang sagabal, pero katatapos ko pa lang ay biglang naudlot ang lahat nang tumunog ang cellphone niya. Parang na-freeze ako sa kinaluluhuran ko. Tiningnan ko siya. Kalmado niyang inilabas ang phone mula sa bulsa ng slacks niya, at walang pakialam kung nabitin ako. Sinagot niya agad ang tawag. “Hello? Oh… bakit?” “Ngayon na ba? Hindi na ba pwedeng ipagpaliban? May bisita kasi ako ngayon sa bahay. Tapos nagkaroon pa ako ng problema sa paa—nahihirapan akong makalakad,” malamig niyang tugon sa kausap, bahagyang kumunot ang noo habang tahimik na nakikinig sa kabilang linya. “Oh, sige. Punta na ako riyan,” aniya bago tuluyang ibinaba ang tawag. “Help me,” utos niya, sabay taas ng kamay. Parang natural na lang sa kanya ang mag-utos, at awtomatiko na lamang a
Napagapang na ang palad ko sa hita ni Vaughn sa ilalim ng mesa habang nasa hapag pa rin kami. Napalingon siya sa akin at bahagyang napakunot ang noo. Pinisil ko ang hita niya. Tinitingnan ko siya na parang sinasabihan ng “tama na,” pero napatitig lang siya sa akin. Busog na ako, pero panay pa rin ang offer niya ng food, na para bang gusto niyang hindi na ako makabangon dahil sa sobrang kabusugan. “I’m full,” halos pabulong kong sabi sa kanya. “Try mo lang ‘to. Masarap ‘tong dessert,” muli niyang pamimilit. Napangiti ako ng peke sa kanya nang bigla siyang nagsabi ng “ah,” para pakainin ako. Nakakaramdam na ako ng hiya dahil kung kanina ay dalawang pares lang ng mga mata ang nakatingin, ngayon parang lahat na sila. Napilitan akong isubo ang dessert habang nakatitig sa kanya. “Masarap ba?” may lambing niyang tanong. “hmm oo,” tanging nasabi ko, nakatikom ang bibig habang pilit kong nilulunok ang dessert. Líntek naman! Busog na busog na talaga ako. Pakiramdam ko, sasabog na ang tiya
“If I am trash, then you’re trash too. We are a perfect match, Mira. Huwag mong itaas ang sarili mo sa akin. Dahil alam kong katulad ko, isa ring basura ang ugali mo,” dagdag pa ni Vaughn nang mariin habang nakatingin diretso sa mga mata ko. “Aba’y… dinamay mo pa ako sa kasamaan ng ugali mo,” balik-alma ko, halos umigting ang panga ko. Hindi ko papayagang ituring niya akong kasing sama niya. Magkaiba kami ng pagkatao at lalo na ng pag-uugali. How dare he call me trash like him? “Hoi, Crossban. Huwag mo akong itulad sa’yo. Magkaiba tayo. Malaki ang agwat ng pagkakaiba natin,” mariin kong sagot, pinanlakihan ko siya ng mga mata. “I know. Mahirap ka at mayaman ako,” banat niya, kaswal ang tono na parang nagbibiro pero halatang sinadya niyang ibaon sa utak ko ang sakit ng sinabi niya. Napatigil ako, bago muling matalim na mga tingin ang ipinukol ko sa kanya. Loko ‘to! Talagang isinasampal pa niya sa mukha ko na mahirap lang ako. Eh kasalanan niya rin naman kung bakit ako naghirap
**Mira** Tulala akong napatingin kay Caroline, her furious eyes staring straight at me like she’s going to devour me alive. Para bang ako ang may pinakamalaking kasalanan sa lahat, parang ako pa yata ang pinag-iinitan niya, samantalang si Vaughn naman ang mismong nagtulak sa kanya palayo. “We should stop this drama already,” singit ni Grace, halatang hindi na napigilan ang tensyon na namuo sa labas. May diin ang boses niya, tila ba pagod na siya sa eksenang nakikita. “Pumasok na tayo sa loob,” dagdag pa niya, at siya na ang unang naglakad papasok ng mansiyon, diretso at walang lingon-lingon. Sumunod kaagad si Dana. Samantalang si Camelia naman ay agad na inalalayan si Caroline para makatayo, napahawak sa braso at likod ng anak. “Let’s go, Caro,” mahinahong aya ni Camelia, pero halata sa boses na may bahid ng pamimilit. Nanlilisik pa rin ang mga matang nakatutok sa akin ni Caroline, halos butasin ako sa tindi ng kanyang titig. Nakaangat pa ang baba niya, tila ba sinasabi niyang h
“Tumahimik ka, Dana! Hindi ikaw ang kausap ko! Alam kong mahal niya rin ako! Hindi ako maniniwala na may mahal na siyang iba! Hindi ako maniniwala na may ibinahay siyang babae! Ako lang dapat! Ako lang dapat iyon!” malakas na sigaw ni Caroline, parang batang nagta-trantum na hindi nabilhan ng gusto niyang laruan. Lahat ng tao ay halatang nahihiya at naiinis sa ikinilos niya, pero wala siyang pakialam. Habang abala si Caroline sa pagpupumilit, palihim kong ipinasok ang kamay ko sa bulsa ng coat at pinindot ang screen ng phone. Na-compose ko na kanina ang text para sa kanya, at send button na lang ang kulang. I sent it to Mira, para bumaba na siya, dahil nauubusan na ako ng pasensya kay Caroline. Ilang segundo lang, nag-vibrate ang phone ko. Inilabas ko ito at binasa ang reply niya. “F*ck you ka rin!” Napataas ang kilay ko sa sagot niya, hindi makapaniwala. Agad kong chineck ang mensahe kong nasend, at doon ko nakita kung ano ang nakasulat: “F*ck you.” Oh, God. What the f*ck! “Ki
**Vaughn** Pagkababa ko ng grand stair, diretso na akong nagtungo sa labas ng mansiyon. Nasilayan ko agad sina Grace at Dana na kakalabas lang ng sasakyan, at bago pa man ako makalapit, mabilis na tumakbo si Dana papunta sa kinatatayuan ko. “Kuya Vaughn!” masigla niyang hiyaw bago mahigpit na yumakap sa akin. Napahaplos naman ako sa likuran niya, ramdam ang excitement niya. “Ilang araw lang tayong hindi nagkita, Dana,” saad ko sa nakababatang kapatid kong babae. “Pero kung makayakap ka, parang isang taon tayong hindi nagkasama,” tuloy ko pa, bahagyang natawa. “Syempre, nayayakap lang kita kapag umuuwi ako rito sa mansiyon, Kuya,” sagot niya, may bahid ng lambing at tampo. Humiwalay na siya sa akin at si Grace naman ang pumalit. Saglit lang kaming nagyakap bago nagbeso. “Si Saint?” usisa ko. “Hindi raw siya makakadalo dahil may surgery session siya ngayon,” aniya habang inaaya na pumasok na kami. Bago pa man kami makakilos, lahat kami ay natigilan nang biglang may bum