Share

Chapter Two

Ang sakit ng ulo ko. Hindi rin ako makatulog. Nasa condo unit na ako ngayon. Ni hindi ako kumain. Iniisip ko pa rin and nangyari kanina. After akong kausapin ang boss ko, pinauwi niya agad ako. Pinahatid pa nga sa kanyang driver. We’ll talk tomorrow daw.

Nakatitig lang ako sa kisame. Ano ang mukhang ihaharap ko sa mga kasama ko bukas. 5 months palang ako dun. Panu kung sisantihin ako. Ano na naman ang sasabihin ng stepmother kong inggit sa akin.  Isang malalim na buntong hininga ang lumabas sa akin.

Umalis ako ng bahay after kong makagraduate ng college. Hindi kami magkasundo ng stepmother kong ubod ng kaplastikan pati mukha. Dad is so blinded with his love for her na kahit ako ay nakalimutan na yata. A year after my mom died, eh nagpakasala na sila agad. Kitang-kita ko na pera lang ang habol niya sa dad ko. 5 years lang ata ang tanda niya sa akin, sexy, retokada at golddigger. My company ang dad ko, ako lang naman ang anak niya, pero I choose to leave him. My iniwan naman ang mommy sa akin. Okay na para makapagsimula ng mag-isa.

JAY’s POV

“Hannah Patricia Gascon Agustin, 23 years old, single, living alone, …” binabasa ko ang mga information about her. Nasa harapan ko siya naka upo at nakayuko.

“So, your father is Mr. Hernan Agustin of HPA Corp?” Tanong ko sa kanya. Tumango lang ito at hindi nagsasalita. “I know your father. Pero bakit hindi kita nakikita sa mga events na imuorganize ng wife niya?”

“She’s my stepmother, and we are not in good terms. Kaya po umalis ako ng bahay to live independently.” Ani niya.

“I heard a lot of her, extravagant living and I heard your father’s company is now in danger of bankruptcy. Your father is now in proposal to my father to invest on your company.” Dagdag ko. Kita ko sa kanya na hindi niya alam ang nagyayari sa kanyang ama. Kinuom niya ang kanya mga palad at tumingin sa akin.

“Honestly sir, I have nothing to do with what’s happening to my father’s company. Umalis ako ng bahay with my full decision and wala po akong balak na bumalik dun, especially to be with my stepmother.” Now I see her personality. Decisive, independent and hardworking. I heard from the HR na over qualified siya for her job but she chooses to accept it. Excellent performance din ang pinapakita niya sa 5 months na nandito sya sa company. She’s an asset in my company.

“I understand Miss Agustin. But regarding with what I want you to do will have an impact to your father’s company too. I guess you’re still your father’s daughter.” She’s worried to her father, nakikita ko sa kanyang mga mata.

“I’ve talk to you already yesterday. Here’s the contact. Read it first before giving me your answer.” Ani ko sa kanya habang inaabot ang isang folder. Tumango lamang ito at tumayo. “And, my driver’s waiting outside. I talked to the HR na bigyan ka muna ng vacation leave. You can think of it outside the company.”

Tumago lamang siya at umalis. No words. No emotion. And I like her.

TRICIA’S POV

Lakas makapa convince naman ng contract na ito. Panalong-panalo ako. I will be just her fiancé for a year, sasama sa kanya kung saan-saan. I will receive Triple my salary, sasakyan, incentives na pwede lang matanggap ng isang general manager, investment sa company ni dad and after the contract, I will receive 5Million Pesos. But once I signed it, no turning back na ako. One year? Mabilis lang ata yun. Tatanggapin ko na lang siguro.

Nirireview ko ang nakalagay sa contact. Physical touch is needed just to convince na Fiance niya ako. Hindi na man siguro aabot sa kung ano man ang iniisip ko. Walang dapat makaalam ng contract namin. Okay lang, wala naman akong close friends. After a Year, we’ll call off the engagement for a very confidential reason. Check! Pag nagquit ako na wala pang one year ay babayaran ko siya nga 5Million. On the other hand naman, double pay ako. My pambayad naman ako if I quit. My iniwan si mommy sa aking 20 million so, keri na siguro yun. Hindi ko pa naman nagagamit yun.

I signed the contract confidently. I’ll imagine na lang na my boyfriend talaga ako. At isa pa, I need challenge sa life ko ngayon, boring na kasi.  Hindi naman ako magmumukhang golddigger dahil hindi naman nila alam ang family background ko. I sipped my coffee and tiningnan ang cellphone ko.

“Meet me in Starbucks Avenue Center.” I texted him.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status