INICIAR SESIÓNApat na Buwan ang Nakalipas...
Ang set ng “The Diamond’s Solace”—ang pinaka-inaabangang pelikula ng taon—ay punong-puno ng tao. Ang ingay ng mga crew, ang utos ng direktor, at ang nakakasilaw na mga spotlight ay bahagi na ng araw-araw na buhay ni Zoe Mondragon. Siya ang sentro ng atensyon, ang reyna ng set, at ang mukhang inaasahan ng buong produksyon. Ngunit sa likod ng makapal na make-up at mamahaling costume, may isang lihim na pilit itinatago si Zoe—isang lihim na nagsimula apat na buwan na ang nakalilipas sa loob ng isang penthouse sa Bonifacio Global City. “Zoe, darling! In five minutes, we’ll shoot the confrontation scene. Kailangan ko ’yung emosyon mo, ’yung galit na may halong sakit, okay?” sigaw ni Direk Lauren mula sa monitor. Tumango si Zoe, pero ang totoo, hindi galit ang nararamdaman niya kundi isang matinding pag-ikot ng sikmura. Sa nakalipas na dalawang linggo, tila naging kaaway niya ang sarili niyang katawan. Ang dati niyang paboritong amoy ng kape sa set ay biglang naging amoy ng basura para sa kanya. Ang paborito niyang pagkain ay hindi niya malunon. “Zoe, are you okay? Namumutla ka,” bulong ni Tin, ang kanyang matapat na assistant, habang inaabutan siya ng tubig. “I’m fine, Tin. Siguro kulang lang sa tulog dahil sa sunod-sunod na taping,” sagot ni Zoe, pilit na pinapatatag ang boses. Pero pagkakita niya sa tubig, tila may kung anong umakyat mula sa kanyang tiyan patungo sa kanyang lalamunan. “Lights! Camera! Action!” Nagsimula ang eksena. Zoe was supposed to cry while shouting at her leading man. Pero sa gitna ng kanyang linya, ang mundo ay biglang naging malabo. Ang mga ilaw ay naging mga bilog na puti na sumasayaw sa kanyang paningin. Ang amoy ng usok mula sa kabilang set ay tila isang hudyat para sa kanyang katawan na sumuko. “I… I can’t…” ang huling nasabi ni Zoe bago siya tuluyang napaluhod. “Cut! Zoe!” Mabilis na dumaloy ang mga crew patungo sa kanya. Ramdam ni Zoe ang lamig ng sahig, pero mas malamig ang pawis na namumuo sa kanyang noo. Sa isang iglap, nawala ang lahat ng kanyang "angas." Ang "Diamond" ay muling nagbitak sa harap ng maraming tao. “Zoe! Zoe, gising!” ang huling narinig niya bago ang lahat ay naging itim. Nang magising si Zoe, nasa loob na siya ng kanyang private dressing room. Nakapatay ang malalakas na ilaw at tanging si Tin at ang kanyang manager na si Maya ang nasa loob. Ang mukha ni Maya ay puno ng pag-aalala at katanungan—isang tingin na kinatatakutan ni Zoe. “Zoe, uminom ka muna nito,” sabi ni Maya, iniabot ang isang baso ng juice. “Nag-alala ang buong set. Pinatigil ko muna ang shooting. Sinabi ko na lang na overfatigue ka.” “Salamat, Maya,” mahinang sagot ni Zoe. “Zoe, magpakatotoo tayo,” seryosong sabi ni Maya, lumapit ito at naupo sa tabi ng aktres. “Hindi ito normal na pagkapagod lang. Tatlong beses mo na itong ginawa ngayong linggo. At napansin ko, palagi kang nakahawak sa tiyan mo. Zoe… kailan ang huling dalaw mo?” Natigilan si Zoe. Ang kanyang puso ay nagsimulang tumibok nang mabilis—kasing bilis ng tibok nito noong gabing nasa ilalim siya ni Jace Villareal. Sinubukan niyang mag-isip, mag-calculate, pero ang sagot ay isa lang. Apat na buwan na siyang hindi dinadalaw. “Apat na buwan…” bulong ni Zoe, ang kanyang boses ay nanginginig. Napa-singhap si Maya. “Apat na buwan?! Zoe, alam mo ba kung anong ibig sabihin nito? Isang malaking scandal ito! Ang 'Nation’s Sweetheart,' buntis sa gitna ng pinakamalaking movie niya? Sino ang ama?” Sa tanong na iyon, ang mukha ni Jace Villareal—ang aroganteng ngisi nito, ang malamig na mga mata, at ang mga kamay na pilit niyang kinalimutan—ay muling bumalik sa kanyang alaala. Ang "lipstick message" na iniwan niya sa salamin ay tila bumalik sa kanya para pagtawanan siya. Sinabi niyang “the patient survived,” pero ang totoo, may naiwan palang bahagi ng doktor sa loob niya. “Hindi pwede ito…” Zoe stood up, pacing back and forth despite her weakness. “Maya, hindi pwede. Maraming contracts ang masisira. Ang career ko… ang Diamond image ko…” “Zoe, kalimutan mo muna ang career! Isipin mo ang sarili mo!” giit ni Maya. “Kailangang masiguro natin ito. Tin, bumili ka ng test. Ngayon din.” Nang makuha ni Zoe ang maliit na plastic na gamit, pumasok siya sa banyo na tila ba papasok siya sa isang bitayan. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang hinihintay ang resulta. “Please, let it be negative. Please, let it be just a glitch,” dasal niya. Ngunit ang tadhana ay may ibang plano. Dalawang pulang guhit. Malabo ang isa, pero sapat na para basagin ang buong mundo ni Zoe Mondragon. Napasandal siya sa pader ng banyo, ang luha na kanina pa niya pinipigilan ay tuluyan nang pumatak. Ang "glitch" na sinasabi ni Jace ay hindi lang pala isang salita. Ito ay isang buhay. Isang buhay na nabuo mula sa isang gabing puno ng pride at pagnanasa. Isang buhay na galing sa lalaking pinaka-ayaw niyang makita uli. Lumabas siya ng banyo, bitbit ang test kit. Sa isang tingin pa lang, alam na nina Maya at Tin ang sagot. Ang dressing room ay nabalot ng mabigat na katahimikan. “Anong gagawin natin, Zoe?” tanong ni Maya, ang boses ay mahina na ngayon. “Kailangang malaman ng ama. Sino siya?” Zoe looked at her reflection in the dressing room mirror—the same way she looked at herself sa penthouse ni Jace apat na buwan na ang nakalipas. Dati, ang nakikita niya ay isang babaeng nanalo sa laro. Ngayon, ang nakikita niya ay isang babaeng tinalo ng sarili niyang kapangyarihan. “Hindi niya pwedeng malaman,” matigas na sabi ni Zoe, pinapahiran ang kanyang mga luha. “He’s a surgeon, Maya. He fixes mistakes. At siguradong ituturing lang niya itong bata na ito na isang pagkakamaling dapat burahin. Hindi ko hahayaang hawakan niya ang anak ko gamit ang mga scalpel niya.” “Pero Zoe, paano ang career mo? Paano kapag lumaki na ang tiyan mo?” “Magtatago ako,” sagot ni Zoe, ang kanyang determinasyon ay muling bumabalik. “Aalis ako. Sasabihin natin na mag-aaral ako sa ibang bansa o magpapahinga. Pero hinding-hindi malalaman ni Jace Villareal na may naiwan siyang 'glitch' na hinding-hindi niya makokontrol.” Sa labas, muling sumigaw ang direktor para sa susunod na eksena. Pero alam ni Zoe, ang totoong drama ay nagsisimula pa lang. Ang "Diamond" ay kailangang maglaho para protektahan ang tanging bagay na mas mahalaga pa sa kanyang career—ang anak ng lalaking pilit niyang tinatakasan, ngunit habambuhay na niyang dadalhin. Zoe touched her still-flat stomach, a bitter smile on her lips. “You were too easy to break, Jace. Pero sa huli, mukhang ako pala ang tuluyang nabasag.”Alas-otso ng umaga. Ang sikat ng araw sa El Nido, Palawan ay sadyang nakakasilaw, pero para kay Jace Villareal na kasalukuyang nasa deck ng isang luxurious private yacht, wala siyang pakialam sa view. Habang sina Sebastian, Dylan, at Drake ay abala sa pag-uusap tungkol sa investment at sina Althea at Lianne ay nagtatawanan habang kumukuha ng photos, si Jace ay parang estatwa na nakatitig sa kanyang iPad. Sa screen, kitang-kita ang live feed mula sa penthouse. High-definition. Ang anggulo ay diretso sa kusina kung nasaan si Zoe, na kasalukuyang nakatayo sa harap ng refrigerator. "Kuya! Seriously? Pati ba naman dito sa gitna ng dagat, 'research' pa rin ang binabasa mo?" bulyaw ni Lianne habang lumalapit, bitbit ang isang baso ng fruit shake. Mabilis na pinatay ni Jace ang screen. "It's a critical observation, Lianne. I told you, my patient’s stability is my priority." "Patient o obsession?" singit ni Sebastian (Bash) na may nakakalokong ngisi. Lumapit ito kay Jace at bumulong
Gabi bago ang nakatakdang pag-alis ng barkada patungong Palawan, ang hangin sa loob ng penthouse ay tila punong-puno ng kuryente. Imbes na nag-e-empake ng kanyang mga gamit, abala si Jace sa harap ng kanyang main console sa study room. Hindi mga medical records ang tinitingnan niya, kundi ang labing-anim na magkakaibang anggulo ng CCTV na naka-install sa bawat sulok ng unit—mula sa kusina hanggang sa paanan ng kama ni Zoe. "Sigurado ka ba rito, Jace?" ang boses ni Sebastian ay narinig mula sa speaker ng phone niya. "Althea is asking why you’re so tense. Halos mahalata na niya na may hindi ka sinasabi sa amin." "I have everything under control, Bash," sagot ni Jace, ang kanyang mga mata ay hindi umaalis sa screen kung saan nakikitang nakaupo si Zoe sa sofa, matamlay na nanonood ng TV. "The sensors are linked to my phone. Kapag lumabas siya ng unit, mag-a-alarm ang security detail mo sa lobby at magno-notify sa akin. Kapag tumaas ang heart rate niya, ang fetal monitor ay direktang m
Sa loob ng master bedroom, parang estatwa si Zoe habang nakadikit ang tenga sa pinto. Ang tibok ng puso niya ay mas malakas pa sa tunog ng fetal monitor sa tabi niya. Rinig na rinig niya ang bawat salita ni Lianne mula sa sala. "Kuya, stop the research excuse," ang boses ni Lianne ay puno ng hinala. "Isang buwan ka nang hindi umuuwi sa bahay. Even Mom is starting to think you’re hiding a scandal. May babae ka ba rito? O baka naman totoo 'yung chismis sa hospital na may tinatago kang 'VIP patient' para sa sarili mo?" "Lianne, my patients are confidential. And my time is my own," malamig na sagot ni Jace, pero ramdam ni Zoe ang tensyon sa boses nito. "Confidential? O personal?" tinaasan siya ng kilay ni Lianne habang inililibot ang tingin sa penthouse. "If you don't come to Palawan with us next week, I’m telling Mom to visit you here. At alam mo si Mommy, hindi 'yun titigil hangga't hindi nabubuksan ang bawat pinto ng unit mo." Napatigil si Jace. Sa loob ng kwarto, napakapit si
Isang buwan. Tatlumpung araw na ang nakalipas simula nang huling masilayan ng publiko ang mukha ni Zoe Mondragon. Sa loob ng tatlumpung araw na iyon, ang penthouse ni Jace Villareal ay naging buong mundo ni Zoe. Ang tanging nakikita niya ay ang puting kisame, ang view ng skyline mula sa bintana, at ang seryosong mukha ni Jace tuwing umaga at gabi.Ngunit sa labas ng "golden cage" na iyon, ang mundo ng showbiz ay tila isang bulkang malapit nang sumabog.Sa loob ng master bedroom, nakasandal si Zoe sa kanyang orthopedic bed habang hawak ang "Safety Phone" na ibinigay ni Jace. Bagama't limitado ang access nito, hindi napigilan ni Zoe na i-search ang sarili niyang pangalan sa browser. At ang nakita niya ay nagpatibok nang mabilis sa kanyang puso.TRENDING TOPIC: #WhereIsZoeMondragonIsang sikat na spazzer account, ang 'The Showbiz Eye', ang nag-post ng isang mahabang thread na may libu-libong shares:*"Isang buwan na ang nakalipas simula nang ilabas ng Astrid-Luxe ang statement tungk
Maaga pa lang ay gising na si Jace. Suot ang kanyang black apron sa ibabaw ng isang puting t-shirt, seryoso siyang naghiwa ng mga organic fruits at nag-prepare ng poached eggs na may avocado toast. Bawat sangkap ay tinitimbang niya—kailangang sakto ang calories at nutrients para kay Zoe. Ang aroganteng neurosurgeon ay naging isang meticulous na chef sa isang iglap. Habang hinihintay niyang maluto ang oatmeal, biglang umalingawngaw ang tunog ng kanyang phone sa counter. Nang makita ang pangalan sa screen, bahagyang lumambot ang kanyang ekspresyon. "Hey," sagot ni Jace, itinapat ang phone sa kanyang tenga habang ang kabilang kamay ay patuloy sa pag-aayos ng plato. "Kuya! Bakit hindi ka umuwi kagabi sa bahay?" ang boses ni Lianne ay puno ng pagtataka at konting pangungulit mula sa kabilang linya. "Mom was looking for you during dinner. Sabi ko baka nasa hospital ka pa, pero sabi ni Nurse Kelly, maaga ka raw umalis." "I'm at the penthouse, Lianne. I have... things to finish," m
Habang mahimbing na natutulog si Zoe sa loob ng master bedroom—sa ilalim ng mahigpit na monitoring ng mga sensor na nakakabit sa kanyang kama—si Jace Villareal naman ay nasa kanyang malawak na balkonahe. Ang malamig na hangin ng madaling araw ay hindi sapat para palamigin ang gulong nararamdaman niya. Sa harap niya ay ang kanyang laptop, kung saan naka-video call ang tatlo pang miyembro ng The Quad. Sina Sebastian (Bash), Dylan, at Drake ay mukhang mga pagod din pero hindi pinalampas ang pagkakataong "i-interrogate" ang kaibigan. "So, how's the patient? O baka dapat kong itanong, how's the prisoner?" panunukso ni Dylan, habang may hawak na baso ng alak sa kabilang linya. Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Jace sa screen. "She's stable. Her vitals are within the normal range for a high-risk pregnancy. I've already administered the first set of progesterone." "Cut the medical talk, Jace," putol ni Drake, ang boses ay seryoso at business-like. "We know you. You don't just '
Ang set ng bagong series ni Zoe na "Heir of the Broken Moon" ay abala para sa kanilang ikatlong araw ng taping. Ito ang pinaka-ambisyosong proyekto ng Astrid-Luxe Productions ngayong taon, at bilang leading lady, ang mukha ni Zoe ang nakapaskil sa bawat promotional teaser. Kahit nakakaramdam ng mat
Hindi na hinintay ni Zoe ang sagot ni Jace. Sa isang marahas na pagpihit, tinalikuran niya ang doktor at naglakad palabas ng opisina na tila ba siya ang nanalo sa diskusyong iyon. Ang tunog ng pagsara ng pinto ay umalingawngaw sa buong silid, na nag-iwan kay Jace Villareal na nakatayo pa rin sa lik
Sa loob ng kanyang penthouse, hindi na mapakali si Jace Villareal. Ang baso ng mamahaling whiskey sa kanyang kamay ay kanina pa hindi nababawasan dahil ang kanyang isip ay abala sa pag-reconstruct ng bawat segundong nakaharap niya si Zoe Mondragon sa kanyang opisina. "High-risk," bulong niya sa h
Napasandal si Zoe sa malamig na pader ng hallway, halos hindi humihinga habang nakikiramdam sa bawat yabag ng sapatos ni Jace. Mula sa kanyang pinagtataguan sa likod ng malaking structural pillar, nakikita niya ang anino ng doktor na papalapit sa kanyang direksyon. Bawat segundo ay tila isang oras;



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



