LOGINAng sikat ng araw na tumatama sa mukha ni Jace Villareal ay tila isang mapangahas na istorbo sa kanyang mahimbing na tulog. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata, ang kanyang katawan ay nakakaramdam ng isang uri ng pagod na hindi dulot ng labing-walong oras na operasyon—ito ay pagod ng isang lalaking nakuha ang lahat ng pagnanasa niya sa loob ng isang gabi.
Isang pamilyar na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakapikit pa rin. Ramdam niya ang gaan ng kanyang pakiramdam. Sa isip niya, napatunayan na naman niya ang kanyang teorya: kahit ang pinakamakinang na "Diamond" ay kayang pasukuin ng kanyang precision. Inabot niya ang kabilang panig ng kama, inaasahang mararamdaman ang mainit at malambot na balat ni Zoe Mondragon. Ngunit tanging ang malamig at bakanteng charcoal-gray na kumot ang sinalubong ng kanyang palad. Napabalikwas ng bangon si Jace. Kumunot ang kanyang noo habang ini-scan ang buong master's bedroom. Ang katahimikan sa loob ng penthouse ay tila isang malakas na sampal sa kanyang mukha. "Zoe?" tawag niya, ang boses ay paos pa dahil sa kagigising lang. Walang sumagot. Walang yabag ng paa mula sa banyo. Walang tunog ng shower. Tumayo si Jace, ang kanyang matikas na katawan ay hubad habang naglalakad siya patungo sa walk-in closet, iniisip na baka kinuha lang nito ang isa sa kanyang mga polo shirt. Pero wala roon ang aktres. Wala rin ang pulang silk dress na kagabi lang ay nagkalat sa sahig. Ang lahat ng gamit ni Zoe ay naglaho nang parang bula. Isang kakaibang kaba ang naramdaman ni Jace—isang pakiramdam na hindi niya gusto. Siya ang hunter. Siya ang nagtatapos ng laro. Siya ang nag-a-out sa Operating Room kapag tapos na ang trabaho. Ngunit ngayon, tila siya ang naiwan sa gitna ng entablado habang ang bida ay matagal nang nakaalis. Naglakad siya patungo sa banyo para maghilamos, pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. “Baka may emergency shooting lang,” rason ng kanyang utak. Pero nang itaas niya ang kanyang paningin sa malaking salamin ng kanyang vanity, tila tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo. Doon, sa gitna ng kanyang immaculate at puting banyo, ay isang matapang at nagniningning na sulat gamit ang Red Lipstick. Ang kanyang mga mata ay nanliit habang binabasa ang bawat salitang nakasulat sa salamin: "Nice operation, Doc. But the patient survived and moved on. Don't check my pulse... check yours. You were too easy to break. - Z" At sa ilalim nito, ang mapang-asar na bakas ng labi ni Zoe—isang pulang halik na tila humahalakhak sa kanyang harap. Sa loob ng ilang segundo, nanatiling estatwa si Jace. Ang kanyang surgical hands, na kilala sa pagiging kalmado sa gitna ng krisis, ay dahan-dahang nanginig sa matinding galit. Ang kanyang panga ay nagngitngit hanggang sa marinig niya ang tunog ng sarili niyang mga ngipin. "That... little..." hindi niya matuloy ang sasabihin. Marahas niyang hinampas ang marmol na sink. Ang tunog ng kanyang kamao ay umalingawngaw sa buong banyo. Hindi niya matanggap. Siya si Jace Villareal. Walang babaeng nang-iiwan sa kanya. Walang babaeng gumagawa sa kanya ng ganito. Siya ang nagbibigay ng "discharge papers," hindi siya ang ginoghost. Binasa niyang muli ang huling linya: “You were too easy to break.” Ang mga salitang iyon ay parang isang scalpel na bumaon nang malalim sa kanyang pride. Pakiramdam ni Jace ay hinubaran siya ng kanyang kapangyarihan. Kagabi, akala niya ay siya ang may kontrol. Akala niya ay siya ang nagmamapa sa teritoryo ni Zoe. Ngunit sa sulat na ito, malinaw na siya ang naging biktima. Ginamit siya ni Zoe para sa sarili nitong "experience" at itinapon siya matapos makuha ang gusto nito. Kinuha niya ang kanyang phone sa bedside table at mabilis na tinawagan ang security ng building. "This is Dr. Villareal sa Penthouse. Anong oras umalis ang babaeng kasama ko kagabi?" ang boses niya ay kasing lamig ng yelo. "Ah, Doc, mga alas-singko po ng madaling-araw. Sabi niya po ay 'wag na kayong gisingin dahil kailangan niyo raw po ng 'recovery time' matapos ang nakakapagod na gabi," sagot ng guard. Mas lalong nagdilim ang paningin ni Jace. Recovery time? Isang malaking pang-iinsulto! "Did she leave anything else? A car? A bag?" "Wala po, Doc. Sinundo po siya ng isang itim na van. Mukhang maayos naman po siya, ang ganda pa nga po ng ngiti niya bago sumakay," dagdag pa ng guard na tila walang kamalay-malay na lalong pinapalala ang tensyon. Ibinaba ni Jace ang phone nang hindi nagpapasalamat. Muli siyang humarap sa salamin, tinititigan ang lipstick message ni Zoe. Gusto niyang burahin iyon agad, pero tila may bahagi sa kanya na gustong matitigan ang ebidensya ng kanyang pagkatalo. "You think this is over, Zoe Mondragon?" bulong niya sa hangin, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon at galit. "You think you can just walk out of my life after making a mess of my system?" Kinuha niya ang isang basang towel at marahas na pinunasan ang salamin. Ang red lipstick ay kumalat, tila dugo sa kanyang mga kamay bago tuluyang nawala. Pero kahit malinis na ang salamin, ang mga salita ni Zoe ay tila nakaukit na sa kanyang utak. Naglakad siya palabas ng banyo at mabilis na nagbihis. Hindi siya pwedeng magpahalata sa ospital, pero sa loob-loob niya, may isang bagong misyon na nabuo. Zoe Mondragon called him a "mistake." Tinawag siyang "easy to break." Para sa isang lalaking ang buong pagkatao ay binuo sa kontrol at tagumpay, hindi niya hahayaang matapos ang kwento sa paraang gusto ng babae. "Check my pulse?" Jace muttered as he grabbed his car keys. "Wait until I get my hands on you again, Zoe. By then, I'll make sure you're the one who can't move on." Humarurot ang kanyang sasakyan palabas ng building, dala-dala ang galit na hindi niya inasahang mararamdaman para sa isang babae. Ang hunter ay hindi pa tapos. At sa pagkakataong ito, hindi na ito tungkol sa pagnanasa—ito ay tungkol sa paghihiganti sa kanyang nabasag na pride. Ang hindi alam ni Jace, habang pinaplano niya ang kanyang susunod na hakbang, ang "glitch" na iniwan ni Zoe ay mas malalim pa kaysa sa isang lipstick message sa salamin. Isang glitch na hindi kayang burahin ng kahit anong towel, at hindi kayang i-opera ng kahit sinong surgeon.Ang buong hardin sa Tagaytay ay patuloy pa rin sa pagdiriwang matapos ang matagumpay at emosyonal na proposal ni Dr. Jace Villareal kay Zoe Mondragon. Ang mga ilaw mula sa mga fairy lights ay sumasayaw sa saliw ng mahinang tugtog, habang ang mga bisita ay masayang nag-uusap sa bawat lamesa.Sa isang gilid malapit sa VIP table, nakatayo ang mga natitirang magkakaibigan na nagmamasid kina Jace at Zoe na abalang kayakap si Baby Zianna habang binabati ng pamilya Villareal at ng mag-asawang Sebastian at Althea.Si Atty. Dylan Alcantara, na nakasuot pa rin ng kanyang pormal na grey suit ngunit medyo gusot na ang kurbata, ay mapanuyang ngumiti habang umiinom ng isang baso ng mamahaling champagne. Inakbayan niya si Drake na nasa tabi niya, habang nakatitig sila sa masayang pamilya sa gitna."Well, well, look at that," sarkastiko ngunit natatawang bulong ni Dylan sa kanyang sarili, sapat para marinig nina Drake at Lianne na nakatayo rin doon. "Dalawa na ang bumagsak. Si Sebastian Castillo n
Makalipas ang ilang linggo mula nang maging bukas sa publiko ang relasyon nina Dr. Jace Villareal at Zoe Mondragon—pati na rin ang pagsabog ng magandang balita tungkol sa kanilang limang buwang gulang na anak—ang buong bansa ay tila ba nakatutok sa pinakamalaking kaganapan sa elite circles ng Metro Manila: Ang opisyal at grand binyag ng nag-iisang tagapagmana ng pamilya Villareal, si Baby Zianna.Ang St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Makati ay sarado sa buong publiko para sa araw na iyon, tanging ang mga pinakamalalapit na kaibigan, pamilya, at mga kilalang personalidad lamang ang naroroon. Ang buong simbahan ay napapalamutian ng libu-libong puti at mapupusyaw na pink roses, habang ang aircon ay nagbibigay ng preskong pakiramdam sa gitna ng init ng hapon.Sa unang hanay ng upuan, nakaupo si Donya Eleanor na halos maiyak sa tuwa habang katabi ang kanyang anak na si Lianne. Si Jace, na suot ang isang napakakisig na pormal na itim na tuxedo, ay seryosong nakatayo sa tabi ng altar
Ang gintong liwanag ng maagang umaga ay dahan-dahang sumisilip sa mga siwang ng mamahaling silk curtains sa loob ng master suite ni Dr. Jace Villareal. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa balkon ay nagbibigay ng pambihirang sarap sa pagtulog, habang ang buong mansyon ng mga Villareal ay nababalot pa sa katahimikan ng madaling-araw. Unang nagdilat ng mata si Jace. Dahil sa kanyang sanay na body clock bilang isang top neurosurgeon, mabilis na nagising ang kanyang diwa. Ang kanyang unang reflex pagkagising ay ang ilagay ang kamay sa gitna ng kama—sa pwesto kung saan nakahiga at natutulog ang kanilang limang buwang gulang na anak na si Baby Zianna. Ngunit nang maikumpas niya ang kanyang malaking palad sa ibabaw ng malambot na Egyptian cotton sheet... Tigang. Walang tao. Walang Baby Zia. Tanging ang maliit na bakas lamang ng pagkakausli ng unan ang naroroon! Mabilis na napadilat nang husto ang mga mata ni Jace! Tumayo siya sa pagkakahiga at maingat na inabot ang paligid ng kama
Matapos ang isang napakasaya at puno ng emosyong hapunan kung saan hindi na halos maibaba ni Donya Eleanor ang 5-month-old na si Baby Zianna, sumapit din ang malalim na gabi sa Villareal Ancestral Mansion. Ang buong paligid ng estate ay nababalot na ng katahimikan, tanging ang mahinang ihip ng hangin at ang huni ng mga kuliglig sa malawak na hardin ang naririnarig.Iginawa ng Donya sina Jace at Zoe ng pinakamasarap na accommodation—ang mismong master suite ni Jace noong binata pa ito.Pagtulak ni Zoe sa napakabigat na double door ng silid, nagulat siya sa laki at ganda nito. Ang kwarto ay may dark wood interior, minimalist ngunit napakarangya, at may sariling private balcony na nakatapat sa malawak na tanawin ng Forbes Park. Sa gitna nito ay ang isang dambuhalang king-sized bed na nakalatag ang pinakamalambot na Egyptian cotton sheets.Sa gitna ng dambuhalang kama, mahimbing at tahimik na natutulog ang 5-month-old na si Baby Zianna. Naka-suot ito ng napakakyut na pink onesie, ang d
Ang napakalaki at napakarangyang gate ng Villareal Ancestral Mansion sa Forbes Park ay dahan-dahang bumukas. Ang mahabang driveway na pinaiilawan ng mga warm golden lights ay napapaligiran ng mga matataas na puno at naglalakihang fountains. Sa loob ng itim na Rolls-Royce Phantom, tahimik na nakaupo si Zoe Mondragon. Sa kabila ng kanyang magandang emerald green silk dress at maayos na ayos ng buhok, hindi mapakali ang kanyang mga daliri habang nakapatong sa kanyang kandungan. Ang kanyang puso ay nagwawala sa matinding kaba. Mula sa kanyang tabi, dahan-dahang inabot ng malaking palad ni Dr. Jace Villareal ang kanyang nanginginig na kamay. Inilagay ni Jace ang mga daliri ni Zoe sa kanyang kandungan at mahigpit itong pinagsalikop. "Relax, Diamond," malamig ngunit napakalambing ng boses-baritono ni Jace. Lumingon ito sa kanya, ang kanyang madidilim na mata ay puno ng katiyakan. "My mother won't bite you. And if anyone in that house makes you feel uncomfortable, we will leave immediat
Ang napakalawak na living room ng penthouse ay balot ng isang napakatahimik at napakaromansyang kapaligiran. Ang malamig na hangin mula sa aircon ay sumasayaw sa balat, ngunit ang init sa loob ng silid ay nananatili pa rin matapos ang matinding lagablab ng kanilang pag-iibigan. Sa gitna ng kwarto, sa ibabaw ng napakalapad at napakalambot na custom Italian leather sofa, nakahiga si Jace habang nakasandal ang kanyang likod sa malaking unan. Sa kanyang ibabaw at nakadapa sa kanyang malapad na dibdib si Zoe. Pareho silang walang anumang suot na damit—tanging ang isang malaking velvet throw blanket lamang ang bahagyang nakatakip sa kalahati ng kanilang mga katawan mula baywang pababa. Ang isang malaking braso ni Jace ay protektadong nakapulupot sa hubad na baywang ni Zoe, habang ang mga daliri ng kanyang kabilang kamay ay dahan-dahang sumusuklay sa mabango at gulo-gulong buhok ng aktres. "Are you tired, Diamond?" mahinang bulong ni Jace, ang kanyang boses ay paos at mababa, sabay pag
Apat na Buwan ang Nakalipas... Ang set ng “The Diamond’s Solace”—ang pinaka-inaabangang pelikula ng taon—ay punong-puno ng tao. Ang ingay ng mga crew, ang utos ng direktor, at ang nakakasilaw na mga spotlight ay bahagi na ng araw-araw na buhay ni Zoe Mondragon. Siya ang sentro ng atensyon, ang rey
Sumisikat na ang araw sa labas ng higanteng glass walls ng penthouse ni Jace Villareal, pero sa loob ng master's bedroom, tila nananatili pa rin ang init at bigat ng nagdaang gabi. Ang malamig na aircon ay hindi sapat para burahin ang amoy ng pinaghalong vanilla at matapang na masculine scent na nam
Pagpasok pa lang nila sa loob ng penthouse ni Jace, tila sumabog ang lahat ng tensyong kanina pa nila pinipigilan sa bar. Ang tahimik, minimalist, at napakalinis na condo ng doktor—na dati ay simbolo ng kanyang kontroladong buhay—ay biglang nabalot ng mabibigat na hininga at ang amoy ng nag-aapoy na
Ang VIP lounge ng Eclipse ay hindi lamang isang bar; isa itong arena kung saan ang amoy ng mamahaling tabako, wood-aged scotch, at kapangyarihan ay humahalo sa madilim na kuryente ng gabi. Para sa karaniwang tao, nakakasuffocate ang bigat ng awra rito, pero para kay Zoe Mondragon, ito ang kanyang na







