LOGINHello, KA-BOOKIES! Matapos nating masubaybayan ang kwento ni Sebastian Castillo sa Owned by the Playboy CEO, narito na naman tayo sa panibagong kwento. Sa pagkakataong ito, makikilala natin ang isa sa kanyang mga kaibigan—si Jace Villareal, isang kilalang surgeon na kilala rin sa pagiging playboy. Ito ang simula ng kanyang kwento sa “Pregnant by the Playboy Surgeon (Jace Villareal).” Isang kwento ng pag-ibig, mga pagkakamali, at mga desisyong maaaring magbago ng buhay ng dalawang tao. Sana ay patuloy ninyo akong suportahan at samahan sa kwentong ito tulad ng ginawa ninyo sa kwento ni Sebastian Castillo. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagbabasa at suporta. At special thanks din kay Katrina Gracia Gamale sa pagiging isa sa mga unang sumuporta sa aking bagong story. Thank you so much and happy reading! 💕
Sa loob ng kanyang penthouse, hindi na mapakali si Jace Villareal. Ang baso ng mamahaling whiskey sa kanyang kamay ay kanina pa hindi nababawasan dahil ang kanyang isip ay abala sa pag-reconstruct ng bawat segundong nakaharap niya si Zoe Mondragon sa kanyang opisina. "High-risk," bulong niya sa hangin, ang boses ay puno ng frustration. "And she has the audacity to walk out on me?" Sunod-sunod ang tunog ng kanyang smartphone sa ibabaw ng glass table. Ang Group Chat ng The Quad ay tila sasabog na sa dami ng notifications. Kanina pa doon nagkakalat ng kung ano-anong teorya si Dylan Alcantara habang si Drake Monteverde ay paminsan-minsang nag-i-interject ng business logic. Biglang nag-pop up ang isang pangalan na kanina pa tahimik sa usapan. Bash (Sebastian Castillo): What the hell is happening?! Kanina pa sumasabog ang phone ko sa notifications niyo! I’m in the middle of a strategic planning with Althea, and my pocket keeps vibrating. Is someone dead? Dylan: Worse, Bash. Much w
Ang set ng bagong series ni Zoe na "Heir of the Broken Moon" ay abala para sa kanilang ikatlong araw ng taping. Ito ang pinaka-ambisyosong proyekto ng Astrid-Luxe Productions ngayong taon, at bilang leading lady, ang mukha ni Zoe ang nakapaskil sa bawat promotional teaser. Kahit nakakaramdam ng matinding pagkahilo at pagsama ng pakiramdam, pilit na itinatago ni Zoe ang lahat sa likod ng kanyang mahusay na pag-arte. Ayaw niyang mapansin ng production na may iniinda siya, lalo na’t alam niyang milyon ang nakataya sa bawat minutong tumatakbo ang camera. "And... cut! Great job, Zoe! Ten minutes break, everyone!" sigaw ng direktor. Agad na inalalayan ni Tin at Maya si Zoe patungo sa kanyang airconditioned tent. Pagpasok na pagpasok nila, agad na bumagsak ang balikat ni Zoe at napahawak siya sa kanyang tiyan. Ang kaba niya matapos ang engkwentro kay Jace sa ospital ay hindi pa rin humuhupa, tila bawat tibok ng puso niya ay may kasamang pangamba. "Zoe, uminom ka muna nito. It's ginger
Hindi na hinintay ni Zoe ang sagot ni Jace. Sa isang marahas na pagpihit, tinalikuran niya ang doktor at naglakad palabas ng opisina na tila ba siya ang nanalo sa diskusyong iyon. Ang tunog ng pagsara ng pinto ay umalingawngaw sa buong silid, na nag-iwan kay Jace Villareal na nakatayo pa rin sa likod ng kanyang mesa, ang kanyang mga kamao ay nakadiin sa mahogany wood hanggang sa mamuti ang kanyang mga buku-buko. Katahimikan. Isang uri ng katahimikang hindi sanay si Jace. Bilang isang surgeon, ang katahimikan para sa kanya ay simbolo ng konsentrasyon. Pero ang katahimikang iniwan ni Zoe ay simbolo ng kaguluhan. Dahan-dahan siyang naupo sa kanyang swivel chair, ang kanyang paningin ay nakapako sa envelope na naiwan sa kanyang desk. Inabot niya ito, ang kanyang mga daliri—na kilala sa pagiging steady kahit sa pinaka-komplikadong brain surgery—ay bahagyang nangangatog. Positive. 16 weeks. "Bullshit," bulong niya sa hangin. Huminga siya nang malalim, pilit na ibinabalik ang kanya
Napasandal si Zoe sa malamig na pader ng hallway, halos hindi humihinga habang nakikiramdam sa bawat yabag ng sapatos ni Jace. Mula sa kanyang pinagtataguan sa likod ng malaking structural pillar, nakikita niya ang anino ng doktor na papalapit sa kanyang direksyon. Bawat segundo ay tila isang oras; ramdam ni Zoe ang mabilis na pitik ng kanyang pulso sa leeg at ang bahagyang paninigas ng kanyang puson dahil sa kaba. Nang tumigil si Jace para kausapin ang isang dumaraang resident doctor, kinuha ni Zoe ang pagkakataon. Yumuko siya nang bahagya, hinigpitan ang hawak sa kanyang coat, at mabilis na bumalik sa clinic ni Dr. Elena Cruz sa paraang tila isang aninong tumatakas sa liwanag. Hingal na hingal siyang pumasok sa loob at isinara ang pinto, ang kanyang likod ay nakadikit sa kahoy habang pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi siya pwedeng magtago habambuhay; kung ang tadhana na mismo ang nagdala sa kanya sa lungga ng leon, kailangang siya ang unang kumagat. Sa loob ng clinic ni Dr. E
Ang loob ng dressing room ni Zoe ay tila naging kasing sikip ng isang selda. Ang bawat buntong-hininga ni Maya ay parang kulog sa pandinig ng aktres. Hawak pa rin ni Zoe ang pregnancy test kit, ang dalawang pulang guhit na tila nanunuya sa kanyang bawat pangarap at plano. "I'm leaving, Maya," basag ni Zoe sa katahimikan. Ang kanyang boses, bagaman nanginginig, ay puno ng pinalidad. "Aalis ako ng bansa. Ngayon din. Sabihin niyo na lang sa press na may health issues ako. I don't care. Basta kailangan kong mawala bago pa malaman ng publiko... at bago pa malaman ng lalaking 'yun." "Zoe, makinig ka!" mariing pigil sa kanya ni Maya. "Hindi ganoon kadali 'yun. Nahilo ka dahil apat na buwan ka nang buntis at ngayon mo lang nalaman! You need a proper check-up, Zoe. Kailangan nating malaman kung naging maayos ba ang development ng bata kahit wala kang vitamins." Napaupo si Zoe, talunan. "Fine. Pero saang clinic? Kapag may nakakita sa akin sa kahit saang hospital, headline na ako bukas."
Apat na Buwan ang Nakalipas... Ang set ng “The Diamond’s Solace”—ang pinaka-inaabangang pelikula ng taon—ay punong-puno ng tao. Ang ingay ng mga crew, ang utos ng direktor, at ang nakakasilaw na mga spotlight ay bahagi na ng araw-araw na buhay ni Zoe Mondragon. Siya ang sentro ng atensyon, ang reyna ng set, at ang mukhang inaasahan ng buong produksyon. Ngunit sa likod ng makapal na make-up at mamahaling costume, may isang lihim na pilit itinatago si Zoe—isang lihim na nagsimula apat na buwan na ang nakalilipas sa loob ng isang penthouse sa Bonifacio Global City. “Zoe, darling! In five minutes, we’ll shoot the confrontation scene. Kailangan ko ’yung emosyon mo, ’yung galit na may halong sakit, okay?” sigaw ni Direk Lauren mula sa monitor. Tumango si Zoe, pero ang totoo, hindi galit ang nararamdaman niya kundi isang matinding pag-ikot ng sikmura. Sa nakalipas na dalawang linggo, tila naging kaaway niya ang sarili niyang katawan. Ang dati niyang paboritong amoy ng kape sa set ay b







