Share

CHAPTER 04

Mariin ko na lang na ipinikit ang mga mata ko habang hinihintay na lumapat ang labi niya ng tuluyan sa labi ko. Wala naman na akong magagawa, bukod kasi sa nakalingkis ang kanan niyang braso sa baywang ko, mariin ring nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa batok ko.

Ilang sigundo na ba?

Nabibingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko pa nga ay babagsak na ako dahil pinanginginigan na ako ng tuhod. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag first-time na mahahalikan?

Pero bakit ang tagal?!

Kanina pa ako nakapikit. Nangangawit na rin ako sa pagkakatayo. At higit sa lahat... naiinip na ako!

Dalawang minuto! May dalawang minuto na siguro ang lumipas pero wala naman akong nararamdamang halik sa aking labi. Hindi naman sa demanding aki, sadyang natatagalan lang ako sa aksyon niya. Kung ako na lang kaya ang humalik sa kanya ng matapos na?

Sa inis ay iminulat ko ang isa kung mata. Naaninag kong nakatingin si Alexis sa labi ko. Iminulat ko na rin ang isa ko pang mata at nayayamot na sinamaan siya ng tingin.

"Anong plano mo? Hahalikan mo ba ako o tititigan mo na lang ang labi ko?" Inirapan ko siya at handa na sanang itulak, kaya lang ay kusang lumuwang ang pagkakayakap ng braso niya sa baywang ko.

"Ano na? Halik na aba!" dugtong ko pa, bago inginuso ang labi ko sa kanya.

Umiwas siya ng tingin sa akin saka umismid. "Nag-toothbrush ka ba?" biglang tanong niya na ikinaawang ng bibig ko. "Uso covid ngayon, naninigurado lang ako."

Walang pakialam na kinaltukan ko siya sa noo. Anong tingin niya sa akin? Walang hygiene?! Aba, matindi naman pala talaga ang kagaguhang sumapi sa lalaking 'to!

"Para sabihin ko sa'yo, tatlong beses sa isang araw ako king mag toothbrush! Dalawang beses din akong naliligo, depende pa kung sobrang init ng panahon. Hindi ako malibag, wala akong putok, at hindi ako bad bre-"

Kusa akong natigilan at pinanlakihan ng mga mata ng bigla niya akong kabigin at ngitian. "Ang dami mong sinabi, isa lang naman ang tanong ko..." Ngumiti siya ulit na nagpawala sa akin sa katinuan. "Nag-toothbrush ka ba?"

Sunud-sunod na tango na lang ang naging sagot ko hanggang sa madama ko na ang malambot niyang labi sa akin.

Tila halik sa hangin na dumampi ang labi niya sa labi ko. Nananantiya at parang nagdadalawang isip kung tutuloy ba siya na halikan ako o hihinto na. 

I push myself backwards, but he grabs my waist and pulled me closer to him again. At first, he was just brushing his lips onto mine. But then later, his kiss becomes aggressive. He entered his tongue inside my mouth and deepen the kiss that made me drown and almost out of breath.

Nangunyapit ako sa batok niya habang patuloy niya akong hinahalikan. Mariin. Mapusok. Tila wala ng bukas. Pakiramdam ko nga ay mawawalan na ako ng malay ano mang oras. 

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinayaan siyang angkinin ang labi ko. Aminado naman ako na magaling siyang humalik, ang hindi ko lang alam ay kung paano ako tutugon. Kung gagayahin ko ba ang ginagawa niyang paghalik sa akin o dapat bang manatili akong parang tuod?

Ready na ako...

May sagot na ako sa sarili kong tanong. Ngunit bago ko pa man 'yon maisagawa ay kusa siyang huminto. Idinistansya niya ang kanyang sarili ng two inches sa akin. 

"Buhay ka pa ba?" biglang tanong niya. 

Nakakunot ang noo niya pero halata naman ang makalokong ngiti na sinusupil niya sa kanyang labi.

"So? How was it?" dugtong niya pa ng hindi ako agad nakasagot sa kanya kanina.

Inirapan ko nga, masyado naman kasi siyang feeling! Pinunasan ko rin ang nguso ko at ang lower lip ko na parang napuno ng laway niya. In fairness, mabango naman at hindi amoy panis.

Tinignan ko siya saka inismiran. "Anong gusto mong isagot ko? Na masarap kang humalik? Na sa sobrang galing mo at lambot ng labi mo ay muntik ko ng makalimutan ang pangalan ko? Na para bang ikaw na ang pinakamagaling humalik sa balat ng earth?"

"Is that so?" agap niya, nakangiti na ngayon na parang tanga. "Well, walang ano man. Ginawa ko lang ang pinraktis ko sa larangan ng laplapan ilang taon na ang nakalilipas."

Bilib na rin talaga ako sa fighting spirit ng talipandas na 'to, nag-uumapaw sa sobrang tindi! Ngayon lang talaga ako nakatagpo ng lalaking katulad ni Alexis Montemayor. Saksakan nga ng guwapo. Saksakan ng yaman. Pero saksakan din ng kayabangan sa katawan!

Kung saksakin ko na lang kaya siya?!

"Why are you staring at me as if I am the most handsome man in the country?" baliwalang tanong niya habang nakataas pa ang isang kilay sa akin. Hindi ko alam kung nananadya ba siyang mang asar, o pina-ha-high blood lang talaga ako?!

Inirapan ko siya saka sinagot. "Masyado ka naman yatang GGSS."

"Guwapong guwapo sa sarili?" aniya sabay ngumiti na akala mo'y model ng close-up.

"Gagong gago sa sarili, 'yon na ang latest. Malamang 'di ka updated... walang ano man," buwelta ko.

Kung sa araw-araw na makakasama ko si Alexis sa apat na sulok ng opisina niyang ito, malamang na matutuyuan ako ng dugo sa kanya. Baka maaga rin akong tumanda dahil sa pagbabangayan namin. 

Ayaw ko na lang talagang mag talk!

"Bukas sasama ka sa akin sa dinner meeting namin ng mga bago kong investors. Mag take down notes ka para hindi mo ma-miss ang importanteng sasabihin nila-"

"Eh ikaw? Anong gagawin mo?" putol ko sa kanya. Siya ang may ari, bakit hindi siya ang mag take down notes.

"The usual-"

"Anong the usual?" muli kong putol sa kanya.

Napasentido naman siya na para bang biglang nanakit ang ulo niya dahil sa tanong ko. Wala naman akong intensyon na masama, gusto ko lang malaman kung ano ba ang usual na sinasabi niya.

"Never mind, malalaman mo rin naman bukas." Umupo na ulit siya sa swivel chair niya saka tumingin sa akin. "Kasama rin ang parents ko bukas ng gabi sa dinner meeting na 'yon... Kaya naman sana ay umayos ka bukas." Napabuga pa siya ng malalim na paghinga ng sabihin niya 'yon.

"Bakit? Strict ba ang parents mo? Sila ba 'yong tipo na magsasabi ng sampung milyon, layuan mo ang anak ko!?" Nginitian ko siya na ikinagulat naman niya. "Kung oo, puwes alukin na nila ako ng maaga dahil hindi ko 'yon tatanggihan. Grab the opportunity ika nga nila."

Nagpakawala ulit siya ng malalim na paghinga saka iiling-iling na tumayo na lang ulit. Ni hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. Balak pa yatang mag walk out dahil naglakad na siya papunta sa pinto.

"Alexis!" habol ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa akin, pero mukhang seryoso na.

"I hired you as my personal all-around secretary so you better call me Sir, not Alexis." Walang emosyong sabi niya na hindi ko naman dinibdib. Pero ang sumunod niyang sinabi... doon ako kinabahan.

"You can only call me by my name when we're in the middle of my bed while doing extra activities. But right now... Shut the fuck up, will you?"

*****

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status