Share

Kabanata 4: Koneksyon

A/N: This chapter is unedited. Beware of typos. Enjoy and thank you in advance πŸ₯°

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin mahanap ng binata ang dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso niya sa tuwing malapit siya sa babaeng nagligtas sa kaniya sa tiyak na kamatayan. Sigurado siya na hindi siya inlove sa babae, maganda ito, maputi, matangkad, ang kulay mais at natural na kulot na buhok nito ay nakadagdag lamang sa gandang taglay ng dalaga. Maging ang malalim at kulay itim na mga mata nito na tila palaging nang-aakit ay sadyang nakakahipnotismo. Kung sa iba-ibang lalaki ay tiyak na mahuhumaling na ang mga ito, unang pagkikita pa lamang. Effortless ang ganda ng babaeng iyon. Ngunit hindi siya ibang lalaki lamang. Alam niya ang pakiramdam ng umiibig, at wala namang senyales na nagsasabing inlove siya sa dalaga, ang mabilis na pagtibok ng puso niya lamang, hindi naman siya nagiging mapusok, wala siyang nararamdamang pagkasabik sa dalaga ni yakapin ito ay hndi sumagi sa isipan niya kung kaya alam niyang hindi ito pag-ibig sapagkat kahit na kailan ay hindi na siya iibig. Muli niyang binalikan ang guhit na ginawa sa buhangin, sa taas noon ay ang isang guhit na lalaki at walang pangalan, ito ang may nais pumatay sa kaniya at hindi niya maalala kung sino ito, maski ang itsura nito ay nawala sa kaniyang isipan. Hindi niya alam kung saan dapat magsimula sa paghahanap sa lalaking iyon upang mapigilan at mahinto niya ang masamang nais nito sa mundo. Nasa makabangong panahon na siya, wala nang kakilala at wala na rin naman siyang kamag-anak sapagkat nag-iisang anak ang Ama at Ina niya. Maging siya ay solong anak, kung kaya sa kaniya natapos ang saling-lahi nila.

"Kailangan ko munang matutunan ang makabangong paraan ng pamumuhay ng mga tao ngayon." aniya sa sarili habang nakatanaw sa malawak at madlim na karagatan kasama ang nag-iisang itinuturing niyang kaibigan. Ang pawikan.

Bitbit ang determinasyong pag-aralan ang kilos ng makabangong tao ay naglakad-lakad siya, nag obserba sa paligid at kung minsan ay sinusubukang gayahin ang ginagawa ng mga tao sa paligid. Sa kaniyang paglalakad ah narating niya ang librarya, pumasok siya roon at nagkunwaring magtitingin ng mga aklat na maaring basahin.

"Your membership ID Sir please?" anang babaeng taga-bantay.

"Ah, pasensya na, bago lang ako rito, wala akong membership ID?" aniya kahit hindi tiyak ang ibig sabihin ng babaeng kaharap.

"Gano'n ba? Sige bigyan na lang kita Sir. Paki fill out na lang ako nito." Inabot nito sa kan'ya ang panulat at papel na may ilang katanungan. Matapos magsagot ay agad siyang binigyan ng maliit na card saka siya pinapasok. 

Nilibot niya ang buong librarya, kumuha na rin siya ng mga librong alam niyang makakatulong sa pag-aaral niya. Sa kaniyang pag-lilibot ay nadako ang tingin niya sa isang teknolohiyang kinakalikot ng mga taong naroroon. Gustuhin man niyang magtanong ay hindi na niya ginawa. Computer. Iyon ang tawag sa teknolohiyang iyon, salamat sa librong naroroon sa librarya at nalaman niya kung paano iyon ginagamit. The perks of being a fast learner. 

Mula noong araw na iyon ay napadalas ang pagpunta niya sa librarya pati na ng paggamit sa computer, mas madaling gamitin at hanapin ang mga bagay-bagay mula sa teknolohiyang iyon kaysa sa mga libro. Hindi naman siya nahirapan dahil bihasa naman siya sa wikang Ingles sapagkat nakapag-aral siya noon sa EspaΓ±a at isa sa mga wikang itinuro sa kanila noon ay ang eikang Ingles.

"Girl! Ang gwapo n'ya." Hindi niya pinansin ang bulungan ng mga babaeng kasama niya sa librarya at pinagpatuloy ang pagababasa ng artikulo tungkol sa nakaraang panahon.

"Wala pa rin akong mahanap na impormasyon. Ang mga artikulo noong panahon ko ay tumigil sa panahon kung saan nakalaya ang Pilipinas mula sa pagkakasakop ng iba't ibang bansa." Nahihirapang usal ng lalaki, ang pawikan na kasama niya ay nakatingin lamang sa kaniya.

"Kahit saan ako umikot isa lamang ang taong makakatulong sa akin. Ang babaeng iyon." Nahulog siya sa malalim na pag-iisip kung paano lalapitan ang babae.

GAYA ng tipikal na araw at nakakulong lamang si Reina sa kaniyang bahay habang naghihintay na ipatawag muli ng kanilang network, pero habang wala pa siyang tawag na natanggap ay pinakasya na muna niya ang sarili sa panonood ng mga pelikula at kung ano-ano pa. Nahinto sa panonood ng huling pelikula na kanilang ginawa ni Camille nang maramdaman nanaman niya ang kakaibang bilis ng tibok ng kaniyang puso, parang nagkakaroon ng karera sa loob ng rib cage niya at nais kumawala ng puso niya roon. Kinapa niya ang dibdib, ganoon pa rin ang tibok ng kaniyang puso. Tumayo siya at akmang isararado na ang kurtina sa kaniyang balkonahe nang makita nanaman niya ang kaparehong lalaki na nakita niya sa balkonahe ng ospital, gaya noong una niya itong makita nakasuot ito ng itim na T-shirt at jacket. 

"S'ya ulit? Ibig sabihin hindi siya multo?" tanong niya sa sarili habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa lalaki. Dali-dali siyang lumabas ng kaniyang bahay at nagpunta sa garahe, naroon ang lalaki sa kabilang daan sa lilim ng isang Puno nakatayo at nakatingin sa direksyon niya. Nakipagsukatan siya ng tingin sa nasabing lalaki habang hawak pa rin ang bandang dibdib kung nasaan ang kaniyang puso ay mabilis pa rin ang ginagawang pagtibok. 

"Please stay calm my heart. Alam ko na medyo pogi s'ya ng slight, pero hindi naman yata tama na gan'yan agad kabilis ang tibok mo. Ano 'to love at first sight?" Pagkastigo niya sa kaniyang sarili.

"It's late, what are you doing here?" Nahinto si Reina sa akmang pagtawid nang biglang magsalita si Lazaro sa tabi niya. Awtomatikong tumalim ang kaniyang paningin nang makita ang lalaki. Kung Diyos ay mapagpatawad, pwes siya ay hindi! lalo kung si Lazaro naman ang patawarin niya.

"It's late, what are your doing here?" Pang-gagaya niya sa tanong ng lalaki. Napakamot na lamang ito sa kaniyang batok dahil sa ginawa niya. 

"Pauwi na rin ako, naisipan ko lang dumaan para i-check ka. Ikaw Anong ginagawa mo? Gabi na ah, saan ka ba pupunta pa?" Kalamadong tanong ng lalaki kay Reina. Agad namang kinain ng konsensya si Reina dahil sa pagsusungit niya.

"I was going to approach a handsome guy right there but unfortunately you arrived," sadyang nilungkutan niya ang tono ng kaniyang boses habang nakaturo sa kinaroonan ng lalaking nakita niya kanina. Nagbabakasali na makakaramdam ng selos si Lazaro. Tiningnan naman nito ang direksyon na tinuro niya nang naka-kunot ang noo. 

"Wala naman ah," anito habang pilit sinisipat ang direksyong iyon. 

"Malamang umalis na, epal ka eh!" Inirapan niya ito nago siya nagmartsa paalis. 

"Hatid na kita sa bahay mo," habol ni Lazaro sa kaniya. Huminto siya at itinuro ang bahay sa harapan niya.

"Bahay ko na ito Lazaro, makakalayas ka na," naiinis na ani Reina at muling nagpatuloy sa paglalakad. Pero sadya yatang pinaglihi si Lazaro sa kakulitan at hinatid pa siya sa harapan ng kaniyang pintuan. 

"Good night Rei," nakangiting anito na agad inirapan ni Reina. Marupok siya sa mga ngiti ni Lazaro.

"Walang good sa gabi ko at nandito ka Lazaro," mabilis niyang isinarado ang pintuan, natatakot na makita pa niya ang sakit na guguhit sa mga mata ni Lazaro dahil sa sinabi niya kung mayroon man.  Napahawak siya sa kaniyang dibdib nang makapasok sa loob ng kaniyang bahay dahil sa bilis ng tibok ng kaniyang puso. 

"Tatagan mo pa, nakakaya mo rin na harapin siya sa mga susunod pang mga araw," kumbinsi niya sa kaniyang sarili. Sinilip muna ni Reina kung nasa labas pa si Lazaro nang matiyak na umalis na ang binata ay saka n'ya lamang iini-lock ang kaniyang pintuan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status