Home / Romance / The Possisive Mafia King ( TAG-LISH ) / 3 - Disappointment and Ally PART I, II

Share

3 - Disappointment and Ally PART I, II

Author: Anne Lars
last update Last Updated: 2022-11-18 20:52:17

PART 1: A Father's Disappointment

**EVENING PARTY**

Maraming tao ang dumalo sa pa-party sa Sylvestre mansion, mga business partners, family friends, at ilang kakilala ni Snow ay naririto. Masayang tawanan at magalang na usapan ang bumalot sa paligid, pero nanatili si Demetri sa gilid, nakaupo kasama ang mga kasosyo ng ama niya. Their talks didn’t interest him dahil nasa kay Snow lamang nakatuon ang mga mata niya. 

Kahit anong pilit niyang iwasan, palagi pa ring bumabalik sa dalaga ang tingin niya.

Nakatayo si Snow sa tabi ni Marcus, masayang nakikipag-usap sa mga bisita. Ang malambing niyang tawa ay humalo sa masiglang atmospera. Mas humigpit ang hawak ni Demetri sa baso, ramdam ang bahagyang inis na gumapang sa dibdib niya.

Why did she pull his attention so easily?

Isang mahinang tawa ang gumambala sa iniisip niya.

"When’s your turn?"

Lumapit si Wrent sa tabi niya, may hawak na whiskey, at may pilyong ngiti habang nakatingin kay Marcus.

"Feels like just yesterday your brother was a skinny kid playing with your old dog. Now, he’s getting married."

Nanatiling tahimik si Demetri, nakatutok pa rin ang mga mata kay Snow.

"Careful, amigo. Desiring what belongs to someone else never ends well."

"She’s… different," halos wala sa sariling pag-amin niya.

Itinaas ni Wrent ang kilay, sabay tawa.

"Right. And you? You’ve always had a thing for bitches, haven’t you?"

Hindi siya nagkamali. Alam naman ng lahat ang gusto niya, mahilig siya sa mga bitches, mga pakawalang babae. Yet Snow was nothing like the women he usually pursued. She had an innocence aura, isang tahimik na karismang itinatangi niya. Lalo na kapag lumalabas ang dimples nito sa bawat pagngiti na parang itong anghel na bumagsak mula sa langit.

Bago pa niya mas lalong matitigan at mapaisip ng kung ano-ano, bigla na lamang tumunog ang cellphone niya.

It's Pluto!

Nagpaalam muna siya kay Wrent at pumasok sa loob ng bahay para sagutin ang tawag.

"Talk."

[ Boss, we’re en route to Mr. Torres’ location. Are you coming?]

Napabuntong-hininga siya, at napahilot ng sentido.

"I’d like to, but my father wants me to stay tonight. Handle it carefully."

[ Understood, boss.]

Natapos ang tawag, at sa pagsuksok niya ng phone sa bulsa, dumating si Feurene.

"Where’s Ninong?" tanong nito, sabay halik sa pisngi niya bilang pagbati.

"Upstairs. Probably getting ready."

Tinitigan siya nito ng ilang segundo bago ngumiti.

"It’s been a while. Too busy to visit?"

Nagkibit-balikat naman siya.

"Too busy with my business," tugon niya kay Feurene.

Napailing ito, sabay buntong-hininga.

"I’ve been swamped with filming too. Snow and I flew back together yesterday." Bahagyang binago nito ang tono ng usapan para mawala ang ilangan sa pagitan nila.

Napataas ang kilay niya sa sinabi nito.

"She’s an actress?"

Mahinang natawa si Feurene.

"A rookie actress. She’s not well-known yet."

"Honestly? She’s got nothing but her looks. No real talent." Dagdag pa nito. Bahagyang naman siyang napatango sa sinabi nito.

Bago pa siya makasagot, pababa na ng hagdan ang ama niya.

Mainit na binati ni Feurene ang kanyang ninong, pero agad na lumipat ang malamig na tingin ng matanda kay Demetri.

"I overheard your business talk earlier," malamig na bungad nito.

Nanigas si Demetri. Here we go again.

"What business could you possibly take pride in, Demetri?"

Mahinahon pero matalim ang boses nito. Dahan-dahan itong lumapit, ang matatalas nitong mga mata ay ipinukol sa kanya, ikinukulong siya sa lugar na parang isa lang siyang dungis na hindi nito matanggal sa buhay.

"Illegal gambling? Drug smuggling? Human trafficking?" May pagkasarkastikong tumawa ito, sabay iling.

"Is that what you call success?"

Muling bumigat ang pakiramdam sa dibdib ni Demetri.

Pilit siyang ngumiti, tinatakpan ang matinding pintig ng pulso niya.

"Bars and restaurants, Dad. My businesses in Palermo are all legal."

Isang mapaklang tawa ang lumabas sa mga labi ni Don Demetrius.

"Legal?" Inulit ng kanyang ama ang salita na parang dumi, na para bang hindi ito bagay na iugnay sa kanya.

"The same bars and restaurants your mother and I built from the ground up? The ones we let you run out of pity?" Matalim ang buntong-hininga nito.

"You can lie to yourself all you want, but I know exactly what you’ve been doing in Italy."

Hindi na siya sumagot. Wala namang saysay ang makipagtalo pa. Matagal nang nabuo ang pang-aalipusta ng kanyang ama bago pa man magsimula ang pag-uusap na 'to.

Saglit siyang tiningnan nito bago muling bumuntong-hininga, hinaplos ang sentido na para bang si Demetri mismo ang sakit ng ulo niya.

"Bakit hindi ka na lang manatili rito sa Pilipinas? Hayaan mo na si Dina Dahlia ang humawak ng mga negosyo mo sa Sicily. Matuto kang mamuhay nang simple."

Lumambot ang tono nito.

"Take after your brother, Marcus. He’s a respectable businessman. He expanded our family’s empire the right way without disgrace. Unlike you."

Palihim na kinuyom ni Demetri ang kanyang kamao. Hindi dahil bago ang mga sinabi ng ama niya kundi dahil ito na naman ang parehong mga salitang narinig niya sa buong buhay niya.

Marcus. The good son. The golden boy. The one his father always praised.

At siya?

The disappointment. The mistake. The shadow he wished didn’t exist.

Dahan-dahan siyang bumuga ng hininga, pinipilit panatilihing walang bahid ang ekspresyon niya. The years had taught him to build walls so high that even he sometimes forgot what was buried beneath them.

Napansin ni Feurene ang bigat ng tensyon, kaya agad siyang nagsalita, pilit pinapagaan ang sitwasyon sa pagitan nila ni Demetri at ng ama niya.

"We should head outside. The party is about to start."

Hindi agad gumalaw ang ama ni Demetri. Nanatili ang matalim nitong tingin na nakatutok sa kanya, parang hinuhukay ang nasa loob niya. Ilang saglit pa bago ito lumapit at ipinatong ang mabigat na kamay sa balikat niya.

"I just want you to change, Demetri," anito.

"I don’t want to die knowing my eldest son is still walking the wrong path." Pagpapatuloy pa nito.

At sa gano’n, tumalikod ito at naglakad palayo, kasunod si Feurene na tahimik lang na sumunod.

Pagkaalis nila, isang mabigat na hinga ang pinakawalan ni Demetri bago mabilis at malakas na sumalpak ang kamao niya sa pader, ramdam niya ang pag-uga ng impact mula sa buto hanggang kalamnan.

Sumakit ang mga kamao niya, pero hindi niya iyon ininda.

Kahit anong gawin niya, he still the bad son.

At kahit ganoon… mahal pa rin niya ito. Mahal pa rin niya ang kanyang ama.

Kahit hindi siya nito piliin kailanman. Kahit habambuhay siyang manatili sa anino ni Marcus. Kahit hindi niya marinig ang mga salitang matagal na niyang gustong marinig.

Gusto pa rin niya ng pag-apruba nito.

Tumingin siya sa kanyang mga kamao, punit ang balat, may bahid ng dugo na damaloy hanggang sa kanyang mga daliri.

And then, a sudden movement from a far caught his eye.

Si Snow.

Kakarating lang niya, at sandali siyang natigilan nang mapansin ang duguan niyang kamao. Bahagyang bumuka ang kanyang mga labi, para bang may nais siyang sabihin pero imbes na magsalita, tumalikod lang siya at dumiretso sa couch kung saan naiwan niya ang kanyang bag.

Pinanood siya ni Demetri, pinipilit pakalmahin ang tibok ng puso habang marahang huminga nang malalim.

Pagbalik niya mula sa kusina matapos hugasan ang sugat niya, may napansin siyang bagay sa ibabaw ng coffee table.

Isang first-aid kit.

Napatitig siya rito nang matagal.

Iniwan ni Snow… para sa kanya?

She hadn’t said a word. Hadn’t looked at him with pity or frustration.

But she had noticed.

And she had cared.

The tightness in his chest shifted, not gone, not relieved, but different.

Inabot niya ang kit at, sa unang pagkakataon sa gabing iyon, he didn’t feel entirely alone.

---

PART 2: A Possible Ally

**Go back to the party**

Nakatayo si Demetri sa harap ng entablado, tahimik na pinapanood habang hawak ni Don Demetrius ang mikropono para sa isang anunsyo. Nagpasalamat siya sa lahat ng dumalo sa selebrasyon. Tapos, lumipat ang tingin niya kay Marcus, at doon nakita ni Demetri ang ngiting puno ng pagmamalaki na dahan-dahang lumitaw sa labi ng kanyang kapatid.

"And I also want to thank my son Marcus for successfully managing the business we established here in the country," aniya.

Isang magalang na palakpakan ang sumunod, at bahagyang tumango si Marcus bilang pagsang-ayon. Ramdam naman ni Demetri ang pait na unti-unting sumisikip sa dibdib niya. Wala namang bago. Si Marcus lagi ang bida.

Tahimik na uminom muli si Demetri ng alak, sinusubukang pigilan ang frustration na bumubulwak sa loob niya.

But then—

"And I also thank my eldest son, Demetri, who continued the business that his mother built in Sicily."

Saglit siyang natigilan, sinugurado kung tama nga ba ang narinig niya. Kinilala siya ng kanyang ama sa harap ng lahat.

Ramdam ni Demetri ang paglipat ng tingin ng mga tao sa kanya, ang kuryosidad na sumisilay sa kanilang mga mata. Isa na roon si Snow. Nang lumingon siya, nagtagpo ang paningin nila at ngumiti pa ito sa kanya.

Lalong lumalim ang mga dimples ni Snow, at sa isang iglap, halos nakalimutan ni Demetri ang sarili.

"And before I forget, I’d like to congratulate my soon-to-be daughter-in-law, Snow."

Lalong lumakas ang palakpakan, at si Snow ay nagbigay ng isang pasasalamat na ngiti kay Don Demetrius.

He took another long sip from the glass, deliberately trying to show that he didn’t care. Pilit niyang ibinaling ulit ang paningin niya sa ama. Ito ang bihirang pag-acknowledge ng kanyang ama sa kanya. At gayunpaman, it still wasn’t enough. Not as long as Marcus remained at the center of attention.

Nagpatuloy ang party, pero halos hindi niya nagalaw ang pagkain niya. Ang pamilyar na inis ay patuloy na kumakalam sa kanyang sikmura.

Then, the emcee’s voice rang out, signaling the next part of the evening.

"Now, we invite those with partners to the dance floor for a romantic dance. Please feel free to join in if you'd like to share a dance."

The music shifted, slow and intimate, filling the space with a melody that always felt like an insult to him. Parang nananadya ang tugtog.

Si Marcus at Snow ang unang tumayo. Walang pag-aalinlangan, tinanggap ni Snow ang kamay ni Marcus at pumagitna sila sa dance floor. The way they move...so effortless as if they had been doing it for a long time.

Hindi niya kayang alisin ang mga mata mula sa kanila. Snow's eyes sparkled as she looked at Marcus, her smile never fading. It was as if Snow’s entire world revolved around him—and him alone.

They were... happy.

Too happy... and he hated it.

Hinigpitan ni Demetri ang hawak sa baso, sa sobrang higpit, kung madaling mabasag ay magbabasag talaga ang hawak niyang baso.

Unti-unting napuno ang dance floor ng mga magkasintahan o mag-asawa na sumasabay sa musika. Pero kahit gaano karaming tao ang nasa paligid, silang dalawa lang ang nakikita ni Demetri. Sina Marcus at Snow lamang. The way Marcus’s hand rested protectively on Snow’s waist, the way she smiled up at him—it was a painful reminder of he didn’t have.

Hindi man lang namalayan ni Demetri na tumayo na pala ang kanyang ama at lumapit sa kanya.

"Don’t you want to dance with anyone?" Tanong ng kanyang ama.

Isinuri ni Demetri ang paligid, napansin ang ilang babaeng palihim na sumusulyap sa kanya. It wasn’t surprising. Other girls couldn’t help but notice the handsome, bad-boy son of Don Demetrius. Pero wala siyang interes sa kanila.

Muling sumingit ang boses ng kanyang ama sa mga iniisip niya.

"Why don’t you try courting Feurene? You two would make a good match."

Hindi napigilan ni Demetri ang mapaismid sa sinabi ng matanda.

Bago pa siya makasagot, bumalik si Feurene mula sa banyo, narinig ang mga salita ng kanyang ama.

"Ninong, we're not a good match," ani Feurene, na bumalik sa kanyang upuan.

Tumawa ang kanyang ama.

"And why not? My son is handsome."

Tumango si Feurene at pilit na ngumiti.

"Yes, he is handsome. But I’m looking for someone who’s not a bad boy/playboy like Marcus."

Ini-rolyo ni Demetri ang mga mata niya sa sinabi nito.

Si Marcus na naman.

Napasandal siya sa upuan, sinusubukang magmukhang walang pakialam.

"It’s hard to raise a good son," narinig niyang sabi ng kanyang ama na may kasamang buntong-hininga.

Napasimsim ng alak si Feurene.

"That’s why I’m having trouble finding a husband."

Lumipat ang tingin ni Feurene, at alam ni Demetri kung saan pupunta ang mga mata nito. Tinutok nito ang mata kay Snow at Marcus.

Kaagad itong napansin ni Demetri. Ang matagal na titig ni Feurene ay hindi mahirap basahin, na katulad niya, may hinahangad din ito.

May nararamdaman pa rin pala ito para kay Marcus.

Bigla na lamang gumihit ang ngisi sa labi ni Demetri.

Well, well, well.

This could work out perfectly. May dalawang linggo pa bago ang kasal.

Dalawang linggo para siguraduhin na hindi kailanman magiging asawa ni Marcus si Snow.

At hindi siya mag-aaksaya ng oras para gawin iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )   Congratulations!!!

    Whoa! You Made It! If you're reading this… wow. You stuck with me ‘til the very end and for that, you deserve a medal. Eme hahaha. By the way, thank you very much for riding the rollercoaster of chaos, drama, heartbreak, and epic moments with me. I laughed, cried, and yes... I got mad at my own characters, just like you probably did. They have minds of their own, I swear. This may be the end for now, but the series will go on. If you enjoyed the journey, don’t forget to leave a comment or drop a rating! And hey—if you don’t feel like doing both because you’re feeling shy or just don’t want to, just hit the like button below so I know you finished reading this book. Until the next wild ride, - ANNE LARS

  • The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )   118 - Finale Pt.2

    Nakita ko kung paano siya napalunok, kung paano bumigat ang paghinga niya habang nakatitig sa katawan ko. Hindi niya itinago ang paghanga sa kanyang mga mata. Lumapit ako sa kanya, marahang hinawakan ang kanyang baba at iniangat ito upang magtama ang aming mga mata. Dahan-dahan kong pinadulas ang mga daliri ko pababa sa kanyang leeg, hanggang sa marating ko ang suot niyang necktie. I held the tie between my fingers and slowly, sensually, removed it from his collar. Hindi siya kumibo. Tahimik lang niya akong pinanood habang isa-isang lumuluwag ang buhol ng necktie niya sa ilalim ng aking mga daliri. Nang tuluyan ko iyong matanggal, kaagad ko iyong ibinigay sa kanya. At ngayon, nakatingin lang siya sa akin, ngunit sa kanyang mga mata, nababasa ko na ang kasunod na mangyayari. Pinagdikit ko ang dalawa kong kamay sa harapan niya, habang nakititig lamang sa kanya, at walang pag-aalinlangang sinabing... "Tie me now." Bahagyang napaawang ang kanyang bibig, tila nagulat sa sinabi ko. "A

  • The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )   117 - Finale Pt.1

    Noong tuluyan na silang maglaho sa paningin ko. Ramdam ko na parang may dumagan na bigat sa dibdib ko habang pinagmamasdan silang unti-unting nawawala sa paningin ko. Nang hindi ko na sila matanaw, napabuntong-hininga ako at nagdesisyong bumalik sa cabin. Pagkapasok ko sa loob, isinara ko ang pinto at napasandal saglit dito. Tila nawala lahat ng lakas ko. Tumungo ako palapit sa kama. Mula sa pagkakatayo, halos matumba ako sa rito. Naupo ako roon, saka dahan-dahang isinampa ang aking mga paa at niyakap ang aking mga tuhod. Walang tunog sa buong silid, tanging mabibigat kong paghinga ang maririnig. At doon na ako bumigay. Bumagsak muli ang mga luha ko. Para silang malakas na buhos ng ulan na matagal nang pinipigil ng langit. Muling sumagi sa isipan ko ang lahat ng pinagdaanan naming apat, ang sakit ng bawat sugat na iniwan ng nakaraan, ang sakripisyong kinailangan naming gawin para sa pagmamahal, ang kasinungalingang pumuno sa pagitan namin, ang pagtatraydor na naglagay ng lamat sa t

  • The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )   116 - The Last Goodbye

    Natigilan ako nang biglang sumunod si Feurene sa mag-ama, may dala siyang payong. Maalinsangan kasi ang panahon kahit walang araw. Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit sa dalawa, dumako ang tingin niya sa akin. Napahinto siya. Nagtagpo ang mga mata namin. At sa sandaling iyon, napansin rin ako ni Marcus. Mula sa masayang tagpo ng isang pamilyang naglalaro sa dalampasigan, bigla na lang silang parehong nakatingin sa akin. Hindi ako nag-alinlangang lumapit. Tatlong metro na lang ang pagitan namin nang ngumiti ako. "Hi! How are you?" bati ko sa kanila, bago ko nilingon ang batang karga-karga ni Marcus. Napakaganda ng bata, kitang-kita ang pinaghalong katangian nina Marcus at Feurene. "How old is she?" tanong ko kay Marcus. "Two years old," sagot niya sa mahinahong tinig. Tumango ako bilang tugon. Muli kong ibinaling ang tingin kay Feurene, ngunit hindi siya makatingin sa akin. "Hindi mo ba na-miss ang pag-arte, Feurene?" tanong ko sa kanya. Noon ko lang siya nakitang lumingon,

  • The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )   115 - He's Alive Pt.2

    Maging ang paghinga ko ay tila nahinto. Ang lalaking iyon… Nakita ko kung paano siya may ibinulong kay Mayor, at agad namang tumango si Mayor sa kanya. Ilang sandali lang ay dahan-dahang iniangat ng lalaki ang kanyang tingin at nagtama ang mga mata namin. Nanlaki ang mga mata ko. M-Marcus... He is alive! Kaagad siyang umiwas ng tingin. Kahit mahaba na ang kanyang buhok at may balbas pa siya, sigurado ako—si Marcus iyon. Habang hawak ko pa rin ang mikropono, nagpatuloy ako sa pagkanta. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, hindi alintana ang bigat ng damdamin ko sa sandaling iyon. Pilit kong pinanatili ang kumpiyansa sa boses ko, hanggang sa natapos ko ang kanta. Nagpalakpakan ang mga tao, at kasama na siya sa mga pumalakpak. "Isa pa!" sigaw ng crowd, halatang gusto pa nilang marinig akong kumanta. Hindi ko sila binigo. Muli kong tinugtog ang electric guitar at sinimulan ang panibagong kanta. Sa buong pag-awit ko, naroon lamang siya sa likod ni Mayor, nakiki-jamming sa musika

  • The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )   114 - He's Alive Pt.1

    **Snow's POV**"Miss Snow, smile ka naman diyan," request ni Salim. Siya ang photographer at videographer na kasama namin for documentation para sa aming community outreach dito sa Isla ng South View Pablo.Kakadaong lamang namin sa pantalan gamit ang isang superyacht na pagmamay-ari ng isa sa mga boss ng Sandstorm Management. Walang special treatment sa SM, talagang pinagamit lang nila sa amin ang yate para hindi na mahirapan ang team namin na makarating sa islang pupuntahan. Malayo pa naman ito sa mainland.Habang bumababa ang anchor ng yate, ramdam ko ang banayad na paggalaw ng tubig. Ang hangin ay preskong-presko, dala ang halimuyak ng dagat at sariwang hangin mula sa isla. Sa di-kalayuan, kitang-kita ang dalampasigan na may puting buhangin. Napapalibutan ang isla ng malalaking puno ng niyog at makukulay na bahay-kubo. Kahit nasa laot pa lang kami, rinig na ang masasayang tugtugin at hiyawan ng mga tao.Napilitan akong ngumiti habang kinukunan ako ng litrato ni Salim."Ayos na?" t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status