Share

Chapter One

“One at a time Tricia!” sigaw ko sa sarili ko na nagmamadali habang tinatahak ang daan papuntang storage room. Kakagaling ko lang sa ground floor matapos akong utusan ng TL ko at ngayon inutusan na naman akong dalhin ang mga boxes ng supplies doon. Pangatlong balik ko na ang napapagod na ako kaya bitbit ko na ang tatlong box. Ngalay na ngalay na ang aking mga braso at masakit na rin ang aking mga paa.

“Ano ba Carla! How many times I told you not to show up here, right?” Boses na pamilyar sa akin ang narinig ko bago pumasok sa storage room. “We’re done! I don’t love you anymore.”

“But, Jay please, we could start again, I promise I won’t do it again.” Ani ng babae sa loob.

“Ano ba yan! Drama pa more!” Sabi ko sa sarili ko. Habang naghihintay na matapos ang kanilang pag-uusap. Bubuksan ko na sana ang pinto pero napatigil ako ng marealize ko na boss ko pala ang nasa loob. Si Justin Andrew Ymir Lim, the big boss. Anak siya ng may-ari ng Mount Arc Group of Companies. Dahil gusto ng kanyang amang magretire ng maaga ay naipasa sa kanya ang pagiging president ng kompanya. Sabi nila ay matalino sya, at sa edad na 23 ay nakuha nya na ang masters degree in business administration sa Harvard University. Hindi siya ang panganay na anak pero for some secret reasons ay sa kanya naipamana ang buong company.

Pinatong ko muna ang tatlong box sa sahig dahil hindi ko na kaya ang sakit nito. Hindi naman ako nakinig sa kanila dahil my malalim akong iniisip. Tumayo na lang ako sa gilid ng pinto habang minamasahe ang mga braso ko.

“Is there someone na ba sa puso mo Jay? Bakit ayaw mo na sa akin?” Tanong ng babae na umiiyak sa loob. “It was just nothing babe, I was drunk that night. It was just a night.”

“You’re underestimating my power Carla. I know that you’ve seeing each other na for months. I have nothing to do with that na, I have given you many chances but you never change. At ngayon magsisinungaling ka pa ulet?” Sabat ng boss ko. “And yes I have someone now.”

“Show her to me then. I know you Jay!” Sigaw ng babae sa kanya. Inusog ko sa pader ang isang box at inupuan ito. Medyo matatagalan pa ata ito. Pipikit na sana ako ng aking mga mata para umidlip muna at hindi naman ako interesado sa break up nila.

Biglang may humablot sa aking mga kamay na pinatayo ako biglang humawak na sa aking beywang.

“Hon, ba’t ka nandito? Are you done talking to our investors?. Tumitingin sa akin si Sir  Lim at kumindat sa akin. “Help me, play it cool.” Bulong niya sa akin.

First time ko siyang nakita sa malapitan. Iba ang aura niya. Na starstruck ako kaya hindi na ako ngsalita pa at tumango na lang ako. Hindi ko alam kung tumutulo ba ang laway ko o sadyang nakatulala lang talaga ako sa kanya. Kinuha nya ang id ko ah hinagis kung saan siguro to hide my identity na isa lang akong empleyado sa company niya.

“Say something, call me hon.” Bulong niya ulet sa akon. His voice is so gentle pero ramdam ko ang authority niya at hindi ko kayang magprotesta. Kahit sa loob-loob ko, hindi talaga pumapalag.

“I missed you.” Sabay halik sa pisngi ko at haplos sa aking likod. I have in a relationship before but this one is different. I have to be back in my senses na.

“Aw, I missed you more hon.” Sabay yakap sa kanya. Ang bango niya and I feel his muscles. “I’ve closed the deal pala, next week they will be here to get the contract signed.” Ani ko. 

“Good to hear that, I have something for you later after we celebrate this success, you made me so proud hon. Alam kong magugulat sina mommy at daddy.” Natural na sabi niya.

Alam kong nakatingin pa yung babae sa amin. Nakita ko lang ang mukha niya nang humarap kami sa kanya. She is so sophisticated. Hindi mo makikita sa kanya na makukuha niyang lukuhin itong boss ko. They look perfect together.  Nakita ko na rin sya few times dito sa company. I hope hindi niya ako makilala.

“Really Jay? Her? She’s just an employee here, right Miss?” Lagot, nakilala ako.

“Her father is a good friend of my dad. She’s working here for experience. And now, she is working with me, she’s my partner. My future wife.” Nagulat ako doon sa sinabi niya. Nanlamig ata ko. But I feel his hand holding mine tightly. Nakita ko sa mukha ng babae na hindi ito makapaniwala. But still she has that face na nagdududa pa.

“I have nothing to explain to you. We have a lot of things to do and I am done with you now. You can leave right away.” Simpleng sabi ni boss at tumalikod hawak-hawak pa rin ang aking kamay. Naglalakad kami papuntang office niya. Nakalimutan ko atang dadaan kami sa mga co-workers ko. They’re starring at us. Ano ba tong pinasok ko. Jusme!

“I’ll find out the truth Jay. And if I did, I will ruin her life.” Sigaw ng babae sa likod. Kinabahan ata ako dun. But we keep walking. Dedma si boss sa kanya. Rinig ko narin ang mga bulongbulungan nga mga co-workers ko. Ano na to?! Bakit ako?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status