Share

Kabanata 2: Kamalasan

SA tanang buhay ni Reina, ngayon lamang niya tatawaging swerte ang kaniyang sarili. Matapos ang aksidente noong nakaraang buwan at buhay pa rin siya, sapat na iyon para matawag siya na swerte.

"Ms. Reina," mabilis pa sa alas kwatrong nahiga si Reina sa kama niya at nagpanggap na tulog.

"Ms. alam ko po na gising kayo, nakapalit na kayo ng damit at may make-up na po kayo sa mukha," anang nurse na pumasok sa kaniyang silid.

"Umalis ka muna, iwan mo na ako masakit ang ulo ko," katuwiran niya sa nurse, hindi man lang ito tinapunan ng tingin. 

"Pinapauwi na po kayo ni Doc. Ilagan," halos araw-araw na niya iyong naririnig sa lahat ng nurse at doktor na tumitingin sa kaniya. 

"Masakit nga ang ulo ko kailangan ko magpa CT-scan," palihim na irap niya, wala namang nagawa ang nurse at iniwan na lamang ang makulit na pasyenteng wala namang kahit na anong kumplikasyon.

"Reina San Agustin!" umalingawngaw ang sigaw ni Camille mula sa pasilyo ng ospital at sinisigaw ang pangalan ng kaniyang matalik na kaibigan. 

𝘪𝘴𝘢... 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢... 𝘵𝘢𝘵𝘭𝘰...

And that's my cue!

Natapos ang pagbibilang ni Reina gamit ang kaniyang isip, kasabay noon ay ang malakas na pagbukas ng pintuan sa kaniyang silid. Napapikit na lamang siya ng mariin dahil sa lakas ng pagkakabalibag ni Camille sa pintuan, halos pakiramdam niya ay yumanig ang parteng iyon ng silid.

"Hindi ba sabi ko sa'yo, umuwi ka na at doon ka na lamang sa bahay mo magpahinga kung gusto mo! hindi 'yang dito ka sa ospital nag kakampo at nagsasaya——" napahinto si Camille sa pagsesermon sa kaibigan nang makita nito na nakatakip ng unan ang tainga nito.

"Hoyy Reina! Nakikinig ka ba ha?!" marahas niyang binaklas ang unan na nakatakip sa tainga ng kaibigan. Hindi naman nito pinansin ang pagsesermon niya at nag kunwaring abala sa pagtingin sa labas ng bintana.

"Rei naman, nasasayang ang pera dito sa ospital eh. Umuwi ka na lang, maayos ka nanaman diba?" nilambingan ni Camille ang kan'yang boses upang kumbinsihin ang kaniyang kaibigan,kahit pa ang totoo ay gusto na niya itong sabunutan sa katigasan ng ulo.

"Ayoko! hindi pa ako magaling," maktol ng pasaway na si Reina. Napahawak sa kaniyang sentido si Camille dahil wala talaga siyang panama sa katigasan ng ulo ng kaniyang kaibigan.

"Cams, isang buwan pa lang ako dito," paalala nito sa kaniya na parang bang nagkaroon siya ng sakit sa limot.

"Iyon na nga Rei, isang buwan ka na dito kaya tara na uwi ka na!" hinila pa ni Camille ang kamay ni Reina, ngunit hindi niya ito madala dahil sa higpit ng pagkaka kapit nito sa kama.

"Haysttt, Rei! sumasakit ang ulo ko sayo!" pagsuko ni Camille at hinang-hinang naupo sa kama.

"Bakit ba ayaw mo pang umuwi?" usisa niya dito. "Maayos na naman ang katawan mo, pati yang puso at lamang loob mo tsaka yang ulo——argghh nevermind! Matagal ng may sira 'yang ulo mo."

"Nakikita mo ba iyong mga tao sa labas ng ospital?" tanong ni Reina na ikinatango naman ng kaharap. "Iyong mga chismoso at chismosang nagkampo sa labas ay hinihintay lang ang paglabas ko!"

"Ano naman ngayon? Ayos ka na kaya dapat ka ng lumabas dito!" giit ni Camille.

"Nakita mo naman iyong litrato ng aksidente diba? Sobrang malala ang lagay ng sasakyan ko, at ang dami din ng dugong nawala sa sakin Cams!" paiyak nang paliwanag ni Reina.

"What do you mean?" nalilitong tanong pa nito, gulong-gulo sa desisyon sa buhay ng kaibigan.

"Kung litrato ang pagbabasehan, dapat pa akong manatili sa ospital ng apat na buwan. Dapat nga ngayon comatose pa ako dahil sa tindi ng banggaan eh. Pero dahil swerte ako, maski bali sa katawan wala!" hindi na napigilan ni Reina na mapasigaw dahil hindi siya maunawaan ng kaibigan.

"Eh ano naman? Bakit kailangan pang hintayin ang apat na buwan, you're okay and safe so tara uuwi na tayo!" muling hinila ni Camille ang kamay ni Reina ngunit ayaw talaga patinag ng dalaga. Sa huli ay sumuko din si Camille.

"Pag lumabas ako dito ng wala pang apat na buwan. Iisipin ng publiko na pineke ko ang aksidente para makuha ang atensyon ng mga tao," bulong ni Reina na nakakuha ng atensyon ni Camille. "Sasabihan nanaman nila ako na papansin dahil do'n."

Napabuga ng hangin si Camille sa narinig. Ayos lang naman sa kanila at sa pamilya ni Reina na umuwi na ito. Ipinag-papasalamat pa nga nila na wala itong kumplikasyon buhat sa aksidente. Pero dahil artista sila lahat ng ginagawa nila ay hindi nakakaligtas sa camera at chismis ng netizens.

"Pero Rei, ubos na ang pera mo kakabayad sa pamamalagi mo dito. Daig mo pa ang nag-hohotel!" katuwiran niya, umaasa na makumbinsi pa ang kaibigan.

"HUWAAAT?!" halos umusok ang ang ilong ni Reina sa narinig. "Akala ko ba sagot ng kumpanya ang pag-papagamot ko dito?!" 

Mula sa pagkakahiga sa kama ay napatayo si Reina habang nagtatatalak.

"Rei, sagot lang ng kumpanya ang mga gamot at iba pang kailangan sa pag-papagamot mo,pero hindi kasama ang pagkakampo mo dito dzuh," may halong pang-iinis na ani Camille. "Tsaka hindi ka naman star artist para sagutin nila lahat ng gastusin mo dito eh."

"Hindi star artist?" pag-uulit ni Reina sa sinabi ng kaibigan sa tono na may kasarkastikuhan. Tumango ito at nag puppy eyes pa sa kaniya. "Edi ikaw na ang star artist!" 

"Talaga!" irap ni Camille at sabay silang natawa matapos niya itong sabunutan ng peke.

"Aalis na ako may tatapusin pa kaming shooting sa pelikula. Alam mo naman pag 'star artist'," pinagdiinan pa talaga nito ang ang nahuling dalawang salita bago siya kinindatan. "Bye best friend mwa!"  

Maarteng tumayo si Camille at tinungo na ang daan palabas ng silid matapos siya nitong halikan sa pisngi.

Nakahinga ng maluwag si Reina nang maka-alis ang kaniyang kaibigan.

"Sa wakas... kapayapaan!" natatawang usal niya bago muling nahiga. Hindi pa man nag-iinit ang kaniyang likod sa kama ay bumukas na muli ang pintuan ng silid niya.

"Rei,"

"Binabawi ko na, hayst delubyo," lantaran ang naging pag-irap ni Reina nang makita si Lazaro.

"Anong kailangan mo?!" mataray na tanong niya sa dating kasintahan.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito, hindi nakaligtas sa paningin ni Reina ang punpon ng bulaklak na dala nito. Kung sa ibang pagkakataon ay baka abot langit na ang kilig na nararamdaman niya dahil tulip ang dala nitong bulaklak. Pero hindi ngayon. Matapos siya nitong i-reject!

Lamunin nya ang tulip n'ya hmp!

"Eto, wasak ni reject mo diba?" may halong pait ang kaniyang pang-aasar.

" Rei, seryoso ako. Let's not talk about that thing," malumanay na paki-usap nito. " Kumusta ka na?"

"Kita mo naman buhay pa," walang kabuhay-buhay na sagot niya habang inaabot ang bulaklak. "Ano to? Suhol sa pagtanggi mo sa akin?" 

Narinig niya ang pagpapakawala ni Lazaro isang malalim na buntong hininga.

"Rei, maniwala ka hindi ko gustong saktan ka," mahinahong anito na ikinatawa niya.

"Tss, hindi mo sinasadyang sabihin na hindi ako ang tamang tao para sayo," panggagaya niya sa linya nito noong gabing inalok niya ito ng kasal.

"Rei naman wag mo naman akong tratuhin ng gan—" 

"Reina!!!!" 

Padarag na bumukas ang pintuan ng silid ni Reina. Iniluwa noon si Leo na nakasuot pa ng 𝘓𝘢𝘣 𝘤𝘰𝘢𝘵 at humahangos.

"Oh buhay ka pa palang lintres ka? Wala dito si Camille, makakalayas ka na!" hindi itinago ni Reina ang inis na nararamdaman niya kay Leo. Ang ika siyam niyang ex. Ngunit tila bingi ito at nagawa pang isara ang pintuan saka naglakad patungo sa direksyon niya.

"Bingi ka? Wala dito ang kaibigan ko, kung iyon ang pakay mo," muli, hindi siya pinansin ni Leo. Tumango ito kay Lazaro bago naupo sa upuang malapit sa kama niya.

"Bakit ka napadpad dito Leo?" kaswal na tanong ni Lazaro at naupo sa sofa malapit sa bintana.

"Ano to? Reunion of exes?" sarkastikong tanong ni Reina sa kanilang dalawa. Nailing na lamang si Leo at Lazaro dahil sa kagaspangang pinapakita sa kanila ni Reina.

"Rei, may kailangan ako sayo," malambing na ani Leo habang may malapad na ngiti. 

Sinamaan agad ni Reina ng tingin ang kaharap, ngunit mas lalo lamang nitong nilakihan ngiti sa labi.

"Anong akala mo sa akin uto-uto? Bakit ko naman ibibigay ang kailangan mo aber?" nanghahamon na tanong ni Reina. Agad na tumayo si Leo at inabot sa kan'ya ang larawan na galing sa 

Lab coat nito.

"Nakikita mo 'yan diba, iyan ang litrato ng naganap na aksidente noong nakaraang buwan kung saan ikaw ang bikti—" 

"Nakikita ko I'm not blind?!" pagputol ni Reina sa mga sinasabi pa ni Leo. "Deretsuhin mo na ko kung anong kailangan mo pwede ba?!"

"Sige! Iyong truck na nakabangga sa'yo ay naglalaman ng isang bangkay——no a dormant body I mean at iyon ang main subject ng research namin ni Professor Alejandro," huminto ito sandali at iniabot kay Reina ang litrato ng isang kulay itim na ataol at isang litrato ng lalaking matangkad pero hindi niya maaninag ng maayos ang mukha ng lalaki dahil sa may kalumaan na rin ng naturang litrato. 

"Ano to?" nagtatakang tanong ni Lazaro kay Leo, habang sinisipat ang hawak ni Reina.

"A picture duhh," pambabara ni Reina kay Lazaro.

"Yan ang dormant body na nasa loob ng kabaong," itinuro nito ang litrato ng lalaki. Sunod ay ang picture ng kaniyang sasakyan at ng truck na nakabangga sa kaniya nang gabing iyon.

"At yan ang truck na sinasakyan ng kabaong. Noong magkabanggaan, tumalsik ang kabaong at nawasak. Kasabay noon ay ang pagkawala ng dormant body na naroon," seryosong paliwanag ni Leo. 

Nagsalubong ang kilay ni Reina at naguguluhang tiningnan si Leo.

"Anong koneksyon ng pagkawala ng bangkay——dormant body kay Reina?" bago pa man maitanong ni Reina ang nilalaman ng isip ay naunahan na siya ni Lazaro. 

Kumumpas si Leo sa hangin sabay agaw kay Reina ng mga litrato. May nakapaskil na ngisi sa kaniyang labi na para bang sinasabi noon na 'nagwagi siya at nakuha ang nais kay Reina'  

"Kung titingnan natin ang anggulo ng litrato at ang aktwal na pangyayari noon sa aksidente, malamang ay imposibleng mabuhay ka pa Reina," tugon nito, agad namang nagpantig ang tenga ni Reina sa narinig.

"Walanghiya ka! Anong gusto mong iparating na dapat patay na ako ha?!" hesterikal na tanong ni Reina kay Leo at pinaghahampas dito ang bulakalak na ibinigay sa kaniya ni Lazaro, panay naman ang salag ni Leo sa bawat atake ni Reina.

"Teka! Sandali lang, kumalma ka nga Rei!" singhal ni Leo at inayos ang nagulong buhok. "Pakalmahin mo nga 'yan Laz!"

"Bitawan mo nga ako, siraulong lalaki yan gusto pa akong patayin!" gigil na nagpumiglas si Reina sa pagkakayakap sa kaniya ni Lazaro.

"Kalma muna Rei, pakinggan mo muna si Leo," kalmado at puno ng awtoridad na ani Laz, kaya naman kahit nagpupuyos pa ng galit si Reina ay nanahimik na ito at naupo.

"Nasan na nga ulit ako?" tanong ni Leo. "Ahh iyon sa aksidente! Matagal ng gustong pag-aralan ni Professor Alejandro ang bangkay na iyon na halos isang daang taon ng nakatago sa museum. At noong nakaraang buwan sana ang chance namin na mag perform ng experiment, kaso nga ay nawala naman ang subject namin. Ayon kay Professor Alejandro maaring hindi talaga patay ang bangkay na iyon at natutulog lamang." 

"Oh tapos?" bagot na bagot na tanong ni Reina.

"Imposibleng mawala ang bangkay na iyon sa mismong oras ng aksidente," naupo muli si Leo sa pwesto nito kanina at tumingin kay Reina.

"Bago ka nawalan ng malay Rei, may napansin ka bang kakaiba o kahina-hinala sa paligid mo noong mga oras na iyon?" saglit na nag-isip si Reina at binalikan ang pangyayari noong gabing iyon ngunit wala naman siyang maalalang kakaiba.

"Wala naman, bukod sa sobrang sakit ng buong katawan ko ay wala na," sagot niya para matapos na ang kaka-usisa sa kaniya ni Leo na sa tingin niya ay nababaliw na. 

"Rei, baka naman may maalala ka oh baka kasi napansin mo 'yong katawan, sabi kasi ni Prof. baka daw nabuhay iyong dormant body at nagtatago lang kung saan." napangiwi si Reina sa sinabi ni Leo.

"Baliw ka ba? Or maybe na hook ka sa mga pinapanood mong fantasy movies?!" hindi maka-paniwalang tanong ni Reina sa lalaki.

"Seryosong usapan to, Rei. Maaring ang dugo mo ang pumalit sa nawalang dugo ng natutulog na bangkay kung kaya ito nagising," giit ni Leo, na siyang ikina-iling ni Laz at Reina.

"Tol, huwag mo ng idamay si Reina sa mga kabaliwan n'yo ni Prof. Alejandro," tinapik ni Lazaro ang balikat ni Leo na agad din namang tinampal ng huli palayo.

"Seryoso ako Rei, it's either the dormant body was kidnapped... or it disappeared by himself," pilit na pangungumbinsi ni Leo kay Reina. Napahawak na lamang siya sa kan'yang noo dahil sa labis na kunsumisyon kay Leo.

"That's crazy!" sabay nilang komento ni Laz na sinamahan pa ng matinding pag-iling.

"Leo, alam mo umalis ka na, nababaliw ako sa mga pinagsasabi mo eh," itinuro niya ang pinto. Naiiling naman na lumabas doon si Leo.

"Rei..." si Lazaro naman ang nagsalita. Mabilis na itinaas ni Reina ang kan'yang kamay. 

"Labas!" mahinahon ngunit puno ng awtoridad na utos niya kay Lazaro. 

Walang nagawa si Lazaro kundi sundin ang pikon na si Reina. Naglakad siya papunta sa pintuang nilabasan ni Leo

"Lazaro sandali!" bumalik si Lazaro at nagtatakang tiningnan si Reina.

"Bakit?"

"Make sure to take Leo at the mental facility, malala na ang isang 'yon," naiiling na anito saka nagtalukbong ng kumot.

'𝘐𝘵'𝘴 𝘦𝘪𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘥𝘰𝘳𝘮𝘢𝘯𝘵 𝘣𝘰𝘥𝘺 𝘸𝘢𝘴 𝘬𝘪𝘥𝘯𝘢𝘱𝘱𝘦𝘥' that's crazy!

'𝘰𝘳 𝘥𝘪𝘴𝘢𝘱𝘱𝘦𝘢𝘳𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘩𝘪𝘮𝘴𝘦𝘭𝘧.' and that's crazier!

"Ahhhhh!!! Baliww!!!" inis na pinagsisipa ni Reina ang mga unan na nasa kan'yang kama. Napahinto lamang siya nang mamataan ang isang lalaking nakatingin sa direksyon ng silid na kaniyang inuukupa. Kahit pa nasa malayo ang lalaki ang ramdam ni Reina ang tingin nito mula sa labas. Mas lalo siyang kinilabutan nang maalala ang sinabi ni Leo.

Could it be the dormant body? He's finally awake and he's after me?

"No! Hindi dapat ako nagpapaniwala sa baliw na Leong iyon. Kulang ako sa tulog. Tama! tutulog na lang ako. " kumbinsi niya sa sarili at pinilit na lamang na matulog, at pilit inaalis ang mga imagination sa kaniyang isip.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status